After we had our lunch, nagdesisyon kaming mag-bowling na lang muna. Mamayang gabi ko planong kausapin si Zendrick. Gusto ko muna siya bigyan ng space para pahupain ang galit niya. Hindi naman kasi kami puwedeng mag-usap habang galit siya dahil magtatalo lang kami. Buti na lang din talaga ay nandito si Oliver kundi, eh, baka ma-bore lang ako rito sa Resort dahil wala si Clarisse. Wala akong kasama mag-bonding. Itong pagbo-bowling din ang isa sa mga favorite bonding namin. Magaling kasi si Oliver sa ganito habang ako naman ay natuto lang nang turuan niya ako. Kinagabihan ay dumating naman ang mga barkada ni Oliver. Iyon yung mga dating kaklase at kaibigan niya. Hinayaan ko na lang muna sila mag-bonding at bumalik na muna ako ng kwarto para magpahinga. Pagkarating ko ng kwarto ay sinubuk

