Kaagad akong yumukod nang bahagya sa kanila at binati silang pareho. “Is William inside?” tanong ng ama ni William sa baritonong boses. “Yes, sir.” Kasing gwapo siya ni William kahit may edad na. Ang pagkakaalam ko nasa pangalan niya pa ang kompanyang ito. Hindi pa napapasa sa anak niyang si William. Kaagad kong binuksan ang pinto para sa kanila. Ang babae naman ay nakatitig lang sa akin na para bang kilala niya rin ako. ‘Wierd..’ tanging nasambit ko sa aking isipan habang napapasunod na lamang ng tingin sa kaniya. Nakita ko ang naging reaksyon ni William nang makita niya ang kaniyang ama. Para bang hindi siya masaya. Iniwan ko na lamang sila kaagad upang makapag-usap ng pribado. Balisa ako nang makarating sa aking area. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon–pinaghaluhalo.

