CHAPTER 18 – KIDUL

2302 Words
Umayos ako ng tayo nang lumabas na si Liliane sa silid ng musmos. “Nakatulog na siya?” Tumango ang dalaga at lumapit sa akin. Agad niyang inihawak sa aking braso ang kanyang kamay. “Sinabihan ko ang katulong na huwag siyang iiwan na mag-isa. Nang malinis namin ang kanyang katawan ay napansin namin na may mga latay siya at iilang sugat. Payat na payat din ang bata.” Kumuyom ang aking kamao habang naririnig ang mga sinasabi ni Liliane. “William, sino ang bata na iyon?” “Hinatulan ni Haring Sanjo ng bitay ang mga kapatid niya sa harap ng Kapitolyo.” Napasinghap si Liliane at naitakip nito ang kamay sa kanyang bibig. “Akala ko ay tapos na ang panahon ng pagbitay sa mga bata.” Napahinto ako nang marinig ang binanggit ni Liliane. Tumingin ako sa kanya. “Panahon?” Tumango ito at napalunok. Kumislap sa kanyang bilugang mata ang kalungkutan. “Noong panahon ni Haring Ashmir, walang limitasyon ang kung sino ang pwedeng ibitay. Basta nagkasala ay bibitayin kaagad.” “Bakit?” Nagkibit-balikat ang dalaga. “Sabi niya ay iyon ang sagot para sa kapayapaan ng Arachnida. Pero iyon din ang naging dahilan kung bakit sumiklab ang unang digmaan. Dahil mas malakas ang pwersa ng Carapace ay natalo ang mga bandido at wala ng nagawa kung hindi tanggapin na iyon na ang batas.” Hinawakan ko ang mga kamay ni Liliane at dinala iyon sa aking labi. Napansin ko ang pagpula ng kanyang pisngi. “Lia, alam kong may ginintuang puso ka. Mabigat ba kung hihilingin ko na ampunin natin ang musmos na iyon?” “William—” “Pinagkait sa iyo na maging magulang. Pero ito na, binigyan ka ng pagkakataon na ipakita sa lahat na magiging isa kang mabuting magulang.” Sandali itong hindi umimik at pagkatapos ay sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Tumango ito. “Masusunod, asawa ko.” “Salamat, Lia.” Kinabukasan ay sabay kaming nag-aalmusal ni Liliane. Habang humihigop ako ng kape ay nakikinig ako sa mga kuwento nito tungkol sa kanyang pagbuburda at pag-aalaga ng halaman sa hardin. Bilang kabayaran sa mabuting loob na pinakita niya ay pinakikinggan ko lang ang kanyang kwento kahit na ang iilan doon ay wala ng silbi. Natigil ang aming pag-uusap nang bumukas ang pinto at tumakbo ang bata na inuwi ko kagabi. Hinabol siya ng kanyang katulong. Nang maharang siya ay agad itong nagtago sa ilalim ng mesa. “Bata, tara na rito. Hindi ka namin sasaktan, pangako.” Maski si Liliane ay sumali na rin sa paghabol sa kanya. Gumalaw ang mesa na para bang lumilindol dahil sa pagdami ng humahabol sa kanya. Lumabas ito sa ilalim at nang makita ako ay agad na lumapit sa akin. Umakyat ito sa aking kandungan at ibinaon ang mukha sa aking dibdib. Nanginginig ang kanyang katawan at namumuo ang luha sa mga mata nito. Tinapik ko ang kanyang likod. “Cain.” Pinunasan ko ang tumulong luha sa kanyang pisngi. “Simula ngayon ay Cain na ang pangalan mo.” “Ca… in… Ca… in…” nabubulol na ulit nito. Tumango ako at tumayo habang buhat pa rin ito. Sumabay sa aking paglalakad si Liliane kaya’t hinarap ko si Cain sa kanya. “Siya ang magiging bago mong ina.” Pinunasan ng maliit na braso ni Cain ang kanyang mukha at suminghot ito. “Ina.” “Oo, tama. Ako ang magiging ina mo, Cain. Pangako, proprotektahan kita.” Lumipat si Cain sa bisig ni Liliane. Napansin ko ang pagkislap ng mga ni Lia nang maramdaman ang init ng yakap ng musmos. Nauna na itong maglakad at hindi na nito napansin na wala na ako sa kanyang tabi. Focus na focus ang dalaga sa pag-aaruga sa musmos. Naglakad ako palayo sa kanila at lumabas ng mansyon. Dumiretso ako sa kwadra ng mga kabayo. “Baron William,” bat isa akin ng tagapagbantay. “Ilapit mo sa akin si Dilim,” banggit ko sa pangalan ng aking kabayo na kulay itim. Ilang sandali lang ay lumalakad palapit na sa akin ang kabayo. Sumakay ako roon. “Kapag hinanap ako ni Liliane, sabihin niyo na nangaso lang ako.” “Masusunod po, Baron.” Pinatakbo ko si Dilim papasok sa kakahuyan. Sumilip sa aking bulsa si Auriel. “William.” “Bakit?” “Naramdaman ko ang presensya ng diwata ng lupa— si Kidul.” Pinahinto ko ang kabayo at tumingin sa paligid. Hindi nagtagal ay may sibat lumipad mula kung saan. Agad kong naiwasan iyon kasabay ng paghalinghing ng kabayo. “Hindi ako naparito para guluhin ka. Makikiraan lang kami.” Gumalaw ang mga puno paikot sa amin at nagsilaglagan ang ilan sa mga dahon niyon. “Kilala kita,” may bumulong sa akin ngunit nang lumingon ako ay wala akong nakita. “Naaamoy ko sa dugo mo ang Diyos na si Rubitta.” Hindi ako umimik at nanatiling alerto. Tingin ko ay nagtatago ito sa mga kakahuyan. “Kidul!” Tuluyan ng lumabas si Auriel sa aking bulsa. “Diwata ng lupa!” “Auriel, diwata ng tubig,” bati niya ngunit hindi pa rin ito nagpapakita. “Wala kaming balak na isama ko o humingi ng tulong s aiyo. Hayaan mo kami na makalabas sa iyong mahika.” “Alam na ng nilalang na iyan ang aking tahanan. Tingin mo ay basta-basta ko nalang kayo hahayaan na makalabas?” Napangiti ako. “Ang diwata ng lupa at may lakas ng tatlong hukbo ay takot sa isang mortal? Baka mali ang narinig kong mga kwento na tungkol sa kanya, Auriel.” Lumipad sa harapan ko si Auriel. “Ano ang ginagawa mo? Kapag ginalit mo si Kidul—” “Ano?” “Baka hindi na tayo nakalabas dito.” “Masaydo kang nag-aalala, Auriel.” “Wala akong laban kay Kidul. Hindi kita mapoprotektahan kapag nagkataon.” Bumaba ako ng kabayo. Mas lalong lumakas ang lagaslas ng kakahuyan. “Natatakot ka sa akin, Kidul?” Sa isang iglap lang ay naangat na ang paa sa lupa at tumama ang likod ko sa malaking bato. Dumulas ako pababa at napaubo dahil sa pwersa na tinamo ng katawan ko. “Isang hangal lang ang matatakot sa isang katulad mo, mortal!” Tumayo ako at napangiti. Hinawakan ko ng isang kamay ko ang kabilang balikat at iniikot ang bung braso. “William—” Inabot ko ang tuyong sang ana nakasandal sa malaking bato. Binali ko iyon at naglakad papunta sa gitna. Ang ayoko sa lahat ay pinaglalaruan ako. “Isa kang mahinang nilalang na kinakailangan ang mga diwata upang protektahan ka.” “Masyado ka ng maingay, diwata ng lupa. Bakit hindi ka nalang kumain ng alikabok hanggang sa mabulunan ka?” Nakita ko kaagad ang bato na papunta sa aking direksyon kaya nakaiwas ako agad. Nagtuloy-tuloy ang pagbato nito sa akin ngunit mabilis kong naiiwasan iyon. Sa mundo ko ay bala ang iniiwasan ko— ang sanga at bato ay wala na sa akin. Mali si Kidul sa kinakalaban niya. Habang ginagawa niya iyon ay hindi ko inalis ang pag-obserba sa paligid— kailangan kong malaman kung nasaan ang diwata na iyon. Paglapag ng mga paa ko sa lupa ay pumasito ako at binato sa kagubatan ang matulis na sanga. “Ack!” Naglakad ako patungo sa lugar kung saan ko binato ang sanga. Huminto ako nang makita ang maliit na kuweba. Nakalabas sa lupa ang sanga na binato ko. “William!” Tawag sa akin ni Auriel. “Hindi dapat nila malaman kung nasaan ako. Wala dapat makaalam,” narinig ko mahinang boses na paulit-ulit iyong sinasabi. “Kidul, lumabas ka.” “Hindi nila dapat malaman. Wala ako rito. Hindi niyo ako masasaktan.” Nagbuntong-hininga ako at tumalungko sa harap ng maliit na kweba. “Hindi ka namin sasaktan, Kidul. Naiintindihan ko kung bakit kailangan mo’ng gawin ang nangyari kanina.” “Hindi niyo kami naiintindihan. Hindi niyo naiintindihan ang pakiramdam ng mga diwata.” “William, ang diwata ng lupa ay hindi katulad namin ni Santelmo na umusbong sa bulkan at kabibe.” Malungkot ang mukha ni Auriel at nakayuko ito. “Para sa diwata ng lupa, pumili si Rubitta ng mortal para buhatin ang responsibilidad ng isang diwata.” “Ano ang ibig mong sabihin?” “Si Kidul ay naninirahan sa katawan ng isang batang lalaki.” “Ang ibig mo bang sabihin ay sumabak siya sa digmaan na nasa katawan ng isang bata?” Tumango si Auriel. “Dahil malakas si Kidul, kabilang siya sa unang hukbo. May mga pagkakataon pa na inutusan siya ng mga dating hari na iuwi ang mga ulo ng mga kalaban niya.” Napalunok ako. Kaya pala ganito ang reaksyon niya. Huminga ako ng malalim. Ang tanging magagawa ko para sa kanya ay iparamdan sa kanya na ligtas siya sa akin. Inabante ko ang aking isang paa at lumitaw ang malaki at bilog na simbulo. Humangin ang kapaligiran. Batid ko na kapag ginagamit ko ang mahika na ito ay nakikita ng mga diwata si Rubitta sa akin. Unti-unting lumabas sa Kidul sa kweba. Nagniningning ang mga mat anito habang papalapit sa akin. Ang wangis nito ay nahahawig sampung-taong gulang na bata ng lalaki. Ang kanyang damit ay gawa sa pinagsama-samang mga dahon at may nakapaikot na maliliit na sanga sa buhok nito. “Hindi kita sasaktan, Kidul.” Tumango ito habang patuloy sa pag-abante habang natutuyo ang luha sa kanyang pisngi. “Kilala mo ako. Isa akong kaibigan.” Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. “Hindi kita pipilitin na sumama sa akin, Kidul. Hindi ko rin ituturo kung saan ka naninirahan. Ito’y isang pangako.” Tumapak si Kidul sa simbulo at nagulat ako nang maging kulay luntian ang liwanag niyon. Ang memorya nito ay bigla na lamang pumasok sa aking isipan. Bumuhos sa akin ang lahat. May batang tumakbo sa aking harapan at lumuhod ito sa walang-buhay na babae. “Inay! huwag niyo pong saktan ang inay ko!” Kidul? Lumingon ako at nakita ang mga kawal na nakatayo sa harapan niya. “Ikaw ang pinili ni Rubitta upang maging diwata ng kagubatan, hindi ba? Kailangan mong sumama sa amin.” “Hindi ako sasama sa inyo! Sinaktan niyo ang aking inay!” “Siya ay hindi mo ina! Kinupkop ka lang niya habang hindi ka pa kailangan ng hari! Hindi mo na kailangan ang babae na iyan.” “Bakit niyo siya pinatay?” “Dahil ang isang tulad mo ay hindi kailangan ng kahinaan.” Lumipat ang memorya sa araw na dinala si Kidul sa loob ng palasyo. Nakaluhod ito sa harap ng sinaunang hari. Nakapiring ang kanyang mga mata at nakatali ang paa’t kamay nito. “Kidul, diwata ng kagubatan at lupa, kinagagalak kitang makilala.” Tumayo ang hari ay inilagay nito ang mga kamay sa likod. “Kailangan kita upang magtagumpay ang aking pinaglalaban.” Hindi umimiik si Kidul dahil hindi pa rin ito makapaniwala na wala na ang kumupkop sa kanya. “Ang lakas ninyong mga diwata ang susi upang manalo ako sa digmaan.” “Nasaan ang posisyon mo sa mga hukbo?” “Narito sa loob ng palasyo. Trabaho ng mga diwata na protektahan ako. Iyon ang dahilan kung bakit nilikha kayo ni Rubitta— protektahan kaming mga maharlika.” “Duwag.” Sinipa ng hari ang manipis na katawan ni Kidul. Ilang beses niya ito tinadyakan, sinabunutan, at inuntog ang ulo sa marmol na sahig. Kahit walang sugat ay tiyak na nasasaktan ang bata. Gustuhin ko man siyang tulungan ay wala akong magagawa dahil ito ay alaala na lamang. Nawala ang palasyo at biglang nagkagulo ang paligid— ang unang digmaan. Nakita ako ang apat na diwata na nagtutulong-tulong na matalo ang mga kalaban. Kahit na hapong-hapo na sila ay hindi sila maaaring tumigil. “Ibinukas ko sa iyo ang aking alaala upang malaman mo ang nangyari sa amin. Ilang beses kaming namatay at nabuhay dahil sa pagiging makasarili ng mga mortal.” Humarap ako kay Kidul. “Alam ko na may plano ka na maghiganti.” “Paano—” “Sinabuybayan na kita simula noong nagtago kayo ni Euphemia sa kagubatan. Ginagamit ko ang kagubatan upang makinig sa inyong usapan.” Naglakad siya palapit sa akin. “Ako ang nagbigay kay Duke Clowen ng apoy na rosas nang maparalisa ka sa kapangyarihan ni Auriel.” “Salamat.” Bigla kong naalala. “Alam ni Duke Clowen ang—" “Si Duke Clowen ang nag-iisang mortal na pinagkakatiwalaan ng mga diwata. Dahil sa niligtas namin ang kanyang pamilya ay nagkaroon sila ng utang na loob sa amin. Pinangako niya na ang pamilya niya ang papalit sa amin upang protektahan ang susunod na henerasyon ni Rubitta.” “Kidul, hindi kita pipilitin na sumama sa akin. Huwag mong isipin na itatali kita sa akin dahil lang sa ako ang huling lahi ni Rubitta.” “Sa bahay mo…” Nag-iwas ito ng tingin. “May mga tsokolate ba roon?” “Marami.” Napakagat ito sa ibabang labi. “Matagal na panahon na noong nakatikim ako ng tsokolate.” Napangiti ako at inilahad ang aking kamay. Ipinatong niya ang palad doon habang sa ibang gawi nakatingin. Tinanggal ko na ang malaking simbulo at bumalik sa normal ang lahat. “Mabait din ang asawa ko.” “Asawa?” “Hmm, parang ganoon pero mahabang kwento.” Lumipad si Auriel sa balikat ni Kidul. “Palaging kang nasa aking isipan, Kidul.” Mahinang tumawa ang bata habang hinahalikan ni Auriel ang kanyang pisngi. Isinakay ko na siya sa ibabaw ng kabayo bago ako. “Saan ka nga pala patungo bago kita harangin?” “Mangangaso,” simpleng saad ko. Siguradong nakatakas na ang espiya na hinahabol ko kanina kaya wala ng silbi kung itutuloy ko pa ang pangangaso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD