CHAPTER 15 – IKAW

1175 Words
Umalis ang mga kontesa pagkatapos ipaalam sa akin ang kanilang desisyon. Tatlong araw mula ngayon ay magkikita kami sa dating tagpuan upang lagdaan na ang kontrata. Kumuha ako ng baso ng alak sa mula sa nagdaang alipin at iniinom iyon habang naglalakad. Si Liliane ay masayang nakikipag-usap sa ibang kababaihan. Si Duke Clowen ay nag-iistima ng mga bisita niya. “Hindi pamilyar ang mukha mo, ginoo.” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Marahan akong lumingon at tila bumagal ang kilos ng paligid namin. Bumungad sa akin ang dalawang asul na kristal na mga mata. Nakataas ang kanang kamay nito habang may hawak na baso ng alak. Kahit na natatakpan ng maskara ang kanyang mukha ay nakakaagaw pa rin ng atensyon ang presensya nito. Inilahad ko ang aking kamay at agad niyang nilapat ang palad doon. Yumuko ako ng kaunti at dinikit ng kaunti ang labi ko sa likod ng kamay niya habang hindi pinuputol ang pagtitinginan namin. “Kinagagalak ko na makausap kayo, prinsesa.” Napalunok ito at agad na binawi ang mga kamay na para bang napaso. “Narinig ko na ikaw ang asawa ni Binibini Liliane.” Humalukipkip ito at sinuyod ako ng tingin. “Alam mo ba na si Binibini Liliane ay walang kakayahang magkaanak?" Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang siya. Nagbuga siya ng hininga at ngumiti ng mapang-uyam. “Siguro ay wala kang hilig sa bata. Tama ba, Baron William.” “Wala ako sa posisyon para baguhin ang opinion niyo, prinsesa. Ngunit ikinatutuwa ko na napukaw ko ang iyong kuryosidad.” Nanliit ang kanyang asul na mga mata. “Gustuhin ko man na mas magtagal pa ang usapan na ito ay kailangan na naming na umalis ng aking asawa.” Yumuko ako ng kaunti at tinalikuran siya. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may humawak na sa aking damit. Paglingon ko ay bahagya akong nagulat na hawak ni Euphemia ang dulo ng aking damit habang bumubutas sa akin ang kanyang tingin. “Eu— Prinsesa—” Kumurap ito ng maraming beses at binitiwan ang damit ko. Ang mga tao sa paligid ay nakamasid lang sa amin at ang iba ay nagbubulungan pa. Ngumiti ako ng tipid at nagtuloy na sa pag-alis. Natunaw na ang aking ngiti habang papalayo sa dalaga. Habang papalapit ako kay Liliane ay nakita ko kung paano itapon ni Isabel ang alak sa damit niya. Agad lumayo ang mga kababaihan kay Liliane at napayuko na lamang ito habang inuulan ng insulto ni Isabel. Hindi kumilos si Liliane at nakahawak lang siya sa kanyang maduming damit. “Lia.” Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya ngunit hindi pa rin nito iniangat ang ulo. “Ano ang nangyari sa damit mo?” Pinilit ko na magmukhang maypakielam sa nangyayari. “Isang kabastusan ang hindi magbigay galang sa prinsesa.” Mariin akong napapikit dahil nauubusan na ako ng pasensya sa lahat ng kababaihan sa mundong ito. Hayok na hayok ba sila sa atensyon ng kalalakihan? Sa mundo ko, marami akong kakilala na mas mahal pa nila ang kanilang trabaho kaysa sa lalaki. Mas mahal nila ang pera kaysa magkaroon ng pamilya. “Patawarin niyo ako, Prinsesa Isabel. Kailangan na naming umalis dahil hindi na maganda ang pakiramdam ng asawa ko.” Hinila ko na si Liliane palabas ng lugar. Habang papalayo ay unti-unting humina ang musika. Tiningnan ko ito at nakatulala lang ito sa sahig habang parang manika na nagpapadala sa aking paghila. “Lia.” Huminto ako. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pinilit itong tumingin sa akin. “Ano ang pinag-usapan niyo ni Isabel?” Tumingin siya sa akin at sandal lang ay namuno na ng luha ang kanyang mga mata. “William…” Inikot nito ang mga bisig sa aking bewang. Dumiretso lang ang aking tingin at hindi ginantihan ang kanyang yakap. “Hindi mo naman ako iiwan, hindi ba? Hindi ka naman titingin sa iba? Ako naman talaga ang mahal mo. Ako lang ang nakakaintindi sa iyo.” “Liliane Tacaba—” “Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo, William. Lahat ng kayamanan ko, lahat ng buong estado ko. Sa iyo lahat— ibibigay ko, William.” Pagkatapos kumalma ni Liliane ay sumakay na kami ng karwahe at umuwi sa aming palasyo. Nakapatong lang ang kanyang ulo sa aking balikat habang ako ay nakatanaw lang sa labas ng karwahe. Kumilos ako nang huminto na kami sa tapat ng pinto. Umayos ng upo si Liliane at tumingin sa akin habang kumikislap ang bilugang mata nito. “William—” Binuksan ko na ang pinto at bumab, pagkatapos ay inalalayan itong bumaba. Pinakiramdaman ko ang paligid at mula sa gilid ng aking mata ay napansin ang mga anino. “Pumasok ka na sa loob, Lia.” “Paano ka?” Nginitian ko ito at inalis ang ilang hibla ng buhok sa kanyang mukha at inipit iyon sa kanyang tenga. “Mauna ka ng pumasok sa loob, mahal ko.” Nag-init ang kanyang pisngi at kinagat ang ibabang labi. Tumango siya at bago lumayo ay mahigpit niya akong niyakap. Hinintay ko na makapasok si Lia ng tuluyan sa loob at pagkatapos ay inalis ko sa pagkakakabit ng unahang butones ng aking damit at pati na ang butones sa gawing pulso. Pinikit ko ang aking mata at huminga ako ng malalim. Pagdilat ko ay hawak ko na ang leeg ng anino na kanina pa sumusunod sa akin. “Agh! A-ack!” Ang libre kong kamay ay hinawakan ang kwintas. “Kung mag-e-espiya ka, siguraduhin mo na walang nakasuot na kahit ano mang masisinagan ng ilaw sa katawan mo.” “B-Bi— bitaw— an— ack.” “Sino ang nag-utos sa iyo para sundan ako?” Umiling ito kaya mas idiniin ko ang kanyang likod sa matigas na puno. “Sino?!” Mukhang wala talaga siyang balak na sabihin sa akin kaya’t mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang leeg. Kahit ikulong ko siya ay magpapakamatay lang ito o ‘di kaya ay hahayaan niya kami na patayin siya. Sasayangin ko lang ang oras ko sa isa na ito. Umihip ang malakas na hangin at naramdaman ko ang pag-init ng aking likod. Tila hindi nag-iisa ang espiya na ito. Ngumiti ako. “Sabihin mo sa kung sino man ang amo mo, na damihan niya ang ipapadalang tao para patayin ako.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay mas lalo ko pang hinigpitan ang aking hawak hanggang sa tumirik na ang mata nito at mangitim ang balat. Binitiwan ko na siya at agad na bumagsak ang walang-buhay na katawan niya sa lupa. Inayos ko ang aking damit at nilingon ang kasamahan niya. Ngunit wala akong nakita sa madilim na kakahuyan. Mukhang naduwag na ito at tumakas nalang. “Auriel.” Sumilip ang munting liwanag sa aking balikat. “Iiwanan kita bukas para batayan si Liliane.” “Pero akala ko ba ay wala kang pakielam sa kung ano ang mangyayari sa kanya?” “May silbi pa siya sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD