CHAPTER 13 – LILIANE

1226 Words
Siguradong ang mga kontesa ang habol nila sa lugar na ito. Malamang ay pinaalam ng mga kontesa ang lokasyon nila at kung hindi sila makakabalik sa oras na tinakda nila ay magpapunta rito ng kawal. “Ano ang gagawin natin, William? Iyon lang ang nag-iisang lagusan ng gusali.” Hindi ko maaaring gamitin si Auriel dahil malalaman ng lahat na buhay pa ako dahil ang diwata ng tubig lang ang tapat sa akin. Tiningnan ko ito at lumipad siya paatras. “Hindi kita kayang buhatin.” “Mag-ehersisyo ka kasi ng madalas.” Pumadyak ito sa hangin. “Ang mga pakpak na ito ay para sa akin lang. At kapag gumamit ako ng mahika, mapaparalisa ka na naman.” Humila ako ng upuan at naghintay. “William? Ano? Hindi pa ba tayo tatakas? Bakit ka nakaupo? Bumigat ba ang puwet mo?” “Ssh.” Naisapo ni Auriel ang kamay sa kanyang noo. “Ay, embedri fopasio yem agrabad.” [Ay, ang tao na ito, parang baliw.] “Alam mo na nakakaintindi ako ng salitang diwata, ‘di ba?” Sabay kaming napatingin ni Auriel sa gawi ng pintuan nang makarinig kami ng kalabog at sigawan sa labas. Bago ako magpunta rito ay alam kong hindi magtitiwala sa akin ang mga kontesa at paniguradong kukuha sila ng kawal upang matiyak ang kaligtasan nila. Hindi ako tanga. Hindi ako pupunta rito ng walang back-up plan. Biglang tumahimik sa labas. Iniayos ko ang balabal sa aking ulo bago tumayo. Pumasok si Auriel sa balabal upang magtago. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa amin ang nakaupong katawan ng apat na kawal. Umangat ang sulok ng aking labi. “May plano ka pala,” bulong ni Auriel. Sumakay na ako sa itim sa karwahe. “Maaari na tayong umalis.” “Masusunod po,” sambit ng alipin bago patakbuhin ang mga kabayo. Buong biyahe ay nakatingin lamang ako sa labas. Dahil pataas ang daan ay kitang-kita ang liwanang ng buong Carapace dahil sa nangyaring kasalan. Sana ay maging masaya si Euphemia sa kanyang plano. Malakas ang kutob ko na ginagawa niya ang lahat ng ito para kay Clovis— para sa anak namin. She put herself on lion’s den. Isang maling galaw lang ay tiyak na ang kamatayan niya. May sarili rin akong plano at kung magiging balakid siya sa mga iyon ay handa rin ako na paslangin siya. Wala na akong pakielam kung siya ang unang babae na nagpatibok ng puso ko. Maling desisyon na pinapasok ko siya sa aking buhay. Mali na nangarap ako ng tahimik na buhay kasama siya. “Ginoo, narito na tayo.” Huminga ako ng malalim at lumabas ng karwahe. Lumabas mula sa malaking pintuan si Lady Liliane— ang baroness ng Hilaga. Ang hanggang balikat at itim nitong buhok ay sumusunod sa bawat paghakbang niya. Ang kulay itim na mga mata niya ay kumikinang dahil sa nagbabantang luha. “William!” Mahigpit ang naging yakap nito sa akin. “Akala ko ay hindi ka na darating. Akala ko ay iniwan mo na ako. Natatakot ako rito, William. Natatakot ako na baka balikan ako ng aking pamilya at saktan muli.” Si Liliane— buong buhay niya ay minamaltrato siya ng kanyang mga magulang. Siya ang nag-iisang anak ng pamilya Tacaba at isang baog kaya’t walang lalaki na nais siyang maging asawa. Iyon ang dahilan kung bakit sinasaktan siya ng sarili niyang magulang. Magandang oportunidad na makuha ko si Liliane. Siya ang nag-iisang anak ng Baron at Baroness Tacaba at tagapagmana ng titulo. Ang sino mang magiging asawa niya ay ang susunod na Baron. Sa pinakamababa ako magsisimula hanggang sa makaakyat sa tuktok. Mababa man ang posisyon ng mga Tacaba sa gobyerno ay hindi naman matatawaran ang kayamanan nila. “Liliane, tara sa loob dahil baka magkasakit ka.” “Pero sila ama—” Hinaplos ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang luha. “Hindi ka na nila masasaktan. Nakakulong na sila.” Tumango ito ng maraming beses at lumunok. Binuhat ko ito at ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Binaba ko siya sa kanyang higaan— ngunit hindi pa ako makalayo ang hinawakan niya ang aking kamay. “William, masyadong matapang ang pabango ng mga tao na pinulong mo,” seryosong saad niya. “Maliligo ako kaagad upang hindi sumakit ang ulo mo.” “Sino sila?” “Sila ang susi para matupad ang mga plano ko.” “Hindi pa ba ako sapat para tulungan ka?” Umupo ako sa kutson at agad niyang inikot sa aking bewang ang manipis na bisig nito. “Kailangan mo ng magpahinga.” “Kailan mo ba ako papakasalan, William? Minahal kita kahit hindi ko alam ang nakaraan mo. Ang mahalaga lang sa akin ay ikaw ang dahilan kung bakit malaya na ako ngayon. Pero, gusto ko na mapasaakin ka.” “Liliane—” Umupo ito sa ibabaw ng aking hita at inilapit ang mukha sa akin. “Akin ka, William. Walang ibang makakakuha sa iyo kung hindi ako lang!” Idinikit niya ang labi sa akin at hinayaan ko lang na gawin niya iyon. Lumipat ang atensyon ko sa katapat na haligi at matalim na tiningnan ang nakasabit na kalasag roon— ang kalasag ni Clovis. Ginantihan ko ang halik ni Liliane at binigay sa kanya ang gusto nito. “Dito… sa loob, W-Wil— Ah!” ‘Ang ingay.’ Sinarili ko ang reklamo na iyon upang hindi na magalit pa si Liliane. Idiniin ko ang kanyang mukha sa unan habang patuloy na binabayo ito patalikod ngunit mas lumakas pa ang ungol nito. “William… sige pa… ah! Huwag kang titigil. Malapit na ako!” Nagbuntong-hininga ako at bumaba ang tingin sa magkarugtong naming katawan. Ibang-iba ang mga gabi na pinagsaluhan namin ni Euphemia. Ngayon ko lang napansin ang nararamdaman ko para sa traydor na iyon. May mga pagkakataon pa rin na hinahanap-hanap ko ang init ng kanyang katawan sa tuwing malamig ang gabi. Hinahanap ko pa rin ang matamis na ngiti ni Euphemia. “W-Will— Ah! Ah!” Bumilot ang mga daliri sa paa ni Liliane at sumikip ang parte sa pagitan ng kanyang hita. Bumagsak ang katawan nito sa malambot na kama at naging malalim ang paghinga. She fainted… again. Huminga ako ng malalim at humiwalay sa kanya. Bumaba ako ng kama at isinuot ang roba sa aking balikat bago itali sa aking bewang ang kulay gintong sinturon nito. Lumabas ako ng balkonahe at nagsindi ng sigarilyo. Kailangan kong ipaalam kay Duke Clowen na interesado ang pamilya Tacaba na dumalo sa kanyang kaarawan. Kung mag-i-introduce ako ng bagong teknolohiya at proyekto sa Arachnida ay kailangan ko ng matibay na koneksyon. Gagamitin ko ang selebrasyon na iyon upang humanap ng mapapakinabangan ko. Bumuga ako ng usok at itinapon ang upos ng sigarilyo sa lapag. Umihip ang malamig na hangin at sinabayan ko iyon ng pagsipol. Ilang sandali lang ay lumapag na si Talon sa aking braso. Inilagay ko sa kanyang paa ang maliit na papel. “Euphemia,” bulong ko kay Talon at agad itong lumipad. Pinagmasdan ko ang pagpagaspas ng malapad nitong pakpak. Siguradong kapag nakita ni Euphemia si Talon ay tiyak na hindi ito mapapakali. Ang move na ito ay sapat na para maging praning ang babae na iyon. Naglalaman ang sulat na iyon ng mga katagang, ‘Palagi kang mag-iingat, mahal kong reyna.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD