“Dwaine, sorry na... Magbati na tayo.” Nag-init ang gilid ng mata ko nang yakapin ako ni Thirdy mula sa likod. Ilang buwan na rin siguro kaming nag-iiwasan... O umiiwas ako. Nung monthsary namin, hindi kami nag-uusap dahil iniiwasan ko pa rin siya kahit ilang beses niya na akong sinubukang kausapin. “Hindi ko na kaya, please, magbati na tayo love...” Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. “Sorry kung hindi ko sinabi... Masyado ng marami ang iniisip mo, ayokong dagdagan. Pangako, aayusin ko na... Kausapin mo lang ako ulit.” “P-Pano pa‘t naging g-girlfriend mo ako kung hindi kita tutulungang magdala ng problema, ‘diba?” Bahagya akong natawa nang makaramdam ng sakit sa puso ko. Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko bago siya harapin. “Ikaw may sabing magtutulungan tayo pal

