“Dapat pala, bukas na tayo kumain, Kuya! Para isahan na lang kasi graduation niyo!” Napakamot sa ulo si Thunder habang naglalakad kami papasok sa restaurant. Birthday kasi nila ngayon kaya naisipan ni Thirdy sa labas kami kumain. Sakto ring graduation namin bukas! Sa tagal naming magkakasama, pati sa paggastos ay nahawa na sa‘min si Thunder. Nakakatuwa na iniisip nila na mahalaga ang pera kaya kailangan magtipid. Pero nakakalungkot kasi sa murang edad, nakikita niyang naghihirap kami. “Okay lang ‘yan, birthday niyo naman!” Sagot ko kahit hindi ko rin alam kung saan kumuha ng pera si Thirdy para rito. Pero mukhang may ipon naman siya kaya hindi ko na lang din tinanong kasi minsan lang naman ‘to. Pinauna namin silang maglakad, tapos si Tita‘y nakahawak sa braso ko. “Ang bilis ng panaho

