“Gising na mahal ko! May agahan na!” Napakunot ang ulo ko nang marinig ang boses ni Thirdy. Ni hindi ko maidilat ang mata ko dahil sa antok. Matapos niya akong puyatin kagabi! Gigisingin niya ako ngayon nang napaka-aga! “Lumayas ka riyan!” Binato ko sa kaniya ‘yung isang unan. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya kaya nagtalukbong na ako. Ang sakit-sakit na nga nang katawan ko, ayaw niya pa akong patulugin nang mas matagal! E, siya naman ang may kasalanan kung bakit ako inaantok pa! “Tara na, may trabaho pa tayo mamaya! Gising na lahat, tulog ka pa rin?!” Maingay na sabi niya na akala mo‘y walang ginawa sa‘kin kagabi! Inis akong napatayo nang maalala lahat ‘yon. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa kaniya ngayon dahil sa ginawa niya, o maiirita dahil ginigising niya ako! “Siraulo

