bc

Mahalia

book_age18+
607
FOLLOW
5.3K
READ
dark
one-night stand
drama
tragedy
sweet
lighthearted
serious
kicking
city
like
intro-logo
Blurb

I gave my virginity to a stranger I met at the bar, all because of one reason — to make my fiancé back off to our engagement. Pero sa huli ay para akong nahulog sa sarili kong patibong, dahil ang estrangherong nakauna sa akin ay walang iba kundi ang lalaki ring nakatakdang ikasal sa akin...

"Mahalia...sounds like mahal kita."

"You slept with a stranger and ran away after, now that stranger turned out to be your soon-to-be wedded husband and you're still trying to run away. Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang makatakas pang muli? Kahit saan ka pang sulok ng mundo magtago, Mahalia. Mahahanap at mahahanap kita, the moment you slept with me, you already sold your soul to me."

Mahalia gulped. Oddly, not because of fear, but her heart is fluttering with excitement. Is she falling inlove with this stranger? Ngunit ano pa ang silbi ng pagtakas niya kung makukulong lang siya sa lalaking pilit niyang tinatakbuhan?

chap-preview
Free preview
Simula
Nagising ako na umiikot ang paligid at parang pinipiga ang utak ko sa sobrang sakit, kinakailangan ko pang umiling ng ilang beses para lang umayos ang paningin ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid, sa disenyo palang ng silid na kinaroroonan ko ay sigurado akong lalaki ang may-ari nito. Naglalaro ang puti at maroon na kulay, simple pero elegante pa rin. Huminga ako ng malalim 'saka nakipagtitigan sa kisame, hindi ko mapigilang mapangiti dahil nagtagumpay ako sa plano ko. I gave my virginity to a stranger, to escape my parents' scheme on marrying me off to a guy I barely even met. Ngayon sigurado na akong aayawan ako ng lalaking ipagkakasundo nila sa akin kapag nalamang hindi na ako birhen at hindi ko man lang kilala ang nakauna sa akin, maari akong mag-imbento ng kwentong hindi lang isang lalaki ang nakagalaw sa akin at tuluyan itong mawawalan ng gana sa akin. Parang baliw na natawa na lamang ako sa naiisip. Sariwa pa sa akin ang lahat ng nangyari, hindi naman ako totoong nalasing sa kakaunting ininom ko sa bar at nang may lumapit sa aking lalaki para landiin ako ay nagpanggap akong lungo sa alak at nagpatangay rito. Nararamdaman ko pa ang init ng labi nito na dumadampi sa iba't ibang parte ng katawan ko, ang sakit sa pagitan ng hita ko na parang pinunit ang buo kong pagkatao, at ang paulit-ulit na pagtatagpo ng katawan naming hindi ko na nabilang kung ilang beses naulit. Basta ang alam ko ay pareho kaming tangay na tangay sa masarap na pakiramdam, ni hindi ko na naisip na iyon ang unang beses ko at hindi ako nagsisisi dahil makalaglag panty ang ka-guwapuhan ng lalaking nakauna sa akin. Natuon ang atensyon ko sa aking cellphone na tumutunog, mabilis kong dinampot ang sling bag na nakasabit sa sliding rack na nasa gilid. Agad kong hinanap ang cellphone ko sa loob niyon. "Mahalia, where the hêll are you?! Wala ka namang balak na hindi kami siputin, hindi ba? Binabalaan kita," mariing bungad ni papa pagkasagot ko palang ng tawag. Agad akong naghanap ng orasan at nang makakita ay agad nanlaki ang mata ko sa nakitang oras, almost lunch na pala at may lunch date kami ng family ko with my future in-laws. "I'm on my way, dad. Can you give me a few more minutes?" I can hear my dad's heavy sigh on the other line, "just make sure to be here on or before lunch. Huwag mo akong ipahiya, Mahalia." Mapakla akong ngumiti at napaupo na lamang sa kama, kahit may sumisirit na sakit sa kaibuturan ng pagkababaë ko ay pinilit kong tumayo at isa-isang dinampot ang mga damit ko na bahagyang nagkalat sa paligid. "Yes, dad." Huling sagot ko bago binaba ang tawag. Huminga pa ako ng malalim bago tuluyang sinuot ang mga damit ko, dadaan muna ako sa bahay para makapagpalit at makapag-ayos. Muli kong inilibot ang paningin sa paligid nang makalabas ako ng silid, nakakapagtaka lang dahil parang walang ibang tao sa paligid kundi ako lang. Nasaan iyong lalaking nakatalík ko kagabi? Umiling na lamang ako para iwaksi sa isipan ko kung nasaan man ang lalaking iyon, mas may malaki akong problemang sigurado akong mare-resolbahan ko mayamaya lamang. Saglit lamang akong dumaan sa bahay, mabilis na naligo, nagbihis ng presentable at inayusan ang sarili. Hindi naman na kailangan ng heavy make-up dahil maganda na ako kahit wala iyon, nagsusuot lang ako ng make-up para hindi ako magmukhang maputla dahil sa sobrang puti ko. Huminga muna ako ng malalim at matamis na ngumiti bago pumasok sa private restaurant na pag-aari ng lalaking mapapangasawa ko dapat, pero hindi na matutuloy ang kasal dahil nakagawa na ako ng paraan para ipatigil iyon. "Good afternoon po," magalang na bati ko sa mga dinatnan ko sa table. Si daddy at mommy, sa harap ng mga ito ay ang mga in-laws ko. Walang ibang tao sa loob, mukhang sinadyang ipasara ito para lamang sa araw na iyon. Isipin mong isang buwan ng nakatakda ang kasal mo 'saka mo palang makikilala ang mapapangasawa mo? How infuriating! Pangako ko sa sarili kong hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal. Nag-beso pa ako sa mga ito at hindi nawawala ang matamis na ngiti, gano'n din naman sila maliban kay daddy na may makahulugang tinging iginagawad sa akin. Parang mahinhin at hindi makabasag pinggang babaeng naupo ako sa isang upuan sa tabi ni daddy, mayroong isang bakanteng upuan sa harap ko na tiyak kong para sa lalaking gusto nilang ipagkasundo sa akin. I can't wait to ruin his appetites. I heard he is a jerk and a neat freak. Ultimong konting alikabok ay nandidiri ito, kaya naman kahit anong kumbinsi sa akin ng mga magulang ko ay hindi ko matanggap ang lalaking iyon. Hindi ko pa nga ito nakikilala personally pero pangit na ang impression ko sa kanya, what more kapag nagkita kami? Which is why I scheme this plan, alam kong kapag hygiene-obsessed ang lalaki ay hinding-hindi ito papayag na ang mapapangasawa'y naangkin na ng kung sino-sinong lalaki. "Mahalia, right?" agaw sa pansin ko ng ginang na nasa tapat ni mommy. Nahihinuha kong ito ang ina ng lalaking mapapangasawa ko. Fortunately ay mukha itong mabait, sa ngiti palang ay mapagsisino mo ng may class at intelihente ang babae. "Yes, ma'am." Magalang na sagot ko, nginitian ko rin ito pabalik. Kahit yata sinong kausap ng babae ay mahihiya kang maging masama dahil sa mala-anghel na aura nito. "Drop the formality, just call me Mommy Shey, or mommy will do if your original mom is not present." Pilit ang ngiting tumango na lamang ako at tinignan ang mga magulang kong hindi rin mapuknat ang ngiti sa mga labi, hindi naman mapagkakailang gusto nila ang isa't isa kaya pati ang mga anak nila ay gusto nilang gustuhin din ang isa't isa. What a menace! "Noted on that, ma'—mom." I gulped, hindi ako sanay na may ibang taong tinatawag na mommy. Kahit ang mommy ko ay madalang kong kausapin using that endearment, sinulyapan ko ang lalaking katabi nito. Mukha rin itong mabait at kahit na may edad na ay guwapo pa rin kaya lang ay parang ito iyong tipo ng lalaking magsasalita lang kung kinakailangan. "He's Tyler, just call him dad or Daddy Ty." Anas pa ni Mommy Shey, or should I just call her tita? I'm not really comfortable with the mommy thing. Ngumiti na lamang ako dahil hindi rin ako kumportable sa gusto nitong gawin ko, isa pa'y wala namang kasal na magaganap. Alam kong itatakwil ako ng pamilya ko sa oras na mangyari ang gagawin ko mamaya, pero wala na akong pakialam. Gusto ko lang ay mabuhay ng naaayon sa sarili kong desisyon. Huminga ako ng malalim at tinuon na lamang sa pagkain ang atensyon ko. Habang ang mga magulang ko at in-laws ay nagkakasundo sa topic nilang tungkol sa merger ng mga negosyo nila. Iyon din ang purpose ng kasal na ito, merger of two companies and two people. Ginawang negosyo ang mga anak. Naiiling na lamang ako sa tuwing naiisip ko iyon. "May problema ba, ija?" Natigilan ako nang bigla na lamang akong tanungin ni Tita Shey, mukhang napansin nito ang ginawa kong pag-iling. "I'm just pretty disappointed, t-Mommy Shey. Wala pa rin ho yata ang fiancé ko? Sayang naman, ngayon pa lamang sana kami magkikita." Pagkakaila ko, pero totoong nagpupuyos ang damdamin ko dahil wala pa rin ang lalaki. Hindi siya pwedeng mawala dahil mawawalan ng halaga ang plano ko kung hindi ito sisipot. "Don't worry. I'm already here, honey. And we will spend the rest of our engagement meeting each other." Para akong nanigas sa kinauupuan ko ng biglang may bumulong mula sa likod ko, hindi ako pwedeng magkamali sa boses na iyon. Kahit na para akong nabibingi sa sobrang kabang nararamdaman ko ay pinilit kong pumihit para lingunin ang pinanggalingan ng baritonong boses, at hindi nga ako nagkakamali. Napatayo ako at nanlalaki ang matang napaturo rito. "Y-you?! Anong ginagawa mo rito?" bulalas ko. Pero parang hindi man lang ito nagulat bagkus ay mas lumapad pa ang ngisi sa labi nito. "What do you mean what am I doing here? I'm here to meet my future wife, pero hindi ba't parang may mali sa sinabi mo? We already know each other and spend the night together, you even slept in my condo last night. Akala ko nga ay sabay tayong pupunta rito para kilalanin ang mga parents natin, pero nagulat akong nauna kana palang nakarating dito." Hindi ko alam kung paanong magre-react, parang ang mga plano ko ay unti-unting nagbagsakan. How is this possible? Paanong nangyaring ang estrangherong nakauna sa akin ay ang lalaking nakatakdang ipakasal sa akin? Paano pa akong tatakas sa kasal na ito? This is not happening.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.3K
bc

The Forgotten Wife

read
43.0K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
29.3K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
46.3K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
101.0K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
28.5K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook