Masama ang tinging ipinukol ko sa lalaking kasama ko ngayon, mas nakakainis pang nananatili itong kalmado pagkatapos ng eksenang ginawa nito kanina.
"Alam mo na ba simula umpisa palang na ako ang ipinagkakasundo sa'yo ng mga magulang mo?" tanong ko. Hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko.
Pagkatapos ng eksena namin kanina ay sunod-sunod na tanong ang natanggap namin, at ngayon ay mas lalo akong mahihirapang mag-back out sa kasal namin dahil walang habas na siniwalat nito ang nangyari sa amin. Nag-imbento pa ito ng mga kasinungalan na ikinagulat at ikinatuwa rin ng parents namin. He told them that we're in a romantic relationship and was planning to tell them today but ended up surprising each other. And I'm not happy about it.
"No, paano ko namang malalaman 'yon? You're just a stranger I met at the bar, but I have to admit that I run through your things while you're asleep. Doon ko nalaman kung sino ka," sagot nito.
Lalong nanlaki ang mata ko sa narinig at hindi makapaniwalang hinarap ito. Nakahiwalay kami sa mga parents namin dahil hinila ko ito sa isang gilid para kausapin.
"And you just played along? Ni hindi mo man lang ako sinabihan? And what the hêck?! Pinakialaman mo ang gamit ko without my permission?" bulalas ko. Pigil na pigil ko ang sariling huwag mapasigaw para hindi makatunog ang mga magulang namin.
"Paano kong sasabihin sa'yo kung pagbalik ko ay wala kana? And I got curious who the hêll is this girl who suddenly grab a man's arms, kiss me and willingly gave her virginity to me. Alam mo ba kung gaano ako nabiglang ang babaeng kinama ko kagabi ay birhen pa pala at ang mapapangasawa ko pa? Paano kung hindi ako ang nahila mo nang mga oras na 'yon? Akala mo ba ay hindi ko alam ang plano mo? You're trying to run away from this engagement," wika nito na ikinatigil ko.
Nabasa niya ang plano ko? Agad akong nag-iwas ng tingin at nakaramdam ng kaunting kaba.
"I-if you know that by now, hindi ba dapat hindi na matuloy ang kasal na ito? Look, alam kong pareho nating ayaw ang engagement na ito. Let's just end this together," mahinahon kong pagkumbinsi dito.
Naguluhan pa ako ng bigla itong tumawa ng mahina at namamanghang tumingin sa akin.
"Who says I don't like the idea of this engagement?" he asked.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko at tuluyang nalaglag ang aking mga balikat. Natutulalang napatunghay ako dito.
"You gotta be kidding me. Marrying a stranger? Ngayon pa nga lang tayo nagkita at alam kong hindi tayo magkakasundo."
"Kailangan ba nating magkasundo para lang matuloy ang kasal na ito?" tanong nito na mas ikinagulat ko.
"Seryoso ka ba? Paano tayong magsasamang dalawa kung magkaiba ang ugali natin, kung wala tayong alam sa isa't isa?" tanong ko.
"We still have one month to get to know each other," saad pa nito.
Huminga ako ng malalim para hindi tuluyang maputol ang pasensya ko, akala ko ay magiging madali nalang ang lahat para sa akin pagkatapos ng ginawa kong sakripisyo kagabi. If this is my karma, paano ko itong lulusutan ngayong alam na ng parents ko na may nangyari sa amin ng lalaking ito.
"Sigurado pa rin akong hindi tayo magkakasundo, I heard a lot about you. Ngayon palang sinasabi ko na sa'yong sobrang magkaiba tayo," subok ko pang pagkumbinsi rito.
Pero nanatili lang itong nakatitig sa akin na parang nag-eenjoy pa sa nakikitang frustration sa akin. I can't believe this guy.
"Mahalia," he uttered. Nag-angat ako ng mukha para tignan ito pagkarinig sa pangalan ko, ito ang unang beses na narinig kong binanggit niya ang pangalan ko at hindi ko alam pero may kakaibang paraan ito sa pagsabi no'n. Maybe because of his accent.
"Mahalia," ulit nito 'saka tumawa. Nawe-weirduhang nanatiling nakatitig lang ako at pinapanood ang reaksyon nito. Pinagtatawanan ba nito ang pangalan ko o tinatarantado ako? "Mahilia sounds like mahal kita," dugtong nito.
Inirapan ko ito at naiinis pa ring mas pinili nalang na pagmasdan ang paligid. Maganda ang ambience ng lugar na kinaroroonan namin, romantic and cozy but us? No.
"Don't stupidly say my name and connect it with another words," inis na angil ko.
"What's wrong with mahal kita? Mahal kita means I love you in english, right?"
Kinuyom ko ang aking bibig at pilit ang ngiting yumuko. Ayoko ng pangalan ko noon pa man dahil tunog babae ito habang ako ay confuse sa pa rin sa gender identity ko. Attracted ako sa parehong gender, kaya naman ayokong pinaglalaruan ang pangalan ko at ikinakabit sa kung saan-saang words. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit ayoko pa rin sanang matali sa isang kasal, paano kung kailan kasal na ako 'saka ko malamang mas lamang pala ang atraksyon ko sa babae? Isa pa'y ayoko talagang makasal sa taong hindi ko mahal.
"Stop it, Caleb. I'm warning you," mariing banta ko. Sinamaan ko pa ito ng tingin para mas dama niya ang inis ko. Pero parang isang inosenteng gagô, wala itong pakialam kahit na anong sama pa ng tinging ipukol ko dito bagkus ay ngumiti pa ito.
"Unang beses na binanggit mo ang pangalan ko," aniya.
Pangalan lang ang binanggit ko at sumaya na siya do'n? What a weirdo! Pero bakit kapag ibang may lahi ang nagtatagalog ay ang baduy pakinggan, bakit kapag ang lalaking ito ay nagtutunog elegante at sexy. Umiling ako para iwaksi ang dumi sa aking isipan, hindi pwedeng madumihan ng nilalang na ito ang isipan ko.
"Big deal?" sarkastiko kong tanong.
"No, it's not the first time that a girl said my name and it sounds sexy," sagot nito.
Kumibot ang labi ko sa narinig na sagot nito, pero hindi pa rin no'n nasosolusyunan ang problema ko.
"I'll stop this marriage," imporma ko rito.
"Interesting," tipid na tugon nito.
Hindi ko mapigilang mahiwagaan sa lalaking ito, may mga oras na naiisip kong interesado siya sa akin pero mayroon ding oras na parang sinasakyan lang lahat ng sinasabi ko.
"I'll give you a chance," wika ko.
Nagsalubong naman ang kilay nito na tumingin sa akin, pero nananatili pa ring kalmado ang ekspresyon ng mukha nito kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ng lalaking 'to.
"Para hindi ka mapahiya, I'll give you the chance to cancel this engagement. Hindi ako kokontra, I'll even support you." Dagdag ko pa na hinihiling kong sana ay epektibo. Hindi kasi pwedeng ako ang mag-cancel ng wedding dahil wala lang ding bisa lahat ng sasabihin ko, lalo na ngayong alam ng mga ito ang nangyari sa amin.
Nang makita ko ang pagtawa nito at sunod-sunod na pag-iling ay alam kong hindi ito sang-ayon sa sinabi ko.
"Try harder," he insisted.
"I'm lesbian, attracted ako sa pareho kong babae." Pagsisinungaling ko pero hindi naman iyon lubos na kasinungalingan dahil kalahati no'n ay totoo, pero kailangan kong gawin ang lahat para mapaatras ito sa kasal na ito.
"You already slept with another girl?" Tanong nito, may amusement na naglalaro sa kanyang mga mata na nagpagulo sa akin. Mukhang mas naging interesado pa ito sa akin pagkatapos ng sinabi ko, may iba pa bang paraan para ma-turn off sa akin ang lalaking 'to?
"No," giit ko. Never ko pang naisip na makipag-sêx sa kapwa ko babae, nagagandahan at nagkaka-crush ako sa kanila pero hindi ko pa naiisip ang mga bagay na gano'n. Ironically, I slept with the man beside me and I truly enjoyed it. It's just that, I don't love him and he's a neat freak, damn it!
"But you slept with me, I made you scream and moan all night. At sa tingin mo ay makukumbinsi mo akong lesbian ka?"
Napalunok ako nang matapos nitong sabihin iyon ay lumapit ito sa akin, ilang pulgada nalang ang pagitan sa akin. He lowered his head and leaned closer, I can already smell his fresh breath. Napaigtad ako nang pasadahan nito ng daliri ang isang braso ko, parang may kuryenteng agad na dumaloy doon.
"But if you're really a lesbian, be it. I think it'll be easy to turn you into a girl," bulong nito. Natutulalang nakipagtitigan ako rito, his eyes is weirding me out. Literal na ocean blue eyes.