Excited na lumabas ako ng sasakyan pagkahinto nito sa tapat ng hotel na tutuluyan ko, huminga pa ako ng malalim para langhapin ang preskong hangin mula sa malawak na karagatan. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang naiisip na malaya kong magagawa ang gusto ko sa islang ito, kaya nga ito ang pinili kong regalo mula kila mommy at daddy. Hiniling ko kasi sa mga itong bigyan nila ako ng isang buwang bakasyon bago man lang ako matali sa kasal na gusto nila, pumayag naman ang mga ito pagkatapos ko silang dramahan. Little did they know that I have plans. Sisiguraduhin kong pagbalik ko ay hindi na matutuloy ang kasal.
Agad na may sumalubong sa aking staff ng hotel pagkapasok ko pa lamang sa lobby, ibinigay nito ang key card ng room na ookupahin ko. Reservation iyon na ginawa ng mga magulang ko, I heard na mayroong race at outdoor activities na ino-offer sa lugar na ito kaya nga pinili ko ang lugar na 'to. Nagpasalamat lamang ako sa hotel staff at dumiretso na sa room number ko, nasa 12th floor iyon kaya sumakay pa ako ng elevator habang hila-hila ang luggages na dala ko. Abot tainga ang ngiting ipinasok ko sa hiwâ ng door lock ang key card na hawak ko, agad akong pumasok at isinara ang pinto bago binuksan ang ilaw.
"W-What are you doing here?!" bulalas ko. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang makita si Caleb na prenteng nakaupo sa mahabang sofa at nagbabasa ng magazine. Nag-angat ito ng mukha at tumingin sa akin nang marinig ako. Sa postura nito ay mapagaalamang matagal na itong naroon, nakasuot ito ng maong short na kulay cream at tinernuhan ng white polo shirt, nakabukas pa ang dalawang butones kaya kita ang matitipuno nitong dib-dîb.
"I'm amazed that you're shock seeing me here," he answered. Hindi naman nawala ang inis sa mukha ko dahil hindi naman nito sinagot ang tanong ko.
"Sagutin mo ang tanong ko," mariing anas ko.
Huminga ito ng malalim at pabagsak na isinara ang magazine na binabasa nito 'saka inilapag sa mesang gawa sa tinted glass, sinundan ko iyon ng tingin na sana hindi nalang. Women's magazine iyon at nakahubad na babae ang cover. Bastos! Umasim ang mukha ko nang makita ko ang pagngisi ni Caleb nang makita nito ang reaksyon ko sa nakitang magazine na nilapag nito. Sumandal pa ito sa sofa at nagde-kwatro saka preskong tumingin sa akin.
"Sa tingin mo ba ay papayagan ka ng parents mo na umalis kung hindi ako kasama? Nagkataon na nandito ako for a business trip nang tumawag sila sa akin para ipaalam ang plano mong bakasyon, they told me that I should go with you and accompany you. Para na rin daw magkakilala tayong mabuti at mas mapalapit sa isa't isa. I even book this room for us," natatawang tugon ni Caleb.
Ang excitement na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng disappointment, kaya pala maluwag sa loob ng mga magulang niya ang pag-alis kanina kahit noong nakaraang araw lang ay halos magkasagutan na kami ng daddy ko dahil ayaw pumayag ng mga ito. Hindi ako makapaniwala pero oo nga naman, bakit sila papayag na umalis akong mag-isa? Now that I'm engaged.
"Forget it. Mag-bobook ako ng ibang room," asik ko.
"This is the only hotel available in this island, mostly are inns but they're not offering overnight stay. And the last time I checked, there are no available rooms here. I just happened to book one because I've been here for 3 days and I just extended my stay," ani Caleb. Natigil ako sa akmang pagpihit ng doorknob at nakasimangot na tumingin dito.
"Then go home," inis na angil ko. Tumawa ito at inayos pa ang medyo may kahabaang buhok. Shît. Mukha itong nang-aakit sa simpleng ginawa nito.
"I'm here to spend the month with my future wife, not unless you want to go home with me."
Dumiin ang mga labi ko dahil sa narinig, nasusubok talaga ang pasensya ko sa tuwing itong lalaking 'to ang kausap ko.
"Hindi mo rin gugustuhing manatili dito kasama ako, malabong magustuhan mo lahat ng gusto kong gawin."
Tumayo si Caleb at inilang hakbang ang pagitan namin, kinuha nito ang luggages ko at ipinasok iyon sa loob. Sinundan ko naman ito habang inililibot ang paningin sa paligid, maluwang ang room na inookupa nito at kung hindi ako nagkakamali ay executive suite iyon. Mayroong sariling kitchen, living room, dining area, at isang kwarto. Isang silid?! Magshi-share kami ng kwarto ni Caleb?
"Teka! Teka! Bakit isa lang ang kwarto?" inis na pigil ko kay Caleb nang buksan nito ang pinto ng nag-iisang silid na naroon. Bored na tumingin ito sa akin.
"I just got home from a meeting, pagod ako. So let me rest, Mahalia. Stop whining and complaining, we already slept together. Ano pa ang nakakagulat kung sa iisang kwarto tayo matutulog? And just to remind you, I am your fiancé now."
Hindi na rin ako magtatakang pumayag sila mommy at daddy sa gano'ng set up, baka nga sila pa ang nag-suggest niyon. Wala na talaga silang planong ihinto ang kasal at kasalanan iyon ng lalaking kasama ko, may konti pa sana akong pag-asa kung hindi lang nito sinabing may nangyari na sa kanila.
"Sinabi ko na sa 'yo, gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang kasal natin."
Ngumisi si Caleb bago ako muling tinalikuran, dala pa rin nito ang mga gamit ko at binitiwan lang nang makapasok sa loob. Pabagsak itong humiga sa kama at pumikit, mukha nga itong pagod dahil hindi ito nakikipag-sagutan sa akin gaya ng dati. Hindi ko na lamang ito pinansin at pumasok sa loob, binuksan ko ang mga built-in cabinet at sinimulang ayusin ang mga damit na dala ko sa bakanteng space na naroon. Nang matapos ay itinabi ko lang ang mga luggages ko saka muling binalingan si Caleb, hindi ko alam kung natutulog na ito pero kanina pa itong hindi nagsasalita. Nakapikit lang din ito at payapang nakahiga sa kama. Sa tuwing makikita ko ito ay hindi mawala sa isip ko ang naganap sa amin, I can still feel his lips in my body. Dâmn it.
Gusto ko pa naman sanang matulog at magpahinga muna pagkarating dito sa hotel, paano naman akong makakapagpahinga kung nandito ang surot na lalaking 'to?
"Lalabas ka?"
Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Caleb habang kumukuha ako ng damit pamalit, nang tignan ko ito ay nakaupo na ang lalaki sa gilid ng kama at diretso ang tingin sa akin.
"None of your business," asik ko dito.
"Your parents told me not let you go without me, but I'm tired to accompany you right now. So forget it, you're not going anywhere."
Napamaang ako sa narinig na sinabi ni Caleb, naiinis na hinarap ko ito.
"At sinong tângang makikinig sa'yo ha?" anas ko.
"You," tipid na sagot ni Caleb. Mas lalo namang nag-init ang ulo ko sa narinig, tinawag ba niya akong tangâ?
"And just to let you know, hindi kita tinawag na tangâ. Ikaw ang nagsabi no'n, ayoko lang baliin ang pangako ko sa parents mo na sasamahan kita sa lahat ng gagawin mo at sagutin kita kung sakaling may mangyari sa'yo. So don't fight it, Mahalia."
"I should've run away when I have the chance," bulalas ko. Kung alam ko lang na masisira na naman ang plano ko dahil sa lalaking kasama ko ngayon, I should've run away talaga.
"But you didn't, and you can't." Tipid na sagot ni Caleb at muli itong nahiga sa kama, this time ay nag-iwan ito ng bakanteng space sa tabi nito.
"You'll never know, one of these days I swear."
Tinalikuran ko na ito at tinungo ang pinto ng banyo, maglilinis muna ako ng katawan para makapagpahinga.
"I told the security of this hotel not to let you out without my knowledge, so don't try to escape it won't work."
Napapikit ako ng mariin at napahinto sa narinig.
"What am I a prisoner?!"
"You slept with a stranger and ran away after, now that stranger turned out to be your soon-to-be wedded husband and you're still trying to run away. Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang makatakas pang muli? Kahit saan ka pang sulok ng mundo magtago, Mahalia. Mahahanap at mahahanap kita, the moment you slept with me, you already sold your soul to me."
Tumayong muli si Caleb at naglakad patungo sa akin. Napalunok ako nang pihitin nito ang pinto ng banyo pabukas. Napaatras pa ako nang magtama ang mata namin ng lalaki at ilang dangkal lang ang pagitan ng katawan namin.
"Wash up or I'll wash you up," mariing wika nito. Napasinghap ako nang bigla nalang itong yumuko at ilapit ang mukha sa akin. My heart is racing really fast na para bang gusto na nitong lumabas sa dib-dîb ko. Agad akong tumalikod at pumasok sa banyo, malakas kong isinara ang pinto pagkapasok. Narinig ko pa ang paghalakhak ni Caleb sa labas bago ko iyon maisara. Nakakainis!