Paglabas ko ng banyo ay tahimik na ang paligid, mukhang tulog na ang kumâg dahil nakahiga lang ito at walang reaksyon sa paglabas ko. Hindi ko alam kung safe ba akong tumabi sa kanya, pero wala akong choice dahil ayoko namang mamaluktot sa sofa at manakit ang katawan pagkagising. Tinutuyo ko lang ng towel ang buhok ko, mas mabilis sana kung may blower. Ramdam ko pa rin kasi ang jetlag sa byahe, gusto ko munang matulog at magpahinga. Pinagmasdan ko pa ang sarili sa full-length mirror, bakit ba binigyan ako ng maamo at babaeng-babaeng mukha? Parang wala man lang masculine feature sa akin, kainis.
Nang makuntento ako sa pagtutuyo ng buhok ay sinunod ko namang suklayin ito. Tinignan ko si Caleb pagkatapos, iwinagayway ko pa sa tapat ng mukha nito ang kamay ko para siguraduhin kung tulog na talaga ito.
"Caleb," mahinang tawag ko para mas makasigurado.
Nang wala akong makuhang sagot ay napangiti ako, pinatay ko lang ang ilaw at dahan-dahang nahiga sa kama. Tumagilid nalang ako patalikod dito, kinuha ko pa ang cellphone ko saka nag-scroll muna. Wala pang ilang minuto pero tinatamaan na agad ako ng antok.
"What the hêll are you doing?!" bulalas ko. Agad akong napamulat ng mata nang maramdamang mayroong nakayakap sa akin pagkagising.
"Hugging my fiancé," he muttered. Low and husky ang boses nito palatandaan na nagising nga lang ito.
Pabalang kong inalis ang kamay nito at naupo sa kama, mabilis akong bumaba doon. Narinig ko pa ang halakhak ni Caleb bago ko mabuksan ang ilaw, mukhang nag-eenjoy itong nakatingin sa akin habang ako ay halos patâyin na ito sa matatalim na tingin.
"Nakakatawa ba 'yon?" asik ko. Ngumisi lamang naman ito at muling tumawa.
"Come here, sleep with me just like when you slept in my condo." He even tapped the space beside him, I just rolled my eyes.
"Hindi na mauulit ang pagkakamaling 'yon," inis na anas ko.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko dahil biglang tumunog ang cellphone na nasa bed-side table. Kinuha iyon ni Caleb at sinagot, malamang cellphone niya 'yon eh.
"At this hour?" rinig kong sabi ni Caleb. Wala akong ideya kung sino ang kausap nito at ang pinag-uusapan nila, lumabas nalang ako ng kwarto para bigyan ito ng privacy. Hindi rin ako interesado sa kung sino ang kausap niya. Ibinagsak ko na lamang ang katawan sa sofa na nasa sala, kung sana humaba pa ng kaunti 'to ay dito na ako matutulog.
Nagising akong nasa malambot na kama na, hindi ko namalayang nakatulog ako kanina pero ang alam ko ay nasa sofa ako. Was it Caleb? Inilibot ko pa ang paningin sa paligid, wala siya sa kahit saang sulok ng silid kaya nakahinga ako ng maluwag. Mahirap na.
Nag-stretching muna ako bago lumabas ng kwarto pero wala rin si Caleb sa paligid, kahit sa kitchen ay wala ito. Lumabas kaya siya? Natuon ang atensyon ko sa pinto nang marinig ang tunog ng doorbell, agad kong tinungo iyon at pinindot ang intercom.
"Sino ka?" tanong ko.
"Food service po ma'am," sagot ng nasa labas. Agad ko namang binuksan ang pinto at bumungad sa aking ang isa sa crew ng hotel na may tulak na tray ng pagkain. Nakatakip ang mga nasa mesa kaya hindi ko alam ang laman no'n.
"Hindi ako nag-request ng pagkain," wika ko. May tinignan naman ang babae sa booklet nito.
"Tama naman po ang room number ma'am," sagot ng crew. Maybe it's Caleb? Pero wala nga ito kaya paano itong nakapag-request ng pagkain?
"Who made the request?" usisa ko pa. Muli itong tumingin sa booklet nito.
"Sir Caleb Allister Collins, ma'am."
Si Caleb nga, kailan ito nag-request? Nasa lobby lang ba siya?
"Pero wala siya dito," imporma ko sa kausap.
"Ayon po dito ay para raw sa fiancé niya," wika pa ng crew. Doon ako tuluyang napapikit, nakaramdam ako ng pandidiri sa narinig.
"Pakipasok nalang po," saad ko at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Nang makaalis ang crew ay saka ko lang nilapitan ang mga pagkaing nasa mesa, napalunok ako nang makita ang mga iyon. Parang kanina lang habang nasa byahe ay nagki-crave ako ng seafoods, at ngayon ay nasa harap ko na. Mayroong lobster, shrimps, at king crab. Is this special order?
Nawala ang atensyon ko sa pagkain nang bumukas ang pinto, it was Caleb.
"Saan ka galing?" tanong ko.
"Acting like a wife now," nakangising sagot nito. Agad ko itong inirapan at inismiran.
"As if. Curious lang ako dahil nag-request ka ng pagkain, wala ka naman dito."
Kumunot ang noo ni Caleb at nilapitan ang mga pagkain para i-check.
"Hindi ba sinabi ng crew na para sa 'yo 'yan?" Tinignan pa ako nito na parang nagtataka, muli ko naman itong inirapan. Naupo ito sa upuang nasa harap ko at pinapanood lamang akong kumain.
"She did," sagot ko sa tanong nito. Inabot ko pa dito ang isang leg ng king crab saka gunting. Bumaba naman ang tingin nito doon at nagtatakang ibinalik ang tingin sa akin.
"Crack it. Matigas masyado 'yong shell, this is why I only eat crabs in a restaurant or with my dad."
Tumawa ito bago kinuha ang inaabot ko, pinanood ko lamang ito sa ginagawa nito. Parang ang dali lang naman para dito ang ginawa at nabasag na agad ang shell ng crab, natigilan pa ako dahil nilinis pa nito ang paligid bago inilagay ang laman niyon sa plato ko.
"Palagi kang may sagot sa lahat ng bagay," he said.
"Kaysa naman pinapanood mo lang akong kumain d'yan," tugon ko. Napasimangot pa ako nang tumawa ulit ito, parang nagkatotoo tuloy ang sinabi nitong palagi akong may sagot sa lahat. Kinuha pa nito ang platong kinalalagyan ng crab na may shell pa at sinimulang i-crack ang mga iyon saka nililinis, tahimik lamang akong kumakain at pinagmamasdan ang ginagawa nito. To be honest, he is a mysterious man, he's gentle but playful at the same time. Kaya nahihirapan akong basahin ito.
"Alam kong guwapo ako pero huwag mo akong masyadong titigan, baka matunaw ako niyan."
Nasamid ako pagkarinig sa sinabi nito kaya agad akong uminom ng tubig at sinamaan ito ng tingin. Natawa lang naman ito habang ako ay nauubo pa rin.
"Nawe-weirduhan lang ako sa'yo, that's why."
Tumango ito at ngumiti. "Eat a lot," wika pa nito.
Sinundan ko ito ng tingin nang tumayo ito at nagtungo sa sink, naghugas ito ng kamay nang matapos na basagin lahat ng shell ng crab. Nang tumingin ito sa gawi ko ay agad akong nag-iwas ng tingin, baka akalain na naman nito nagu-guwapuhan ako sa kanya. Totoong guwapo siya pero hindi ko aaminin ng harapan iyon, baka ano pang isipin niya.
"Wait. Kumain kana ba?" tanong ko nang bumalik ito sa pwesto niya kanina.
"Not yet," sagot nito.
"Kung gano'n bakit hindi kumakain?"
Umiling ito, "allergic ako sa seafoods."
"Eh bakit seafoods ang nirequest mo?" Hindi ko alam kung anong trip niya, allergic sa seafoods pero iyon ang nirequest. Parang nakaka-guilty tuloy kumain.
"I saw it on your f*******:, you've been sharing post with seafoods content. So I just thought you might be craving for some," ani Caleb.
"Ini-stalk mo ako?!"
"Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin, so I stalked you. What's wrong with that?"
Pinakatitigan ko ito para malaman kung nagsasabi siya ng totoo, pero lalo akong naiinis dahil nakangiti itong parang inaasar ako.
"P-pero kailan tayo naging friend sa f*******:?" Hindi ko matandaang inaccept ang friend request nito, lalong hindi ako magsi-send ng friend request sa kanya.
"You left your phone open earlier, so I added myself."
Nanlaki ang mata ko sa narinig, halos maibuga ko ang kinakaing hipon dahil sa sinabi nito.
"Pinakialaman mo ang cellphone ko?" asik ko.
"Paulit-ulit na nagpi-play ang video sa cellphone mo na halos makabisado ko na ang linya ng pinapanood mo, so I need to turn it off."
Sinamaan ko ito ng tingin, "dapat pinatay mo lang at hindi pinakialaman."
Huminga ito ng malalim at nangalumbaba sa harapan ko.
"Just eat," utos pa nito.
"I'm already eating," tugon ko. Pero tinigil ko rin ang pagkain at tumayo, nagtataka naman itong sinundan ako ng tingin. Binuksan ko ang fridge na naroon pero walang laman iyon.
"Hindi ka bumili ng kahit anong pagkain habang nandito ka?" namamanghang tanong ko. Nahihiya kasi akong kumain habang siya ay pinapanood lang ako, ipagluluto ko sana pero walang laman na kahit isa ang fridge na narito.
"I'm here for a business trip, lagi akong nasa labas kaya doon na ako kumakain."
"Until dinner?" Hindi naman siguro umaabot ng gabi ang business meeting.
"Hindi na ako nagdi-dinner, wala rin naman akong ganang kumain ng gabi."
Nagpakawala na lamang ako ng buntong hininga at nag-isip. Hindi pa rin ako kumportableng ako lang ang kumakain.
"Let's go out," aya ko rito. Tinignan nito ang wrist watch saka muling tumingin sa akin.
"It's late," wika nito. Pasado alas onse na kasi ng gabi since nakatulog ako kanina at late na nagising.
"This is a commercial place, 24/7 namang bukas ang mga stall d'yan."
Saglit na nag-isip ito, "fine." Ngumiti ako at inayos lang ang mga pagkaing maiiwan sa mesa. Makakalabas din ako ng gabi, favorite ko pa namang maglakad ng madaling araw dahil presko at refreshing.