Kabanata 4

1272 Words
Plain na puting t-shirt lamang ang suot ko at maiksing short. Itinali ko rin ng mataas ang mahaba kong buhok para hindi iyon maging abala mamaya, sigurado kasing mahangin sa labas ng ganitong oras. Paglabas ko ay naghihintay na si Caleb sa pinto, pinasadahan pa nito ng tingin ang kabuuan ko saka nagsalubong ang kilay nito. "Lalabas ka ng ganyan ang suot?" tukoy nito sa short ko. "May mali ba sa suot ko? Hindi naman masamang mag-short, hindi ba?" sagot ko rito. Normal nalang naman ang maiksing short sa panahon ngayon, malaki naman ang t-shirt ko kaya sakto lang sa suot ko. Ewan ko kung anong problema ng lalaking 'to. "Change your short," utos pa nito. "Ano bang problema sa suot ko?" inis na asik ko. "1-inch nalang magiging panty na 'yan. Change it, o hindi tayo lalabas." Inirapan ko ito at naiinis na bumalik sa kwarto. Gusto ko talagang lumabas dahil nabo-bore ako rito, pero hindi rin ako makakalabas kung hindi magpapalit. Bwisit! Sino ba siya para sabihan ako sa mga isusuot ko? Pinalitan ko nalang ng fitted jeans ang short ko saka muling lumabas, muli namang sinuri nito ang suot ko. Panay lang ang irap at sama ng tingin ko dito pero parang wala lang naman iyon sa kanya. Tahimik lamang kami hanggang sa makalabas ng hotel at naglalakad-lakad sa paligid. Nilanghap ko pa ang sariwang hangin pagkalabas, totoo ngang malamig at mahangin kapag ganitong oras. Nang may makita akong vendor na nagtitinda ng street foods ay hinila ko si Caleb. "Magkano po sa fishball?" tanong ko. "5 pesos po sa dalawang piraso," sagot ni Kuya Vendor. Mas mahal pala kapag ganitong oras. "Eh sa fishcake po at kwek-kwek?" "5 pesos ang isang piraso sa fishcake at 10 pesos isa sa kwek-kwek," sagot ulit ni Kuya. Tumango ako at nagsimulang magtusok ng fishball. Isinawsaw ko lang iyon sa sauce saka kinain, sinunod ko naman ang fishcake. Nakailang subo na ako nang maalala kong kasama ko nga pala si Caleb, nakatingin lamang ito sa akin na parang napapantastikuhan. "Try it," kumbinsi ko dito. Tinignan naman nito ang mga pagkain at hindi ko alam kung nandidiri ba ito o ayaw lang ng pagkain dahil kumunot ang noo nito. Naalala ko ang rumor tungkol dito na hygiene obsessed daw ito, baka nga nandidiri. "Fishball, fishcake. Basically, they're fish, am I right?" Napakurap ako at tumango. Obvious naman. "Still a seafood," aniya. Napamura ako nang maalala na oo nga pala, seafood ang isda. "Sorry," hingi ko rito ng paumanhin. Binayaran ko nalang iyong mga kinain ko at niyaya ng umalis si Caleb. Nag-ikot ikot pa kami, wala akong makitang food stall na pwedeng dinner. Mayroon man mga seafoods naman, tabi kasi ng dagat kaya madalang ang pagkaing hindi related sa seafoods. Nahinto ako nang may makitang maliit na karinderya, tinignan ko si Caleb pero umiling ito. Tinaasan ko ito ng kilay at hinila ito papasok sa loob kaya wala na rin siyang nagawa kundi sumunod. May mga presyo namang nakalagay sa bawat ulam na naroon. "Anong gusto mong kainin?" tanong ko kay Caleb. Nang tignan ko ito ay nakatitig lamang siya sa mga pagkaing nasa harap namin at hindi maipaliwanag ang ekspresyon nito. "Safe bang kainin 'yang mga yan?" Gusto kong batukan ito dahil sa tanong nito, naririnig pa naman ito ng mga nagtitinda. Baka sabihin minamaliit o pinupulahan namin ang mga pagkaing naroon. "Malinis 'yan, besides niluto naman kaya sure na namatay na ang dumi niyan kung meron man. Huwag ka ngang maarte," angil ko. "Hindi ako maarte," depensa nito. "Oh really? Then let's eat," wika ko. "Kakain kana naman? Nakailang kain kana?" Nakagat ko ang ibabang labi ko sa inis, gusto kong mapikon sa tanong nito pero totoo namang nakailang kain na ako. Ang kaso lang ay may mga nakakarinig at nakakahiya, baka isipin nila patay gutom ako. "Kakain ka ba kung ikaw lang?" "No," agad na sagot nito. "Exactly, kaya kahit busog na ako ay wala akong choice kundi samahan ka." "You don't have to force yourself, hindi naman ako gutom." Napairap nalang ulit ako dahil sa kaartehan nito. Hindi ko na lamang ito pinansin at ako na ang nag-desisyon ng kakainin namin, bahala siya kung hindi niya magustuhan ang order ko. Isang order ng caldereta, menudo at adobo lang ang inorder ko. Nang makuha namin ang order ko ay naghanap naman kami ng bakanteng mesa. "Let's eat," masiglang wika ko nang makaupo kami. Napamaang pa ako nang makita si Caleb na hindi pa rin kumakain at nakatitig lang sa pagkaing nasa harap nito. "Malinis 'yan, Caleb." Puna ko rito, nag-angat naman ito ng mukha at tinignan ako. "I never said anything," tugon nito. "Oo, pero mababasa naman sa mukha mo." Kumunot naman ang noo nito at nagtaka, pero hindi rin naman sumagot. Kinuha nito ang kutsara't tinidor na nakabalot sa tissue at sinuri pa iyon, napangiwi pa ito dahil mukhang hindi kumbinsidong gamitin ang mga 'yon. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa nakikita. Tumayo ako at humingi ng bucket of hot water saka bumalik sa table nang makuha iyon. "Dip it here para mawala ang germs," sarkastiko kong utos dito. Tinitigan pa ako nito bago ginawa rin ang sinabi ko, gusto kong mainis pero natatawa nalang ako. He look so innocent, dâmn it. "Is the water cle—" "Oo, malinis 'yan." Putol ko agad sa sasabihin nito, buti nalang guwapo ito kung hindi ay talagang maiinis ang makakakita dito. Hindi muna ako kumain at pinanood ito, hindi pa rin siya kumakain at nakatitig lang sa pagkain. "See? I told you, hindi tayo magkakasundo sa maraming bagay. Sa pagkain palang," naiiling na saad ko. "Wala akong nakikitang mali sa pagkakaiba ng food preference," tugon nito. Napamaang pa ako nang magsimula itong kumain, wala naman itong reaksyon sa unang subo nito at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi lang ba ito familiar sa mga ganitong lugar kaya gano'n ang reaksyon niya kanina? Hindi siya mukhang maarte kung titignan, mali ba ang nasagap kong impormasyon tungkol sa pagiging hygiene obsessed nito? "Baka matunaw na talaga ako niyan," nakangising turan ni Caleb. Nanlaki naman ang mata ko at agad na nag-iwas ng tingin. Siraulo talaga. "Hangin mo," asik ko pero natawa lang naman ito. Sinimulan ko nalang ding kumain at tahimik lang kami hanggang sa matapos. Pagkalabas namin ay sobrang busog na ako, maybe I ate too much. "Palagi ka bang nagpupunta dito?" tanong ni Caleb nang nasa tabing dagat na kami. Nagpapahangin lang saglit at nagpapababa ng kinain. "Oo, nandito kasi iyong mga gusto kong gawin." "Such as?" Tinignan ko ito, "racing and other outdoor activities." "Gusto mo ng maiingay at magugulong gawain," ani Caleb. "Yes. Kabaliktaran ng mga gusto mo," wika ko. "That again. Gustong gusto mo talagang pinagdidiinan ang pagkakaiba natin." Natawa ako ng pagak at hinarap ito. "Para makumbinsi kang itigil nalang ang kasal natin." "Kung ayaw mong matuloy ang kasal natin, bakit hindi ka mag-backout?" Gusto ko itong saktan sa tanong nito. "Pagkatapos mong lantarang sabihin sa parents nating mayroon ng nangyari sa atin, do you think I still have the power to cancel the wedding?" Natawa lamang ito na mas lalo kong kinainis, siya talaga ang nagpa-kumplikado ng lahat at nagpahirap sa akin. "Bakit ayaw mong makasal sa 'kin? Do you hate me that much?" he asked. "Nope. Ayoko lang makasal sa taong hindi ko mahal," sagot ko. Tumango ito at hindi na ulit kumibo. Nanatili itong nakatingin lang sa payapang dagat, tinitigan ko pa ito ng ilang minuto saka tinignan nalang din ang tinitignan nito. Maging nang makauwi kami ay hindi na ito nagsalita, hindi ko tuloy malaman kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD