Kabanata 5

1281 Words
Nagising ako kinabukasan na wala na sa tabi ko si Caleb, hindi ko na rin namalayang nakatulog ako kagabi. Naghilamos at toothbrush muna ako saka pinusod ang buhok bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko sa sala si Caleb na kaharap ang laptop nito, sinulyapan lang ako nito saglit pero agad ding binalik ang tingin sa ginagawa. Mukhang nagta-trabaho ito, may nakasalpak na wireless earphone sa isang tainga nito. Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng malamig na tubig, dala ko iyon na bumalik sa sala kung nasaan si Caleb. "Lalabas ako. Bahala ka kung gusto mong magpaka-bodyguard or whatever," imporma ko rito. Hindi ko kasi alam kung seryoso ang sinabi nito noong unang araw ko rito na bawal akong lumabas ng hindi siya kasama. But I'm also using this opportunity na may ginagawa ito para makalabas mag-isa. "No," tipid na sagot nito. "What do you mean no? Hindi ako pwedeng lumabas?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Yes, Mr. Rodriguez. The expansion of Willows Enterprise is necessary," wika ni Caleb. Tinignan ko ang screen ng laptop nito at mukhang nasa online conference ito. Huminga nalang ako ng malalim at inirapan ito kahit hindi niya nakikita dahil focus siya sa mga kausap. Nagugutom ako at ang aga-aga kong naiinis, hindi ako pwedeng lumabas ng hindi siya kasama. Sino ba siya? Bakit ba pumayag ang mga magulang ko sa ganitong set-up? Kakain nalang ako. Natigilan ako nang maalalang wala nga palang laman ang fridge bukod sa left over kagabi, binalikan ko si Caleb pero mukhang may pini-present ito sa mga kausap kaya iniwan ko rin. Dinial ko nalang ang reception ng hotel at nag-request ng pagkain. Naupo ako sa tabi ni Caleb dahil naka-off cam naman ito habang nagsasalita, ilang minuto lang ay tumunog na ang doorbell at nariyan na ang pagkain. "Magkano po?" tanong ko. "Bayad na po, ma'am." Natigilan ako sa sinabi ng crew, paanong bayad eh ako ang umorder? "Hindi ko natatandaang nagbayad ako online," wika ko. "Lahat po ng expenses ng suite na ito ay shoulder ng tab ni Sir Caleb," sagot ng crew. Tinignan ko si Caleb bago muling binalik ang tingin sa crew. Nagpasalamat ako dito at inayos na ang pagkain sa dining table, agad akong naupo at kumain. Masaya akong ine-enjoy ang steak na nirequest ko nang mapangiti ako, ayaw niya akong palabasin dahil busy siya ha. Paiiyakin ko nalang ang account nito, natawa pa ako sa naiisip saka muling nag-dial sa receptionist ng hotel. Maya-maya lang ay sunod-sunod nang nagdadatingan ang mga order kong pagkain, gaya kanina ay wala ako kahit pisong binayaran dahil nasa tab lahat iyon ni Caleb. Ang dami kong pagkain, may pizza, ice cream, cake, fried chicken, pasta, lasagna at iba pa. This is my payback time. Nakita ko pa ang paminsan-minsang pagtingin sa akin ni Caleb sa tuwing may darating na pagkain, makikita ang pagtataka sa mukha nito pero hindi ito nagre-react dahil may kausap. Nilagay ko muna sa ref 'yong ice cream dahil baka matunaw, nag-request din ako ng bottle of sodas. Food is life. Excited akong naupo at nilantakan ang mga pagkain. "You really love eating, do you?" Halos mabilaukan ako sa gulat nang bigla na lamang may bumulong sa akin, sinamaan ko ng tingin si Caleb pero tumawa lang ito. Humila ito ng isang bakanteng upuan at naupo doon, namamanghang tinignan nito ang mga pagkaing nasa mesa. "Kain ka, libre 'yan." Nakangisi kong sabi, inaasahan kong maiinis ito pero muli ay tumawa lang ito saka tumingin sa akin. "Mauubos mo ba ang lahat ng 'yan?" tanong nito. Parang hindi alintanang sagot nito lahat ng pagkaing iyon. "Oo naman," kumpiyansang sagot ko. Kumuha ito ng isang slice ng pizza at sinimulang kumain din. "Ang lakas mong kumain pero hindi ka tumataba, you're so skinny." Sinamaan ko ito ng tingin nang magbigay ng kumento tungkol sa katawan ko. "Hindi ako payat, nakikita mo bang may curve ang katawan ko. Saka baka hindi mo gustuhing magpakasal sa isang mataba," wika ko. Kung magagawa ko lang patabain ang sarili ko in an instant para ma-turn off ito sa akin, pero kahit anong kain ko ay hindi ako tumataba. Pero hindi rin naman ako payat, sakto lang ang katawan ko. "Concern ka pala kung magugustuhan kita o hindi," pang-aasar ni Caleb. Nawala ang ngisi sa mukha ko at napalitan ng inis. "Assuming. Gano'n naman ang mga lalaki, they're into looks and body size." Tumingin si Caleb sa'kin pagkatapos kumagat sa slice ng pizza na hawak nito. "Hindi iisa ang lalaki, at ayos lang sa akin kahit anong body size mo. I think you'll look cute whatever your size is," he bluntly said. Nakaramdam ako nang pag-iinit ng mukha dahil sa sinabi nito. Napainom tuloy ako ng soda ng wala sa oras. Bakit ba walang preno ang bibig nito? He'll just say whatever he wants to say. "Is that the girl you like?" Natigilan ako nang marinig ang tanong ni Caleb, sinundan ko ang tinitignan nito at sa screen pala ng cellphone kong nakalapag sa mesa ang tinitignan nito. Agad ko iyong kinuha at pinatay, may nakita kasi akong magandang babae kanina at nag-eenjoy akong tignan ang mga photograph nito pero hindi naman dahil sa may gusto ako rito. "It's none of your business. Bakit ka ba nakikitingin ng cellphone d'yan?" inis na asik ko. "Iniwan mong nakabukas kaya nakita ko, it's your fault." Matalim ang tinging ipinukol ko rito. "At bakit mo naman naisip na gusto ko ang babaeng 'to?" usisa ko. "You said you're a lesbian, didn't you?" sagot ni Caleb. Napakurap ako nang maalala ang pagsisinungaling kong lesbian ako dito noong unang beses na pinakilala kami ng magulang namin sa isa't isa. Napangiti ako at muling binuksan ang cellphone ko. "That's true. Look, ang ganda niya, right? Gosh! She's so sexy," pagpapanggap ko. Pinakita ko pa ang picture ng babae na naka-two piece habang nasa beach. Maputi at maganda ang katawan nito kaya alam kong makukuha ang atensyon ni Caleb, pero nawala ang ngiti ko nang tinignan lang nito saglit iyon at muling binalik ang atensyon sa kinakain. "Ayos lang, but you look prettier and hotter." Kumento nito. Napalunok ako at pabagsak na inilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. He's so blunt, at walang nagwo-work na kahit anong gawin ko dito. Hindi ito naaasar at never ko itong nakitaan na na-turn off sa akin. Ano ba ang pet peeve ng lalaking 'to? Parang okay lang siya sa lahat, usually dapat maiinis o mapipikon ito dahil may iba akong gusto at sa kapareho ko pang babae, pero parang normal lang iyon sa kanya. "Wala kang taste," bulong ko. Tumawa lang naman ito at nagpatuloy sa pagkain. Mukhang tapos na rin ang meeting nito kaya kasama ko na siyang kumakain ngayon. "The hotel crew said this is all on your tab, baka magulat ka sa bills." Pagpapaalam ko rito, sinusubukan ko kung maiinis ito. "I know, I told them to put all the expenses in this room on my tab." Prenteng tugon nito. Huminga ako ng malalim at nahihiwagaang tinitigan ito. He really is calm and seem unbothered. Hindi ko alam kung paano kong sisirain ang mood nito? Ako nalang kasi lagi ang naiinis at naaasar dito. "Are you done on your meeting? Let's go out," saad ko. "Where to?" tanong nito. "Kahit saan," sagot ko. Anong malay ko sa mga ganap ngayon? Kung pwede nga lang akong lumabas ng mag-isa eh. "Okay, pero ubusin mo muna lahat ng pagkaing inorder mo." Inirapan ko ito at tinuon ang atensyon sa pagkaing nasa harap namin, akala yata ay hindi ko kayang ubusin ang mga inorder ko. Pero medyo busog na nga ako, hindi pa nito alam na may tinabi akong pagkain sa fridge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD