“Mavi, tanungin mo nga si Callynn kung ano'ng mga kinain niya no'ng buntis siya na hindi siya nagsusuka? Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, eh. Halos lahat kasi ng kinakain ni Jaiyana ay sinusuka niya lang talaga kaya nanghihina siya.” Tinawagan na niya ang kaibigan niya para humingi ng tulong dahil hindi na niya alam ang gagawin niya kay Jaiyana. Lahat kasi ng pagkain na ni-request nito ay hindi naman nito kinakain bagkus ay tinititigan lang. Kapag naman tinikman, kaunti lang tapos mayamaya isusuka na. Sabi naman ng doktor ay natural lang daw ang mga nararanasan ni Jaiyana pero para sa kaniya ay hindi na iyon normal dahil napapansin niya nababawasan ang timbang nito. “Dude, wala siya rito ngayon,” sagot ni Mavi. “May pinuntahan siya at baka hapon pa siya makauwi.” Nang makita

