“Jordan, hindi kaya may dengue na ‘yan si Petra?” Bakas ang pag-aalala sa mukha nang Yaya niya habang nakatingin ito kay Jaiyana na nakahiga. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang may mangyari sa kanila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang lakad nito kaya naman sinabihan niya ito na manatili muna dito sa kuwarto hangga't hindi ito magaling na magaling. “Bakit ba naman kasi sige na lang ang ulan dito! Paano natin madadala sa ospital ‘yan kung hindi tumitigil ang ulan?” “Aling Tasing, ayos lang po ako,” sabi ni Jaiyana sa Yaya niya dahil halos pabalik-balik ito para lang i-check si Jaiyana. “Tinatamad lang po talaga akong bumangon dahil sobrang lamig po at kaya po ako may lagnat, eh, dahil dala po ng sipon.” “Sigurado ka? Aba'y ‘wag kang mahihiyang magsabi sa amin dahi

