“Hey, ayos ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong dahil pagkatapos nilang magniig ay hindi na niya ito makausap. Nilinisan na niya ito at binihisan na rin. Magkahalong saya at pagsisisi ang nararamdaman niya ngayon dahil nga kapansin-pansin na nanghihina ito ng dahil sa kaniya. Ang kadaldalan nito kanina ay bigla na lang nawala dahil matamlay na ito ngayon. “N-nauuhaw ako,” sabi nito kalaunan. “P'wede bang ikuha mo ako ng isang basong tubig?” “Of course.” Mabilis ang naging kilos niya para ikuha ito ng tubig at agad itong pinainom. “What else?” “Sobrang hapdi. Nanghihina ako sa sobrang hapdi,” mahina nitong sabi. Kung kanina sobrang kulit nito, ngayon naman ay sobrang hina na ng boses nito. “Nagutom ako bigla.” “Gusto mo bang ipagluto kita? Ano ba ang gusto mong kainin?” Umiling ito

