“Jordan, tulog ka na?” tanong ni Jaiyana sa kaniya. Katatapos lang nilang uminom ng kape kaya balik na sila ulit sa kuwarto nito. “Hindi pa, bakit?” Hindi pa raw kasi ito inaantok kaya ang ginawa niya ay sinasabayan na lang niya ito hanggang sa pareho silang antukin. “Kapag ba isang beses lang ginawa, puwede bang makabuo ng baby? Sa tingin mo may mabubuo na kaya agad kahit isang beses lang?” “Ano ba ‘yang mga tanong mo. Wala ka bang ibang maisip na matino?” “Seryoso nga ako.” Tumagilid ito ng higa at dahil nakatihaya siya ay sapilitan siya nitong pinahiga ng patagilid kaya ngayon ay magkaharap na sila. “You know what, I badly wanted to have a baby but I didn't know how to do it. Ang sabi nila, sobrang hirap at sobrang sakit daw pero masaya.” “Tsk! Madali lang gumawa ng ganoon.” “H

