Kagaya nang pangako niya ay umuwi nga muna sila sa bahay niya matapos ang mahabang pag-ulan kaya ngayon ay nandito na sila sa bahay nila. Yes, sa bahay nila dahil kung ano'ng meron siya ay kay Jaiyana na rin. “Gusto mo bang lumabas ngayon para mamasyal?” tanong niya rito. Pinuntahan niya ito sa kuwarto nito dahil hindi sila magkatabing natulog kagabi. Saka na lang daw sila magtabi kapag may laman na ang tiyan nito. She's being weird but then he respects her decision because he doesn't want to fight with her. “Bakit naman tayo mamamasyal? Ano ba'ng okasyon?” “Eh, ‘di ba kaya tayo umuwi ay para mabili natin ang mga gusto mong kainin?” “Of course not. Kaya tayo umuwi dahil hindi ka sanay mamuhay sa bundok. Ikaw ang inaalala ko at saka sina Aling Tasing at Mang Kanor.” “So, kaya ta

