Nagulat siya nang mapansin niyang may suot na siyang singsing paggising niya. May ideya na siya kung sino ang naglagay nito pero nagtataka pa rin siya kung bakit siya nito binigyan ng singsing. Maingat niyang hinubad ang singsing na suot niya at pinag-aralan ito. Sa loob ng singsing ay nakaukit ang salitang JLJ. What does JLJ mean? Para ba talaga sa kaniya ‘to o nagkamali lang ito ng pinagbigyan? Tatayo na sana siya para komprontahin ito pero bigla naman siyang nahilo kaya bumalik na lang ulit siya sa pagkakaupo. Mamaya na lang niya ito pupuntahan kapag medyo ayos na ang pakiramdam niya. Makalipas ang ilang minuto ay ganoon pa rin ang pakiramdam niya pero nilabanan na niya ang nararamdaman niya dahil tumayo na siya at dahan-dahan na naglalakad para pumunta sa kusina. Nahihilo

