2

3008 Words
“I SAW Andrew today.” Hindi nag-angat ng paningin si Raven mula sa binabasa sa tablet sa sinabi ni John Paul. Dalangin niyang sana ay hindi nito makita ang pagkatensiyon ng kanyang katawan pagkarinig ng isang pangalan na sinikap niyang huwag gaanong isipin sa nakalipas na panahon. Sana ay mas magmukha siyang prente sa pagkakaupo sa sofa. She was trying to relax after a long day in the office. Bahagya siyang nainis na ngayon binubuksan ni John Paul ang usapin tungkol kay Andrew. May bahagi rin naman sa kanya na eager na malaman ang bawat detalye tungkol sa buhay ngayon ng binata, pero sana ay hindi naman nito binigla. She had missed him. Marahas na napabuntong-hininga si Raven at ibinaba ang hawak na tablet. Tiningnan niya nang masama si John Paul na nginisihan siya. Mukhang inaasahan na nito ang ganoong reaksiyon mula sa kanya. Kilalang-kilala nila ang isa’t isa na kaya na nilang basahin ang anumang tumatakbo sa isipan ng bawat isa kahit na sikapin nilang itago ang totoo. “How is he?” tanong ni Raven, sumusuko ang boses. Gusto naman talaga niyang malaman at siguro ay hindi iyon masamang aminin sa sarili. Nang sabihin ni John Paul na magtatrabaho ito sa Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital, hindi talaga sumagi sa isipan ni Raven na makikita nito si Andrew. Hindi kasi niya inakala na magiging doktor ang dating kaibigan at kaklase noong high school. Way back then, he was adamant about not being a doctor. Nagulat siya at hindi gaanong nagulat at the same time nang malaman ang pagiging doktor nito, if that even made sense. Andrew had been smart and she saw that even if he tried to cover the brilliance with rudeness and bad attitude. Being a doctor was in his blood, in his genes. Pero malaki rin ang galit nito sa ama na isang mahusay na neurosurgeon. He will never be like him, he swore. Alam ni Raven na konektado ang ama ni Andrew sa DRMMH pero muli ay hindi pa rin niya naisip na nasa ospitial na iyon si Andrew. Hanggang sa isang gabi ay sabihin ni John Paul na nire-review nito ang ilang kaso at complaint kay Andrew Mendoza. Ang Andrew na kaklase nila noong high school. Ang Andrew na kamuntikan na niyang maging boyfriend. Hindi niya gustong isipin na laro iyon ng tadhana dahil hindi pa muling pinagtatagpo ang kanilang mga landas. Ang mga landas pa lang nina Andrew at John Paul ang pinagtatagpo. “Mukhang katulad pa rin ng dati sa unang tingin. Brusko at mukhang bully. Parang hindi mo gugustuhin na maging kaibigan mo. But he also looks smarter, sharper. Kahit na hindi agad-agad na makikita, naroon pa rin ang brilliance na sinasabi mo sa akin.” Kaswal na nagkibit ng balikat si John Paul. “Siguro dahil nalaman ko ang maraming bagay tungkol sa kanya kaya nagbago nang tuluyan ang impresyon ko sa lalaking iyon. Hindi ako naniwala sa mga sinasabi mo noon hanggang sa malaman ko kung gaano siya kasigasig sa pagtulong sa iba at sa pagiging doktor.” “Marami pa ring complaints sa kanya.” “Hindi negligence o malpractice. Assault and battery, defamation, s****l harrassment...” Nanlaki ang mga mata ni Raven sa huling narinig. Natawa si John Paul. “The last one’s not gonna stick. The intern who filed s****l harrassment complaint just wanted attention and a little revenge. Marami ang magpapatunay na hindi nagpakita ng interes si Andrew sa intern. Alam din ng lahat sa ospital na hindi kahit kailan mai-involve si Andrew sa kahit na sinong intern.” Napalagay si Raven sa sinabing iyon ni John Paul. Natawa uli si John Paul. “Assault, Raven. Hindi lang isa ang hawak kong assault case laban kay Andrew.” “Ang sabi mo ay naipanalo ng dating lawyer ang lahat ng kaso na umabot sa korte. Ang iba ay na-settle pero laging in favor sa ospital o kay Andrew ang settlement.” Tumango si John Paul. “Yes. I have to work extra hard to keep that up. The man has temper, Raven. Parang mas lumalala mula noong high school tayo. The administration had obligated him to attend anger management therapy and that somehow helped. Siguro habang tumatanda ay mas nagiging tame talaga ang kahit na sinong tao. Mas nagkakaroon ng perspective. Mas natututong magtimpi. Minsan din naman kasi ay tama ang dahilan ng galit niya. Hindi siya nagwawala hanggang sa hindi talaga napupuno. Hindi rin niya ipinapakita ang galit sa mga pasyente niya. Para sa mga batang inalagaan niya, he’s an angel.” Hindi sigurado ni Raven kung ano ang mga puwede niyang sabihin kaya tumango na lang siya. Siguro nga ay lahat ng tao ay nagbabago ang perspective sa paglipas ng mga panahon. Nagbabago ang mga plano dahil nagbago ang mga gusto at tingin sa mundo. Perfect example siguro siya. “The man has the ability now to make you feel a little small, you know. Parang wala kang nagagawang mabuti sa mundo kapag nalaman mo ang lahat ng mga ginawa niya.” Mababakas ang paghanga sa boses ni John Paul. Paghanga na hindi niya kahit kailan naisip na mararamdaman nito para sa dating kaklase. Ang sabihing hindi nagkasundo sina John Paul at Andrew noong high school ay kulang. Nanatiling tahimik si Raven habang nagpapatuloy si John Paul. She wanted to hear everything about the Andrew Mendoza now. “Kung makikita mo lang ang indigent program ng pediatric department sa DRMMH ay maa-amaze ka, Rave. He brings in children with rare diseases and works so hard to keep them alive. Pro bono ang lahat ng surgery niya sa program na iyon. May mobile clinic siya na umiikot sa mga mahihirap na komunidad para magbigay ng libreng medical services sa mga bata at matatanda. Taon-taon ay nadaragdagan ang mga mobile clinic na iyon. Parang hindi pa enough ang ginagawa niya dahil nagpupunta rin siya sa mga community na malalayo sa sibilisasyon once a month. Hindi lang siya basta nagbibigay ng free medical services and supplies, nagtuturo rin siya ng basic first aid sa mga tao na malayo sa sibilisasyon, mga katutubo mostly. Para mas tumaas ang tsansa ng survival kapag may mangyaring emergency at wala siya roon. He advocates approved herbal medicines because of them. Siya ang gumagawa ng paraan para makahanap ng sponsors at funding ang mga charity event na iyon. “Most of the cutting-edge machines in his wing were from donations. Imagine, he’s rude and nasty pero nakakakuha pa rin siya ng mga donation at sponsors. He’s a PR goldmine kasi despite the attitude. The posterboy of goodwill. Hindi lang sinasabi ng marami sa mukha niya. They feel like he had this reputation to keep na lang kaya sadya siyang nagiging nasty paminsan-minsan.” “Wow.” Iyon lang ang kayang sabihin ni Raven. Muli, may bahagi uli sa kanya ang hindi na gaanong nagulat. Noon pa man ay naniwala na siya sa kagandahan ng kalooban nito. Noon pa man ay alam na niya ang sidhi ng sigasig nito kapag may gusto itong mangyari. Pilit nitong kukunin ang gusto. “Yes, wow talaga. Hindi pa ako tapos. Tuwing bakasyon niya, nagbo-volunteer siya sa Africa. So basically, his whole life revolves around helping children in need. Pilit niyang ginagawa ang makakaya niya para makabago ng buhay.” “How do you know all of this? Ngayong araw lang ang official first day mo.” “Sinabi sa akin lahat ng dating lawyer na may hawak sa legal cases ng surgery department. He didn’t want me to misunderstand Andrew. Iyon kasi ang tingin niya kay Andrew, misunderstood. Sa kanya galing ang sinabi ko kanina na madaling maiparamdam ni Andrew sa ibang tao ang pagiging small at pagiging selfish. Maraming tao ang hindi iyon matanggap o hindi maamin man lang sa sarili kaya nagagalit sila kay Andrew. Natagalan bago niya naintindihan kung bakit ganoon si Andrew at ayaw niya na dumaan ako sa ganoong proseso. Hindi ko nabanggit na I knew Andrew from high school. Siyempre, nagtanong-tanong din ako at na-confirm naman lahat ng sinabi sa akin. Andrew is a passionate doctor. He advocates for the patient. Ipinaglalaban niya ang mga bata hanggang sa kaya niya. Hindi niya sinusukuan hanggang sa may nakikita siyang paraan Nirerespeto niya ang mga mabubuting magulang at guardian pero kinaiinisan niya nang husto ang mga hindi. Sinasabi niya ang nasa isipan niya kung makabubuti iyon sa bata. Wala siyang pakialam kung masaktan ang mga magulang. “Minsan, he treats patients the way he thinks the best way at minsan ay hindi iyon naiintindihan ng mga magulang. He touches patients without consent. Hence, assault.” “Kahit na iniligtas niya ang buhay ng bata?” “Kahit na iniligtas niya ang buhay ng bata.” “That’s crazy. They should be thanking him.” “Minsan mahirap kalaban ang pride. Minsan, hindi nakakatulong na ipinagduduldulan ni Andrew na mali ang mga magulang.” “So ganoon palagi? He touches patient without consent and they sue him for assault?” “Not all, siyempre. May isa akong hawak na talagang sinuntok niya ang isang guardian ng isa niyang pasyente. Andrew found signs of abuse in the child’s injuries and scans. Scars and bones fractures that are not properly healed. The kid was admitted because of severe abdominal pain. Turned out, may kung anong nag-burst na tumor sa liver niya dahil sa trauma.” “Sinuntok ng guardian ang bata?” Tumango si John Paul. “Medyo maykaya ang son of a b***h na ito kaya akala niya ay kaya niyang gawin ang lahat. Turns out, nasa kanya lang ang bata dahil siya ang may hawak ng inheritance hanggang sa mag-turn ng eighteen ang bata. I bet plano ng guardian na lustayin ang mana bago pa man maging adult ang bata. Ang masaklap, hindi alam ng bata na may mana siya mula sa mga magulang na namatay. Nagtitiis siya sa hindi magandang trato sa kanya dahil akala niya wala na siyang ibang mapupuntahan.” “That’s terrible. Pinagkatiwalaan ang guardian ng mga magulang. Paano nagagawang saktan ng isang adult ang isang bata?” “Kaya nga plano kong ipanalo ang kaso na ito kahit na ano ang mangyari. We’re not settling this one. The hospital reported everything they found on the kid’s body to the authorities. Kinuha na ang bata sa guardian and they appointed someone to manage the inheritance temporarily. Hindi basta-basta pakakawalan ng guardian ang inheritance na iyon kaya pilit siyang lumalaban sa korte.” “Andrew has to deal with this kind of things?” Tumango si John Paul. “At sa pagkakaalam ko ay hindi ito ang una. May mga pagkakataon na kamuntikan nang mawala ang medical license niya. Pero hindi ko rin naman sinasabi na nambubugbog siya regularly. Kaya nga kailangan na kailangan niya ng mahusay na lawyer. He’s not just a doctor. Ang ibang mga doktor ay hindi gaanong makikialam. Hindi sila masyadong magbibigay ng malasakit. Basta ginagawa lang ang trabaho. Iba ang isang Doctor Andrew Mendoza.” “He always has been.” “Do you wanna meet him? I bet he wants to meet you.” Umiling-iling si Raven. “I don’t think that’s a good idea.” Siguro ay hindi maiiwasan na magtagpo sila ngayong may kaugnayan uli sina John Paul at Andrew sa isa’t isa. Pero hindi pa siya handa sa ngayon. Siguro ay kailangan lang niyang maghintay sandali. O hayaan, ang tadhana na ang magpapasya kung dapat pa ba silang magtagpo uli. Bigla ay gusto niyang matawa nang malakas nang mabatid kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Sandaling pinagmasdan ni John Paul ang kanyang mukha bago ngumiti na para bang may nakakaaliw na tumatakbo sa isipan nito. “Sa palagay ko ay pagtatagpuin at pagtatagpuin ang mga landas n’yong dalawa kahit na ano ang mangyari.” “Nagiging masyado kang romantic kapag hindi mo kasama si Ethan,” sabi na lang niya. “That’s just mean.” Ngumiti lang si Raven. Tuwing wala ang anak ay kung ano-ano ang naiisip ni John Paul. He was trying to distract himself. “Pero seriously, masaya ako sa naging buhay ni Andrew. I think I didn’t really expect him to be something, to be a doctor. Para kasing walang patutunguhan ang buhay niya noong high school. Parang lagi siyang naghahanap ng rason para mapatalsik. And, oh, I almost forgot. May magandang relasyon na pala siya kay Garrett. The whole school knew they were half brothers, right? Naalala mo, binu-bully pa ni Andrew si Garrett, `di ba? May nakapagsabi sa akin na close na close na ang magkapatid ngayon.” “He has someone,” usal ni Raven, relieved. “May pamilya siya.” Halos hindi niya namalayan ang pagguhit ng isang magandang ngiti sa kanyang mga labi. “I’m glad.” Hindi napansin ni Raven na nakatingin na naman sa kanya si John Paul, nanunukso ang ngiti sa mga labi. Hindi rin niya namalayan na matagumpay na naibalik ni John Paul ang usapan tungkol kay Andrew. Hindi naman sa umiiwas siya, gusto niyang marinig ang lahat ng nalalaman nito tungkol sa kasalukuyang buhay ni Andrew. Pero hindi rin niya gustong mabungkal nito ang ilang damdaming nakabaon sa kanyang dibdib. “Kapag nakita mo siya ngayon, sa palagay ko ay mas pagsisisihan mo ang naging desisyon mo noon.” “You don’t wanna go there, JP,” sagot ni Raven, mababakas na ang kaunting inis sa kanyang boses. “We were high school. Sa palagay ko ay kailangang pagsisihan ng bawat tao ang mga naging desisyon at choices nila noong high school sila. Isa pa, sa palagay ko ay ikaw ang may nararamdamang pagsisisi.” Umiling si John Paul. “Hindi ko gustong pagsisihan ang mga naging desisyon ko.” Alam ni Raven na kahit na ganoon ang sinasabi ni John Paul ay may iilang pagkakataon pa rin na nahihiling nitong sana ay naging iba ang sitwasyon. “I have Ethan because of those choices,” dagdag ni John Paul sa banayad na boses. Tumango si Raven, tuluyang naiintindihan ang sinasabi nito sa kanya. “Siguro ay ito na ang pagkakataon n’yong dalawa.” “JP—” “I’m just saying you guys still have a chance to change everything.” “Kailangan ko ba talagang baguhin ang buhay ko? Masaya naman ako. Wala na akong mahihiling pa sa buhay.” “Talaga bang masaya ka?” “I have a good career. I love what I’m doing. I have you and Ethan. Malusog at masaya ang Naynay at Maymay ko. I have everything.” “Love life?” “It’s overrated.” Natawa si John Paul. “May mga pagkakataon na nami-miss ko ang Raven na romantic at ideyal mag-isip.” Napangiti si Raven. Maging siya ay nami-miss din ang Raven na iyon minsan. “I’m still a romantic,” sabi niya kahit na alam niyang hindi na siya ganoon. “Parte ng trabaho ko ang romance, fairy tales and happy ever afters.” Totoo rin iyon kaya gusto pa rin niyang paniwalaan na hindi tuluyang nawala ang pagiging romantic niya. Na-tame lang sa mga panahon na nagdaan. Nag-mature ang Raven na ideyal ang tingin sa mundo. May sasabihin sana si John Paul at mukhang pabubulaanan ang kanyang pahayag pero biglang nag-ingay ang cell phone. Base sa paraan ng pagliwanag ng buong mukha nito, nahuhulaan na niya kung sino ang nasa kabilang linya. Mabilis na sinagot ni John Paul ang tawag na kanina pa nito hinihintay. “Hey, Ethie!” Sinenyasan siya ng lalaki na aalis at tumango na lang siya. Nang mawala sa sala si John Paul ay nagpunta si Raven sa kanyang kuwarto at naghanda na sa pagtulog. Habang nasa kama ay hawak uli niya ang tablet pero wala na roon ang kanyang isip. Nakikita lang niya ang mga letra pero hindi talaga niya naiintindihan. Mayamaya ay napapabuntong-hininga na sumuko na lang siya at itinabi ang tablet sa night table. Niyakap niya ang isang unan at hinayaan lang ang sarili na isipin ang isang partikular na lalaki. It had been ancient history since high school at hindi na dapat siya nababagabag nang ganoon. She was very different from the girl she was then. Sa kasalukuyan ay isa na siyang editor in chief ng nangungunang wedding magazine sa bansa. Ang high school na si Raven ay masyadong romantic at walang gaanong pangarap sa buhay. She wanted to be a simple housewife. Parang gusto niyang kilabutan ngayon. Siguro ay kailangan lang niyang aminin sa kanyang sarili na gusto niyang makita si Andrew ngayon pero hindi niya sigurado kung handa ang kanyang puso. Hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Hindi niya gaanong matanggap na may epekto pa rin si Andrew. Pero ano ba ang magagawa niya? Patuloy na magsinungaling sa sarili? Alam ni Raven na kaya niyang magsinungaling sa ibang tao, paminsan-minsan ay napagtatagumpayan niyang itago ang totoong nararamdaman kay John Paul, pero hindi niya kayang lokohin ang sarili. Napabuntong-hininga si Raven. She wanted to see him and she would. One of these days. Mawawala na ang lahat ng anumang nararamdaman niya sa sandaling magkaharap silang dalawa. Sigurado siya na masyado lang niyang iniisip ang nangyari sa nakaraan. Hindi posible na mayroon pa siyang damdamin na natitira. Kagaya ni John Paul, hindi gustong pagsisihan ni Raven ang mga naging desisyon niya noong bata siya. Bukod sa walang saysay dahil wala namang magbabago, those decisions lead her to who she was now. She liked the person she was now. Hindi naman niya sinasabi na hindi niya gusto ang dating siya, parte pa rin ng kanyang kasalukuyang personalidad ang dating siya, pero hindi maikakaila na masaya siya sa kanyang buhay. Dahil talagang hindi na makatulog, hinayaan na lang niya ang sarili na mabalikan ang unang pagkakataon na nagkakilala sila ni Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD