Chapter Four

1627 Words
BINALIKAN ni Kisa si Stone pagkatapos niyang magbihis ng itim na T-shirt sa isang maliit na lugar sa gilid ng stage na natatakpan lang ng kurtina. Nakaupo ito sa hagdan ng entablado at nakasubsob ang mukha nito sa mga tuhod nito. Pinigilan niyang matawa. Mukhang nahihiya pa rin ito dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya sa pag-aakalang pinagsasamantalahan siya. Tahimik na lumapit siya rito. Sa totoo lang, masaya siya sa nangyari. He had just showed her how much he really cared for her. Kung hindi ay hindi naman ito magagalit nang kagaya kanina. Kitang-kita niya ang labis na pag-aalala sa mga mata nito kanina. "Stone." "Leave me alone, 'ling." Natawa siya. "Come on. Umuwi na tayo. Umalis na rin ang mga kasamahan ko sa club." Hindi ito nagsalita. Umupo siya sa tabi nito. "Huwag kang mag-alala. Hindi sila galit sa 'yo. Rehearsal lang naman 'yong hindi mo sinasadyang magulo." Umungol ito. Pabirong siniko niya ito. "Bakit kapag sa ibang tao, nakokonsiyensiya ka? Bakit kapag ako ang nasasaktan mo, dead-ma ka lang?" Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Hindi totoo 'yan," kontra nito. Napangiti siya. "Nakita ko rin 'yang mukha mo." Hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang likod ng kanyang kamay. He didn't budge. "Thank you, Stone." "Para saan?" "Kasi handa ka talagang ipagtanggol ako." "Kahit sino naman ay gagawin 'yon." Umiling siya. "Malaking bagay 'yon sa akin dahil ikaw ang gumawa n'on." Nakangiting tiningala niya ito. "At least now I know the boy I like doesn't hate me." "I never said I hated you." "True," nakangiting pagsang-ayon niya. Nag-iwas ito ng tingin bago muling nagsalita. "I never said I liked you either." Natawa lang siya. "Siyanga pala, bakit nandito ka pa?" "Practice." "Ah. Kung gano'n, sabay na tayong umalis." Tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay rito. "Let's go." Tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay dumako ang mga mata nito sa braso niya. Hinawakan nito iyon. Hinawakan din nito ang isa pa niyang braso. Kumunot ang noo nito. "Ang dami mong pasa!" "Ah, 'yan ba? Normal lang 'yan. Nakita mo naman 'yong eksena, 'di ba? It's a rape scene. Si Rocky nga, ang dami niyang kalmot sa mukha at leeg dahil sa akin. Ang hahaba pa," pagkukuwento niya na ang tinutukoy ay ang lalaking pinagsusuntok ni Stone kanina. Luckily, napatawad naman ni Rocky si Stone kahit medyo nabugbog ito. Nagpapasalamat nga siya at napaka-understanding ng mga kasamahan niya sa club. "Pero rehearsal lang 'yon. Kailangan ba talagang bigay-todo agad kayo?" nakakunot-noong tanong nito. "Kahit rehearsal lang 'yon, kailangan naming seryosuhin 'yon. Kung hindi namin magagawa nang tama ang isang eksena sa practice pa lang, hindi namin magagawa 'yon sa mismong araw ng palabas. Handa kaming magkapasa, magkakalmot, at maubusan ng boses basta ba ma-perfect namin ang buong play." "You're very... dedicated." "Gano'n naman talaga, 'di ba? Kung gagawin mo ang isang bagay, dapat ibigay mo ang lahat ng makakaya mo. Kung hindi, masasayang lang ang lakas mo. At kung gusto mo talaga ang ginagawa mo, hindi ka makakaramdam ng pagod." Nanatiling nakatitig ito sa kanya. Mayamaya ay lumambot ang mukha nito at rumehistro doon ang katuwaan. Hindi niya alam kung paano magre-react ngayong tinitingnan siya nito nang may paghanga sa mga mata kaya ngumiti na langsiya. "About the special training you were talking about, let's do it." Napasinghap siya. "Talaga? Willing ka na?" Tumango ito. "Oo. Nahawa yata ako sa pagiging dedicated mo sa ginagawa mo. Bigla akong nahiya sa sarili ko. Sumali ako sa basketball team dahil gusto kong mag-basketball. Pero wala naman akong ginagawa para mapabuti ko ang laro ko." Napangiti siya. Gusto niya ang mga naririnig mula rito. "Habang ikaw, nandito at handang magpabugbog para lang sa rehearsal n'yo. I refuse to lose to you."' Natawa siya. Kapagkuwan ay sumeryoso siya at pinatapang ang mukha niya. "Challenge accepted." "Pulos ka kalokohan. Umuwi na nga tayo." Nagpatiuna na ito sa paglalakad. Umagapay siya ng lakad dito. "Pero, Stone, sa special training mo, ako ang kasama mo. Don't you hate being with me?" Matagal bago ito sumagot. "I told you, I don't hate you. I don't hate being with you either. Huwag ka lang masyadong makulit." Napangiti siya. Ramdam niya, malaki na ang nagbago rito dahil sa nangyari nang gabing iyon. Hindi niya alam kung ano ang nagbago rito pero alam niyang maganda iyon dahil parang natibag na ang pader na inilagay nito sa pagitan nilang dalawa. Pasimple siyang dumikit dito nang naglalakad na sila sa madilim na pasilyo palabas ng gusali. The backs of their hands were touching but he didn't move away from her. Pasimpleng hinawakan niya ang kamay nito. Natuwa siya nang hindi nito tinangkang bawiin ang kamay nito. "Tsansing 'yan," sabi lang nito. Natawa lang siya. *** "FIGHTING, Stone!" masigla at malakas na sigaw ni Kisa. "Quiet, 'ling!" Natawa lang siya sa pananaway nito. Kasalukuyan itong nagdya-jogging habang nagbibisikleta naman siya. Alas-kuwatro y medya pa lang ng umaga pero sinisimulan na nila ang morning practice nito. Patungo sila ngayon sa public basketball court malapit sa Sunray. Si Snap ang nagsabi sa kanila na puwede nilang gamitin iyon at solo nila iyon hanggang alas-siyete ng umaga. "I can see the court now!" excited na sabi niya nang matanaw na niya ang bakod sa paligid ng basketball court. "Mauna na 'ko sa 'yo, ha?" Binilisan niya ang pagpepedal papunta sa court. Pagdating doon ay ipinarada niya ang bisikleta. Hinubad din niya ang sukbit na backpack. Mula roon ay inilabas niya ang isang bottled water at face towel. Mayamaya pa ay nakita niya si Stone na papasok sa court. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang matitigan ito. Ang guwapo pala talaga nito. Simpleng puting T-shirt, gray jacket, itim na walking shorts, at itim na rubber shoes lang ang suot nito pero ang guwapo-guwapo nito. His jet-black hair was swaying gently with the wind and the beads of sweat on his forehead traveling down to his neck made him look... hot. Gosh! Mabuti na lang at magaspang ang ugali niya dahil kung hindi, maraming babae ang makakapansing guwapo siya. "O, bakit nakatingin ka sa akin?" nakakunot-noong tanong nito nang makalapit sa kanya. Umiling lang siya, pagkatapos ay iniabot niya rito ang hawak na bottled water at face towel. "Magpahinga ka muna. Malayo-layo rin ang tinakbo mo." Tinanggap nito ang bottled water at ininom iyon. Pagkatapos ay tiningnan siya nito nang mataman. "Ang saya-saya mo, ah. Ang aga-aga pero ang taas-taas ng energy mo." "Siyempre naman. Being with the person I like makes me strong." Tumaas ang isang kilay nito. Natutop niya ang kanyang bibig. Nakangiting kinuha na lang niya ang bola ng basketball sa basket carrier ng bisikleta at iniabot iyon dito. "Here. Ang sabi ni Snap ay kailangan mo raw maka-five hundred layups at jump shots." "All right. Five hundred layups and jump shots." "Kaya mo 'yan!" Tumango lang ito bilang sagot sa sinabi niya, pagkatapos ay naglakad na ito patungo sa court. Pumuwesto ito sa ilalim ng ring. He dribbled the ball before jumping up and doing a layup. Pero tumalbog ang bola sa gilid ng ring. Nalaglag ang mga balikat niya. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa na maipapasok din nito ang bola. "Kayang-kaya mo 'yan, Stone!" sigaw niya rito. Nilingon siya nito. Ang akala niya ay sasabihan na naman siya nito na tumahimik siya kaya nagulat siya nang tumango lang ito. Punong-puno pa rin ng determinasyon ang mga mata nito. Hindi niya alam kung tama pero pasasalamat ba ang nababanaag niya sa mga iyon? Bigla siyang natigilan dahil doon. Kahit ilang beses itong pumalya sa pagshu-shoot ng bola, hindi ito kakikitaan ng iritasyon, bagay na inaasahan niya dahil ito ang tipo ng tao na madaling mainis. Sa halip ay hindi nawala ang matinding determinasyon sa mga mata nito. Hindi niya alam kung ano ang nakain nito pero parang inspiradong-inspirado ito. Unti-unting bumagal ang pagkilos ni Stone kaya kitang-kita niya ang bawat kilos nito—mula sa paglundag, ang pagsabay ng buhok nito sa bawat kilos nito, ang paggalaw ng mga kamay nito nang ihagis nito ang bola na animo may ritmo, hanggang sa pagguhit ng matipid na ngiti sa mga labi nito. Napasinghap siya. Bakit ito ngumiti? Mabilis na lumingon siya sa basket. Eksakto namang nakita niya ang pagpasok ng bola roon. Nagtititili siya. "You did it, Stone!" Nilingon siya nito at tumango. Hindi na ito nakangiti pero nangingislap ang mga mata. Hindi niya napigilan ang sarili, tumakbo siya palapit dito at niyakap ito. "I'm so happy for you, Stone!" "Ano ka ba? Four hundred ninety-nine shots pa ang kailangan kong gawin," anito sa parang naaaliw na boses. "Pero ito na ang simula. Naniniwala akong makakaya mo 'yon." "Parang mas malaki pa ang paniniwala mo sa akin kaysa sa paniniwala ko sa sarili ko. And for that, thank you." Gulat na nag-angat siya ng tingin dito. "O, bakit parang nagulat ka?" tanong nito. "Magugunaw na ba ang mundo? Nagpasalamat ka sa akin, eh," nakangising sabi niya. Pabirong kinutusan siya nito. "Puro ka talaga kalokohan." Noon niya napansin ang hitsura nila. Nakayakap siya rito pero nananatiling nasa magkabilang tagiliran nito ang mga braso nito. Muli ay tiningala niya ito. "Bakit mo ako hinahayaang yakapin ka pero hindi ka naman gumaganti ng yakap?" malungkot na tanong niya. "Nakapagdesisyon na ako, Kisa. Hindi na kita itutulak palayo. Pero hindi nangangahulugan 'yon na hindi pa rin kita masasaktan. I'll just wait until you get tired of me, until you let go of me, until you realize I'm no good for you." "That will never happen, Stone," sabi niya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap dito. "I doubt that." Napangiti siya. Hindi na siya nito tatakasan o lalayuan. Siguradong-sigurado siya na hindi mawawala ang pagtingin niya rito kaya ang gagawin na lang niya ay paibigin ito. Kaunting-kaunting kembot na lang talaga. Eight na lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD