PINAGMAMASDAN pa rin ni Alana ang pintong nilabasan ni Andres kahit matagal-tagal nang wala ang binata. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama. Ni hindi niya maipaliwanag kung bakit naaapektuhan siya nang husto sa kaalamang humalik si Andres ng ibang babae nang gabing iyon. Napapabuntong-hininga na pinagmasdan ni Alana ang nakahigang katawan. Parang walang buhay. Hindi gumagalaw at nagsasalita. Muli siyang nakiusap na sana, makabalik na siya sa katawan. Gusto niyang malaman kung ano ang kailangan niyang gawin para makabalik na sa totoong mundo, sa mundo kung saan nakakausap niya nang totoo si Andres. Trutty. Luminaw sa alaala ni Alana ang mukha ng magandang dalaga na alam niyang naging espesyal na sa buhay at puso ni Blu. Nagseselos siya kay Trutty. Naiinggit nang sobra. Medyo naiinis siya

