"Kate! OMG! Excited na talaga ako na makakita ka na! Sana huwag kang magulat pag nakita mo 'ko, ha. Sobrang ganda ko kasi." Agad silang kumontra sa sinabi ni Denise. Natawa na lang ako nang maramdamang pinaghahampas nila si Denise ng unan. "Tangina niyo, mga insecure!" asik ni Denise. "Alam ko namang naging girl crush niyo 'ko dahil ang ganda ko!" "Pwede bang manahimik ka na forever?!" narinig kong sabi ni Angel. Napangiti na lang ako habang pinakikinggan ang ingay nila. Hindi ko naman gusto ng maingay dati, pero parang ayos na sa akin ngayon. I told them about my upcoming transplant surgery. They were so happy and excited about it. Mas excited pa yata sa akin. "Siguradong tuwang tuwa 'yon si Lorden. Gustong gusto na no'n na makakita ka, e. Saka grabe... Hindi ko talaga inakalang ma-

