CHAPTER 18 “Yeah, I’m okay,” sagot ko kay Clark. “Sigurado ka ba? Para kang nakakita ng multo,” natatawang sabi niya. Ngumiti lang ako ng pilit. Pero hindi talaga maalis sa isip ko ang mukha ng batang nakita ko kanina. At ngayong mas malapitan ko siyang naobserbahan, lalo akong napatigil. “Ah eh, may itatanong lang ako sa’yo,” sabay tingin ko sa kanya. “Ano ’yun? Basta hindi Math, ha! Alam mong allergic ako sa solving!” sabay kamot pa siya sa batok. “Ulol. Hindi yun. Iba.” “Go. Shoot!” “Yung bata kanina... kaano-ano niya ang nobya mo?” “Ah, yun ba? Anak 'yun ng matalik na kaibigan ni Kalle. Inaanak din niya 'yon.” “Gano’n ba... So, kilala mo rin siguro ang ama ng mga bata?” “Actually, hindi. Ni minsan, hindi ko pa nakitang may ka-relasyon 'yung kaibigan ni Kalle. Marami nang nan

