CHAPTER 17 Red POV Nasa isa ako sa mga branch ng aking mall—ang P. Megamall. Kasalukuyan akong nag-aasikaso ng mga papeles na kailangang pirmahan nang may kumatok sa pintuan. Tok! Tok! Tok! “Boss, andito na po ang private investigator niyo. Nais daw kayong kausapin,” ani ng assistant ko. “Papasukin mo,” malamig kong sagot. Mula noong hindi ko nakita ang babaeng hinahanap ko ay laging mainitin Ang ulo ko at malamig sa lahat na tao. Ilang sandali pa'y pumasok ang tao kong inutusan kong hanapin ang babaeng minsang naka... connect ko noon—at hindi na nawala sa isipan ko mula noon. “Ano'ng balita?” tanong ko agad, hindi na nagpaligoy-ligoy. “Boss, ayon sa impormasyon ko, nasa Pangasinan ang babaeng hinahanap niyo. Pero may mga detalye akong hindi pa rin makuha. May humaharang at tila ma

