BIGLANG tumakbo ang pito sa akin pero bago sila makalapit ay bigla na lang akong unti-unting naglalaho. Maikling panahon lang kami nagkakilala bilang grupo at ko iyon kakalimutan. Walang kahit na ano ang makakawasak sa pagkakaibigan namin. Naging parte si Mysia sa amin kaya mananatili siyang kaibigan sa amin. Kahit gaano pa katagal ang pinagsamahan niyo... kung mawawasak ito sa simpleng dahilan ay para na rin kayong walang pinagsamahan. "Anong nangyayari, Sy?" tarantang tanong ni Shandie. Nginitian ko naman siya, hindi ko siya makakalimutan. Ang pagiging madaldal, at masayahin niya ay hindi dapat na magbago. Natutunan ko sa kanya na ngumiti lang kahit ano man ang mangyari, nakakagaan ito ng loob. Ang pagngiti ang pinakamagandang gawin sa lah

