Nagtagumpay sila sa kanilang plano na itapon si Ikito sa hukay ng impiyerno. Hanggang langit ang ngiti ni William Iraklidis. Kinuha nila ang mga gamit at espada ni Ikito at ibinigay kay William Iraklidis. Habang minamasdan ni William Iraklidis ang espada ni Ikito, bumukas ang pinto ng opisina n'ya at bumungad sa kanya ang mukha ni Yoel Zografos. Dali-dali niyang itinago ang espada ni Ikito sabay sabing, "Kamahalan, naparito ka." "Alam ko na tinapon mo si Ikito sa hukay ng impiyerno." "Kamahalan, a-anong pinagsasabi mo?" Na-uutal niyang tanong pabalik. "Huwag mong subukang magsinungaling." "At saka, sinusuporta ko ang desisyon mo ngayon." Pagdagdag ni Yoel Zografos. Nanlaki ang mga mata ni William Iraklidis at binuksan n'ya ang kanyang bibig. "Bakit? Akala ko ba'y kapanig mo si Ikit

