Ilang taon nang nakalipas. May isang lalakeng naka balabal. Pumunta siya sa isang lugar na kung saan walang makakakilala sa kanya. Dahil sa gutom n'ya, pumasok siya sa isang bar kahit na alam n'ya na doon tumatambay ang mga kriminal. Napalunok siya nang wala sa oras pagkapasok pa lang n'ya. Lumakad siya papuntang estante at doon umupo. Umorder siya ng pagkain at habang siya'y naghihintay, napatitig sa kanya ang bartender na nag lilinis ng baso ng alak. Pagkatapos ng pagluto sa kanyang pagkain, kinuha ng bartender at binigay sa kanya sabay sabing, "Ikaw ba'y si Kian Miyagi?" Nanlaki ang mga mata ng binatang lalake at napalunok siya nung naramdaman n'ya ang presensya ng paligid. Akmang aalis na sana siya kaso may umakbay sa kanya. "Wag kang mag-alala, hindi kami kalaban." Napapilit nam

