Chapter 7: Warning (2)

1241 Words
Mga ilang sandali nakarating narin kami, nandoon na lahat ng mga kaklase ko pati narin mga teachers. Alam n'yo ba kung bakit 'mga' teachers? Ganito kasi yun. 《"Sila nga pala ang mga barkada ko noong high school pa ako hanggang ngayon. Teacher rin sila so dapat lang na tawagin n'yo silang teacher o Miss o Mr. o Mrs." bagets na bagets teacher namin ah. Bagay naman rin sa kanya kasi maganda siya at di halatang 28 na siya. Parang magka-edad lang nga namin. Oo, tama ang narinig nyo, ganun ka ganda ang teac-- este adviser pala namin. At yun nga kung bakit madami.》 Ganun lang yun, wala naman ring mawawala sa 'min kung tawagin namin silang teacher o etc. Madami nading naliligo yung iba nag dadive na, yung iba umakyat pa nga para mag dive lang. At ako naman nakatingin lang sa kanila. Wala ako sa mood mag babad sa tubig ngayon, gusto kong maligo kaso masakit ang ulo ko. Sooobra. Bigla bigla lang. Tinanggal ko ang shoulder bag ko at pinagmasdan ko nalang sila. *SPLASH!* Argh! natalsikan tuloy ako--este nabasa napala. *SPLASH!* *POK* Hindi ko kinayaning lumangoy dahil sa sakit ng ulo ko. Parang gusto ko atang pumatay. Baka ma ano pa ako nito humanda talaga sa 'kin yun. Pag ako namatay mumultohin ko talaga siya. *** "Bakit mo tinulak si Mifuyu-sama?!" alam ko yang boses na yan ah. Dumilat ako pero blurry parin ang paninggin ko, lalo tuloy sumakit ang ulo ko. "Gising kana Yuki-chan?" masiglang tanong ni Shane. BULAG KA BA?! NAKITANG GISING NA NGA AKO EH TINATANONG PA. Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya kaso lalo pa talagang sumakit ang ulo ko. "Kitang gising na nga, tinatanong mo pa," Good one Dane. "S-sorry M-mifuy-u dah-il tinul-ak kita," pau-utal n'yang sabi. Doon nagkalakas bigla ang katawan ko nang nalaman ko kung sino ang tumulak sa 'kin. Agad akong umupo galing nga akong nakahiga diba? Teka, bakit ko pa ine-explain sa inyo e alam n'yo naman. "YOU PIECE OF @#$%, ANO BANG NAKAIN MO AT BA'T MO KO TINULAK?! KUNG IKAW KAYA ANG TUTULAKIN KO, SASAYA KABA?! ANG SAKIT PA NAMAN NG ULO KO! ANO BANG KASALANAN KO SA 'YO?!" halatang nagulat sila dahil sa sinabi ko. Galit na galit talaga ako. Anytime pwede ko na siyang patayin kaso may sisira ng moment ko. Na-iinis na ako sa titig nila ah kala mo sinong dyosa, let me correct that ako lang pala ang dyosa at hindi tong nasa harapan ko. "ANONG TITINGIN-TINGIN NYO DYAN?! GANYAN NABA TALAGA AKO KA GANDA?" umiwas naman rin sila ng tingin pati na ang mga teachers. Ang magkatingin nalang ay kaming dalawa ni Melisa. "NOW EXPLAIN EVERYTHING!" ang sama ng tingin ko sa kanya. "a-a---" pinutol ng uggok na Saito na mag explain si Melisa. "Tama na Miyu," mahinahong pakiusap ni Saito. Isa pa to eh, pakialamero talaga! Kala mo kung sino. Kaibigan ko lang naman sya. "BAKIT KAB---" hindi ko natuloy kasi nawalan ako ng malay. Naramdaman ni Saito na para bang nangyari na to noon pero hindi n'ya maalala kung kailan. Nakakagulat ang ugali ni Mifuyu kanina. Pero hindi lang siya doon nakapokus, pati sa mga mata ni Mifuyu. "A-anong nangyari?" mahinahong tanong ni Mifuyu. Nagulat silang lahat dahil bigla nalang siyang gumising. Bago pa nga siya nawalan ng malay, gumising na agad. At nagulat nanaman si Saito dahil sa mga mata ni Mifuyu, kulay asul. Kanina kulay pula, ngayon kulay asul. "Hindi mo ba ma-alala?" panigurado ni Saito habang may iniisip. "H-hindi. ang alam ko lang natutulog ako." "--ay mali hindi ko ma-alala," nagulat sila dahil bigla nalang siyang umiyak. "Pre, Ba't mo pinaiyak?" sulpot ni Shane pero hindi siya pinansin ni Saito. Patuloy lang umiyak si Mifuyu hanggang sa yumakap siya sa kanya. Halatang gulat na gulat ang binata. "Payakap naman rin oh," singit nanaman ni Shane habang nag puppy eyes. Nagulat nanaman si Saito dahil biglang yumakap si Mifuyu kay Shane. "Yay!" masayang sabi ni Shane. "Ako rin," nakisingit naman si Dane at ngayong magkabilog sila at nasa gitna si Miyu. 'Ano bang irereact ko? Tatawa o mainis?' Sa isip-isip ni Saito. Ang drama kasi ni Shane sumabay pa sa pag-iyak ni Miyu. *** Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayong. Parang ang bigat bigat dahil ba 'to sa sakit ng ulo ko? Ang saya ko rin kasi nakisabay sa 'kin si Shane. Nahiya tuloy ako. Pagkatapos naming umiyak ni Shane nakaramdan ako ng pagod saka ako humiga sa lap ni Saito at natulog. Narinig ko pa nga si Shane "Ang swerte mo naman tol, sana ako nalang ang tutulogan n'ya," feeling ko uminit ang pisnge ko pero hindi kaya sa pagod ko at tuloyan na akong natulog. *** Bumalik na sila sa tent at buhat-buhat ni Saito si Mifuyu in bridal style. Namalayan n'ya ang ugali ni Mifuyu kanina. Yung kulay pula, mala-demonyitang ugali. Yung kulay asul, nagiging mabait. Alam na alam ito ni Saito kaso matagal na yun. Alam n'ya ang nangyari noon at pilit n'ya mang kalimotan ang nangyari, pero mapapaginipan n'ya parin. Pagkarating nila, hiniga n'ya si Mifuyu sa kama. Tinawag n'ya ang teacher nila para mabihisan ng damit. Lumabas na si Saito at pagkalabas n'ya, nandoon sina Shane at Dane. 'Noon ko palang napansin itong dalawang 'to.' 'Kakaiba rin ang kanilang awra.' Sa isip-isip ni Saito. "Alam n'yo ba ang totoo?" seryoso niyang tanong. "Anong totoo naman yang pinagsasabi mo?" tanong ni Shane na may patawa tawa pa. Lumakad si Saito papunta sa kanya. "You don't have to hide it," Sabi n'ya sabay ngiti. Napaurong naman si Shane. "Magkapareho talaga sila ni Yuki-chan," narinig naman ni Saito ang bulong n'ya pero ngumiti ulit. "Eh, alam mo naman pala eh." 'Bakit ko pa kasi 'to tinatanong.' Nagsisisi si Saito kung bakit siya pa ang tinanong n'ya. Nandito naman si Dane. "Tapos na," napatingin silang tatlo sa nagsalita, kakalabas lang ni ma'am. "May dapat ba akong malaman?" nakita niya siguro na seryoso sila-- si Saito lang pala. Napabuntong hininga nalang si Saito at ngumiti uli. Umiling lang siya sabay nagpasalamat at pumasok na sa loob ng tent. Pagkapasok ni Saito, napahinto siya sa nakita n'ya. Si Mifuyu na blanko ang expression. Hindi pa n'ya nakita ng maayos ang mukha ni Mifuyu pero kitang-kita n'ya ang mga mata ni Mifuyu, kulay dilaw. Yung mga mata lang ang nakakasilaw sa loob ng tent at tama nga ang hinala ni Saito. Ito ang nakita n'ya noon. Nakaramdan silang dalawa na may pumasok at nagulat rin ang dalawang kambal dahil sa mga mata ni Mifuyu. "Tama ba ang nakita ko?" tanong ni Shane halatang gulat na gulat. Kahit si Dane hindi makapaniwala. Tumayo si Mifuyu at lumakad palabas ng tent. Sinundan nila siya gamit ang mga mata nila. Nung nakalabas na si Mifuyu, natauhan sila at agad-agad lumabas. Pagkalabas nila nasa taas na siya ng puno. *** I'm back. AGAIN. Sana patay na ako eh. =___= Nakakapagod kayang mabuhay. Lalong lalo na't wala na ang mga magulang ko. Tch. Hindi naman rin pwede si kuya dahil mahal na mahal ko yun. Argh, stupid thoughts! Pinagmasdan ko nalang ang langit habang sila ay busy kakautos na bumaba ako baka mahulog daw ako. Mind your own business nga diba? Kinuha ko nalang ang earphones at sinuot, max volume pa. Mukhang huminto narin sila. Buti nga kundi papatayin ko sila pero bawal ngayon. Hindi ko muna sila papagisingin (referring to blue and red), ako muna ang gagamit sa katawan na ito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD