"Miyu!" nagulat ako nun ah.
Teka, anong nangyari?
Nasa taas ako ng kahoy?
Tumingin ako sa baba kung sino. Laking himala, si Saito lang... pala?
Teka! Ano yun panaginip lang? Panaginip lang ang lahat ng mga yun? Panaginip lang na nakilala ko yung Dark knight, yung Twin Sister at si Lan? Naguguluhan na ako.
Tawagin ko muna si Saito.
"Saito!" tawag ko sa kanya habang kumakaway. Nakita n'ya ako tsaka ako bumaba sa kahoy.
Nagulat ako dahil bigla n'ya akong niyakap.
"B-bakit?"
"Sorry dahil iniwan kita." sagot n'ya. Hindi ito yung nangyari ah. Panaginip lang talaga yun pero parang totoo, naguguluhan na talaga ako.
Humiwalay ako sa pagkayakap n'ya at tumingin sa mga mata n'ya.
"Bakit?"
"Wala," Panaginip lang talaga.
Bumalik na kami sa tent namin at nakita ko silang lahat.
Lumapit sina Shane at Dane sakin.
"Ok ka lang ba Yuki-chan?/ ok ka lang Mifuyu-sama?" tanong ni Shane at ni Dane. Tumango naman ako. Teka, when did he addressed me as '-sama'? At tsaka Yuki-chan?! Magrereact na sana ako kaso sumulpot si Rika.
"Mifuyu! Buti buhay kapa," sabi ni Rika sa 'kin na ikinagulat ko. Same sila ng reaksyon sa panaginip ko ah. Tumango lang rin ako.
"Guys! Since wala talaga kayong mahanap, bibigyan ko nalang kayo o kainin niyo nalang ang pagkain na dala ninyo," sabi ni ma'am. Ito din yung nangyari sa panaginip ko.
"YES!"
"gusto ko nang kumain."
"Gutom na ako."
Rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila.
Ang saya pala pag hindi yun nangyari.
Nagsimula na silang kumain. Nagiging cautious ako sa paligid ko baka maya maya biglang lalabas yung lalake.
"Ito oh," sabi ni Saito sabay bigay sa 'kin ng pagkain.
"Salamat," pasalamat ko sabay kuha at kumain na.
"Okay ka lang?" hindi ko siya pinansin. Nakita n'ya ata akong lingon ng lingon sa paligid.
***
Pagkatapos naming kumain, yung iba tulog na, yung iba hindi pa at ako naman ini-isip ko parin ang panaginip ko.
Kung totoo ang mga iyun, ano na kaya ang gagawin ko? Syempre hindi ko alam.
Tulog na pala si Saito. Matulog na nga rin ako. Pumasok na ako sa tent at humiga at pinikit ko na ang aking mga magagandang mata..
***
Gumising ako dahil ang ingay, anong meron?
Lumabas na ako sa tent, lahat sila nasa labas. Teka, tatanongin ko nga si Saito.
"Oi, anong meron?"
"Pupunta daw tayo sa falls," masayang sagot n'ya. Yay!! Ano namang meron sa Falls?
Bumalik na ako sa tent tapos nag baon ako ng damit at pinasok sa shoulderbag ko.
At lumabas na ulit. Nakasalubong ko naman si Saito pati narin si Shane at Dane. Ewan ko ba sa kanila.
"Oh, Ba't hindi ka nagbaon ng damit?" nakita ko kasing wala siyang dala at syempre, ito naman si ako, iniingatan ang kalusugan ng guardian angel ko.
"Dito nalang ako mag bihis," sinamaan ko siya ng tingin.
"Magbaon ka o hindi?" tanong ko sabay crossed-arms dahilan ng pagngiti n'ya. May pa ngiti-ngiti pa 'tong nalalaman.
"Sa ayaw at sa gusto mo, Magbaon ka ng damit!" na-iinis na sabi ko at tinutulak-tulak siya papasok sa tent.
Ayan dahil tinutulak ko siya, hindi nagtagal nagbaon narin siya ng damit.
"Ako Yuki-chan hindi mo ba ako tatanongin?" sulpot ni Shane. Nandito pa pala sila at anong tawag n'ya sa 'kin? Yuki-chan?! Buti hindi ko nakalimotan.
"Ano ulit tawag mo sa 'kin?" kalmado kong tanong.
"Yuki-chan KO," masayang sagot n'ya at may dinagdag pa talaga.
"Stop calling me that!" Galit kong sigaw tsaka...
*POK!*
Syempre hindi ko siya sinuntok. Sinipa ko lang naman ang medyo malaki na bato sa tabi ko at saktong lumanding sa ulo n'ya.
Yan ang bagay sa kanya.
"Guys, ano pang hinihintay ninyo?" tanong ni Rika. Out of nowhere. Wala narin ang mga kaklase namin, buti hinintay kami ni Rika. 'Siya si Lisa Ueda?'
"Yuki-chan naman oh, ang shakit. Bakit tumama pa kasi sa 'kin? pwede namang kay Dane," naglalakad na kami nang biglang nagsalita si Shane at nagpout pa talaga habang hinihimas ang natamaan ng bato.
*POK!*
Hindi ako yan. Sinuntok ni Dane si Shane, dumoble pa.
"Aray! Bakit mo ba ako sinuntok?!" galit na sigaw n'ya habang hinihimas ang kanyang pisnge.
"Bagay sayo yan," simpleng sagot ni Dane habang pinipigilang tumawa.
"Anong bagay sa 'kin?! Bagay to sayo!" sagot ni Shane. Nag-aaway nanaman sila.
"Sayo tumama, dapat lang na bagay sayo!"
Na-iinis na talaga ako, sa dinami-daming panahon bakit ngayon pa?
Dahil sa inis ko hinawakan ko silang dalawa.
"Hindi ba kayo titigil?" mahinahong tanong ko sa kanila habang nakangiti. Napaurong naman sila at tumahimik.
"Nakakatakot naman si Yuki-chan," narinig ko si Shane kaya sinamaan ko ng tingin. Napaurong ulit siya at nag tago sa likod ni Dane. Tahimik lang kaming lumakad.
Ang boring na, nakaka-ilang oras na kami hindi parin kami nakakarating. Ganito ba talaga kalayo ang falls?
"Oi, kwento ko sayo ang panaginip ko nung hindi mo pa ako nahanap," siniko ko si Saito habang nagsalita. Magkatabi kasi kami at yun nga, kinwento ko lahat sa kanya.
Syempre hindi ko sinali yung part sa family thing.
"Grabe ka talaga mag imagine Miyu, kaya ang galing rin ng panaginip mo," sabi n'ya at napabusangot naman ako. Parang walang epekto sa kanya. Syempre panaginip ko lang yun. Bakit naman sya maaapekto?
At kahit na panaginip lang yun, hindi ko kayang masabi sa kanya tungkol sa family part. Di ko alam kung bakit.
"Oo nga eh," sagot ko. tama nga ako, hindi yun totoo.
***