Chapter 5: The Past (3)

921 Words
Mga ilang sandali nakarating narin kami. Isang castle, ang laaaaki ng palasyo at ang ganda pa. [Calias Castle] Excited na akong pumasok sa loob ng palasyo ( dito kasi kami huminto ) pero syempre hindi ko pinahalata baka pagkamalan n'ya pa akong isip-bata, hindi naman ako ganun. Hintayin ko nalang siyang bumaba, at tanongin kung ito ba yung sinabi n'ya para maka sigurado ako. Naglalanding muna ang ibon este lalapag pala. Nakita ko namang bumaba na siya. "Ito ba yung tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya. Excited na excited na talaga ako, I-oowe ko talaga ang buhay ko sa kanya. "Hindi. May kukunin lang ako," sagot n'ya sabay lakad patunggong palasyo. Ito na nga yung sinasabi ko. Buti nag tanong muna ako. Now that I think about it, hindi ko pa natanong kung ano ang pangalan n'ya. Mamaya na nga. Naglilibot tingin muna ako. Ang ganda talaga ng palasyo nato. Pinagmasdan ko nalang ang paligid, sarap pa ng buhangin. Mga ilang sandali nakita ko na siya at umakyat na sa ibon. "Oh, anong kinuha mo?" sa nacucurious ako eh. "..." yan lang ang sinagot n'ya at lumipad na ulit kami. Nakita kong may pasa siya sa mukha n'ya. Tatanongin ko na sana siya kaso baka magalit lang sa 'kin. Parang malayo pa pupuntahan namin ahh, matutulog muna ako.. Hinigpitan ko ang pag hawak sa bewang n'ya at natulog na. *** "Pwede kanang gumising," nagising ako dahil sa mga salita na yun. Oo, dahil lang dun. Tinignan ko siya ng masama. Pero parang alam ko na kung anong ibig n'yang sabihin. I looked around and I almost drop my jaw when I saw this Beautiful----Wonderful-----Amazing Village!! Bumaba na ako, naka lapag na kasi ang ibon. Pagkatapak ko palang feel ko parang lumulutang ako este tong village nato. Bumaba narin siya. Teka, ano palang pangalan nya? Akmang lalakad na sana siya nang tumigil siya sa tanong ko. "Hey Bastard! Ano palang pangalan mo?" tanong ko. Magsalita na sana siya kaso may dumating na Twin Sister? Ang kyut kyut nila. Parang Shane at Dane lang, pero pangit naman yung dalawang yun. Yung isa kulay red ang buhok, yung isa kulay blue ang buhok. "Welcome Back Dark Knight!" pagbati nila sa kasama ko. Dark knight? May alias pa silang nalalaman ah. "We heard that you will bring The Lost Princess back to our village, where is she?" sabay sabay talaga sila. Sino kaya tinutukoy nila? "Is that her?" sabi nung kulay blue ang buhok habang tumingin sa 'kin. 'Eh? Ako?' Tinuro ko ang sarili ko. "Kyaaahh!! Ang ganda niya Sozzy!!" pamumuri n'ya sa 'kin este sabi n'ya habang tumatalon. Hindi pa nga nakasagot tong kasama ko. Hindi umimik si... Sozzy ba yun? Ah basta yung kulay red ang buhok. "Welcome back Mifuyu-sama," pagbati n'ya sa 'kin. Paano nila nalaman ang pangalan ko? "Mifuyu-sama, ako po si Sizzy," sabi n'ya sabay yuko. "Mifuyu nalang," mahinahon kong sabi. May biglang humila sa 'kin. Tinignan ko kung sino, siya nga. Hindi pa nga kami tapos mag-usap. Bahala na nga, pagod narin ako. Napatingin ako sa kanyang mukha pero wala na siyang pasa. Baka namalik mata lang ako kanina...? Saan kaya n'ya ako dadalhin? Kung ganito na ang buhay ko palagi, ano kayang mangyayari? Parang isekai lang talaga eh----ay mali, parang panaginip lang. Diba dapat masaya ako? Pero hindi. Hindi pa kami nag-usap ng maayos ni Saito. And there's this thing na kuya ko daw siya. Anong dapat kong gawin? kasalan ko kasi ito. Sana wala nalang ako, sana hindi nalang ako pinanganak. Char. Buhay pa sana ang pamilya ko kung wala ako. "Don't worry about your family. Wala na ang lahat. You cannot reverse the past," natauhan naman ako nun. Mind reader ba siya? Eh, paano n'ya nalaman na nagsisisi ako? Somehow I felt bad that I feel relief. "We're here," sabi n'ya kaay napalingon ako sa harap namin. Ngayon ko pa rin namalayan na bumitaw na siya sa pagkahawak ng kamay ko. Hini--kinaladkad nga diba? Tumingin ako sa paligid at doon ko nakita ang isang malaking bahay este mansion pala. ANG GANDA!! SUPER!! Nakita ko namang pumasok na siya edi pumasok narin ako. Bawal ba? Walang katao tao, puro robot lang ang nakikita ko. Wah--high tech. "Welcome back Dark Knight!" sabay sabay nilang bati. "Dark Knight" nanaman. "Lan," tawag ng kasama ko. "Guide her," sabi n'ya sabay turo sa 'kin. "Good Afternoon Princess!" pagbati ni Lan sa 'kin. Ang jolly nya! Ang ganda ng mga robot dito ah, may kanya kanyang mundo. "Sundan n'yo po ako," sabi n'ya parang tao lang. Sinundan ko naman siya. Hindi na ako umimik dahil pagod na ako. Umakyat kami tapos huminto siya sa may kwarto at binuksan n'ya ang pinto. Agad naman akong pumasok at humiga sa may kama dun at natulog. *** "Princess, gising na po kayo." "AAAAHHHH!! SUNOG!" sigaw ko sabay bangon. "Patayin nyo! May sunog!" "Asan po? Asan ang sunog!" doon ako natauhan nang may nag salita. nagpapanik rin to ah. "Wala, walang sunog," nahihiya kong sabi. "Buti naman, kakain na po," sabi ni Lan. Bumaba narin kami at pumunta sa dinning room. Binilisan kong kumain para makatulog na ako. Pagkatapos kong kumain agad na akong umakyat. At... asan na yung kwarto ko? "Doon po ang kwarto n'yo," nagulat ako sa nagsalita, si Lan lang pala. Nasa ika tatlong kwarto. Pumasok na ako at humiga na sa kama. Ngayon ko parin namalayan na ang ganda ng kwarto at ang laki. Pumikit na rin ako. What A Nice-Horrible Day...? At in the end nakalimotan kong tanongin pangalan n'ya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD