Pagkagising ko palang masamang awra na ang abot sa 'kin. Hindi parin ako naka recover kagabi.
Hindi ko muna pinansin si Saito, ang awkward pa kasi.
Nag empake na ako at pagkatapos, nakita kong pumasok si Saito.
Kinuha ko ang earphones ko at ipinasok sa dalawang tenga ko.
[Now playing: Red Velvet 레드벨벳 'Psycho']
Iniwasan ko naman siya at lumabas habang bitbit ang bag ko. Wait, linakasan ko talaga and he have this awful look.
Hindi ako nakinig sa kanila, hindi ko sila pinansin.
Pumasok na ako sa bus at umupo sa dulo. Pinikit ko ang mga mata ko. May na feel akong may tumabi kaya binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Saito.
"S-stay away!" bigla kong sigaw. Nagulat naman siya pero tumabi parin.
Kung minamalas ka nga naman. Na ubusan pa talaga kami ng gasolina. Ang mas worst ang init tsaka hintayin pa namin aabot yung kukuha sa 'min.
Pinaypay ko mga kamay ko sa sarili ko at nakita naman ako ni Saito. May kinuha siya sa bag n'ya at isang rechargeable fan nakita ko. Saan n'ya yan nakuha?
Inabot n'ya sa 'kin. Tinignan ko lang ito at dahan dahang inabot kamay ko.
"F-fine. I forgive you," awkward kong sabi sabay kuha ng fan. Ngumiti naman siya. Naguiguilty tuloy ako sa nagawa ko.
Ilang minuto nang nakalipas, wala parin. Nakita kong may kausap si Ma'am sa phone n'ya. Pagkatapos binaba n'ya at tumingin sa 'min.
"Lalakad tayo hanggang sa dulo ng coastal road," nagsi-ingayan naman ang iba. Wala na ring makakapagpalag. May isang colleague si Ma'am na nagpaiwan.
Nag umpisa na kaming maglakad. If only I could fly hindi na sana ako mapapagod.
Try ko nga, wala naman ring pumapansin sa 'kin. I started to jump, parang palaka lang.
Kanina pa nga ako talon ng talon at feeling ko kanina pa sila nakatingin sa 'kin. Ito na, last na talaga to. linakasan ko ang pagtalon ko dahil last na to. Pinakawalan ko talaga lahat ng lakas ko maka talon lang.
At in a blink of an eye, walang naganap. Patuloy nalang akong lumakad. Malayo pa talaga toh, ang hirap hirap pa.
*kuhit kuhit*
*kuhit kuhit*
"Ano ba?" tanong ko habang lumingon kung sino ang kumuhit sa 'kin.
At si Shane lang pala. Tinanggal ko ang isang paris(kaliwa) ng earphones.
"A-eh, pwedeng magtanong?" tanong n'ya. Patarayan muna.
"Nagtatanong kana," seryoso kong sagot.
"A-bakit talon ka ng talon kanina? Palaka ka ba?" linakasan ko pag lakad ko pero hinabol n'ya naman ako.
"Teka! Bakit hindi pala kayo magkasama ni Saito?" tanong n'ya. Napahinto ako sabay lingon. Ngayon ko lang rin napansin na hindi sumunod sa 'kin si Saito.
"Good news, hindi ko alam," agad kong sagot.
"Pwede bang makisabay?" Tanong n'ya. Gusto ko ngang mag-isa di ba?
Magsalita na sana ako kaso may humarang sa dinadaanan namin.
Laking gulat, isang malaking ibon at yung lalake kahapon na sumira sa buhay ko.
"Sakay na," sabi nya. Inuutusan nya ba ako? At ang kapal ng mukha n'ya ah. Kakasira n'ya nga lang ng buhay ko.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang akong lumakad. Maya maya't may humawak sa kamay ko at bigla nalang akong lumutang.
"Kyaaaah!! Bitawan mo nga ako!" utos ko sa kanya. Binitawan n'ya naman din ako. Pero---
"Kyaaaaaaaahhhhh!!!! B-bakit m-o---Kyaaaaaaahhh!!!!!" pinikit ko ang aking mga mata. Mababagsak talaga ako, malapit na!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ehhh?
.
.
.
.
Ba't ang tagal?
Sinubukan kong buksan ang mga mata ko. 'Teka, ba't ang cliche?' Pero kahit na.
"Bakit mo ako binitawan!?" galit kong sigaw sa kanya. Nasa likod na pala ako ng ibon. Lumilipad kami ngayon.
"Sabi mo bitawan kita," sagot n'ya naman.
'This cliche.' Napa-Tch nalang ako. Hinawakan ko ang kanyang bewang parang nakayakap na nga ako.
Tumingin ako sa ibaba at nakita ko si Saito na nag-alala, nalulungkot, nagagalit, parang ewan, parang natatae for short. Nakita kong may sinigaw siya pero hindi ko na marinig kasi ang layo na namin.
Hindi narin ako naka earphones.
"Totoo b---" tanong ko. Hindi pa nga ako tapos magsalita, sumagot na siya agad.
"Oo, totoo yun."
"Paano? I mean, is this some kind of like an isekai story?" Napalingon naman siya sa 'kin.
"This... Yeah, some kind of like that but you didn't die and go to isekai world," kalma n'yang sagot.
"And your mother is the one who gave you the power to always be reborn," napa-Ahh nalang ako. Prinoprocess ko pa mga nangyayari sa utak ko. 'Bakit ko kaya pinatay mga magulang ko?' At...
Maganda ba nanay ko?
Kasing ganda n'ya ba ako?
Tumingin ako sa baba at
teka-
"Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko, last na talaga to.
"Yung manager ng bahay mo tumawag sayo. Sabi n'ya sisirain na n'ya bahay mo. Dedemolishin pala."
Ehhh??! Saan na ako titira ngayon?
Teka. Tumawag sa 'kin? Wait, kung siya yung kausap ng manager, that means nasa kanya ang cellphone ko! Kaya pala nawala. Mp3 lang man yung ginamit ko kanina pang music.
"Nasayo ang phone ko!?" galit kong tanong.
"May inaasikaso lang ako..." sagot n'ya dahilan ng pagkakunot ang noo ko.
"Saan na ang phone ko?"
"Here." sabi n'ya sabay abot ng phone ko at galit kong kinuha ito.
"Saan ako titira ngayon?"
"Just wait and see," simpleng sagot niya.
"Ah! Teka! Paano na si Saito?" bigla kong naalala si Saito.
"You mean your brother, Kian?" sagot niya.
"A-e? Hmh," pagtango ko.
"Who knows?" wahh so bitter. May naalala ako kaya
"Okay na tiyan mo?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. Hindi naman siya umimik. Hindi n'ya ako pinansin.
--------------------------------------------------------