bc

Somehow Compatible

book_age18+
1.7K
FOLLOW
9.1K
READ
fated
goodgirl
independent
CEO
student
sweet
bxg
lighthearted
teacher
passionate
like
intro-logo
Blurb

~ SLOW UPDATES! ~ DO NOT ATTEMPT TO READ THIS FOR NOW

Lumaki si Reign na walang inaasahan sa buhay maliban sa sarili niya matapos mawala ang kaniyang ama. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na makakapagtapos siya sa pag-aaral at tutuparin niya ang ipinangako sa kaniyang ama na maging guro.

Planado na ang lahat para kay Reign ngunit nag-iba ang ihip ng hangin nang hindi niya inasahan na makilala si Cloud, a successful CEO of a game company. Later on, they found out that they are somehow compatible for each other.

Simula noon ay alam niyang may magbabago, at wala ito sa plano niya.

***

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

❎ This story is unedited so expect typographical errors, grammatical errors, wrong spelling, or any flaws that you might find. This is not a perfect story. It can have cliché plots or any plotholes that I might not notice. Please bear with me.

— ᕱ⑅ᕱ

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nilabas ko ang tinago kong pera sa brown payslip saka binilang ito. Sinigurado ko pang nakasarado ang pinto para walang pumasok na kahit na sino. Napabuntong hininga ako nang mabilang ang lahat ng ipon ko sa kinita ko sa lahat ng part time job na pinasukan ko. Kulang pa ito para sa mga gagastusin ko sa darating na pasukan. Kakatapos lang ng huling part time job ko last week at wala pa akong nakikitang panibagong papasukan. Ngayon ay kailangan ay may mahanap akong bagong trabaho kahit panandalian lang para madagdagan ang ipon ko habang bakasyon ko pa. Kahit mga karinderya, sari sari store pwede na. "Reign!" Mula sa kwarto ko ay rinig na rinig ko ang malakas na tawag ng Tita Celia ko mula sa baba. Ang sigaw niya na paniguradong rinig hanggang kanto sa tindahan nila Aling Bine. Nagmamadali kong ibinalik ang pera sa payslip saka itinago sa loob ng libro ko. Nakadesign talaga 'to na may butas sa gitna. Dito ko itinatago ang pera ko para hindi mawala. Nilock ko ito gamit ang strap saka nilagay sa pinakailalim ng drawer ng study table ko. Ayokong mabungangaan niya kaya naman nagmadali akong bumaba. Naabutan ko siya sa may mesa sa hapagkainan, nagbibilang ng pera. Nakakunot ang noo nito habang seryoso sa ginagawa niya. Normal na talaga sa kaniya na palaging bugnutin ang mukha. Sanay naman na ako sa pagiging suplada niya. Magkahawak ang mga kamay ko sa unahan na lumapit ako sa kaniya. "Ano po 'yun?" Tanong ko. Inabot niya sa akin 'yung papel na sa tingin ko ay listahan. "Mamili ka. Siguraduhin mong mabibili mo lahat ng nandito." Bumilang pa siya ng papel. Nagawa niya pang dilaan ang daliri para mapabilis ang kaniyang pagbilang bago niya inabot sa akin. "Sige po." Tinignan ko ang nasa listahan niya saka ang pera. Kumunot ang noo ko nang mapansin na sakto lang ang kaniyang binigay. "Paano po 'yung pamasahe ko?" Maingat kong tanong. Kailangan pa kasing mamasahe sa tricyle at jeep para makarating sa Supermarket. Hindi niya ako tinignan at busy lang siya sa pagkwenta ng pera niya. "Gamitin mo muna pera mo." Napatitig ako sa pera niya. May extra naman siguro siyang pera para sa pamasahe ko pero mas pinili niyang hindi iyon ibigay. Nang mapansin na hindi pa ako umaalis ay tumingin siya sa akin na nakataas ang kilay. "Anong tinatayo tayo mo dyan? Umalis ka na." Sinenyasan niya pa ako ng kamay niya para umalis. Wala akong nagawa kung hindi gamitin ang sarili kong pera. Palagi naman itong nangyayari. Minsan manghihiram pa siya ng pera sa akin. Hindi ako makatanggi dahil dinadaan niya madalas sa galit. Sa lahat ng mga nahiram niya ay ni piso wala siyang naibalik. Iniintindi ko na lang lalo na't nakikitira lamang ako sa bahay nila. Nakasanayan ko na rin na ilock ang pinto ko lalo na't napapansin ko talaga na may araw na nababawasan ang pera ko. Alam ko kung saan ko ginagastos ang pera, kumpyutado ko iyon. Ayoko man manbintang pero wala na akong tiwala sa bahay na 'to lalo na sa usapang pera. Hindi ko na lang inopen-up sa kanila dahil hangga't maaari, ayaw ko ng gulo. Kahit mataas ang sikat ng araw ay sinunod ko pa rin ang utos niya. Dala dala ang payong na may topak na ay nagpunta ako sa Supermarket. Ang mga nasa listahan niya ay mga paninda para sa kaniyang munting tindahan. Ang dami pa nito kaya namoblema ako kung paano ko ito dadalhin. Madalas kasi ay kasama ko ang anak niya kapag mamimili pero nasa school ito kaya ako lang ang mag-isa. Bigat na bigat ako sa dalawang eco bag na dala ko nang lumabas ako ng Supermarket. Nagdadalawang isip pa ako kung gagamit ako ng payong lalo na't gamit ako ang dalawang kamay ko sa pagbuhat nitong pinamili ko. Sa huli ay hinayaan ko na lang ang init na dumampi sa katawan ko. Gusto kong tumakbo patungo sa waiting shed kaso baka mapigtas naman itong bag. Dagdag problema pa tuloy kung nagkataon. Ang haba pa ng pila. Nasusunog na ang balat ko sa taas ng sikat ng araw. May narinig akong nagbukas ng payong sa likuran ko. Nainggit ako. Ito kasing payong ko ay nakasabit sa palapulsuhan ko. Dapat ata kapag ganito, ang gamit kong payong ay 'yung nilalagay lang sa ulo. Natawa tuloy ako sa sarili ko nang maimagine ko iyon. Ganoong payong pero kasing laki nung sa mga ice cream-an. 'Yung rainbow 'yung design. Mukha naman ata akong shunga dun. Kumunot ang noo ko nang biglang lumilim sa kinatatayuan ko. Nang tumingala ako ay napansin ko na may payong sa tapat ng ulo ko. Nilingon ko kung kaninong payong iyon at ikinabigla na 'yung lalaki pala sa likod ko ang may hawak. Mabilisan ko siyang inobserba. Matangkad ito, sakto lang ang hubog ng katawan. Kinailangan ko pang tumingala para makita ang mukha nito nang maayos. Singkit ang mata niya at mapanga rin. Medyo mahaba rin ang buhok niya. Tanned skin naman ang kutis nito. Bumaba ang tingin niya sa akin saka ngumiti. "Mainit e. Ayos lang ba na payungan kita?" Pahayag nito. Natauhan ako. "Salamat." Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. "Do you need help?" Tumingin din ako sa bag na hawak ko sabay iling. "Hindi na. Ayos lang." "Mukhang mabigat e. I'll just help you carry that." Kukunin niya sana 'yung isang bag na hawak ko sa kaliwang kamay ngunit mabilis kong iniwas. "Ayos lang talaga." Umatras ako ng isang beses. Natawa siya sa kinilos ko. "Sorry for making you uncomfortable. Hindi lang ako mapakali na makitang mabigat 'yang dala mo. I just wanna help. Mukhang pareho lang din naman tayo ng sasakyan. Mahaba pa ang pila. Mangangalay ka niyan." Sinilip ko ang pila. Mahaba pa nga. Kaso hindi ko naman kasi kilala itong lalaki na 'to. Hindi naman sa pagiging judmental pero kahit na gwapo siya, ang hirap magtiwala. Mamaya itakbo niya pa itong pinamili ko. Malamang papagalitan ako ni Tita Celia kapag nangyari iyon. Malala ay baka palayasin pa ako. May kinuha siya sa loob ng jacket niya. Wallet niya pala. Nilabas niya ang ID sa kaniyang wallet saka inabot sa akin. Driver's license itong pinapakita niya. "Here. I'm Lucas Salve." Nagtaka ako nang marinig ang mahina niyang pagtawa. "Ipapahawak ko sana kaso may dala ka pala. Ang tanga ko." Tinignan ko kung magkamukha ba sila ng nasa picture. Walang pinagbago sa buhok niya. Parehong pareho sila nung nasa picture. "Okay." Iyon lang ang naisagot ko. Mukha siyang mayaman sa pananalita niya. Kung talagang mayaman siya, bakit siya nagtitiis dito sa pila kung pwede naman siyang bumyahe gamit ang sariling kotse. Ngumisi siya saka binalik ang kaniyang ID sa wallet. "Ikaw? May I know your name?" Hindi agad ako sumagot. "Don't worry. Hindi naman ako masamang tao. I just wanna know your name." "Reign." "Rain?" Kunot noo niyang tanong. "As in ulan." Umaksyon pa siya sa mga kamay niya ng patak ng ulan na ikinatawa ko. Umiling ako. "Hindi. Reign as in R-e-i-g-n. Reign." Pagpapaliwanag ko. "Oh you mean Reign. That's a beautiful name." Sumilip siya sa pila saka sinenyasan ako. "'Yung pila." Sinilip ko 'yung unahan ng pila na gumagalaw na dahil may dumating ng jeep. Maglalakad na sana ako nang bigla niyang kinuha 'yung bag na hawak ko. Hindi ko iyon inasahan kaya mabilis ko iyong nabitawan. Inipit niya saglit ang handle ng payong sa kaniyang leeg saka kinuha ang kamay ko para ilagay ang wallet niya sabay ngiti sa akin. "Hold my wallet para magtiwala ka sa'kin." Hinawakan niya na ulit ang kaniyang payong saka pinayungan ako. Napatitig ako sa wallet niya na brown. Hindi na ako nakaimik pa nang umabante kami. Nagpasalamat pa ako nang umabot ako at panghuli akong nakasakay. Nasa may unahan ako pumwesto dahil sa dala ko. Paglingon ko ay hinahanap ko 'yung Lucas ngunit wala siya sa mga pasahero na naririto. Nagpanic ako kasi hawak hawak ko pa 'yung wallet niya. Naku naman. Nasaan ba iyon? Tumingin ako sa bintana, nagbabakasakaling makita siya. Ayoko namang umuwi ng bahay dala ang wallet niya dahil baka mamaya wala siyang pamasahe pauwi. Bababa na sana ako nang biglang may kumalabit sa likuran ko. Paglingon ko ay matamis na ngiti ang binungad sa akin ni Lucas na nakasilip sa bintana. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang naririto pa pala siya. "Ang akala ko umalis ka na." Sambit ko habang nakatingin sa kaniya sa bintana. "Natakot ka ba?" Natatawa niyang sabi. Inabot ko sa kaniya 'yung wallet. "Wallet mo o." Kinuha naman niya iyon. "Thank you. Mag-iingat ka, Reign. I hope to see you again." Nagawa niya pang kumindat. Nagsimula nang paandarin ng driver ang jeep kaya naman umatras na siya. Kumaway muna siya sa akin, hindi mawala wala ang ngiti sa labi nito. "Ikaw rin. Ingat." Iyon ang huling nasabi ko sa kaniya bago tuluyang umalis ang jeep. Pagkarating ko ng bahay ay nilagay ko agad ang pinamili ko sa ibabaw ng mesa. Wala si Tita Celia at sarado din ang tindahan niya. Panigurado ay nasa sugalan na naman iyon. Dama ko pa 'yung pagod lalo na 'yung ngalay sa mga kamay ko. Bakit ba kasi hindi na lang siya mag-arkila ng tricyle pag mamamalengke para hindi ako nahihirapan tutal ako naman itong namimili. Palibhasa ayaw niyang gumastos sa bagay na hindi niya papakinabangan. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman kumuha ako ng tubig sa ref ngunit napatitig ako sa sticky note na nakadikit sa pintuan ng ref. ____________________ buksan mo tindahan kung nakauwi ka na ____________________ Gusto ko sanang magpahinga dahil sa pagod kanina pero hindi ko naman pwede suwayin ang utos niya kaya naman binuksan ko ang kaniyang tindahan. Pinagpray ko na lamang na wala masyadong bibili para makapagpahinga ako kahit papaano. Habang nanonood ng TV sa sala ay nakaramdam ako ng gutom. Tanghalian na rin pala. Dumiretso ako ng kusina para maghanap ng pwedeng makain kaso wala siyang iniwan. Wala ding laman ang kaldero. Gaya ng palaging nangyayari, bumili na lamang ako sa pinakamalapit na karinderya para bumili ng ulam at kanin lalo na't tinatamad na rin ako magsaing. Gusto ko sanang kumuha sa paninda niya na hotdog, pero syempre babayaran ko, kaso gusto ko 'yung lutong bahay. Masarap naman luto dito sa karinderya. Madalas kasi ay hindi nila ako tinitirhan ng ulam sa tuwing uuwi ako galing part time job dati kaya itong karinderya ang takbuhan ko. Kapag pasukan naman ay wala ako sa bahay na siyang pinagpapasalamat ko. Nakakahinga ako ng maluwag kapag ganito na wala sila sa paligid ko. Masyado kasi silang toxic. Kahit na Tita ko kasi siya, kapatid ng papa ko, kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tinuring nila akong pamilya. Para lang akong isang boarder. Sarili kong gastos kapag narito ako sa kanila. Magbabayad din ako sa kuryente at tubig. Kaya nga malaking tulong sa akin 'yung mga part time job. Habang nakain ay saktong dumating si Tita Celia na halatang wala sa mood dahil nakabusangot ito. Sa tingin ko ay mukhang natalo siya sa sugal. Iyon naman kasi ang palagi niyang pinagkakaabalahan, ang mahjong. "Potangina talaga!" Mabigat ang kaniyang pagbuntong hininga. Kinabahan ako nang lumapit siya sa mesa kung saan ako kumakain. "Ano 'yang kinakain mo?" "Bicol express po," sagot ko. Umupo siya saka kinuha ang pitsel para magsalin ng tubig. "Nagsaing ka ba?" Tumayo siya para magpunta sa kalan kung nasaan 'yung kaldero saka binuksan ito. "H-hindi po. Bumili lang po ako sa karinderya." Sinadya ko talaga na bumili para sa kaniya dahil ayokong umuwi siya ng bahay na walang makakakain dahil panigurado ay papagalitan niya ako. Tumayo na ako para kunan siya ng plato saka nilagay sa mesa. Sumabay na rin siya sa akin. Ramdam ko 'yung bigat ng atmosphere dito sa hapagkainan. Hindi ako makakain ng ayos lalo na't mukha siyang badtrip. "Pahiramin mo nga pala ako ng isang libo. Tangina kasi nadehado pa, panalo na sana." Pahayag niya kaya napatigil ako sa pagsubo ng kanin. "Po?" "Bingi ka ba?" Tumaas ang kilay niya. "Sabi ko pahiram ako ng isang libo. Nagkautang ako kay Mareng Ella. Alam mo naman 'yun, mabunganga kapag hindi agad nabayaran." "W-wala po akong isang libo, Tita." "Anong wala? Diba may trabaho ka? Pahiram lang naman e kala mo naman hindi binabayaran." "Hindi nga po," bulong ko sasarili. Inis niyang binagsak ang hawak niyang kutsara na ikinagitla ko. "Anong sabi mo?!" Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hangga't maaari ay ayokong salubungin ang galit niya. "Wala po akong mapapahiram sa inyo. Nakalaan na po 'yung ipon ko para sa darating na pasukan. Sorry po. Hindi ko po talaga kayo mapapahiram." "Tangina nito. Ang damot mo naman atang bata ka. Sino ba nagpapakain sa'yo? Ha? Saan ka ba nakatira ngayon? Hindi ka na lang magpasalamat dahil may umampon pa sa'yo. Kung wala ako, baka nasa ampunan ka na tumira at lumaki." "Hindi po sa pagdadamot pero hindi ko po pwedeng basta basta galawin ang ipon ko." Mahinahon kong sagot. "Madami pong gastos sa pasukan. Mahirap din po lalo na't wala na po akong trabaho." "Ayan! Ayan ang napapapala mo. Sino ba kasing nagsabi sa'yo na magcollege ka? Wala ka na ngang pera, may gana ka pang pumasok. Hindi ka na lang magpasalamat na nakapagtapos ka ng highschool." Bumuga siya ng hangin. "Kung ganito lang din naman pala ang isusukli mo sa lahat ng ginastos ko para sa'yo edi sana--!" "Pera po iyon ni papa." Singit ko, mahigpit kong hinawakan ang kutsara't tinidor sa kamay ko. "Ano?!" Singhal niya. "Sa pagkakatanda ko po, perang iniwan ni papa ang ginastos sa pag-aaral ko. Nagpapasalamat po ako na pinatuloy niyo ako sa bahay niyo. Pero kung tutuusin, ni piso wala po kayong ginastos para sa akin. Baka nakakalimutan niyo po kung sino ang nagpatayo ng bahay na 'to." "Aba'y siraulo ka ring babae ka!" Kinuha niya 'yung nakabukas na pitsel saka gigil na hinagis sa akin ang malamig na tubig na laman nito. Hindi na ako nakailag nang tumama ito sa mukha ko. Nabasa ang damit ko, pati ang plato ko. Hindi pa siya nakunteto nang ibato niya sa akin ang walang laman na pitsel na tumama sa ulo ko. Ramdam ko 'yung sakit nang tumunog ito. "Anong karapatan mo para sabihin sa akin 'yan ha? Ganito ba igagante mo sa'kin? Wala kang modo. Nanghihiram lang ako pero ito na ang sasabihin mo." Hindi ako umimik. "Wala kang modo." Naputol lamang ang pag-uusap namin nang may tumawag mula sa labas. "Pabili po!" "Pesteng buhay 'to." Inis siyang tumayo saka umalis habang ako ay tulala sa plato ko. Pinigilan ko ang sarili na umiyak, kagat ang ibabang labi. Kahit na basa ay niligpit ko 'yung pinagkainan at hinugasan bago umakyat sa kwarto ko para maligo at magbihis. Nagkulong ako sa kwarto. Umupo ako sa may study table ko habang tulala. Nahagip pa ng mata ko sa salamin ang sugat sa may bandang noo ko kung saan tumama 'yung pitsel. Napangiwi ako nang subukan ko itong hawakan. Naghanap agad ako sa drawer ng ointment saka bandaid. Simula nang unang beses niya akong saktan ay may nakatago na talaga akong ganito sa drawer ko. Nananakit kasi siya kapag galit. Madalas kung anong unang mahawakan niya ay ibabato niya agad nang hindi nagdadalawang isip. Kaya natatakot din ako sa kaniya. Pero nauubos din naman kasi minsan ang pasensya ko sa kaniya katulad kanina. Tinitiis ko na lamang 'yung mga sugat na natatamo ko mula sa kaniya dahil wala naman akong laban. Maingat kong nilagyan ng ointment ang sugat ko bago nilagyan ng bandaid. Bumaba ang tingin ko sa picture frame kung saan naroon ang batang ako habang nakahawak sa kamay ni papa. Nasa zoo kami niyan. Naiyak pa ako sa litrato. Naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Kung alam ko lang na iyon pala ang huli naming bonding, sana pala ngumiti na ako. Sana pala hindi na ako nagreklamo sa kaniya noon na umuwi ng maaga nung natakot ako sa malaking tigre. "Miss na kita, pa." Sambit ko na may mapait na ngiti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.1K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.1K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook