Chapter 2

1951 Words
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nakalaan ang araw na ito para maghanap ako ng trabaho na pwede kong pasukan pansamantala habang nasa bakasyon pa ako. Ilang linggo na lang kasi ay malapit ng magsimula ang pasukan. Third year college na ako. Iniisip ko pa lang na dalawang taon na lang ang natitira bago ako grumaduate, ginaganahan ako. Kaya lang hindi biro maghanap ng trabaho lalo na't part time tapos ilang linggo lang ang papasukin ko. Mas hinahanap nila ay 'yung permanent. Tingin ko mas makakahanap ako kapag pasukan na. Napapagod na ang paa ko. Iyong puting sapatos ko, malapit ng ngumanga. Gusto ko mang bumili ng bagong sapatos kaso wala siya sa budget ko. Kailangan kong unahin ang importante. Ang pag-aaral ko. Napatigil lamang ako sa paglalakad nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng jeans ko saka sinagot ang tawag. Ang kaibigan ko pala na si Claire ang tumawag. "Hey, sweetie." Iyon agad ang bungad niya. Sa boses pa lang, alam mo ng laking mayaman. Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan. Naging magkaklase lang namin kami noong highschool. Siya iyong tipo ng kaklase na kayang pakainin ang buong section tuwing birthday. Napaisip nga ako minsan kung bakit siya naligaw ng public school e ang yaman naman niya. Hindi naman niya sinabi ang dahilan. Hindi rin naman ako nagtanong. Magkaibang magkaiba kami sa estado ng buhay kaya nagtataka talaga ako kung paano kami naging close. Nagulat na lang ako isang araw, palagi ko na siyang kasama kahit saan. Kahit sa pagcCr ay kasama ko siya. "Bakit ka napatawag?" Sumilong muna ako nang biglang umambon. Mabuti na lang ay nagdala ako ng payong. "Nothing. I just miss my babe." Humagikhik siya kaya napailing ako. Mahilig lang talaga siya sa kung ano anong endearment. Naalala ko tuloy napagkamalan akong lesbian dahil sa kaniya. Paano ba naman? Palagi kaming magkasama. Tapos ganiyan pa minsan tawag niya sa akin. Sa aming dalawa, siya ang maayos manamit samantalang ako palaging nakajeans at simpleng shirt lang. Tapos nakasuot pa ako ng specs dahil medyo malabo itong mata ko. Sa madaling salita, wala akong porma manamit. "Are you free?" Tanong niya. "Naghahanap ako ng part time job ngayon." "Right now?" "Oo," tumango pa ako kahit hindi naman niya nakikita. "Oh I see. Yayayain sana kita." "Saan?" "Milktea?" Huminga ako nang malalim. Nauuhaw na rin naman ako. Miss ko na rin naman siya dahil ilang linggo na kaming hindi nagkikita. "Sige. Saan ba 'yan?" Suminghap siya, animo'y natuwa sa pagpayag ko. "Just stay where you are, babe. Sunduin na lang kita. Just text me the address." Binaba niya na ang tawag. Tinext ko sa kanya ang address kung nasaan ako. Wala pang bente minuto nang pumarada ang magara niyang BMW na kulay black. Binuksan niya ang bintana sa may driver seat saka sumilip sa akin. "Hop in." Aniya na nakasuot pa ng black shades. Natulala pa ako dahil iba ito sa sasakyan na ginagamit niya dati. Bago na naman? Ang yaman talaga ng babaeng 'to. Umikot ako sa may passenger side saka binuksan ang pinto. Nanibago pa ako at nakailang subok pa bago mabuksan ang pinto. Wala talaga akong kaalam alam sa ganito. "Himala sumama ka sa'kin." Sambit niya nang mapaandar ang sasakyan. Napangiti lang ako ng payak. Hindi ko alam kung saan itong dinaraanan namin. Ang alam ko lang ay huminto kami sa may milktea shop. Pagpasok pa lang namin ay dama ko na agad 'yung lamig na dumampi sa balat ko. Ang peaceful dito sa loob. Ang gaan sa pakiramdam. May mga tao na rin sa loob. Ang isa pa ay nakatutok sa laptop nito habang nainom ng milk tea. Pumunta na kami sa counter. May nauna pa sa amin kaya naghintay muna kami. Sakto pa na may tumawag sa kaniya sa phone. "Order mo muna ako. Wintermelon okay. I'll just take this call." Paalam niya saka inabot sa akin 'yung credit card niya. Hindi ko na siya napigilan nang lumabas na siya ng shop at naiwan ako sa counter. Umalis na 'yung nasa unahan ko kaya ako na ang oorder. Kinabahan ako. First time kong oorder ng milktea dahil madalas ay si Claire ay umoorder para sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi naman siguro ganoon kahirap. "What's your order, ma'am?" Tanong ng babaeng staff. Pinagpawisan ang noo ko kahit na malamig naman. Tumingin ako sa menu nila. Madalas ay kung ano ang order ni Claire ay ganoon din ang akin. Pero dahil nandito na rin naman ako ay pumili na ako ng para sa akin. "Isang regular wintermelon tapos... cookies and cream." "Wintermelon and cookies and cream. Ano pong sugar level?" Natameme ako. Ano daw? Sugar level? Ano 'yun? "Sugar level?" Ulit ko. Hindi ko pinahalata na nagpapanic ako. "Yes, ma'am. Ano pong prefer niyong sugar level?" Ano ba isasagot dito? "S-sakto lang." Sagot ko. Kita ko ang pagkagat ng labi ng babae sa sagot ko. Hindi ko sure kung pinipigilan niya ba ang sarili na matawa o hindi. May mali ba sa sinabi ko? Huminga siya nang malalim saka tila ba pinapakalma ang sarili. Sumilip pa ang maliit nitong dimple. "Sugar level po, ma'am. Gusto niyo po ba 25 percent ng sugar level sa milk tea niyo to 100 percent. Pwede rin po zero percent kung gusto niyo po." Paliwanag niya. "Aaah." Nagets ko na. Doon ako natawa nang marealize ko 'yung sinabi ko sa kaniya. Bumagsak ang tingin ko sa sahig dahil sa sobrang kahihiyan. Anong sakto lang, Reign? Ano 'yun? "100 percent na lang siguro sa dalawa." Tinanong niya rin kung anong add ons para sa milk tea ko. Magpapanic na sana ako dahil hindi ko iyon alam, mabuti na lamang ay nakita ko 'yung mga add on option sa menu kaya sinabi ko na pearl. Kung hindi ko pa siguro nakita, ang sasabihin ko itim na s**o. "Okay, ma'am. Ano pong name ilalagay?" "Reign." Sagot ko. "Sige po. Tawagin na lang po namin kayo kapag okay na." Tumango ako. Nakahanap ako ng bakanteng upuan kung saan malayo sa sinag ng araw. Bumalik din naman kaagad si Claire. Tinaas ko ang kamay ko para makita niya ako. "Nakaorder ka na?" Tanong niya kaya tumango ako. Inabot ko sa kaniya 'yung credit card saka 'yung bayad ko para sa milk tea. "What's this?" Kumunot ang noo niya nang abutin 'yung inabot ko. "Bayad ko." Umirap siya saka kinuha ang kamay ko para ibalik 'yung pera na dapat ay bayad ko. "No need to pay me. My treat." Sa tono niya palang ay alam ko ng hindi niya tatanggapin ang pera ko kaya hindi ko na pinilit. Narinig kong tinawag ang pangalan ko kaya naman nagpunta ako sa counter para kunin 'yung order namin. Nang basahin ko 'yung nakasulat ay napabuntong hininga na lang ako pagkabalik sa upuan. Mali ang pagkakaspell nila sa name ko. Literal na rain as in ulan. "Siya nga pala, diba first time ko umorder..." Panimula kong kwento kay Claire nang itusok niya 'yung straw sa cup. "O tapos?" "Tinanong ako kung ano 'yung sugar level. Alam mo ba kung anong sinabi ko?" "Ano?" Humigop siya sa milk tea niya. "Sabi ko, sakto lang." Hindi napigilan ni Claire ang sarili nang mabuga niya ang iniinom niyang milk tea. Inangat agad niya ang kaniyang ulo saka tinakpan ang bibig. Panay galaw ang balikat niya habang nagpipigil ng tawa. Natawa lang din ako nang makita kung paano niya nabuga 'yung iniinom niya. "f**k. Muntikan pang lumabas 'yung pearl sa ilong ko." Reklamo niya habang natatawa pa rin saka kumuha ng tissue para punasan ang bibig. "Bakit naman kasi ganun sinabi mo?" Nagkibit balikat ako. "Malay ko ba. First time ko nga kasi diba." "Buti you didn't say, ikaw bahala." Humahagikhik pa din siya. "Buti nga e. Mas lalong tatawa 'yung babae kung ganun." Uminom na ako at namilog ang mata ko nang malasahan kung gaano ito kasarap. Ngayon ko lang natikman itong flavor na 'to. "Nga pala, you mentioned you were looking for another part time job. Diba meron ka na?" Tanong ni Claire. "Tinanggal ako. Kailangan nila ng full time employee e." "Hindi ka ba napapagod? Palagi ka na lang nagtatrabaho." "Kailangan e pang college." Late na nga ako nagcollege e. Sabay naman kami ni Claire na nagtapos ng highschool pero dahil wala akong pera ay kailangan kong tumigil ng tatlong taon sa pag-aaral kaya naman nauna siya sa akin grumaduate. Inalok niya pa ako na tutulungan niya ako sa tuition fee ko at papakiusapan niya lang ang kaniyang magulang para sabay pa rin kami mag-aral at magtapos pero tumanggi ako. Nakakahiya 'yun. Sinabi ko sa kaniya na magkacollege pa rin naman ako kapag nakapag-ipon na ako. Magdadalawang taon na rin noong huli siyang grumaduate. Habang ako magthird year college na ngayong academic year. "Anyway, I'll ask some of my friends if---" Inangatan ko siya ng tingin habang nahigop nang bigla siyang tumigil sa pagsasalita. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay habang naniningkit ang mata niya, diretso ang tingin sa akin. "Wait what's that?" Hinawi niya ang bangs ko at nang marealize kung ano ang kanina niya pa tinitignan ay umatras ako. "Sugat ba 'yan? Anong nangyari dyan?" Nag-aalala niyang usisa. Binaling ko ang tingin ko sa glass wall para tignan 'yung mga taong nadaan. "Ah ito. Nadapa lang ako tapos tumama sa mesa. Hindi naman ganun kalala." Tinakpan ko 'yung sugat ko na may bandaid. Nahalata pa rin pala niya. Nakanude naman 'yung kulay ng bandaid tapos hinaharangan na nga ng bangs ko pero pansin pa rin pala niya. "Don't lie. Sinasaktan ka pa rin ba niya?" Hindi ako umimik. "That f*****g b***h. Ba't ba kasi hindi ka pa umalis doon? Baka hindi lang 'yan ang gawin niya sa'yo." "Hindi naman niya sinasadya." Dinepensahan ko pa rin 'yung Tita ko. "Nagalit lang siya kasi sinagot ko siya nung nanghiram siya ng pera sa'kin." "Kahit na! She has no damn right to hurt you." "Hayaan mo na. Dalawang taon na lang din naman. Makakaalis na ako doon." "Well kung kaya mo tiisin, I can't." Bumuntong hininga siya. "Kung pwede lang kita patirahin sa bahay ko." Ngumiti ako. Nakakataba ng puso na may mga taong concern sa kalagayan ko. "'Wag ka mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. Ikaw agad ang unang tatawagan ko kapag sinaktan niya ulit ako." Napanatag siya sa sagot. "You better call me sweetie at ako na mismo ang magdedemanda sa kaniya. I know some good lawyer." Natawa ako. "Kung lalaki ka lang siguro, baka nainlove na ako sa'yo." Inirapan niya ako. "Sorry ka, lalaki din type ko." Natawa lang kami pareho. "Anyway, about your part time job. I'll ask my friends kung may alam ba silang naghahanap ng part timer. Sabihan kita agad kung meron." "Sige. Thank you." Nagstay muna kami habang inuubos 'yung milk tea. Nagkwento lang siya sa trabaho niya habang ako naman ay tahimik na nakikinig. Wala naman akong masyadong maikukwento dahil wala namang thrill ang buhay ko hindi tulad sa kaniya. Binanggit din niya pati lovelife niya na palpak daw. "Ang dami kong mamimiss dito." Nang mabanggit niya iyon ay unti unting naglaho ang ngiti sa labi niya. Nagbago ang awra niya. Nagtaka ako kaya nagsalubong ang kilay ko. "Ayos ka lang?" Hindi agad siya sumagot. Tumingin siya sa glass wall bago mapait na ngumiti. "I hate to tell you this but..." Hindi niya maituloy ang kaniyang sasabihin nang tumingin siya sa akin. Pinaglaruan niya ang straw niya. "I have to leave the country." Nagbago ang ekspresyon sa mukha ko. Mula sa bibig ay nabitawan ko ang straw habang tulala sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?" "I'll be staying in the States for good. Three weeks after this, aalis na ako." Bumagsak ang balikat ko. Aalis siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD