His POV
"Tara Club!"
Narindi ako sa malakas na sigaw ng kasama ko nang bigla itong tumayo mula sa kinauupuan nitong gaming chair. Pinaglaruan pa niya 'yung nakakalat na toy gun saka binaril sa gaming chair na kinauupuan ko. Nagulat ako nang tumama nga ito sa akin pero buti sa likod lang ng upuan. Masama kong tinignan 'yung lalaking bumaril sa sa akin pero nagpeace sign lang ito sabay ngiti.
That was my friend Lucas. Nasa may play room kami. Isang part ng bahay ko kung saan puno ng iba't ibang video games at puno ng collectible action figures. Maliban sa pagiging kaibigan, pareho kaming nagtatrabaho sa isang sikat na video game company na kung saan ako ang nagmamay-ari habang siya naman ay isa sa mga game developer.
The Phoenix Cloud was one of the successful video game companies not only in the Philippines, but globally. Kasama ang kaibigan ko na si Lucas ay nagawa naming makapagdevelop ng video game na sumikat sa buong mundo. Kinagulat pa namin iyon. I mean, marami na kaming nadevelop ng games but we never expected that one of our creations will make a way for our company to rise up. Ang target lang naman namin ay ang Pilipinas nang buuhin namin iyon pero hindi namin inasahan na sisikat sa ibang bansa. Dahil doon ay nakilala ako bilang isa sa mga youngest successful CEO.
"Wala akong gana. Ikaw na lang. May kailangan pa akong asikasuhin." Sagot ko saka kinuha ang jacket ko na nakapatong sa bean bag at sinuot.
"Saan ka pupunta? Sa office?" Tanong nito habang tinututok sa akin ang hawak na baril.
"Sa resto."
He tsked. "Ang yaman yaman mo na pero nagawa mo pang magtayo ng fast food. Baka may iba ka pang business na gustong itayo?" Sarkastiko niyang sabi.
"Kung wala ka ng sasabihin, linisin mo na lang kalat dito bago ka umalis." Sinigurado kong dala ko ang susi ng kotse bago lumabas ng kwarto ngunit nilingon ko muna siya. "Ilock mo 'yung bahay ko bago umalis." I pointed at him but he just gestured his hand to shoo me away.
"Oo na. Sabihin mo na lang ako kung gusto mo magclub mamaya. Tutuloy ako kahit wala ka."
Inalis ko ang suot kong specs nang makasakay ng kotse saka nilagay ito sa small compartment. Once or twice a month ay dumadalaw talaga ako sa fast food restaurant na tinayo ko. Maliban sa paglalaro ng video games at pagdedevelop, isa sa mga kinahihiligan ko ay kumain ng fast food.
Sa sobrang lala ko mag-explore sa kung ano-ano, maliban sa game company ko ay naisipan ko rin na magtayo ng isang fast food restaurant. Ang kaibahan lang nito sa ibang restaurant, pinagmukha ko siyang arcade. Ganoon ako kaaddict sa games. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sikat din 'yung resto na iyon. It was simply called Vinson's. Nakuha lang sa apelyido ko. Wala akong maisip na name e.
Hindi naman ganoon kahirap sa akin magpatakbo ng dalawang company. Hindi naman sobrang high maintenance ng resto since isang branch lang ito. Wala rin naman akong plano magpanibago ng branch. Maayos din naman ang mga employee ko kaya wala pa akong naeencounter na problema.
Pinarada ko na ang sasakyan ko bago naglakad papasok ng resto. Nakilala agad ako ng mga employee rito saka nagbow sa akin. They even greeted me. Ang iba na hindi ko masyadong pamilyar ay nakigaya na lang din. Hindi pa masyadong marami ang tao lalo na't wala pang pasukan. Nagiging matrabaho lang naman sila kapag pasukan na since malapit ito sa campus at sa mga boarding house.
Sinilip ko ang paligid. Napangiti pa ako nang makita na ang isa sa mga customer ay sinubukan na maglaro ng video game machine. May kaakibat kasi ng game token kapag oorder ka na magagamit mo para makapaglaro. Nakadepende ang dami ng token sa order mo rin.
Sumalubong agad sa akin ang isa sa pinagkakatiwalaan ko, ang manager na si Leila. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
"Good afternoon, Sir. Hindi po kayo nagsabi na pupunta kayo." Aniya saka naglakad kami patungo parte kung saan sila gumagawa ng orders.
"Gusto ko lang sana kayong kumustahin. Wala naman siguro kayong problema?" Tanong ko saka ininspeksyon ang ginagawa nila, nakasunod sa likod ko ang manager.
"Wala naman po."
"I see. Malapit na ang pasukan kaya asahan niyo ng marami kayong customers. If ever you need extra people, just hire someone. But please make sure na responsible."
"Yes, Sir."
Lumabas na ako ng area na iyon saka pumunta ng counter. Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong umorder. I just ordered a double cheeseburger then I looked for a vacant table when I got my order. Nang makaupo ay binuksan ko 'yung maliit na brown envelope na may logo ng resto. Napangiti ako nang makita yung game token. Inubos ko muna 'yung burger pati ang coke bago ko itry 'yung game machine.
Para tuloy akong bumalik sa pagkabata nang subukan kong maglaro. Nagulat pa nga ako kasi may batang tumabi sa akin tapos hinamon ako na maglaban daw kami. Dahil trip ko siyang patulan ay pumayag ako. Kaso nangalawang na ata ako dahil madali niya lamang akong natalo sa huling laro namin. This kid, tsk. Napangisi na lamang ako. Bakit ko ba pinapatulan 'yung bata?
"Stephen." May dumating na lalaki saka nilapitan 'yung bata. Tumingin siya sa akin saka nagbow bilang paggalang. "Ah sorry po. Ginugulo po ba kayo ng kapatid ko?"
Umiling kaagad ako. Magkapatid pala sila. "No. He's a good guy actually." I mean it. Ngayon lang ako nakakita ng bata na magaan sa pakiramdam kasama. 'Yung iba kasi na naeencounter ko ay masyadong spoiled brat. Palibhasa laking mayaman. Iyakin. Pumapatol pa naman ako sa bata.
Tandang tanda ko pa noong mayroong event 'yung company. Ilan sa mga guests ay may dalang bata para na rin maexplore 'yung mga bagong launch na video games. There was this certain boy that was peacefully playing with his own RC car. Tumama sa paa ko 'yung kotse niya and he immediately said sorry. Naintindihan ko naman agad. Nakiusap pa ako kung pwede ko itry 'yung laruan niya. Ang bait niya kasi pinahiram niya talaga. Para akong bata na pinaandar 'yung kotse habang nakasunod kami dito. Hindi iyon sinasadya na masipa nung dumaan kaya lumipad ito at tumama sa legs nung bata na tabain.
Lumapit ako para huminga ng pasensya doon sa bata at kunin 'yung car. Ngunit bago ko pa makuha ay tinapakan niya ng madiin 'yung kotse dahilan para mabasag ito. Nagulat ako sa ginawa niya. I mean nakita naman niya na kukuhanin ko na tapos nagsorry na ko pero ang lakas ng loob niya na sirain pa rin. Nagulat din 'yung mabait na bata na may-ari ng toy car at naiyak nang mahawakan ang laruan niyang basag na.
"Magsorry ka sa kaniya." Iyon ang sinabi ko sa bata.
"Ayoko nga." Mas lalo akong naasar sa paraan ng pagkakasabi niya.
Sa inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan sa braso 'yung spoiled na bata. Pinigilan kong ihampas sa pagmumukha niya 'yung controller. Ang lakas pa ng loob ng spoiled brat na umiyak. Saktong dumating si Lucas, gulat sa ginawa ko at pinabitaw 'yung kamay ko.
"What did you do?" Gulat nitong tanong.
"Wala akong ginawa. Ang sabi ko lang magsorry siya kasi sinira niya 'yung laruan nitong bata."
"Cloud naman. Ba't mo pinapatulan 'yung bata?" Napatitig ako kay Lucas, nakanganga. Hindi makapaniwala na ako pa ang sinermonan niya e itong bata na 'to 'yung may kasalanan. Mabilis niyang pinatahan 'yung spoiled brat saka inilayo sa akin. Inuto niya pa para lang tumahan.
Sa huli, para hindi na umiyak 'yung bata na may-ari ng toy car ay niregaluhan ko siya ng panibagong RC car. Dalawa na binigay ko, kasama ng monster truck. Kilala ko naman ang magulang nito kaya sa kanila ko inabot.
Nilabas ko ang wallet ko para kunin 'yung business card ko saka inabot doon sa kapatid nung bata. Kinuha niya ito saka sinuri. Namilog ang mata niya saka bumalik ng tingin sa akin.
"Ikaw po ang may-ari ng Phoenix Cloud?" Halatang hindi siya makapaniwala saka tinignan pa ako mula ulo hanggang paa na may ngiti sa labi. "Wow. Kaya pala pamilyar kayo sa'kin."
"Kapag may time ka, pumunta ka sa building namin bukas. May ibibigay ako para sa kapatid mo." Sinilip ko ang bata niyang kapatid saka ngumiti dito. "I had fun playing with him." I playfully ruffled his messy hair.
Nagpaalam na sila na umalis. Wala naman na akong gagawin dito kaya dumaan muna ako sa bahay bago pumunta ng office dahil may kukunin ako saglit sa playroom. Naabutan ko pa na iniwan ni Lucas na malinis ang kwarto. Buti naman naglinis iyon. Nagtungo ako sa glass cabinet kung saan nakalagay 'yung mga collectible action figures ko. Nang makita ko ang pakay ko ay kinuha ko iyon saka nilagay sa paper bag. Maingat ko itong nilagay sa passenger seat saka nilagyan pa ng seatbelt para safe. It was an action figure of Captain America. Naisip kong ibigay ito sa bata lalo na't nabanggit niyang paborito niya ito. Dinala ko na baka sakali kasi na makalimutan ko. Sinabihan ko pa naman na pumunta ito.
Nag-stay muna ako sa office para tapusin ang ilan sa paperworks ko. Inabot na ako ng gabi nang may tumawag sa phone ko. It was Lucas. Kinuha ko ang phone saka sinagot.
"Bakit?" Walang gana kong tanong.
"Ulaaaaap!" Mabilis kong inilayo ang phone ko sa aking tenga sa lakas ng boses ni Lucas. Boses sabog siya. Rinig ko pa ang malakas na tugtog mula sa background. Panigurado ay nasa Club siya tulad ng sinabi niya kanina at malamang ay lasing na ito. Hindi naman ganito 'to kung walang tama.
"Ano bang kailangan mo?" Balik ko sa tenga ang phone.
"Samahan mo kooooo." Lasing nga talaga. Para siyang sadako sa paraan ng pagkakasabi niya.
"Kung magpapasama ka lang para may magpahatid sa'yo pwes 'wag ako."
He giggled. "I'm in our usual club okay! I'll wait for you whoa! Lesgerit!" Binaba ko na ang tawag dahil wala na siyang sense kausap.
Hinilot ko ang sentido ko. Ito ang dahilan kung bakit minsan ay ayaw ko siyang samahan sa club. He has low alcohol tolerance unlike me. Madalas ay ako ang instant chaperone niya. Instant Grab niya rin ako na maghahatid sa kaniya. Ang malala pa, basta basta na lang siya susuka. Ang baho pa naman. Nagawa niya pa ngang magswimming sa suka niya dati. Sabi niya pa, 'uy may snow' tapos humiga siya sa suka niya at pinagaspas ang kamay at paa para gumawa ng angel sa suka niya. Nakakadiri pero nakakatawa.
Hindi ako mapakali kaya naman pinuntahan ko na siya sa club na madalas naming puntahan. Mukhang maayos naman ang suot ko para sa club. It was just a black bomber jacket and plain white shirt underneath, paired with black pants and white shoes. My bangs were slightly parted and a bit messy since that was always my style.
Bababa pa ng hagdan bago ka makapasok sa club mismo. Pagkarating ay hinanap ko agad si Lucas sa gitna nang maraming nagsasayawang tao. Ang lakas pa ng tugtog. Medyo madilim kaya hindi siya madaling mahanap. Pinuntahan ko 'yung VIP table na madalas naming tambayan ngunit wala siya roon.
Nagulat pa ako nang may biglang sumanggi sa akin na babae at natapon pa sa damit ko 'yung dala niyang inumin. Mabuti na lamang ay hindi niya nabitawan ang baso na hawak niya.
"Sorry," she said. Balak pa sana niyang punasan ang damit ko na nabasa ngunit hinila na siya ng kasama niya na lalaki.
"Halika na. Hayaan mo na 'yan." Anito. Huminga pa ng paumanhin ulit ang babae bago siya hatakin paalis.
Napabuntong hininga ako saka sinubukan na punasan ang alak sa damit ko. Wala naman akong dala na panyo. Nagtungo ako sa banyo para matanggal ko 'yung mantsa sa puti kong damit. Dapat pala nagpalit ako ng damit. Kung alam ko lang sana na pupunta ako sa club. Kumuha ako ng tissue saka pinatuyo 'yung damit ko nang lumabas ng restroom.
"Ulap!"
Sa gulat ko ay napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumulpot sa likuran ko si Lucas at may paghawak pa sa balikat ko. Nabitawan ko pa 'yung tissue.
"Papatayin mo ba ko?" Aatakihin ata ako sa puso dahil sa ginawa niya. Tumawa lang siya. Mapungay na ang kaniyang mata at pagewang gewang na siya habang nakatayo.
"Pumunta ka nga! Yey!"
Napairap ako. "Umuwi na tayo. Tignan mo sarili mo lasing ka na."
"Hindi ako lasheng. Ikaw 'yon." Napapikit ako ng madiin. Daig ko pa babysitter. "Tabi dyan. Di pa tapos ang party." Tinabig niya ako saka dumiretso sa dance floor.
Napameywang ako habang pinapanood siyang sumayaw. Pinagsisisihan ko na pinuntahan ko pa siya dito. Kung nakakatayo pa naman siya, wala naman siguro akong dapat problemahin. Nagtungo ako sa counter saka humingi ng non-alcoholic drink sa bartender. The music was so loud but it was bearable. Nakamasid lang ako kay Lucas dahil baka sa isang kurap ko ay bagsak na siya sa sahig.
"Can I join you?"
Umupo sa tabi ko ang isang babae. She looked at me with a flirty smile. She was wearing a not so revealing clothes but enough to seduce men. There was so much confidence radiating throughout her body. Hindi ko maitatanggi na maganda siya.
"Sure." Sagot ko. "Anong drinks gusto mo?" Tumingin siya sa hawak kong baso.
"Kung ano ang sa'yo."
"Alright." Tinawag ko 'yung bartender para humingi ulit ng inumin. Nang maiabot ay pinadulas ko ito sa counter palapit sa kaniya. "Cheers?" I raised my glass. She took her drinks and clinked our glasses together.
"Bago ka lang ba dito?"
"Nope."
"I see. I'm glad I found my soulmate tonight." She smirked seductively.
Iniwas ko ang tingin ko saka tumikhim. "What's your name?"
"Depende sa tawag mo. Babe? Love?"
Natawa ako. "I'm Cloud." Inilahad ko ang kamay ko at kinuha niya iyon para makipagshake hands.
"I'm Nathalie." Pagpapakilala niya.
Binawi ko ang kamay ko saka tumango. "You have a beautiful name."
"So do you." She even winked at me. Napasinghap pa ako nang bigla niyang ilagay ang kamay niya sa hita ko. Umayos ako ng upo. Natawa pa siya nang mahina sa naging reaksyon ko. "First time?" She asked.
Marahan kong inalis ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko. "I'm sorry to say but we're not on the same page. Nandito lang ako para bantayan 'yung kaibigan ko. I hope I didn't offend you."
She chuckled, trying to hide her embarrassment. "Sorry. Mali ata ako ng nilapitan." Umalis na siya kaya heto ako naiwan na naman mag-isa.
I sighed. This is going to be a long night.