Chapter 4

2365 Words
His POV Narito pa rin ako sa Club. Umikot ako ng upo para isandal ang siko ko sa counter habang pinapanood 'yung mga tao na nagsasaya. Hinanap ng mata ko si Lucas ngunit wala na siya sa dance floor. Nasaan na 'yung lalaking 'yun? Napatitig ako sa second floor nang makarinig ng unwanted noise sa gitna ng malakas na musika. Mukhang nagkakagulo dahil ang mga atensyon ng tao sa taas ay nasa iisang direksyon. Nang tumayo ako para silipin iyon ay nahagip ng mata ko si Lucas. Bahagya itong nakayuko habang hawak ang pisngi, ang isang kamay naman ay nakaharang sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Barako ang katawan nito na animo'y bouncer. Agad akong nagpanic nang marealize na sila 'yung pinagtitinginan ng tao. Mabilis akong tumakbo at umakyat ng hagdan. "Lucas!" Sigaw ko saka nilapitan siya. Nag-aalala akong tumingin sa kaniya. Doon ko nakita na may dugo ang gilid ng labi niya. Tinignan ko 'yung barakong lalaki. "Kilala mo ba 'yang lalaking 'yan ha?!" Siga nitong tanong. "Yes. He's my friend. Ano bang nangyari?" Dumako ang tingin ko sa damit niya na may suka. Nangasim ang mukha ko. Bago niya pa sabihin ay mukhang nagets ko na ang nangyari. "E yan lang namang kaibigan mo sinukahan ako. Ang lakas pa ng loob para laitin ako." Dinuro niya pa si Lucas na pagewang gewang na nang tumayo. Tama nga ang hinala ko. Hinampas ko sa braso si Lucas. "Sabi ko naman kasi umuwi na tayo. Look what you did." Tumawa lang si Lucas. "I didn't mean it. Ang alam ko kasi pumunta ako ng banyo. Hindi ko naman kasalanan kung mukha siyang lababo." Mas lalo akong nagulat sa lumabas sa bibig niya. Tinakpan ko lang ang bibig niya gamit ang palad ko. "Ano?!" Singhal nung lalaki. "Potangina mo pala e." Humarang agad ako nang tangka siyang susugod ngunit mali ata ang ginawa ko dahil hindi huminto ang lalaki at sa panga ko tumama ang malakas niyang suntok dahilan para bumagsak ako sa sahig. I didn't see that coming. Napahawak ako sa panga ko na feeling ko ay muntikan pang madislocate. Pagkahawak ko sa labi ko ay nakita ko ang dugo sa daliri ko. Napangiwi pa ako sa hapdi. "Anong karapatan mo para saktan kaibigan ko?!" Sigaw ni Lucas at tangkang gagantihan 'yung barako. "Lucas!" Sigaw ko. Mabilis kong niyakap ang binti niya para pigilan siya. Iyon ang nagpawala ng balanse niya at napaluhod lamang siya. Pinalo ko ang likuran niya nang malakas. "Nababaliw ka na talaga?!" Tumayo ako saka lumapit sa lalaki. Balak niya sana akong upakan ngunit hinarang ko ang kamay ko. "D-d-don't. Hindi ako naghahanap ng away." Gusto ko sanang punasan ang suka ni Lucas sa damit niya ngunit nandiri ako kaya nilabas ko ang wallet ko. I don't have cash with me para bayaran ang damit niya na mukhang mamahalin pa kaya nilabas ko na lang 'yung business card ko saka inabot sa kaniya. "Sorry for the damage he caused. Ako na ang humihingi ng tawag. He's drunk. Hindi naman talaga ganyan 'yan." Paliwanag ko. "Just call me para mabayaran kita sa damit mo. Sagot ko na rin pati inumin mo. Sorry talaga." I bowed my head. Marahas niyang kinuha ang business card ko at sinuri pa ito. Tinignan niya si Lucas na kakatayo lang. "Pasalamat ka na lang dito sa kaibigan mo. Kung hindi kanina pa basag 'yang mukha mo." Nagbow pa ulit ako nang dumaan siya sa amin at bumaba ng hagdan. Umirap ako nang lingunin ko si Lucas. Kung ako napatol sa bata, siya naman napatol sa mukhang bouncer. Nagpipigil akong sipain siya. "Umuwi na tayo." Hinawakan ko ang kwelyo sa likod ng coat niya saka hinila siya pababa ng hagdan. Nang makalabas kami sa club ay doon niya tinabig ang kamay ko. "Ano bang problema mo? Why did you f*****g say sorry to him? Tayo ang binugbog niya." Gigil nitong saad saka napaupo sa sahig nang hindi niya na kayanin ang bigat ng katawan. "Kung siya lang sana may kasalanan, pinatulan ko na siya. Pero ikaw 'yung may dahilan kung bakit nagalit 'yung tao." Singhal ko sa pagmumukha niya. "Sinabi ko ng umuwi tayo pero ayaw mo. Panay ka kasi suka kung saan saan, ayan tuloy nangyari sa'yo." "Bakit mo ba ako sinisigawan?!" Napahawak ako sa noo ko. Hindi ko na kaya pang makipagtalo dito. Wala naman siyang maiintindihan sa mga sinabi ko. Kung may kasalanan lang naman ay 'yung barako, hinding hindi ako hihingi ng tawad doon at papatulan ko pa siya. Pero si Lucas ang may mali. Nagawa niya pang laitin 'yung lalaki. Hindi porke kaibigan ko siya ay kakampihan ko na siya. Alam ko kung ano ang tama o mali. Though mali na sinapak ako nung lalaki, ayoko namang patulan para hindi na lumaki pa ang gulo. Tumawag ako ng Grab para ipahatid itong si Lucas sa bahay niya. Wala ako sa mood para ihatid siya dahil sa ginawa niya. Hinila ko muna siya patayo saka isinabit ang braso niya sa leeg ko para suportahan siya sa pagtayo. I called her sister first to inform her that her brother is coming home drunk. Sinabihan ko ito na abangan ang pagdating. Nang dumating ang Grab ay tinulungan ko itong makaupo sa backseat. Nagpumiglas pa siya at ayaw pumasok ng kotse pero pinilit kong maitulak siya sa loob. Sinabi ko muna sa driver kung saan siya ibababa bago ko isara 'yung pinto ngunit hinarang ni Lucas ang kamay niya. Aalisin ko sana ang kamay niya ngunit nagsalita siya. "Phone ko." He muttered under his breath. "Ano?" I frowned. "Phone ko." Ulit niya. Ah phone. "Nasan ba? Naiwan mo sa loob?" Tumango siya. Marahan kong inalis ang kamay niya. "Ako na kukuha. Ibabalik ko na lang sa'yo bukas." Sabi ko bago isinara ang pinto. Hinintay ko munang makaalis 'yung Grab bago ako bumalik sa loob ng Club. Nilabas ko ang phone ko at sinubukan na tawagan 'yung phone niya. Alam kong maingay kaya nagbabakasakali lang ako na may sasagot nito kung may nakapulot man. Wala naman siguro magtatangka na kumuha nun. Paulit ulit kong tinawagan ang phone niya habang hinahanap ito sa ground floor at second floor ngunit wala kahit sa mga table. Dumaan ako sa bartender para magtanong. Binaba ko ang tawag. "Excuse me." Lumapit sa akin 'yung bartender na nagpupunas ng glass. "By any chance, may nakita ka bang phone?" "Phone?" Tumango ako. "Ah ikaw ba may-ari nun." "No. Phone ng friend ko." May kinuha siya sa ilalim ng counter. "Ito ba 'yun?" Nilapag niya 'yung phone na hinahanap ko. "Yes ito nga." Kinuha ko ito saka binuksan. Nang makita ang wallpaper nito ay doon ko nakumpirma na phone nga ito ni Lucas. Picture niya e. May mga missed calls ko rin. "May nakakita niyan sa banyo. Buti binalik." Sabi ng bartender. "Thank you so much." I told him then put the phone in my other pocket. Lalabas na sana ako nang may madaanan akong babae. May kung anong nagpatigil sa akin sa paglalakad saka nilingon ito. It seemed like she was looking for something when her eyes roamed the Club. Pinagmasdan ko ito nang maigi. She was wearing a denim jacket. Mukhang dress ang nasa ilalim nito dahil hanggang hita nito ang haba. Sa kaliwang balikat niya ay nakasabit ang sling bag niya na sa tingin ko ay kulay itim. Kakalinga niya ay hindi niya napansin ang lalaki sa gilid niya na nasanggi siya. Nawalan siya ng balanse dahilan para madamay 'yung lalaki sa tabi niya at natabig niya ang hawak nitong baso. Nahulog ang basong iyon sa sahig. Basag. Nakita kong humingi siya ng paumanhin sa lalaki ngunit mukhang hindi natuwa 'yung lalaki sa kaniya. Pinapagalitan pa ata siya. Sa huli ay iniwan siya ng lalaki habang siya naman ay hindi alam ang gagawin sa nabasag na baso. Bumaba siya para pulutin iyon. Doon na ako lumapit saka hinawakan ang palapulsuhan niya para pigilan siya na linisin iyon. She lifted her head up to face me. Doon ko napansin na may bangs siya. Hinila ko siya patayo. "You don't have to clean that." I told her. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Napansin ko na may natamo siyang sugat sa daliri. Mukha pang malalim. "Nasugatan ka na." I looked at her. "Sumama ka sa'kin. May gamot ako sa kotse." Hindi ko na hinintay pang sumagot siya nang marahan ko siyang hilain palabas ng Club. Wala siyang nagawa. Hindi naman siya nagpumiglas. Pumunta kami sa parking lot saka nagtungo sa tapat ng kotse ko. Nakatayo lang siya sa gilid habang hinahanap ko 'yung ointment at bandaid sa small compartment ng kotse ko. Palagi akong may dala nito. For emergency ganun. Kumuha din ako ng bottled water na may kaunti pang tubig. Nang makuha ko iyon ay hinawakan ko dulo ng manggas ng kaniyang denim jacket saka hinila siya doon sa likod ng SUV ko. Binuksan ko 'yung trunk para may maupuan siya. "Upo ka." Utos ko. Tahimik naman siyang sumunod at tumabi ako sa kaniya. I made sure there was a safe space between us. "Akin na kamay mo." Itinaas niya ang kamay niya na may sugat. Binuhos ko 'yung natitirang tubig sa sugat niya para malinisan. Napasinghap pa siya nang makaramdam ng hapdi. "May panyo ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha niya ang panyo sa bag niya at inabot sa akin. Idinampi ko iyon sa sugat niya para tumigil sa pagdurugo. Medyo malalim nga ang natamo niya. Bakit niya ba kasi pinulot 'yung basag? Sunod ay pinahiran ko ito ng ointment. Nakatitig lang siya sa ginagawa ko. Lastly, I covered her cut with a band-aid. "Done." Sabi ko. Tinignan niya ang sugat niya. Natawa pa ako sa sarili ko dahil may design pa 'yung band-aid. "Sorry. Wala akong ibang band-aid e." "A-ayos lang. Salamat pala." Her voice. It sounds so nice. Ngayon ko lang narinig ang boses niya dahil kanina pa siya tahimik. Nang tumingin siya sa mukha ko, dumako ang mata niya pababa sa labi ko. "Mukhang mas kailangan mo magamot kaysa sa'kin." Napahawak ako sa labi ko at napangiwi nang mahapdian. Oo nga pala. Nakuha ko pala 'to noong sinapak ako ng barakong lalaki kanina. "Wala lang 'to. Nagkaroon lang ng away kanina sa loob. Malayo naman 'to sa bituka." Paliwanag ko. "Malayo lang din naman 'to sa bituka." Tinaas niya pa ang daliri niya na may sugat. Natawa lang ako. "I just don't like seeing people get hurt. Sorry kung hinila kita bigla." She shook her head. "Ayos lang. Naiintindihan ko." Payak siyang ngumiti. I was completely mesmerized by her when I finally see her face in the light. Mas maganda pa siya sa inaasahan ko. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako natulala sa babae. She has this innocent and angelic face. Tipo ng babae na hindi makabasag pinggan. "Buti hindi ka natakot sa'kin." Sabi ko. "Una kinabahan... pero mukha ka namang mabuting tao." Sagot niya. I chuckled. "Cloud nga pala." Nilahad ko ang kamay ko. Kinuha naman niya iyon. "Reign." I frowned. "Rain? Ulan ganun?" She quickly shook her head. "Reign. R-e-i-g-n." Ang kulit naman. Cloud pangalan ko, tapos Reign naman sa kaniya na parang ulan. It was like we're fated to meet each other. Tumango ako nang maintindihan ko na. "Ah Reign. Umamin ka, palagi kang nag-ispell kapag nagpapakilala ka ano." Doon siya ngumiti at mahinang tumawa pero hindi niya itinanggi dahil tama ako. "Madalas." Mas lalo akong natulala nang makita ang ngiti niya. She has the most beautiful smile I've ever seen. Nawawala ang mata niya kapag ngumingiti siya, lalo na kapag natawa. Kulang na lang ay higupin niya ako sa ganda ng ngiti niya. "Ano palang ginagawa mo sa loob kung pwedeng malaman?" Tanong ko. Hindi sa pangengealam pero kung susuriin, siya 'yung tipo ng babae na bihira mo lang makita sa ganitong lugar. Siya 'yung klase ng babae na mas madalas mong makita sa Library o sa mga tahimik na lugar. Her aura doesn't suit this kind of place. "Ah, kikitain ko kaibigan ko. Dito niya gusto magcelebrate ng birthday kaso mukhang wala pa siya." She replied. "First time mo sa ganitong lugar?" She nodded. "Oo." "You should be careful next time. Hindi lang sugat aabutin mo sa ganito." "Tulad ba ng nangyari sa'yo?" Natigilan ako. Then I awkwardly smiled. "Sinubukan ko lang naman na ilabas 'yung kaibigan ko sa gulo, but I didn't expect na pati ako madadamay." "Mag-ingat ka rin." Sabi niya na ikinangiti ko. Napatingin ako sa bulsa ng pants ko nang may tumunog. Mula iyon sa phone ko. Nilabas ko iyon at nakita na kapatid ni Lucas ang tumawag. "Sandali lang," paalam ko kay Reign saka tumayo para lumayo nang kaunti bago sagutin ang tawag. "Hello?" "Kuya Cloud, nasaiyo ba 'yung phone ni Kuya? Kanina pa kasi ayaw mapirmi. Hinahanap 'yung phone niya." Anito. "Nasa akin. Tell him na bukas na bukas ibabalik ko sa kaniya. Take care of him, okay?" "Sige po." Pinatay niya na ang tawag. Nang bumalik ako kay Reign ay tumayo siya. Itinaas ko ang dalawang kilay ko nang tumingin siya sa akin. "Kailangan ko ng umalis. Hindi pala 'to 'yung club na tinutukoy ng kaibigan ko." "Ganun ba. Saan ba daw? Gusto mo ihatid na kita?" Umiling siya. "Hindi na. Nakakahiya. Salamat ulit dito." Tukoy niya sa ginamot kong sugat niya. "Welcome. Mag-iingat ka ha. Sure ka ba talaga na ayaw mo magpahatid?" Umaasa pa rin ako na papayag siya. "Hindi na talaga. Kaya ko naman." I pursed my lips. "Okay. If you say so. Be careful." She nodded. Nagpaalam na siya kaya naman hinayaan ko na siyang umalis. I watched her steps as she walked away. Ngumisi ako. Kapag lumingon ka, it only means na makikita pa ulit kita. Iyon ang tumatakbo sa isip ko habang pinapanood siya. Naghintay ako. Nagbilang ako sa isip ko. Isa. Dalawa. Naghintay pa ako. Tatlo. Apat. Lima. Mabilis akong umiwas ng tingin nang magawa nga niyang lumingon sa direksyon ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Nagkunwari akong hindi nakatingin sa kaniya at sinara 'yung trunk. Pagsilip ko sa kaniya ay naglalakad na ulit siya. Buong gabing iyon ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko. I just hope na makita ko ulit siya. Sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD