Chapter 5

2222 Words
Dalawang araw na lang bago magsimula ang pasukan at kinabukasan naman ang alis ni Claire papunta ng States. Gusto niya na magcelebrate ng birthday niya bago siya umalis na kasama ako kahit na sa isang linggo pa ang kaarawan niya. Balak niya pa sa Club magdiwang. Hindi sana ako papayag kaso nagpumilit siya. Hindi naman ako nakatanggi pa lalo na't request niya. Ang totoo kasi ay hindi pa ako nakakapunta ng Club. Si Claire ang mahilig sa mga ganito kaya kinakabahan ako habang papunta ako sa Club na sinabi niya. Ayokong magtaxi dahil mahal kaya naman nagbus na lamang ako. Nang huminto sa babaan ay nilakad ko na lamang since malapit na lang din naman. Niyakap ko pa 'yung denim jacket ko. Nakasuot kasi ako dress sa ilalim nito. Niregalo pa ni Claire sa akin para suotin sa mismong araw na 'to. Hindi ako sanay sa mga ganitong damitan dahil madalas pants ang suot ko. Gusto niya pa ako magheels pero sabi ko sandals na lang kaya naman ankle strap sandals itong suot ko. Nang makarating sa tapat ng Club ay huminga muna ako nang malalim bago pumasok. Maingat pa akong bumaba ng hagdan. Namangha ako nang tuluyan na nga akong makarating sa loob. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang hitsura ng Club. Medyo madilim pero may iba't ibang kulay ng ilaw na sumasabay sa malakas na tugtog. Hinanap ko sa paligid si Claire ngunit dahil wala akong suot na salamin ay hirap kong maaninag ang paligid. Binigyan naman ako ni Claire ng contact lens na may grado kaso hindi ako sanay, naluluha ang mata ko kaya napagpasyahan kong hubarin na lang. Tiniis ko na lang kahit medyo malabo ang paligid ko. Habang naghahanap ay hindi ko napansin 'yung lalaki sa gilid ko na nasanggi ako. Medyo nawalan ako ng balanse at hindi sinasadya na matabig 'yung malapit sa tabi ko. Nagulat ako nang mabitawan niya ang hawak niyang baso at nabasag ito sa sahig. Nagpanic ako. "S-sorry. Hindi ko sinasadya." "Ano ba naman 'yan? Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Sermon niya kaya humingi ulit ako ng paumanhin. Sa inis niya ay iniwan na lang niya ako. Napatingin ako sa mga basag na nagkalat sa sahig. Baka makasugat pa ito ng iba kaya naman bumaba ako para damputin 'yung mga bubog. Mabilis kong inilayo ang kamay ko nang maramdaman ang talas ng bubog sa daliri ko. Nagkasugat na. Hindi ko naman pwedeng iwan 'to. Ipagpapatuloy ko na sana 'yung pagdampot nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Ang init ng kamay niya ay dumampi sa balat ko. Tiningala ko siya pero hindi ko siya masyadong mamukhaan dahil sa kondisyon ng mata ko, dumagdag pa ang kadiliman dito sa loob. Hinila niya ako patayo ngunit hindi ito agresibo at marahan lamang ang pagkakahawak sa akin, animo'y ayaw akong masaktan. "You don't have to clean that." Sabi niya. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. "Nasugatan ka na." Binalik niya ang tingin sa akin. "Sumama ka sa'kin. May gamot ako sa kotse." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Ako 'yung tipo na hindi agad agad nagtitiwala. Kung ibang lalaki lang siguro siya ay baka nagpumiglas na ako ngunit may iba akong naramdaman sa kaniya. Maginoo? Iyon ba 'yung word? Ganoon ang nakikita ko sa kaniya. Hinayaan ko siyang hilain ako palabas ng Club at dinala sa kotse niya. Sandali siyang may kinuha sa loob bago buksan 'yung likuran ng kotse. Inutusan niya akong umupo roon. Tahimik ko siyang sinunod. Hindi ko alam kung kailan ako magsasalita o ano ang sasabihin ko. Umupo siya sa tabi ko at nag-iwan pa rin ng espasyo. Ang weird pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Kumportable ganoon. Sinimulan niyang linisin ang sugat sa daliri ko. Napapangiwi ako kapag nararamdaman ko 'yung kirot. Maliit lang naman pero mahapdi. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya. Ang gaan ng kamay niya habang ginagamot ako. "Done." Aniya. Tinignan ko 'yung band-aid na may design pa. Ibang iba sa ginagamit kong band-aid na plain lang. "Sorry. Wala akong ibang band-aid e." "A-ayos lang. Salamat pala dito." Sabi ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Kung nakasuot lang siguro ako ng salamin, malinaw kong makikita ang hitsura niya. Kumunot ng bahagya ang noo ko nang may mapansin sa labi niya. Sugat ba 'yan? "Mukhang mas kailangan mo magamot kaysa sa'kin." Sabi ko. Napahawak siya sa labi niya at napangiwi. "Wala lang 'to. Nagkaroon lang ng away kanina sa loob. Malayo naman 'to sa bituka." Paliwanag niya. Sinabi ko na malayo lang din sa bituka 'yung sugat ko para tulungan niya ako. Humingi siya ng tawad sa ginawang paghila sa akin. Ramdam ko ang pagiging sincere niya. Mukhang mabait talaga siya. Pinakilala niya ang sarili niya. Nagandahan pa ako sa pangalan niya. Ngayon ko lang nalaman na may tao pala na nagngangalang Cloud. Ang unique lang. Pinakilala ko din ang sarili ko. Gaya ng madalas na nangyayari ay inaakala nila na galing sa ulan ang pangalan ko kaya inispell ko pa para magets niya. "Ah Reign. Umamin ka, palagi kang nag-ispell kapag nagpapakilala ka ano." Aniya. Natawa ako sa sinabi niya dahil totoo naman. "Madalas." Sagot ko. Iyon naman kasi palagi ang nangyayari. Bihira lamang ang nakakagets agad sa pangalan ko kaya sanay naman na ako. Nagtanong pa siya pero hindi naman niya ako pinipilit na sagutin. Dahil mukha naman siyang mabait ay kinuwento ko sa kaniya kung anong ginagawa ko dito sa Club. Hindi tuloy ako sigurado kung tama ba 'tong pinuntahan ko. Dapat ba nagtaxi ako? May tumawag sa kaniya kaya nagpaalam muna siya na sagutin iyon. Naiwan ako sa trunk niya. Sakto naman na nakareceive ako ng text mula kay Claire. Claire: where r u? Nagtype agad ako. Me: Nandito na sa club na sinabi mo. Nasan ka ba? Sinabi niya na nasa Club na rin daw siya na ipinagtaka ko. Hindi ko naman siya nahagilap sa loob kanina. Sinabi ko 'yung pangalan ng Club at doon ko nalaman na mali pala 'yung Club na pinuntahan ko. Meron pa palang ibang Club na nasa unahan daw nito. Dapat pala sinigurado ko muna. Bumalik si Cloud kaya tumayo na ako. Pinaliwanag ko na kailangan ko ng umalis at maling Club ang napuntahan ko. Inalok niya akong ihatid ako ngunit tumanggi na ako. Nakakahiya. Tinulungan na nga niya ako sa sugat ko at saka kaya ko naman. "Okay. If you say so. Be careful." Tumango ako at nagpaalam na. Nagsimula na akong maglakad paalis. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na lingunin ang direksyon niya. Naabutan ko siyang isinara ang likuran ng kaniyang kotse. Bahagya akong napangiti. Ang swerte ko rin para makakilala ng mabait na tao tulad niya sa ganitong lugar. Sa wakas ay nakarating na ako sa Club na tinutukoy ni Claire. Pagpasok ko pa lang ay madali kong natagpuan si Claire sa may table sa gilid, may mga kasama ito. Nang magtagpo ang tingin namin ay kinawayan niya ako kaya naman naglakad ako palapit sa kaniya. Hindi ko kilala ang mga kasama niya. "Ang tagal mo naman." Reklamo ni Claire nang makaupo ako sa tabi niya. Pinatong ko sa ibabaw ng hita ko 'yung sling bag ko. "Sorry. Mali kasi napuntahan ko." Paliwanag ko. Sinimulan akong ipakilala ni Claire sa mga kasama niya. Mga college friends niya pala. Magaan naman silang kasama kaya hindi ako nahirapan na mag-adjust. Nagkwentuhan pa muna sila. Inalok ako ni Claire ng alak na nasa champagne glass. Tumanggi ako. "Hindi ako umiinom, Claire." "Sige na. Minsan lang naman e. Pagbigyan mo na ko. Please?" Ngumuso pa siya, nagmamakaawa. Ayoko naman siyang biguin kaya kinuha ko 'yung baso. Kahit kailan ay hindi ko pa naranasan uminom ng alak. Panay softdrinks at juice lang ako. Nang amuyin ko ito, ang weird. Ganito ba amoy ng alak? Nakatingin sa akin si Claire, hinihintay akong inumin iyon. Lumunok muna ako bago ko ilapit ang bibig ko sa baso. Dahan dahan ko iyon tinikman. Noong una ay hindi ko pa masyadong nalasahan dahil kakarampot lang ang nainom ko kaya sinubukan ko ulit. Sa pangalawang beses ay doon ko na ito nalasahan. Nag-iba agad ang ekspresyon ko nang malasahan ang pait. Hindi ko type 'yung lasa. Natawa si Claire sa reaksyon ko. Feeling ko ito ang una't huli na iinom ako ng alak. "How does it taste?" Tanong ni Claire. "Masarap ba?" Umiling ako dahil 'yun naman ang totoo. Mas natawa lang siya. Kinantahan namin siya ng birthday song. Ilan sa mga kaibigan niya ay tinamaan na ata ng alak. Panay tawa na kasi. Ganito ba epekto nito? Iyong isa naman ay hinamon nilang tunggain 'yung isang bote ng alak. Ako 'yung nasuka para sa kaniya nang ubusin niya iyon ng isang lagukan. Dapat ba ganito ka kapag nasa club? "Let's dance." Kinuha ni Claire ang kamay ko ngunit hindi ako nagpahila sa kaniya. "Ayoko. H-hindi ako marunong sumayaw." Pagtanggi ko. "Oh come on, babe. Hindi rin naman lahat ng tao can dance. Please? Ngayon lang. Hmm?" Bumuntong hininga ako. Hindi ako makatanggi kung magmumukha siyang tuta na nagmamakaawa. Tutal birthday naman niya kaya pagbibigyan ko na. Binaba ko ang bag ko sa upuan saka nagpahila sa kaniya sa dance floor. Doon pa talaga siya sa gitna. Sumama din ang mga kaibigan niya at nakisayaw. Gaya ng sabi ko ay hindi talaga ako marunong sumayaw. Ang awkward. Hindi ko alam kung ano ang igagalaw ko. Kung kamay ba o paa. Hindi ko naman magaya ang sayaw ni Claire dahil napakadaring. Ang seductive. Parang naliligo sa ilalim ng shower pero may kendeng lang. Inalala ko na lang 'yung napanood ko na movie. 'Yung sayaw nito na tinataas lang ang isang kamay. Ganoon ang ginawa ko. Natawa pa si Claire nang makita ang sayaw ko. Kinagulat ko ang bigla niyang paghawak sa balikat ko. Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. Matangkad si Claire sa akin. Nasa 163cm lang ako habang siya ay 172 ang taas kaya kinailangan niya yumuko nang kaunti para bumulong sa akin. "Let the music guide you. Don't think too much, babe." Tumitig siya sa mata ko. "Magsaya lang tayo, okay?" Habang nakahawak ang isang kamay ay kumendeng siya sa harapan ko. Hindi alintana ang mga tao sa paligid. Natawa lang ako sa sobrang taas ng confidence niya. Sinubukan ko ang sinabi niya. Hinayaan ko ang katawan ko na dalhin ng musika pero hindi ko talaga magawa. Nagtaas baba na lang ako ng kamay. Pero dinagdagan ko naman ng paa para maiba naman. "Happy birthday." Bulong ko sa tenga niya. "Gusto mo bang ihatid kita sa flight mo bukas?" Tumingin siya sa akin. Malabo man ang paningin ko, naaninag ko naman ang panginginig ng labi niya. Pansin ko ang pagkinang ng mata niya dahil sa tubig na namumuo rito. Mabilis niya akong niyakap sa leeg. Nanginginig na rin pati ang braso niya. Kahit na malakas ang tugtog ay dinig ko ang paghikbi niya habang nakayakap sa akin. Para mapatahan siya ay hinaplos ko ang kaniyang likuran. "I'll miss you." Bulong niya. "f**k ayokong umalis." Hindi ako umimik. Wala akong masabi. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin saka mabilis na pinunasan ang luha niya. "I shouldn't cry. f**k these tears. It's my birthday." Payak akong ngumiti. "Bakit hindi ka magstay kung ayaw mo pala?" Nang sabihin niya kasi na aalis siya ng bansa ay hindi ako nagtanong kung bakit. Wala siyang dinugtong pagkatapos nun. Ayokong tanungin siya. Ayokong makialam. Hindi naman ako 'yung tipo ng tao na mausisa. Mas gusto kong siya mismo ang magkusa na sabihin sa akin. "I can't. Alam mo na, family. Anyway, enough with the drama. Ba't ba ko umiiyak? I should be strong. Kaya mo naman na wala ako diba?" Ngumiti ako para mapanatag siya saka tumango. "Oo naman. 'Wag ka mag-alala sa'kin. Unahin mo sarili mo." "I know. I just couldn't help but to worry. Especially nakatira ka pa rin sa tita mo. Should I ask my dad not to sell my house para doon kita patirahin?" "Sira. 'Wag na 'wag mong gagawin 'yan ah. Kaya ko na sarili ko. I promise, kapag malaki na naipon ko, aalis talaga ako sa poder niya. Pero magagawa ko lang 'yun kapag nakapagtapos na ko. Hirap humanap ng trabaho kapag wala pang natapos e." "You better should." Lumipas ang ilang oras bago kami magdesisyon na umalis na ng Club para umuwi. Ang mga kaibigan ni Claire ay nagpaalam na at binati pa ulit siya bago sila umalis habang ako na lang ang naiwan na kasama ni Claire. Ngayon na malapit na ang pasukan ay lumipat na ako sa boarding house kahapon na malapit sa school ko. Kahapon din ay sinimulan ko ng maghanap ng part time job pero minalas talaga kasi wala. Papunta na kami sa sasakyan niya nang magsalita si Claire. "Can you stay with me tonight?" "Sa bahay mo?" Tanong ko. "Yup. Gusto kita makabonding bago ako umalis. Ikaw ang mamimiss ko sa lahat e. Isa pa, ihahatid mo ko sa airport, right?" Tumango ako. "Sige." "Don't worry. Ipapahatid kita pauwi sa assistant ni Dad. Siya kasi ang maghahatid sa'kin." "Okay." Mabigat ang loob ko nang umalis kami ng Club. Kung normal na araw lang siguro ito ay panigurado sobrang saya ko na pupunta ako sa tinitirhan ni Claire. Ngunit iba ito sa mga araw na iyon. Dahil ito ang huling araw namin para gumawa ng panibagong alaala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD