Chapter 6

1406 Words
Nag taxi kami pareho dahil hindi naman pwedeng magmaneho itong si Claire dahil nakainom. Wala rin ata siyang dalang kotse. Gaya ng sabi niya ay dumiretso kami ng bahay niya. Nakapunta naman na ako dati sa bahay niya kaya kabisado ko na ang pasikot sikot dito kahit na malawak. Pinahiram niya ako ng damit kaya nagbihis muna ako. Sa totoo lang, dalawang baso lang naman ang nainom ko pero parang tinamaan na ko. Ganito siguro kapag baguhan. Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako nang maabutan ko si Claire sa sala. Terno kami ng pajama, kulay grey. Natawa ako. May nakalatag na bedsheet sa sahig habang itinabi niya sa gilid 'yung center table na puro iba't ibang pagkain ang nasa ibabaw. Makapal ang comforter, sakto para sa aircon niya. Ang bilis ko nga lamigin e. "Come here." Tinapik niya 'yung tabi niya kaya naman lumapit ako at pumasok sa comforter sa kaniyang tabi. Nilabas niya ang kaniyang phone. "Cute ng PJs natin." Natawa ako. "Kung may nakakakita lang sa'tin, pinagkamalan na tayong magjowa." "Why? Do we have to be a couple to have the right to wear matching pajamas?" "Hindi naman. Sinabi ko lang." Sagot ko. Nag-tsk siya. "Smile." Sabi niya habang nakafront cam ang phone niya. Tumingin naman ako sa phone niya at ngumiti. "Can I post it in my IG story?" Paalam niya. "Sige." Sagot ko saka inabot 'yung popcorn na may cheese. Natakam ako. Para kaming hindi galing sa club ah. Marami rin na pulutan doon e. "Tada! I tagged you." Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya kung saan nakapost nga sa Ig story ang picture naming dalawa. "Ba't naman ganyan nilagay mo?" Natawa ako sa caption na nakalagay. Hinampas ko siya sa braso. Ang nakalagay kasi, __________________________ @claire.evans girls' night! Netflix n chill, just gonna watch only but... if this girl tried to seduce me, i'll definitely say no? I'm tipsy. Rawr! Are you going to? @reignnotrain __________________________ At tinag pa nga ako. "Aren't you gonna do it, Miss Reign?" Mapang-akit niyang sabi saka sinimulang tanggalin ang butones ng pajama niya sa may taas at hinawi ito para ipakita ang collar bone niya. Napanganga ako at mabilis na kinuha 'yung unan saka hinampas sa pagmumukha niya. "Siraulo ka talaga!" Natawa siya nang malakas. "Oh God! Sa sobrang palpak ng lovelife ko, kulang na lang babae na ang patulan ko. Mas matino pa girls sa true lang." "Wala namang masama ah." Sabi ko saka ngumata ng popcorn. "Wala naman akong sinabi na masama ah. Just saying. Kaso kahit anong gawin ko, sa lalaki lang ako naaattract. So sad." Pinagpatong niya ang dalawang unan at doon sumandal. "What do you wanna watch?" Nilipat niya sa Netflix ang TV saka nagsimulang mamili. "Ikaw bahala. Wala akong alam na bagong palabas e." Sagot ko habang nakatitig sa screen. Nang magsimula na siyang mamili ay nanood na kami ng seryoso. Bumalik pa nga ako sa kwarto niya para kunin 'yung salamin sa sling bag ko na nakapatong sa kaniyang kama. Kailangan ko makakita ng ayos. Pinili niya 'yung rom com kaya naman may kasamang tawa 'yung panonood namin. Nang matapos ay naglabas siya ng canned beer mula sa ref niya at dinala sa higaan namin. Inabot niya sa akin 'yung isa. Hindi na ako tumanggi dahil alam kong pipilitin niya ako. Napaklaan pa ako nang matikman ko ito. Ganito pala lasa nito. Bakit sa napapanood ko, tinutungga lang nila? Sanay na sanay e. "Can I ask you something, Reign?" Tanong ni Claire kaya tumingin ako sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay, permiso para ipagpatuloy niya ang itatanong niya. "What's your ideal type? Curious lang naman. Matagal na tayong magkaibigan pero kahit kailan, you still haven't introduce a guy to me." Hindi ko inasahan ang tanong na iyon. Oo nga. Kahit kailan ay wala pa akong pinakilala sa kaniya. Ni wala rin akong nababanggit. Habang siya naman ay hindi ko na mabilang ang pangalan ng lalaki na lumabas sa bibig niya. Napaisip ako. "Wala naman to be specific." "Isipin mo ah. Like wala kang hinahanap na qualification sa guy? Nagkacrush ka na ba? Since highschool you haven't mentioned anything about the guy you like. Teka may nagustuhan ka na ba?" Kita ko na curious talaga siya. Ngayon lang namin nagawang pag-usapan 'to kaya hindi ako nakapaghanda. "Ang totoo wala pa." "For real?" Tumango ako. "Wala pa talaga as in. Ewan ko ba." "Sana pala bago ako umalis, naihanap na kita ng blind date. You should try it. Or you should try using dating apps. Kaso ayokong mapunta ka sa toxic guy kaya 'wag na lang. There's 96 percent chance kasi na s*x lang hanap ng karamihan sa dating apps. f**k buddy ganun. You're not that type of girl na papasok sa ganun. Ayoko rin." Natawa ako nang mahina. "Ang protective naman po." "Aba dapat lang. I considered you as my family so I have to protect you against those walking red flags. You are my baby after all." Ngumiti ako. "Abnormal nga ata ako. Kahit kailan wala pa kong nagustuhan." Umayos siya ng upo at nag-indian sit habang nakaharap sa'kin. "Do you want me to introduce you to someone? Hahanapan kita ng matino. I have friends." "Sira hindi na. Ayokong ipilit. Kusa namang darating 'yan. Isa pa, hindi iyon ang priority ko. Kailangan ko munang magtapos at makahanap ng trabaho. Financially stable muna dapat ako bago 'yan." "Yeah. That's what I like about you. You know your priorities. Pero... iba pa rin 'yung may kasama ka e. So ano nga type mo? Isip ka lang. Kung may trabaho ka na at handa ka ng pumasok sa relationship, anong una mong hahanapin sa lalaki?" Uminom siya sa canned beer niya. Huminga ako nang malalim habang nag-iisip. "Ano ba?" Tanong ko sa aking sarili. "Gusto mo ba gwapo?" Tanong ni Claire. "Kasi ako oo." Humagikhik siya. "Kita mo naman sa mga nakadate ko. They all have looks." "Pero wala namang nagtagal." Komento ko. "Ouch." Tumawa siya. "Ang sakit ah." Nakitawa din ako. "Joke lang." "Ano nga?" Tanong niya. "Okay lang kahit hindi gwapo. Basta marunong mag-ayos. Decent tignan ganun." Tumango tango si Claire. "How about the height? Taller than you? Kaheight mo lang? O baka gusto mo mas maliit sa'yo?" "Maliit na nga ko, maghahanap pa ako ng mas maliit sa akin. Baka duwende naman na mahanap ko." Humagalpak siya ng tawa. "Funny mo, babe." "Hmm mas matangkad sa'kin. Or kaheight. Basta 'wag lang mas maliit." Sagot ko. "Ang weird lang kasi kapag mas matangkad 'yung babae sa lalaki." "Okay. Next, sa katawan naman. Skinny or chubby? May abs o wala?" Nilabas na niya ang phone niya saka nagsimulang magtipa. "Kahit ano basta healthy." Sagot ko. Sinilip ko ang ginagawa niya. Nasa notepad siya. "Ano 'yan?" "I'm listing down your ideal type. Baka sakaling mahanapan kita." Sagot niya. "Gusto mo mayaman? Or sakto lang?" "'Yung kayang buhayin ang sarili niya nang hindi nakadepende sa magulang or sa ibang tao?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Sure ka na?" Tumango ako. "Okay. In short mayaman. Next. Anong gusto mong ugali? Bad boy ba? Good boy? Or good boy sa public pero bad boy sa kama. 'Cause I'll choose the latter, sweetie. Rawr." Natawa ako sa sinabi niya. Alam ko naman ang ibig sabihin niya. "Marunong rumespeto. Basta hindi mapanakit. Ayokong pumasok sa relasyon na abusado 'yung partner." Umirap siya. "Ugh. In short mabait. Papahabain pa e." Nagtype pa siya. "Wala na?" Nag-isip pa ulit ako. Nang dumako ang atensyon ko sa kamay ko ay doon ko naalala 'yung lalaki sa Club kanina nang makita ko 'yung band-aid sa daliri ko. Naglinis naman ako ng katawan kanina pero hindi ko nagawang tanggalin ito sa daliri ko. Ewan ko ba. Nanghinayang akong alisin. Tumingin din si Claire sa tinititigan ko. "Nga pala, anong nangyari dyan? Nasugatan ka?" "Ah ito. Wala 'to. Nakabasag lang ako ng baso dun sa Club na unang pinuntahan ko." Sagot ko. "Ba't kasi hindi ka nag-iingat? Malaki ba 'yung sugat?" Pag-aalala niya. "Hindi naman." "Good thing you have first aid kit with you." "Actually wala nga e." "Dumaan ka pa ng pharmacy?" Usisa niya. Umiling ako. "Tinulungan lang ako nung nakilala ko sa Club." Nanlaki ang mata niya. "May nakilala ka sa club? Lalaki? Babae?" Interesado niyang tanong. "Lalaki." At mas lalong nanlaki ang mata niya, sinamahan pa na halos ikabagsak na ng panga niya sa sahig na ikinatawa ko nang mahina. "What the hell, Reign?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD