Chapter 7

2806 Words
Suminghap si Claire at nagniningning ang mga mata habang pilyo na nakangiti. Halatang gustong gusto niya ang narinig mula sa akin. Mas umusog pa siya palapit sa akin. "Ikaw ah. You met a guy at the club and you didn't mention anything to me." "Hindi naman kasi big deal." Sagot ko. "Ano hitsura? Gwapo ba? Matangkad? Bad boy look ba?" Sunod sunod niyang tanong. Daig ko pang nasa talk show. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang inaalala 'yung lalaki. Ang hirap alalahanin lalo na't ang ganda ng paningin ko ng mga oras na iyon. "Di ko maalala. Hindi ako nakasuot ng salamin e." "Diba I gave you contact lens? Wait, you didn't use it?" Nahuli niya pa tuloy ako. Nakanguso akong umiling. Halatang guilty. "Hindi. Naluluha kasi ako. Baka mairitate lang mata ko." Bumuntong hininga siya. "Fine. Anyway, balik sa kwento. Ano lang naaalala mo sa kaniya?" "Basta matangkad siya. Hanggang leeg niya lang ata ako. Ah, 'yung name niya. Pangalan niya Cloud." "Cloud?" Nagsalubong ang kilay niya. "Sounds familiar. Ano pa?" "Iyon lang naaalala ko. Wala naman siyang iba na kinuwento. Tinulungan niya lang akong gamutin 'tong sugat ko. Mukha siyang mabait. Sa totoo lang, ang gaan ng loob ko sa kaniya." "Magaan ang loob mo? Hindi kaya 'yan lukso ng dugo? Baka anak mo 'yan ha." Biro niya na ikinatawa ko. "Anak ka dyan. Mukha namang kaedad ko." "You're not sure. Hindi mo nga mamukhaan. Ang linaw kasi ng mata." Sarkastiko niyang sabi kaya binato ko sa kaniya 'yung unan pero pinigilan niya lang gamit ang kamay niya at pinatong iyon sa legs niya. "So ano? Type mo?" Napaisip ako. "Kapag nabaitan ka ba, type mo na?" "Kapag binigyan ka ng matandang pamilyado na ng pera dahil kulang ang pera mo, type mo na agad?" Sinamaan ko siya ng tingin. Anong klaseng logic ba 'yan? "Anong naramdaman mo ganun? Were there butterflies in your stomach when you saw him or talk to him?" "Siguro? Ewan ko hindi ko alam. Nabaitan lang talaga ako." "Gosh, Reign. Tatanda ka sigurong dalaga 'wag naman sana." Napahilamos siya sa mukha niya. Nagkwentuhan pa kami sandali. Nang makaramdam ng antok ay nahiga na kami at natulog. Sa liit ko ay ginawa niya pa akong tandayan. Ayos naman sa akin. Hindi naman big deal. Maaga ang flight niya bukas kaya naman nang tumunog ang alarm niya, ako agad ang unang nagising habang siya ay tulog na tulog pa rin. Kinailangan ko pang alugin ang balikat niya para gisingin siya. "5 minutes." Hirit niya kaya ako na ang unang bumangon para paglutuan siya ng breakfast. Tinapay lang ang gusto niya plus kape since hindi siya mahilig sa heavy breakfast. Nagtoast lamang ako ng tinapay at nagprito ng itlog. Mabuti at bumangon na rin siya at naligo kaya nang matapos ay dumiretso na siya ng kusina kung saan nakahain ang breakfast niya. Nagbihis na rin ako gamit ang pinahiram niyang damit dahil pagkatapos ko siyang mahatid sa airport ay diretso na ako ng boarding house. Dumating ang sundo niya sa kaniyang bahay na sabi ay assistant ng papa niya. Tinulungan siya nito na ilagay 'yung maleta niya sa kotse. Sa may backseat kami ni Claire nakaupo. Hindi naman kami inabutan ng traffic kaya naman nakarating agad kami sa airport. Nakanguso si Claire habang nakatitig sa akin. Bakas ang lungkot sa mga mukha niya. Alam kong ayaw niya pang umalis pero tinatawag na ang flight niya. "Tell me sooner kung inaaway ka ulit ng Tita mo ah." Aniya habang nakabusangot. "Opo. Sa bakasyon pa mangyayari iyon." Biro ko na hindi niya ikinatuwa. Bumuntong hininga siya. "Siya nga pala..." May kinuha siya sa wallet niya at may nilabas na papel. Isa palang flyer. "My friend gave me this. She told me na naghahanap ng part timer itong resto. Kakilala niya kasi may-ari nito. Sakto malapit pa sa school mo. Hanapin mo lang daw si Leila, 'yung manager. Go check it out." Napangiti ako nang kunin ko iyon saka tinignan. Binasa ko ang nakasulat. Vinson's? Isa itong fast food restaurant. At hiring nga sila. "Thank you." Umirap siya. "Imbes na magfocus ka sa school mo, magpapart time ka pa." "Need e. Edi wala akong pambayad ng tuition kung puro aral lang ako." Sagot ko. Napataas ako ng kilay nang yakapin niya ako sa leeg nang mahigpit. "I will really miss you, Reign." "Mamimiss din kita." Binalik ko din ang yakap niya nang mas mahigpit. Mabigat ang loob ko na kumaway sa kaniya nang umalis na siya. Binigyan niya pa ako ng flying kiss at matamis na ngiti bago tumalikod, naglakad palayo dala dala ang pula niyang maleta. Hinintay ko muna siyang mawala sa paningin ko bago ako umalis ng airport kasama ang assistant ng papa niya. Ang bigat ng bawat hakbang ko. Gaya ng sinabi ni Claire ay pinahatid nga ako nito pero imbes na sa boarding house ako magpahatid ay bumaba na ako sa lugar kung saan nakalocate itong restaurant na nasa flyer. "Thank you po," sabi ko sa assistant ng papa ni Claire bago ko isara ang pinto. Napatingala ako sa building na nasa harapan ko. Humanga ako sa magandang estraktura nito. Ang laki nung sign sa taas. Vinson's Nang pumasok ako sa loob ay nagulat ako nang makitang iba ito sa tipikal na mga fast food restaurant. Ipinagtaka ko kung resto ba itong napasukan ko o arcade. Ang lawak sa loob. Sa kaliwa ay pwede kang kumain ng mapayapa habang sa kanan naman ay puno ng iba't ibang game machine. Naalala ko tuloy 'yung McDonald's noong bata ako. Iyong may palaruan. Namiss ko tuloy bumalik sa pagkabata tapos magpaslide na lang at bumasag sa pool ng bola. Ewan ko kung mayroon pa noon. Lumapit ako sa isa sa mga staff. Hindi naman siguro ako nakakaabala. "Excuse me," magalang kong tawag rito at tumingin naman siya sa akin. "Magtatanong lang, pwede ko po ba makausap si Ms. Leila?" Ipinakita ko 'yung flyer sa kaniya. Mukhang naintindihan naman niya ang pakay ko kaya naman nagtawag siya ng isang crew para samahan ako sa manager nila. Nagthank you ako nang igaya niya ako sa employee area. Sinamahan niya pa ako para ituro sa babaeng hinahanap ko. "G-good morning po," bati ko sa babae. Binasa ko ang pangalan na nasa nameplate niya na nakalagay sa uniporme nito. Siya nga ang hinahanap ko, si Miss Leila, ang manager. Siguro nasa mga 30s na ito. "Ahm... itatanong ko lang po kung bukas pa po kayo para sa naghahanap ng part time job?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya ngumiti. "Ano ba pangalan mo, hija?" "Reign po." "Ang totoo naghahanap talaga kami, dala mo ba requirements mo?" Tanong nito. "Aah actually, dumaan muna po ako para magtanong. Pero ayos lang po ba kung balik ako mamaya para sa requirements. Saglit lang po 'yun. Hindi naman po kalayuan boarding house ko." Nagpapanic ako. Baka kasi makalusot pa 'tong opportunity na 'to. Kailangan ko pa naman ng trabaho lalo na't madami akong babayaran. Mahina siyang natawa. "Hinga, hija. Hindi kita pinepressure. Estudyante ka ba?" Tumango ako. "Okay. Balik ka na lang ulit dito kapag nakuha mo na requirements mo. Kung pwede lang na ipasok agad kita kahit walang interview interview ay ginawa ko na pero required e para sa formality. Dumadami na rin kasi 'yung tao kaya kailangan talaga namin ng bagong crew." "S-sige po. Balik din po ako mamaya." Pumayag naman siya. Tinanong ko muna kung ano bang mga requirements ang kailangan. Mabuti na lamang ay mayroon ako lahat nun kaya naman bumyahe agad ako pabalik ng boarding para kunin 'yung mga documents ko. At laking pasasalamat ko dahil mabait 'yung manager. Nakisama din sa akin 'yung kalsada dahil hindi traffic kaya nakabalik agad ako. "Si Flash ka ba, hija?" Natatawang sabi ni Miss Leila nang kunin niya ang requirements ko. Nakaupo ako sa may upuan sa desk niya habang tinitignan niya ang paper documents ko. "Ang bilis mo makabalik e. Hindi naman kita minamadali." Natawa lang din ako pero hindi ako sumagot. "Mukhang maayos ka naman. Hindi naman sobrang strict ang boss namin pagdating sa mga employee. Basta responsable lang, masipag, at mapagkakatiwalaan. Tingin ko nasa iyo naman lahat iyon." "Salamat po." "Estudyante ka diba?" Tumango ako. "Ano ba schedule ng pasok mo? Ang open hour kasi namin ay mula 6am hanggang 11pm." Nilabas ko 'yung printed schedule ko sa plastic envelope saka inabot sa kaniya para matignan niya. Pinaprint ko na talaga ito nang ilabas na ang schedule. "Monday at Tuesday po, 5pm ang last class ko. Tapos Thursday, Friday ay maaga ng 4pm. Sa Wed lang po ako walang pasok." "Okay. Bale libre ka ng pag gabi. Ayos lang ba kung ilagay kita sa night shift?" Ngumiti ako saka tumango. "Opo." "Sige. Tutal madalas sa part timer dito ay mga night shift." Binalik niya sa akin 'yung sched ko. "Bukas siguro pwede ka na magsimula. Pasok ka ng 6pm. Ayos lang ba sa'yo?" Tumango ako. "Opo." "Huling tanong, kaya mo ba magwork under pressure?" "Opo." Sagot ko. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Welcome to Vinson's, hija." Nakangiting sambit nito kaya naman magana kong hinawakan ang kamay niya at nakipagkamay. Binigay niya sa akin ang uniporme na gagamitin ko bukas pati na rin ang susi para sa locker na magiging lagayan ng gamit ko. Nilibot niya ako sa restaurant saka ginuide sa mga dapat na gawin. Sobrang saya ko pa dahil ang babait ng mga staff dito kaya hindi ako nailang nang ipakilala niya ako sa kanila. Naisip ko tuloy kung ganito rin ba kabait ang boss nila. Sakto, bukas na rin ang simula ng pasukan ko tapos natanggap pa ako sa bago kong trabaho. Unti unti kong nararamdaman na umaayon sa akin ang lahat. Sana magtuloy tuloy. Nilabas ko ang phone ko para pasalamatan si Claire sa pagtulong sa akin. Ang swerte ko lang talaga sa kaniya. Pag-uwi ng boarding, bago ako matulog ay sinigurado ko munang nakahanda na ang gamit ko pati ang susuotin ko bukas. Kinakabahan ako na hinaluan ng excitement. Hindi nga ako nakatulog nang maayos e kaya naman papikit pikit ako na nag-asikaso sa umaga. Gusto ko pa sanang matulog kaso maaga ang pasok ko. San Diego University. Per sem ay umaabot ng 10k to 11k ang bayarin ng tuition fee. Ayaw ko man pumayag na mag-aral dito dahil sa tuition fee at sa mas mura na lang sana pero gusto ni papa na dito ako magtapos. Dito kasi siya nag-aral kasama si mama. Bago siya mawala ay iyon ang hinabilin niya, na mag-aral ako sa school na 'to at makapagtapos. May inipon siyang pera na nakalaan para sa College ko ngunit hindi sapat iyon dahil marami pang gastusin maliban sa pag-aaral ko kaya ako na ang gumawa ng paraan. Iyon ang dahilan kaya working student ako. Gaya ng tipikal na nangyayari kapag first day of school ay puro orientation at introduction lamang ang nangyayari. Mas pinipili kong magtiis ng gutom kapag breaktime hangga't maaari para makatipid. Madalas ay pinakamurang pagkain ang bibilhin ko kapag lunch. Naghahati kami ng kaklase ko sa ulam para mas lalong makatipid. Nang dumating ang uwian ay ginawa ko muna ang assignment ko sa may Library para wala na akong gagawin kapag papasok na ako sa trabaho. For sure kasi ay hindi ko na ito magagawa pagkatapos ng work ko lalo na't 11pm ang sara ng resto. Nagsimula na ang trabaho ko. Medyo kinakabahan ako pero sanay naman na ako magtrabaho sa mga ganito kaya hindi ako nahirapan mag-adjust. Pinapagawa pa ang nameplate ko kaya naman binigyan muna ako ng temporary ID. Nadismaya ako nang makita na mali ang spelling ang nakalagay dito. Literal na ulan. Rain. Dapat pala sinulat ko para hindi sila malito. Sabihan ko na lang siguro siya mamaya para hindi mali ang mailagay sa nameplate ko. Gaya nga ng binanggit ni Miss Leila ay kailangan talaga sanay ka magwork under pressure. Dahil siguro pasukan na kaya hindi maubos ubos ang customer. Nangangalay na ako lalo na ang likuran ko pero hindi pwede magpahinga. Ako ang nakatoka sa pagbigay ng order ng customers at paglilinis ng pinagkainan nila. May salamin naman ako pero nanlalabo ang mata ko sa pagod. Naging ganito ang routine ko simula ng magkatrabaho ako. Papasok ng school ng umaga, tatapusin ang activities at assignments pag-uwian tapos papasok sa trabaho. Pagkauwi, kahit pagod ay lalabahan ko ang uniporme ko. Tapos ay gigising ng pagod. Magkakaroon lamang ako ng maayos na tulog tuwing Tuesday ng gabi dahil kinabukasan ay wala akong pasok sa school. Day off ko naman kapag Linggo pero nilalaan ko iyon para asikasuhin ang school work. Kapag wala talaga, buong araw na pahinga sa kama. Sinusulit ko na dahil alam ko pagdating ng Monday ay bugbugan na naman. Ang hirap maging college student s***h working student. Natapos na ang shift ko kaya magpapalit na ako ng damit nang marinig ko ang boses ni Miss Leila. Mukhang wala ito sa mood habang may kausap sa telepono. May problema ba? Nang makapagbihis ay nilagay ko na sa supot ang uniporme ko at nilagay sa loob ng bag. Nakita kong problemado si Miss Leila na dumaan sa akin. Huminto siya sandali saka tumingin sa'kin. "Reign," panimula nito kaya tinignan ko siya. Ang akala ko may sasabihin siya ngunit nagbago ata ang isip niya. "Ah wala. Pauwi ka na ba?" "Opo." "Sige mag-iingat ka." "M-may problema po ba?" Usisa ko. Hinilot niya ang sentido niya. "Ito kasing si Philip tapos si May, aabsent bukas dahil may sakit tapos 'yung isa, may emergency daw. E may event kasi sa umaga, birthday. Magkukulang tayo sa tao. Hay nako. Pagdodoble kayod ko na lang sila bukas." Kinagat ko ang ibabang labi ko, nag-iisip kung ano ba ang dapat kong gawin. "Pwede po akong pumasok ng umaga bukas. Tutal wala naman po akong pasok sa school." Kita kong nabuhayan siya ng dugo. "Talaga ba? Naku, ayaw ko man na pahirapan ka pero malaking tulong 'yang alok mo. Salamat, hija. Sige, bukas agahan mo pasok mo ha. Salamat talaga." Hinawakan niya ako sa balikat. Ngumiti ako. "Welcome po." Tama naman siguro ang ginawa ko dahil laking tulong talaga ang pagpasok ko dahil doble ang gawain dahil sa event. Okay na rin para doble din ang bayad sa akin. May pa birthday party itong customer nila kaya kayod na kayod kami. Tapos iba pa 'yung dagsaan ng regular customers. Mas matrabaho pala sa umaga. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang maglunch break na kami. Grabe, nakakagutom. Sagot ng resto ang lunch namin kaya heto ako ngayon, sinusulit 'yung crispy and spicy fried chicken. Mabilisang kain pa rin dahil marami pang trabaho. Lumuwag lamang ang gawain nang mag alas quatro na ng hapon. Umunti ang customers kaya may kakarampot kaming pahinga. Sinulit ko na. Hawak hawak ang tray ay hinahanap ko 'yung table 24 para ibigay ang order nito. Double cheeseburger, fries, sundae, at coke. Iyon ang laman ng tray. Nang makita ko ang table na iyon kung saan may nakaupong lalaki ay lumapit na ako roon. "Here's your order, Sir." Maingat kong inilapag 'yung tray saka kinuha 'yung sign sa table niya. Nakatutok lamang ako sa ginagawa ko nang maramdaman kong nakatitig siya sa akin. Nailang ako pero hindi ko siya magawang tignan. Yumuko ako para magbigay respeto at aalis na sana nang marinig kong lumabas sa bibig nito ang pangalan ko. "Reign?" Doon ko siya nagawang tignan. Gusto kong ikunot ang noo ko para kilalanin ang mukha nito ngunit baka akalain nito ay attitude ako kaya diretso lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko siya kilala at hindi siya pamilyar sa akin. Magtataka na sana ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko pero nang silipin ko ang ID ko ay doon ako naliwanagan. "Yes po? May kailangan pa po ba kayo?" Magalang kong tanong. Natawa ito nang mahina na ipinagtaka ko. "Hindi mo ba ko natatandaan?" Umiling ako. "Hindi po, Sir." Nagbago ang ekspresyon niya at mukha siyang nasaktan sa sinagot ko. "Grabe ka naman. Kinalimutan mo na agad ako. Hindi mo talaga tanda? Sa Club?" Tulala pa rin ako sa kaniya. "You're Reign, right? It's me... Cloud. Tanda mo ba?" Inalala ko ang pinagsasabi niya. Cloud sa Club? Halos halungkatin ko lahat ng alaala ko sa isip ko hanggang sa manlaki ang mata ko nang maalala ko na. "Cloud?" Turo ko siya tapos para siyang bata na tumango habang nakangiti. Pinagmasdan ko ang hitsura niya. Ngayon na may salamin na ako at malinaw na ang nakikita ko ay doon ko lamang siya namukhaan. Napanganga ako. Ito pala 'yung hitsura ng lalaking tumulong sa akin sa Club. "I thought your name is Reign, hindi Ulan." Sabi niya habang nakatingin sa may dibdib ko. Nang magets ko ang tinutukoy niya ay agad kong tinakpan ng kamay ko 'yung ID ko. Mas lalo siyang ngumiti. "It's nice meeting you again, Miss Reign."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD