Salamat sa salamin ko ay malinaw na sa akin ang lalaking nasa harapan ko. Ngayon ko lang nakita nang maayos ang hitsura niya. Aaminin ko, gwapo siya. Ang soft ng features ng mukha niya. Mala-anghel. Kita ko rin ang lalim ng dimple niya sa kaliwang pisngi kapag nangiti siya na hindi ko masyadong napansin noong nasa Club kami. Siguro dahil madilim at malabo ang paningin ko. Maputi din siya. May pagkamedium brown ang kulay ng buhok niya na medyo messy habang ang bangs niya naman ay bagsak hanggang kilay niya, ngunit may hati lamang ito nang kaunti na bagay naman sa kaniya.
"May trabaho pa ko. Masaya rin akong makita ka." Paalam ko bago bumalik sa trabaho. Nang lingunin ko pa siya ay nakatitig lang siya sa akin sabay ngiti nang magtama ang tingin namin. Mabilis akong umiwas saka ibinalik ang atensyon ko sa trabaho.
Hindi ko inakala na makikita ko ulit siya. Sa dinami-rami pa ng lugar ay dito pa mismo sa trabaho ko. Malapit lang ba siya dito? Natapos na ang buong araw kong shift kaya binitbit ko na sa likuran ko 'yung bag ko saka lumabas ng resto. Nagsimula na akong maglakad nang may tumawag sa pangalan ko. Laking gulat ko nang makita si Cloud na nakasandal sa gilid ng sasakyan habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin. Anong ginagawa niya rito?
"Miss Reign," sambit nito saka naglakad palapit sa akin. "Pauwi ka na ba?" Tumango ako. "Bago ka umuwi, pwede bang ilibre kita? Gusto lang sana kita itreat. I just didn't expect na makita kita ulit lalo na dito."
"Sorry... Cloud? Pero kailangan ko na kasing umuwi. Maghating gabi na rin. Maaga pa pasok ko bukas."
"Morning shift ka ba? Bakit nga pala ngayon ka lang umuwi?" Pagtataka niya.
"Hindi. Ang ibig sabihin ko, maaga pa pasok ko sa school. Night shift ako pero sinalo ko lang 'yung katrabaho ko sa umaga kasi may event."
Namilog ang mata niya. "School? Wait ilang taon ka na ba?"
"24." Sagot ko sabay iwas ng tingin. Medyo nahiya ako nang tanungin niya iyon. Hindi siguro niya inexpect na nag-aaral pa rin ako kahit na sa ganitong edad. Kadalasan kasi sa mga kasabayan ko ay may mga trabaho na lalo na't late ako ng tatlong taon.
Tumango tango siya. "I see. Anong year mo na?"
"Third year."
Bumilog ang labi niya, animo'y namangha sa sagot ko. "Malapit ka na grumaduate."
Payak akong ngumiti. "Oo."
"Mas bata ka pa pala sa'kin." Sabi niya. "Hindi naman siguro kita naoffend diba? Hindi ko lang inasahan na college ka pa pala."
Umiling ako. "Hindi. Ayos lang."
Ngumiti siya. "Tutal hindi kita malilibre at maaga pa pasok mo, pwede bang ihatid na lang kita?"
"Naku 'wag na. Nakakahiya. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Marami pa naman akong masasakyan." Tanggi ko.
"Last time I asked you, tumanggi ka. Pwede ba this time, pagbigyan mo ko? Hindi naman ako masamang tao. Hmm? Please?" Nagmukha siyang tuta sa harapan ko. "Alam kong feeling close ako sa'yo kahit na hindi mo pa ako ganun kakilala pero gabi na kasi. Nakakatakot bumyahe mag-isa."
Nagdalawang isip pa ako. "Nakakahiya kasi."
Bahagya niyang itinagilid ang kaniyang ulo habang nakatitig sa akin. "What should I do for you to trust me?"
Kita ko kung gaano ka seryoso ang mukha niya. Wala naman akong mabigat o masamang nararamdaman sa kaniya. Tingin ko ay sincere talaga siya na ihatid ako kaya sa huli ay pumayag na ako. Kita ko ang paglitaw ng dimple niya nang mapapayag niya ako. Iginaya niya ako sa kotse niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Pagkaupo ko sa passenger seat, sinara niya ang pinto saka umikot para maupo sa driver seat. Nang paandarin ang kotse ay tinanong niya kung saan niya ako ibaba kaya sinabi ko 'yung address sa boarding house ko.
Tahimik lamang ako sa byahe. Hindi rin naman siya nagsalita. Nang tumingin ako sa labas ng bintana ay tama naman itong dinadaanan namin. Ihahatid niya nga talaga ako. Wala naman siguro akong dapat na ipag-alala.
"Saan ka pala nag-aaral?" Pagbasag ni Cloud sa katahimikan. Sinilip ko siya, sinilip niya din ako pero binalik agad ang tingin sa daan.
"Sa San Diego." Sagot ko.
"Eh? Talaga?" Tumaas ng kaunti ang tono ng boses niya na para bang gulat. Tapos mahina siyang tumawa. "Ang galing naman."
"Bakit?" Tanong ko sa komento niya.
"Wala. Tingin ko, magkikita pa tayo ulit after nito." Sagot niya.
"Bakit?" Ang ibig sabihin niya siguro ay dahil alam niya kung saan ako nagtatrabaho at doon din siya kumakain. "Aah. Suki ka ba sa Vinson's?"
Tumawa siya nang mahina. Ang weird pero ang gaan sa pakiramdam ng tawa niya. Malalim kasi ang boses niya. Kapag mahina siyang natawa, feeling ko ramdam ko 'yung vibration.
"Hindi sa suki. Minsan lang ako pumunta doon."
"Kaso night shift ako kaya malabo na magkita pa tayo ulit."
Ngumisi siya. "Pwede naman kita sadyain." Natigilan ako sa sinabi niya saka umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano 'yung pinapahiwatig niya pero ramdam kong may ibig sabihin iyon.
Hinihintay ko na ipaliwanag niya sa akin kung ano ang ibig sabihin niya pero hindi na niya iyon dinugtungan. Medyo traffic kaya natagalan kaming makarating sa boarding house ko. Tinanggal ko ang seatbelt pero nauna siyang makalabas ng kotse saka umikot sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.
"Thank you," sabi ko pagkalabas ko ng kotse.
"Welcome," sagot niya saka isinara ang pinto.
Inobserbahan niya 'yung harapan ng boarding house kung saan kami nakatayo. Hindi naman ito kalakihan. Sa isang kwarto ay apat na tao ang maghahati sa dalawang double deck. Ito na ang pinakamaayos na nahanap kong boarding house. Sa iba kasi parang hindi safe kahit mura. Hindi maayos 'yung pinto, parang andali pasukan. Inuuna ko pa rin safety ko. At saka kilala naman na ako ng may-ari nito dahil simula 1st year pa lang ay dito na ako tumutuloy tuwing pasukan.
"Safe ka ba rito?" Tanong niya habang nakaobserba pa rin.
"Oo naman." Humakbang ako ng dalawang beses bago humarap sa kaniya. "Salamat sa paghatid."
Ang lalim ng titig niya sa akin na halos ikalunod ko. "Naninibago ako."
"Huh?"
"Nakasalamin ka kasi." Dugtong niya.
Napahawak ako sa frame ng salamin ko. Inayos ko ang pagkakasuot nito. "Ah ito ba. Malabo kasi mata ko."
"Aah kaya pala hindi mo ko maalala. Wala ka kasing suot na salamin nun."
Tumango ako. "Sorry pala don."
Ngumiti siya. "It's okay. I understand."
Tumikhim ako. "Pasok na ako sa loob. Mag-iingat ka sa byahe mo."
Kita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. "Yeah."
Kumaway muna ako sa kaniya bago tumalikod. Sinilip ko pa siya sandali at nakitang hindi siya gumagalaw sa kinakatayuan niya habang pinapanood akong pumasok sa loob. Ngumiti pa siya sa huling pagkakataon. Sa sobrang pagod ko, after ko makapaglinis ng katawan ay bagsak ang katawan ko sa kama. Nakatulog na lang din ako kaagad.
Sa tuwing nagtatrabaho ako sa Vinson's lalo na kapag nakaassign ako sa kukuha ng order ng customers, kapag bumubukas 'yung pinto ay awtomatiko akong napapasilip doon. Naalala ko lang 'yung sinabi ni Cloud na magkikita pa daw ulit kami. Pero ilang linggo na ang lumipas ay hindi ko naman siya nakita. Hindi naman sa umaasa ako. Ewan! Basta!
Mayroon kaming seminar ngayong Friday ng 9am na kung saan required ang mga officers ng bawat organization na umattend. Since kasama ako sa mga officers bilang secretary ay kailangan kong pumunta. Hindi naman labag sa akin dahil gusto ko rin naman na sumama sa mga seminars. Libre naman e. Sayang naman 'yung opportunity.
Gaganapin ang seminar sa multi purpose hall kaya naman kasabay ko ang mga ka-org ko na magpunta roon. Malaki 'yung hall, maraming upuan at malamig dahil sa aircon. Pataas 'yung bawat upuan at mas mabilis maoccupy ang dulo kaya naman sa pangalawang line na kami pumwesto kasama ng mga kaofficers ko. Wala pa naman akong dalang jacket. Ramdam ko 'yung lamig habang naghihintay kaming magsimula. Ripped jeans pa itong suot ko tapos shirt ng org namin na nakatuck in.
Nang magsimula ang seminar ay sinusulat ko sa notes ko 'yung mga sinasabi ng speakers. Mga bigatin sila e. May mga narating kahit na sa simula ay pinahirapan sila ng panahon. Nakakainspire 'yung speech nila. Marami silang binanggit na makakatulong sa pagbuild ng magandang relasyon sa organization at tips kung paano maging successful.
Sa pang last na speaker, sinabi na former student ito. Bumukas 'yung pinto sa gilid ng hall. Pinaglalaruan ko 'yung ballpen sa daliri ko ngunit nabitawan ko ito dahilan para mahulog. Mabuti na lang ay hindi gumulong sa unahan kaya pinulot ko agad.
"Please welcome, Mr. Cloud Vinson." Nagpalakpakan ang lahat habang ako ay natigilan nang marinig ang pangalan na iyon.
Inisip ko na baka may kapangalan lang siya kaya inangat ko agad ang ulo ko para makita ang tinutukoy na speaker ngunit natulala lang ako sa harapan. Pinanood ko siyang abutin 'yung microphone. Napalunok ako. Ibang iba ang aura niya ngayon habang nakaharap sa amin. Ang professional niya tignan habang nakasuot ng black blazer at white button up shirt sa ilalim na nakabutones hanggang taas habang nakatuck in sa black suit pants niya. Napansin ko ang pagbabago ng kulay ng buhok niya na naging itim na pero ganun pa din ang ayos, hindi nagbago.
"s**t ang gwapo," rinig kong komento ng nasa likuran ko. Halos karamihan sa kanila ay ganoon ang sinasabi habang nagsimulang magsalita si Cloud.
Hindi katulad kanina na nagsusulat ako habang nakikinig, ngayon ay nakatulala lang ako sa kaniya. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang lalim ng dimple niya kapag nangiti. Ewan ko ba pero feeling ko ang laki ng advantage lalo na't nakapwesto ako sa unahan dahil malinaw kong nakikita ang bawat kilos niya. Bawat buka ng bibig niya. Bawat paglipat niya ng slides sa presentation niya habang hawak hawak 'yung maliit na remote.
Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Ang tanging nasundan ko lang ay 'yung sinabi niya sa una na may-ari siya ng isang game company. Doon ako napahanga dahil hindi ko iyon inasahan. Halata naman na mayaman siya dahil sa pananamit niya noong nagkita kami sa Club at sa Vinson's lalo na nang mapansin ko na magkaiba 'yung kotse na ginamit niya pero hindi ko naisip na mas mayaman pa siya sa inaakala ko.
"And yeah you should always remember that—" Dumako ang tingin niya sa direksyon ko at sandali siyang napahinto nang magtama ang tingin namin. Mukhang hindi siya gulat na makita ako. Daig ko pang hinugutan ng hininga nang malinaw kong makita ang paglalim ng dimple niya nang ngumisi siya. Pero mabilis niyang binawi iyon sa pagiging seryoso para ituloy ang kaniyang sasabihin.
Tumikhim ako at ginising ang sarili. Nadidistract ako. Pinili ko na lamang na isulat 'yung nasa presentation niya para mabaling ang atensyon ko sa iba. Sa lahat ng speakers na nagsalita, sa kaniya lang bumilis ang oras. Hindi ko namalayan na open forum na. Kumpara sa naunang speakers, sa kaniya active 'yung mga students lalo na 'yung mga babae. Palibhasa siya 'yung mukhang pinakabata. 'Yung mga nauna kasi sa kaniya ay nasa 40 na ang edad pataas. Mukha pa siyang hindi terror dahil sa ngiti niya.
"Are there any questions?" Tanong ni Cloud nang matapos niyang sagutin ang huling tanong. Lumipas pa ang ilang segundo at mukhang wala na silang maisip na tanong. "Since wala na, ahmm I hope na marami kayong natutunan. And yeah, actually first time kong magganito, umattend ng seminar and to become a speaker kaya kinakabahan talaga ako. But I'm really grateful that I was able to experience this."
"Sir!"
Napatingin kami lahat sa babaeng sumigaw habang nakataas ang kamay. Nakaupo ito sa may bandang likuran. Tingin ko ay 4th year na ito dahil namumukhaan ko siya. Dumako ang atensyon ni Cloud roon.
"Yes, Miss?"
May lumapit sa babae na isa sa organizer ng seminar para abutan siya ng microphone. "Luciana po." Pagpapakilala nito.
"Yes, Miss Luciana. Do you have questions?"
"Ahm... hindi po 'to masyadong related sa topic pero..." Kinagat nito ang ibabang labi nang silipin niya ang katabi niya. Mukhang nagdadalawang isip pa siya kung itutuloy niya ba ang tanong niya. Nagpigil ng tawa 'yung mga katabi niya. "Ask ko lang po kung in a relationship po kayo? Curious lang po." Mabilis niyang pinasa 'yung microphone sa sobrang kahihiyan nang magtawanan 'yung mga tao.
Napanganga ako. Hindi inasahan na itatanong niya iyon. Mula sa microphone na hawak ni Cloud ay dinig ang mahina nitong pagtawa. Kahit boses niya ang gwapo pakinggan. Napunta lahat sa kaniya ang atensyon. Halatang interesado rin sa isasagot niya. Siya naman ay pinagdikit ang labi niya, nagpipigil ng tawa.
"Bakit 'yung naunang speaker hindi niyo tinanong ng ganito?" Birong sabi ni Cloud kaya nagtawanan sila. "Ahmm." Tumingin siya sa orasan niya saka bahagyang itinagilid ang ulo. "Sayang time na pala. Salamat sa..." Dinig ang pagkadismaya ng mga tao na nag-echo sa loob ng hall nang iwasan ni Cloud ang tanong na iyon. Natawa lang siya sa reaksyon nila. "Ahmm ba't kasi ganun 'yung tanong. Pero..." Sumilip siya sandali sa direksyon ko na nagpatigil sandali sa paghinga ko bago ituloy ang sasabihin. "I'm single."
Halatang pabor sa kababaihan 'yung naging sagot niya nang humagikhik ang mga ito. Halos mapunit na rin ang labi nila sa kakangiti.
"Siguro 'yun na 'yung last question, ano po. Thank you for your time and yeah, just keep on achieving your dream. God bless everyone." Iyon na ang huling sinabi ni Cloud bago siya picture-an sa unahan, hawak hawak ang certificate. Kumaway muna siya sa amin bago lumabas sa hall.
Natapos ang seminar 1pm. Nagkaroon muna ng picture taking ang bawat org bago umalis. Ramdam ko 'yung gutom ko pagkalabas. May binigay naman ng snacks pero bitin pa rin. Kaya naman heto kami ng kaklase ko na si Daisy sa cafeteria, nakapila para bumili ng pang-lunch namin. Habang naghihintay ay nakatingin lang ako sa mga tao na narito. Ngunit nang mahagip ng paningin ko si Cloud na naglalakad kasama ng ilang professors at speaker kanina ay umiwas agad ako.
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ewan ko. Feeling ko may ginawa akong kasalanan. May nauna pa sa amin. Ang tagal. Gusto ko na lang magtake out tapos sa iba kumain. Ayoko siguraduhin kung dito ba sila kakain dahil baka makita niya pa ako.
"Masarap ang sisig nila dito." Napasilip ako sa professor na nasa katabing pila namin. Professor namin iyon.
Pagtingin ko sa kausap niya ay nagulat ako nang makita na si Cloud pala ang kasama nito. Nagtagpo pa ang mata namin nang tumingin din siya sa direksyon ko. Umiwas agad ako ng tingin. Kinabahan ako. Wala namang epekto sa akin kung titignan ako ng lalaki pero bakit pag siya, may kung ano akong nararamdaman sa tyan ko na hindi ko maipaliwanag.
"Ay hello po." Bati ni Daisy sa professor namin nang mapansin niya ito. "Hala shit." Banggit niya nang di inaasahang makita si Cloud na kasama ng prof namin. Mabilis niyang natakpan ang bibig niya. Kahit ako nagulat.
"Bibig mo, Miss Del Mundo." Saway ng prof namin kaya humingi ng paumanhin si Daisy. Nahuli ko pang tumawa si Cloud.
"Sorry po, Sir."
"Mga estudyante ko," pagpapakilala ni Prof Guevarra sa amin. Ngumiti si Cloud sa amin saka bahagyang yumuko para iacknowledge ang presensya namin.
Kami na ang sunod sa pila kaya naman si Daisy na ang umorder ng pagkain namin. Hindi ko na nilingon si Cloud nang umalis na kami pero itong si Daisy ay nagpaalam pa sa kanila. Nauna na lang ako sa kaniya na maghanap ng bakanteng upuan.
"Gagi mas gwapo pa sa malapitan si Sir Cloud. Shit." Komento ni Daisy habang nanguya. "Kung prof lang natin 'yun naku, gaganahan talaga ako pumasok. Kahit ibang klase pasukan ko pa para lang makita siya."
Hindi ako nagsalita. Wala naman kaming klase after nito kaya napagpasyahan kong ilaan na lang ang oras ko sa Library bago ako pumasok ng trabaho. Si Daisy ay may ibang gagawin kaya humiwalay na siya sa akin. Tahimik akong naglalakad sa hagdan patungo ng library nang maramdaman na may nakasunod sa akin. Kanina pa 'to e pero hindi ko binigyang pansin. Nang makarating sa floor kung saan ang library, hindi ko na napigilan kaya nilingon ko na. May lalaking naglalakad palapit sa akin pero nilagpasan lang ako.
Kung ano ano naman na naiimagine ko. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad pero ramdam ko na naman na may nakasunod talaga. Marahas akong lumingon para hulihin kung sino iyon. Natulala ako nang maabutan ko si Cloud na dikit na dikit sa pader habang nakahrap dito.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa posisyon niya. Nakatuwid kasi ang tayo niya na para bang gusto magcamouflage sa bulletin board na nakadikit sa pader. Madiin na nakapikit ang mata niya at nang sumilip siya sa akin, umiwas siya ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kaniya.
Bumuntong hininga siya saka humakbang paatras. Nagkunwari siyang walang ginawang kahihiyan nang maglakad siya palapit sa akin.
"Nahuli mo ko," sambit niya nang makalapit.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Sinusundan ka?" Tagilid ng bahagya ang ulo niya habang nakatitig. "Ah hindi. Sasamahan ka? Ayos lang naman siguro diba?" Ngumiti na naman siya. "Yayayain sana kita kanina kaso ang bilis mo maglakad. Kaso naalala ko na may pasok ka pa mamaya sa trabaho mo kaya sinundan na lang kita." Tumingin siya sa bintana kung saan tanaw 'yung mga libro sa loob ng Library. "Mahilig ka pala pumunta dito."
"Hmm. Madalas akong tambay dito."
"So? Pwede ka ba samahan?" Taas ang dalawang kilay niya habang naghihintay sa sagot ko.
Wala pa akong nakasama na iba pagpupunta ako sa Library maliban sa kaklase ko. Alam kong medyo naiilang ako sa kaniya sa hindi malamang dahilan pero hindi ko magawang tumanggi. Masyadong malakas ang appeal niya. Ang hirap hindian.