Chapter 9

2459 Words
"Sure ka ba? Boring dito." Mahinang sabi ko nang makapasok kami sa loob ng Library. Nakamasid siya sa paligid. "Yup. Ang laking pinagbago nito. Hindi naman 'to ganito dati. Nirenovate ba nila?" Komento niya. Oo nga pala. Nabanggit pala kanina sa seminar na dito siya nag-aral dati. "Two years ago lang ng ayusin nila 'to." Sagot ko saka nag time in sa logbook. Ginaya niya din ang ginawa ko. Nakabuntot siya sa akin habang hinahanap ko 'yung libro para sa assignment ko. Tumitingin din siya ng libro pero wala naman siyang dinala nang makaupo kami sa bakanteng mesa. Nasa tapat ko siya nakaupo. Nilabas ko 'yung binder ko para magsimulang magsagot. Ewan ko ba pero hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko. Ramdam ko kasing nakatingin lang siya. Nang angatan ko siya ng tingin, halos mapaso ako sa paraan ng pagtitig niya habang nakapangalumbaba. Payak siyang ngumiti sa akin. "H-hindi ka ba magbabasa?" Tanong ko. "Wala naman akong sinabi na magbabasa ako. I'm just here to accompany you." Sagot niya. "Maboboring ka lang." Ngumisi siya. "Hindi ka naman boring pagmasdan." Kung may kinakain lang siguro ako ay baka nabilaukan na ako. Tumikhim lang ako. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. "Sige po magbabasa na." Tumayo siya para gawin ang sinabi niya. Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko. Maya maya ay bumalik siya dala dala 'yung dalawang libro ng Guinness World Records. Sa dami rami ng hihiramin niyang libro ay 'yun pa talaga. Nakisabay na rin siya sa pagbabasa. Nainitan pa ata siya kaya naman tinanggal niya ang blazer niya saka isinabit sa sandalan ng upuan niya. Napalunok pa ako nang makita ang hubog ng katawan niya sa ilalim ng puting dress shirt niya. Tinanggal din niya ang dalawang butones sa taas nito para makabawas ng init. "Third year ka na right?" Mahina niyang tanong kaya umangat ang tingin ko sa kaniya saka tumango. "Ano palang kinuha mo?" "Educ." "Magti-teacher ka? Wow. Elem ba? Secondary? Ano major mo?" Curious niyang tanong. "Secondary major in English." Namilog ang labi niya sa pagkamangha. "English major naman po pala. Sige nga English ka nga." Natawa ako. "Sira." "Sige na. Parinig. I wanna hear it." "Ayoko." Tanggi ko. Natawa lang siya. "Future teacher naman po pala 'tong kasama ko. Should I call you ma'am from now on?" Kinunutan ko siya ng noo. "Magbasa ka na lang dyan." "Ito na po." Umiling lang ako. May pagkapilyo din pala 'to. Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa pagbabasa. Sa oras kasi na magsasalita siya ay nadidistract ako. "Anong oras pala pasok mo?" Pagbasag niya sa katahimikan nang isara niya ang librong binabasa niya. "Six." Tumingin siya sa wristwatch niya. "Ayos lang ba na ihatid kita?" Sinilip ko 'yung wall clock malapit sa amin. Mag-alas singko na pala. Patapos na rin naman ako sa assignment ko. Dalawang questions na lang. "Hindi na. Magcocommute na lang ako." Ngumuso siya. "Sige na. Please? Doon din naman ang daan ko." "Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong ko. Umiling siya. "Maliban sa samahan ka. Wala na. 'Yung seminar lang naman ang schedule ko ngayon." "'Yung seminar ba 'yung tinutukoy mo sa sinabi mong magkikita tayo ulit?" Napaisip siya. "To be honest, I'm a little surprised to see you there. I know na dito ka nag-aaral pero hindi ko naman alam na officer ka pala since ang sabi sa amin ay mga org lang ang naroon." "Hmm. Secretary ako e." "I see. Gulat ka din ba na makita ako?" Taas kilay niyang tanong. Tumango ako bilang pag-amin. "Hindi ko inasahan na makita ka sa seminar. Doon ko lang din nalaman na CEO ka pala. Wala ka namang nabanggit." Natawa siya. "Hindi mo naman kasi tinanong. At saka, hindi ko talaga pinapakilala ang sarili ko as CEO. I just want a lowkey life." Tumango tango ako. "Hmm." "So ano nga? Hatid kita ah?" Balik niyang alok. Huminga ako nang malalim. Para namang makakahindi ako. Ang kulit e. "Ikaw bahala." Nang matapos ko na lahat ng assignment ko ay nagsimula na akong magligpit ng gamit. "Tapos ka na?" Tanong niya kaya tumango ako. Tumingin ulit siya sa orasan niya. "Mabilis lang naman byahe. Gusto mo bili muna tayo ng drinks? Nauuhaw na ako e." "Sige." Isinukbit ko na ang bag ko habang siya naman ay kinuha ang blazer niya at sinabit sa forearm niya. Nagtime out muna kami bago lumabas ng Library. Nagpunta kami sa parking area kung saan nakaparada ang kotse niya. Katulad ito ng kotse na ginamit niya noong huling pagkikita namin. CEO nga talaga siya. Mamahalin 'yung sasakyan e. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinintay muna akong makasakay bago siya. Hinagis niya sa backseat 'yung blazer niya. "Anong gusto mong inumin?" Tanong niya nang buksan niya ang makina. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa ugat sa kamay niya hanggang sa braso niya habang pinapaikot niya ang manubela. Napalunok ako. Ang attractive niya tignan. Ganito ba kapag lalaki ang nagmamaneho? Hindi naman ganito si Claire kapag tinitignan ko siyang magdrive. "Reign?" Tawag niya kaya natauhan ako. "Huh?" "I'm asking you kung ano gusto mo inumin?" Tumingin ako sa harapan ko. "Kahit ano." "How about milk tea? Nainom ka ba nun?" "Sige milk tea." Maayos niyang nailabas ang kotse sa campus. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana. May malapit na milk tea shop sa campus kaya doon siya huminto. Pinaghintay niya ako sa kotse at siya na ang bumaba para bumili. Tinanong niya pa ako kung ano ang gusto kong flavor. Since nasarapan ako sa cookies and cream ay iyon ang sinabi ko. Bumalik din naman kaagad siya dala 'yung order namin. "Here." Inabot niya sa akin 'yung milk tea ko. "Thank you. Magkano 'to?" Humigop ako at nabigla sa lamig nito na umabot hanggang utak ko. "Don't worry. It's my treat." Sagot niya nang maisara ang pinto. Hindi muna kami umalis. Maaga pa rin naman kaya okay lang. "Magkano nga. Babayaran kita." Kinuha ko pa ang wallet ko na nasa bulsa ng jeans ko. "Reign, it's fine. Libre ko 'yan." Tanggi niya. Hindi siya mapilit kaya binalik ko na lang ulit ang wallet ko. "Ayos lang ba lasa? I forgot to ask what sugar level do you prefer kaya 100 na lang pinili ko to be safe. Hindi rin naman sobrang tamis ng 100." "Ayos lang. 100 din naman gusto ko." Paghigop ko ng pearl ay biglang pumasok sa isip ko 'yung kahihiyan ko nung first time kong umorder nito. Natawa ako. Muntikan pang bumalik sa cup 'yung pearl sa bibig ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi lumabas 'yung ininom ko. "Why are you laughing?" Puna niya. Umiling ako sabay lunok. "Wala. Naalala ko lang 'yung first time ko bumili nito." "What about it?" Interesado niyang tanong. "Paano ba naman kasi? Hindi ko alam 'yung sugar level na 'yan. Ang akala ko automatic na. Tinanong ako ano daw sugar level ng akin, sabi ko, sakto lang." Kwento ko sa kaniya na para bang matagal na kaming magkakilala. Narinig ko ang pag-ubo niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nadura niya pala ang iniinom niya. Mabuti na lang ay naiharang niya ang kamay niya. Tumatawa siya. "Ayos ka lang?" Tanong ko. Tinignan ko ang suot niya. Nabasa nang kaunti ang dress shirt niya. "Hahahah yeah." Itinabi niya saglit ang milk tea niya sa may lagayan para punasan ang basa sa damit niya. "Nabasa ka na tuloy." May panyo ako sa bag kaya kinuha ko iyon saka inabot sa kaniya. "Ito o." "Thanks." Gamit ang panyo ko ay pinunasan niya ang damit niya ngunit hindi na mawala 'yung mantsa. Mukhang mamahalin pa naman 'yung suot niya. "Hindi ko alam na nangyayari pala 'yun. Napapanood ko lang sa videos 'yun e." "First timer e. Malay ko ba." Naguilty tuloy ako habang pinapanood siyang punasan 'yung damit niya. "May extra ka bang damit? Hindi ata mawawala 'yan. Kailangan labahan." "It's fine. Wala naman akong ibang lakad. Uuwi na lang siguro ako." Ibabalik na sana niya 'yung panyo sa akin ngunit binawi niya agad dahilan para maiwan ang kamay ko sa ere. "Labahan ko muna." Paliwanag niya. "Ibabalik ko din." Nang maubos namin ang milk tea ay hinatid niya na ako sa trabaho ko. Huminto ang sasakyan sa tapat ng resto. "Salamat sa paghatid," sabi ko nang matanggal ang seatbelt. Ngumiti lang siya sa akin. Binuksan ko na 'yung pinto ngunit nahirapan pa ako. Nabigla ako nang dumampi ang kamay niya sa akin. Ramdam ko ang lapit niya sa akin na siyang nagpakabog ng puso ko. Tinulungan niya akong magbukas ng pinto. "Thanks." Sabi ko sabay labas ng kotse. "Bye." Kumaway muna ako sa kaniya bago ko isara 'yung pinto. Pagtalikod ko ay narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. "Reign." Humarap ako sa kaniya. Nakasilip siya sa bintana sa may passenger side. Nakataas ang dalawang kilay ko habang hinihintay ang sasabihin niya. "See you again." Sabay ngiti. Ang akala ko matagal tagal pa ang see you again na iyon pero laking gulat ko nang makita ko na naman siya na naghihintay sa akin sa dating pwesto pagkatapos ng shift ko. Nakasuksok ang kamay niya sa bulsa ng hoodie niya habang nakatingin sa sahig, nakasandal sa sasakyan niya. Nang tumingala siya at makita akong naglalakad palapit sa kaniya ay binigyan niya agad ako ng matamis na ngiti. "Uwi ka na?" Bungad niyang tanong sabay tayo ng tuwid kaya tumango ako. Pansin kong iba na ang suot niya. Naka white hoodie na siya at black pants. Tingin ko ay galing siyang bahay dahil nakapagpalit siya. "Hatid na kita." "Umuwi ka na ba sa bahay mo?" Tanong ko tapos tumango siya. "Bakit ka nandito?" Nagkibit balikat siya. "Para ihatid ka." Sa mga oras na ito, naramdaman kong may kakaibang nangyari sa tyan ko. Parang may lumilipad. Ngayon lang ito nangyari. I mean, naramdaman ko naman na 'to sa kaniya pero ngayon ko lang talaga totally na naramdaman nang maayos. Nakauwi naman na siya pero pumunta pa rin siya dito ng ganitong oras. "Cloud hindi mo na ako kailangang ihatid." "Hindi kailangan, pero gusto ko." Binuksan niya 'yung pinto ng kotse. "Pasok na." Tumitig lang ako sa kaniya nang hindi gumagalaw. Sinara niya sandali ang pinto. "Hindi na sana ako pupunta kaso hindi ako mapakali. I want you to come home safe. Mas mapapanatag ako kapag ako naghatid sa'yo." Pag-amin niya. Hindi pa rin ako umimik. "Am I bothering you?" Tanong niya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Mabilis akong umiling. "Hindi sa ganun. E kasi... hindi lang ako sanay na may naghahatid sa akin." Ngumiti siya saka binuksan ulit ang pinto. "Pwes masanay ka na. Hop in, Miss Reign." Pumasok na ako sa kotse. Ewan ko ba pero napangiti ako. Wala pang lalaki ang gumawa nito, ang sumundo sa akin. Ang maghatid sa akin. Kaya ito ang dahilan kaya naninibago ako. Hindi ko rin maipaliwanag 'yung nararamdaman ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Madilim na kaya tanging ilaw lang ng mga sasakyan at ilaw sa building ang naaaninag ko. "Reign," tawag niya sa akin kaya sinilip ko siya. "Ano pala apelyido mo? Sorry to ask. Gusto ko lang malaman." "Monterro." Sagot ko. "Hmm. Reign Monterro." Bigkas niya. "Ikaw? Vinson ka diba? Iyon ang sabi sa seminar e." Tanong ko. "Yup. Cloud Vinson." Natawa ako nang mahina. "Ang weird, kapangalan mo 'yung pinagtatrabahuan ko." Kita ko ang pagngisi niya. "Weird ba?" Niyakap ko nang mahigpit ang bag ko na nasa ibabaw ng hita ko. "Hindi ka naman siguro anak ng may-ari ano?" "Anak?" "Oo anak. E kasi Vinson apelyido mo, tapos ganun din name nung resto. Tapos related pa sa games 'yung concept nung resto na connected sa'yo lalo na't CEO ka ng game company." Mahabang paliwanag ko. "Bakit naman anak? Ano ba tingin mong edad nung may-ari?" Nagkibit balikat ako. "Nasa 40 to 60 ganun. So ano nga? Related ka ba sa may-ari nung resto?" Tumawa siya nang mahina. "Sana nga. Masaya siguro kung anak ako ng may-ari nun." Sabi niya. "Hindi ka anak ng may-ari?" Mas lalong lumakas ang tawa niya. "Hindi po. At saka, baka wala pang anak 'yung may-ari nun." Makahulugan niyang saad. "Hindi natin alam. Nagkataon lang siguro na kapangalan mo." Nang maihatid niya na ako sa boarding house ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Isinukbit ko ang bag ko bago humarap sa kaniya. "Thank you." "Free ka ba sa Sunday?" Tanong niya. Napaisip ako. "Free naman kung walang activities. Bakit?" "Gusto sana kitang yayain lumabas. Mall tayo ganun kung free ka. Pero kung hindi, maybe next time." Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nilabas niya ang kaniyang phone saka inilahad sa kaniya. "Kung ayos lang, can I have your number?" Tumitig ako sa phone niya. Hindi agad ako nakagalaw hanggang sa marinig ko ang mahina niyang pagtawa saka itinabi ang phone sa bulsa ng hoodie niya. "I'm sorry. Nabibilisan ka ba?" Hindi ako nakasagot. Pinagdikit niya ang labi niya nang madiin. Huminga siya nang malalim. "I'll be honest with you, Reign. You're my type. Sorry kung nabibigla ka sa mga ginagawa ko. I just wanna get close to you. Ever since I met you at the Club, hindi ka na mawala sa isip ko. Ngayon na nagkita na tayo ulit, I wanna take this opportunity to know you better." Natulala ako sa kaniya. Hindi ko inasahan ang bigla niyang pag-amin. Type niya ako? Bakit? Sa dinami-rami ng babae, ba't ako pa? Ang layo layo ko sa iniisip kong type niya. Siya ang kauna-unahang lalaki na nagsabi nito sa akin. "Sige na. Pasok ka na." Dugtong niya nang hindi ako nagreact. Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. Wala akong sinabi nang talikuran ko siya at magsimulang maglakad. Ang bigat ng mga paa ko. Parang hindi tama na iwan ko siya nang walang sinasabi. Para akong kinapos ng hininga nang lingunin ko siya at bumalik sa harap niya. Lumunok muna ako bago magsalita. "S-sabihan kita kapag free ako." Nautal pa ako. Agad na bumalik ang ngiti sa mga mata niya. "Okay. Sabihan mo ko." Nilabas ko ang phone ko na basag ang screen saka inabot sa kaniya. "Save mo number mo." Nahiya pa ako sa hitsura ng phone ko. Pinanood ko siyang ilagay niya 'yung number niya. Ibinalik din naman niya kaagad sa akin. May load naman ako kaya sinubukan kong tawagan ang number na binigay niya. Tumunog kaagad ang kaniyang phone. Pinatay ko rin ang tawag. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang nakatitig sa screen ng phone niya. "Thank you." Sambit niya. "Pwede ba ulit kita sunduin bukas?" Titig na titig ako sa mga mata niya na kumikinang nang tamaan ito ng liwanag mula sa ilaw. Nakakabigla ang pagiging straight forward niya. Naisip ko tuloy kung ganito ba siya sa mga babaeng nakikilala niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD