"Ingat kayo."
Nauna na akong umalis sa mga katrabaho ko. Nagmamadali pa akong lumabas ng resto habang nakangiti sa hindi malamang dahilan. Pagtingin ko sa direksyon kung saan ko naaabutan si Cloud na naghihintay, naglaho ang ngiti ko nang wala akong nakitang nakaparke na sasakyan niya. Ang sabi niya ay susunduin niya ako. Hindi naman sa umaasa ako pero nagbitaw kasi siya ng salita. Nilingon ko pa ang paligid dahil baka sa iba siya nakapark ngunit kahit saan ay wala siya.
Sa mga oras na iyon ay nakaramdam ako ng lungkot. Nilabas ko ang phone ko para icheck kung nagtext ba siya. Kaso lowbatt pala 'tong phone ko. Malapit na mag-alas dose kaya naman nagpasya na lang akong umuwi mag-isa. Busy siguro siya.
Pagkauwi ko ng boarding ay chinarge ko agad ang phone ko. Nang buksan ko ang phone ay doon ko nakita na nagtext pala siya.
Cloud: Can't meet you tonight. I have a sudden business trip for a week
Cloud: Ingat sa byahe okay
Iyon pala ang dahilan kaya wala siya. Mukhang hindi rin siya pwede bukas. Wala pa naman akong gagawin.
Me: Ayos lang nakauwi na ko
Itinabi ko na ang phone ko saka tumihaya ng higa sa kama. May parte sa akin na dismayado na hindi siya nakita. Ewan ko. Nababaliw na ata ako. Ganito lang siguro epekto kapag may lalaking nagpapakita ng magandang motibo sa'kin. Nakakapanibago.
Nilaan ko ang Linggo ko sa pahinga. Isang linggo nga talaga ang business trip niya dahil hindi pa siya nagpapakita. Nagkakausap naman kami sa text pero bihira lang. Late replies lagi.
Wednesday, pangatlong araw ng exam namin. Sobrang nakakapagod lalo na't midterm exam na. Kasabay ng pagrereview ko para sa exam ay pagod pa ako sa trabaho. Drain na ang utak ko, drain pa ang energy ko. Feeling ko lahat ng inaral ko ay lumalabas lang. Walang nagsisink in. Gusto ko na lang humimlay at 'wag na pumasok at mag-aral kaso alam kong hindi pwede. Bawal ako bumagsak. Kailangan ko rin ng trabaho para sa gastusin ko.
Cloud: Good morning :) Jgh, tapos na business trip ko
Cloud: Can't wait to see you
Payak akong napangiti. Binitbit ko na ang bag ko saka lumabas ng bahay. Mayroon lang naman akong dalawang exam ngayon kaso parehong mabigat dahil major subject. Nag-aalala pa ako. Ang sabi ko kasi magrereview ako pagkauwi kagabi, kaso sa sobrang pagod ko ay nakatulugan ko 'yung reviewer ko. Inaalala ko 'yung mga nireview ko pero nagkakahalo halo na. Kaya ang ginawa ko ay habang nabyahe sa jeep ay binabasa ko ang reviewer ko. Hindi pa nga ata ako nakapagsuklay ng ayos. Kahit medyo basa pa ang buhok ko ay itinali ko na lang ito ng pamessy bun. Wala na kong time para maglabas ng suklay lalo na't pababa na ako.
Pagkapasok sa lecture room ay hinanap ko agad si Daisy. Siya kasi palagi ang katabi ko kapag exam week. Kinawayan niya ako para makuha ang atensyon ko. Umakyat ako ng hagdan para lumapit sa pwesto niya. Madalas kasi ang lecture room dito ay pataas 'yung mga upuan. Hindi flat ang sahig. Nakalimutan ko pa palang magdala ng jacket. Ang lamig kasi dito lalo na sa mismong room na 'to. Daig pa nasa Antartica. 'Yung mga classmate ko may kaniya kaniyang jacket. Ako nakashirt lang. Tiis na lang talaga ng lamig.
"Nareview mo ba 'yung English Lit?" Tanong ni Daisy nang makaupo ako sa tabi niya. One seat apart ang pwesto namin.
"Medyo. Ewan, hindi ko na matandaan 'yung mga binasa ko." Sagot ko.
"Umay. Lord, sana makapasa." Nanalangin pa siya.
Nang dumating ang proctor namin ay nagsign of the cross agad ako. Sana talaga maipasa ko ang exam ko ngayon. Lahat. Sana lahat maipasa ko. Nang iabot na sa amin ang exam paper ay natulala pa ako saglit sa papel. Chineck 'yung mga laman. Kinagat ko 'yung ibabang labi ko at nafrustrate nang makita na ang ilan sa mga tanong ay hindi ko matandaan. Dumating tuloy ako sa point na pinagdudahan ko ang prof namin dito kung naituro ba ito. Para wala namang siyang binanggit na ganito. Ba't ba 'to nakalagay sa exam?
Maingat ang bawat pagsagot ko. Binigyan naman kami ng isa't kalahating oras sa pagsasagot kaya kalmado pa ako. Sa dulo ng exam, may paessay. Need pa 3 sentences. Naurat ako. Ang daming demand ng prof. Nagsimula akong magpanic nang isa isang magsitayuan ang classmate ko para ipasa ang papers nila. Pagtingin ko sa wallclock, may 20 minutes pa ako. Bakit ba ang bibilis nila? Sinilip ko si Daisy na nakasabunot na sa buhok niya habang bumubulong ng kung anong ritwal.
Binilisan ko na ang pagsasagot ng essay pero sinigurado kong pasok pa din sa tanong 'yung sagot ko. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang matapos ko ang exam ko. Nakasabay ko pa si Daisy na hinalikan pa ng tatlong beses ang papel niya bago tumingin sa akin sabay ngiti.
"Pasa na natin," bulong niya kaya sabay kaming tumayo.
Pagkalabas ko ng lecture room ay nakahinga ako nang maluwag. Nakakasakal ang hangin sa loob. Ang sarap sa feeling kapag tapos na. Kaso nakakakaba dahil hindi ako sure kung tama ba pinagsasagot ko.
Kita ko pa sa hallway 'yung mga classmate ko na nagtatanungan ng sagot.
"Bagsak ata ako nito. Hinulaan ko lang 'yung iba dun shit." Ani ni Daisy habang naglalakad kami papuntang cafeteria para maglunch. Mamaya pang 1pm ang sunod naming exam.
Bumuntong hininga ako. "Hindi 'yan."
Matapos ang lunch namin ay dumiretso na kami sa lecture room kung saan ang sunod naming exam. Itong exam na 'to ay galing sa prof namin na bihira lang magturo e. Panay pareport. Tapos ganito pa type ng exam niya. More on analyzation. Ang saya. Mabuti na lang talaga ay nagself review ako sa course subject niya kaya nakakasagot naman ako. Natawa pa ako sa dulo ng papel, may pa bonus. Gumawa lang daw ng comics strip na may apat na frame. Kahit ano naman daw topic basta matatawa siya. Mabuti na lang pwede tagalog. Corny naman kung pati 'yun English pa. Nag-isip pa ako ng magandang ilagay hanggang sa maalala ko 'yung milk tea.
____
:Ano po order niyo ma'am?
:Cookies n cream
____
:Sugar level po?
:Po?
____
:Sugar level niyo po?
:Normal naman
____
:Ma'am, sugar level po, hindi blood sugar. Ano po sugar level ng cookies and cream niyo po?
:Ah. Ikaw bahala
____
Nagpigil ako nang tawa nang matapos ko na 'yung gawa ko. Ang babaw ng kaligayahan ko. Cute pa ng drawing ko sa tao, stickman. Sagad na 'to. Ito na pinakamagandang drawing ko.
"Tapos na rin!" Sigaw ni Daisy. Nagdiwang siya nang matapos na namin ang exam ngayong araw. Tatlo na lang para sa sunod na dalawang araw.
Ang natitira kong oras ay nilaan ko sa pagrereview sa Library, as usual. Gusto ko sanang matulog. Iyong mata ko ay nilalabanan kong hindi pumikit sa sobrang antok pero kailangan kong panindigan ang pagrereview ko. Ang tahimik pa naman sa Library. Tamang lugar para matulog.
Sa pagpasok ko sa trabaho ay lutang ako. Pinilit ko na lamang na gisingin ang diwa ko. Kailangan ko magfocus. Kaso hindi ko talaga kaya. Sa sobrang drain ng utak ko ay namali ako ng bigay ng order sa customer. Humingi agad ako ng pasensya. Mabuti na lamang ay hindi na sila nagpapalit kaya laking pasasalamat ko.
"Ayos ka lang ba, Reign?" Tanong ng Manager nang magbreak time. Napansin niya siguro na matamlay ang kilos ko ngayon.
"Yes po. Pagod lang po. Galing exam e."
Huminga siya nang malalim. "Magpahinga ka na lang muna. Upo ka rito."
"Hindi na po. Matatapos na rin break time ko." Sagot ko saka inayos na ang sarili para bumalik sa trabaho.
Mabuti na lamang ay tapos na ang shift ko. Gusto ko munang magpahinga saglit kaya habang nakatayo sa tapat ng locker ay sinandal ko ang noo ko rito. Pumikit muna ako sandali. Iniisip ko pa lang na gigising ako bukas para mag-exam, feeling ko babagsak na ako. Punerarya na ata ang aabutin ko nito.
Bagsak ang balikat ay lumabas na ako ng resto. May nakita akong pamilyar na sasakyan sa di kalayuan. Kinurap kurap ko pa ang mata ko. Tinanggal ko pa ang salamin ko para linisin ang lens nito saka binalik. Nakumpirma ko lang ang sasakyan na ito nang iluwa nito si Cloud na nakangiting nakatingin sa direksyon ko.
"Hi," bati niya nang makalapit sa akin. "I missed you."
Sa mga salitang iyon ay tila ba napawi nang kaunti ang pagod ko. Ngayon na lang pala ulit kami nagkita. Matamlay akong ngumiti sa kaniya. Kung yayayain niya akong ihatid, hindi na ako tatanggi. Gusto ko na lang humiga sa kama.
Pansin niya ang pagiging tahimik ko. "Okay ka lang?" Tanong niya.
Hindi ako makatango. Ayoko namang magsinungaling. "Pagod lang. Exam week e."
"May exam ka?" Kunot noo niyang tanong kaya tumango ako. "Wala kang nabanggit sa'kin."
"Wala ba? Nakalimutan ko lang siguro."
"May exam ka tapos nagtatrabaho ka pa. Dapat nagpaalam ka na lang para na hindi ka muna papasok hangga't may exam ka pa. Imbes na magpahinga ka, nagtatrabaho ka tuloy." Feeling ko sinesermunan niya ako.
"Sira hindi pwede. Part timer lang ako at saka isang linggo ang exam ko. Ano? Hindi ako papasok ng isang linggo? Edi natanggal pa ako." Grabe. Napapagod ako kahit sa pagsasalita. "Ihahatid mo ba ako? Ayoko na kasi magsalita, Cloud, napapagod ako."
Tumitig muna siya sa akin bago niya buksan ang pinto. Wala ng nagsalita pa sa amin nang bumyahe kami. Panay pa ang buntong hininga niya na para bang ang lalim ng iniisip niya. Nakikiramdam din ata siya kasi ang tahimik din niya. As in kahit pagsasalita, kinapapaguran ko. Feeling ko mas lalong nadedrain ang kakarampot na energy sa katawan ko. Kahit sa pagbaba ko ng kotse ay tahimik lang din siya. Kinawayan ko siya pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
Paggising ko ng umaga, diretso agad ako ligo tapos kain ng umagahan. Pandesal lang okay na. Nagmamadali din ako. Ayoko kasing on time pumasok, mas maaga ng kaunti mas maganda para may time pa akong makapagscan ng notes. Pagtingin ko sa phone ko ay may nakita akong text mula kay Manager Leila. Napatitig ako sa screen. Totoo ba 'to?
Manager Leila: Good morning, Miss Reign. Gusto lang kita iinform na wala ka munang pasok this week. Napag-alaman kasi na ang mga working student ay may exam kaya hindi muna sila pinapapasok para makapagfocus sa school. Wag ka mag-alala. Bayad pa rin kayo. Goodluck sa exam!
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. Daig ko pang lumulutang sa ere nang makatanggap ako ng magandang balita. Sobrang laking tulong nito. Ano bang ginawa kong kabutihan para biyayaan ng grasya?
Ang gaan ng pakiramdam ko habang nag-eexam. Hindi ko na kasi kailangangan isipin na papasok pa ako mamaya. Gaya ng palagi kong ginagawa after ng exam ay dumiretso ako ng Library. Pero imbes na magreview, hindi ko na pinigilan ang sarili ko nang makatulog ako sa ibabaw ng libro na ginawa kong unan. Nagising lamang ako nang magvibrate ang phone ko. Nagtext si Cloud. Pagtingin ko sa oras, isang oras na pala akong tulog.
Cloud: Anong oras tapos ng exam mo?
Nireplyan ko siya.
Me: Tapos na pauwi na rin ako
Cloud: Okayyy. Wait for me
Cloud: Hintayin mo ko sa waiting shed malapit sa main gate
Niligpit ko na ang gamit ko saka lumabas ng main gate. Nagtungo ako sa lugar kung saan ko siya hihintayin. May bakante pang upuan kaya lumapit kaagad ako para umupo. Naghintay ako nang ilang minuto hanggang sa matanaw ko ang pamilyar na sasakyan na huminto sa tapat ng shed. Bumukas ang bintana sa passenger side at kita ko ang pagsilip niya. Ngumiti siya nang magtama ang tingin namin bago ako senyasan na pumasok sa loob. Siya na mismo ang nagbukas ng pinto mula sa loob kaya pumasok na ako at sinara ito. May kinuha siya mula sa back seat habang kinakabit ko ang seatbelt.
"Here," inabot niya sa akin ang puting plastic.
"Ano 'yan?"
"Pampawala ng stress?"
Kinuha ko 'yung plastic mula sa kaniya. Nang silipin ko ang laman nito ay napanganga ako nang makita na Magnum tub pala. Pinaandar niya na ang kotse paalis.
"Cloud, ano 'to?"
"Ice cream?" Salubong ang kilay niya.
"Mahal 'to diba?"
Napaisip siya. "Mura lang ah. Nasa 400 lang naman."
400? Itong ice cream na 'to, allowance ko na ng apat o limang araw. Malamang mura sa kaniya, kumikita siya ng milyon e.
"Kung may balak kang ibalik 'yan, 'wag mo na gawin. Binili ko 'yan para sa'yo 'cause I know how stress you are in your exam. It will help you to relieve some stress." Sabi niya nang mapansin na wala akong balak tanggapin itong binili niya.
Since kailangan ko din naman 'to ay tinanggap ko na. Nilabas ko 'yung Magnum sa plastic. First time ko makakatikim nito. Pagbukas ko nung takip ay nakita kong may nakaharang na matigas chocolate sa ibabaw. Tinignan ko 'yung instructions. Ah, need pa magwait ng 10 minutes. Sinunod ko naman. Pagkatapos, crack daw. May spoon na kasama kaya iyon ang ginamit ko para isaksak doon sa matigas na chocolate kaso wala akong lakas para mabasag iyon. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Cloud nang mapansin siguro ang ginagawa ko.
"You better squeeze it on the side. Pakinggan mo muna na may magcrack. That's my favorite part of Magnum." Paliwanag niya.
"Ganito?" Pinalibot ko ang kamay ko sa tub at sinubukan na i-squeeze. Kaso masyadong mahina ang kamay ko.
"I can't help you. I'm driving. Madali lang naman 'yan magcrack."
"Baka naman buto ko ang magcrack," sagot ko na ikinatawa niya. Sinubukan ko ulit, this time mas malakas na ang pwersa at nabigla ako nang may marinig ngang crack mula sa loob. Napatingin ako kay Cloud. "Nagcrack na!" Nakangiti kong sambit.
"Good." Sabi niya nang silipin ako.
Naging madali na sa akin basagin 'yung chocolate sa ibabaw. Pagtikim ko ay daig ko pang dinala sa langit sa sobrang sarap nung flavor. Ang sabi dito sa pack ay Classic. Inenjoy ko na lamang 'yung ice cream. Totoo nga, nakakagaan ng loob 'tong ice cream. Parang lahat ng energy ko na nawala kanina ay biglang bumalik. Gusto ko sanang alukin si Cloud kaso isa lang 'yung kutsara. Nagdadrive din siya. Alangan subuan ko?
"May pasok ka mamaya?" Tanong ni Cloud, diretso pa rin ang tingin sa kalsada.
"Wala. Ah nga pala, tungkol pala dyan. 'Yung manager kasi namin nagtext, di muna ako pinapapasok."
"Bakit naman daw?"
"E kasi exam daw namin. 'Yung mga working student daw ay pinaday off muna ng may-ari nung resto. Next week pa balik ko." Paliwanag ko.
"Talaga? Edi good. Bayad naman daw?"
"'Yun nga e. Bayad pa rin. Grabe. Ang bait nung may-ari para pumayag na ganun."
Kita ko ang pagngisi niya ngunit mabilis niyang binawi. "Mabait ba?"
Tumango ako na parang bata. "Hmm sobra. Bilang lang naman 'yung working student doon. Iniisip ko tuloy kung kaya nila lalo na't nabawasan sila ng tao."
Mahina siyang tumawa, binasa niya pa ang labi niya. "Nakakatuwa."
"Hmm?"
"Mas makwento ka na ngayon." Naiwan sa bibig ko ang kutsara. Sumilip siya sa akin sabay ngiti.
Umiwas ako ng tingin saka nilunok 'yung ice cream. "Madaldal ba ko?"
"Hindi naman. Mas naging makwento ka lang kumpara dati." Paliwanag niya.
Tumitig ako sa Magnum na hawak ko. "Ganito lang ako kapag kumportable ako sa tao."
Hindi naman ako madaldal. Ako 'yung tipo ng tao na hindi magsasalita kung hindi ako kakausapin lalo na kung hindi ko ganoon kakilala. Lumalabas lang ang pagiging makwento ko kapag kilala ko na 'yung tao at kumportable akong kausap siya. Tulad ngayon, natural lang kung kausapin ko siya.
Lumawak ang ngiti niya. "Kumportable ka sa'kin?"
Ayoko man umamin pero wala, nasabi ko na kaya tumango ako. "Hmm."
"I see. Buti naman." Sagot niya.
Bumaba ang atensyon ko sa bulsa ng pantalon ko nang maramdaman na magvibrate ang phone ko. Si Daisy ang nagmessage. Nanghihingi siya ng reviewer para sa exam bukas. Ewan ko kung may data pa ako pang send ng file. Itinaas ko pa ang phone ko para humanap ng magandang signal para masend 'yung file. Buti may softcopy pa ako ng reviewer ko. May printed copy na ako nito e.
Nakasanayan ko na kasi na two weeks bago mag exam ay magpapaprint ako ng ginawa kong reviewer. Dadayo pa ako sa com lab para makitype. Mas mabilis kasi kapag may hard copy ako lalo na't topakin na 'tong phone ko, basag pa ang screen. At saka, ang hirap magreview sa phone. Hindi ko matandaan ng ayos.
"Hindi ka ba nahihirapan sa phone mo?" Tanong ni Cloud.
Pinagmasdan ko ang phone ko na malapit ng sumuko. "Humihinga pa naman siya." Natatawa kong sagot.
"Dapat magpalit ka na ng phone. Ako ang nahihirapan para sa'yo."
"Ayos pa naman e. Nakakapagtext pa naman ako."
"Nakakapag internet ka ba dyan?" Tanong niya.
Ngumuso ako. "Hindi. Hirap magdata dito lalo na nung tumagal sa'kin. Tinotopak na kaya madalas sa com shop ako nagsesearch o di kaya sa com lab. Pero madalas kasi sa Library ako. Mas legit kasi 'yung info kapag Library."
"Paano ka nakakapagfacebook ganun? i********:?" Usisa niya.
"Wala. Bulok na nga ata sss ko pati Ig. Wala ng update. 'Yung dp ko mag-dadalawang taon na atang hindi napapalitan. First year pa ata ako doon." Natawa ako nang maalala iyon.
Bumuntong hininga siya. "Buti nakakasurvive ka pa. I mean, madalas sa kilala ko, hindi kaya nang hindi nakakapagsocial media."
Nagkibit balikat ako. "Sanay naman na ako. Ang totoo, nitong 1st year lang ako nagkaroon ng phone. Pamana pa sa'kin 'to ni papa."
"Grabe. Ganun katagal?" Tumango ako. "Wow."
"Hanga ka?" Tumawa siya sabay tango rin.
Naisend ko na 'yung file kaya binalik ko na ang phone ko.
"By the way, how's your exam? Mahirap ba?" Tanong niya. Naabutan kami ng traffic.
"Wala namang madali." Sagot ko.
"Kaya mo 'yan. For sure, papasa ka."
"Hindi natin sure. Ang hirap e. Nasagutan ko naman kaso di ako sure sa iba." Nangangalahati na 'yung ice cream.
"As long as you did your best, you have nothing to worry about. Magtiwala ka lang sa sarili mo." Aniya na ikinangiti ko.
"Hmm." Sagot ko lamang.
Huminto na siya sa tapat ng boarding house ko kaya tinanggal ko na ang seatbelt ko. May natira pa sa ice cream kaya tinakpan ko muna ito sa binalik sa plastic bago lumabas. Pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto.
"Labas tayo sa Sunday," nakapamulsang pahayag niya.
"Tanong ba 'yan?" Pero mukhang hindi naman patanong 'yung pagkakasabi niya.
Umiling siya. "Niyayaya kita. It's either tatanggi ka or papayag ka. Your choice."
Pinigilan ko ang sarili na mapangiti. "Sige. Wala naman ata akong gagawin. Saan ba tayo pupunta?"
"Saan mo ba gusto?" Taas kilay niyang tanong.
"Kahit saan."
"Ormoc, gusto mo?" Siningkitan ko siya ng mata na ikinatawa niya. "Joke lang. Ahmm mall tayo. Last time hindi tayo natuloy. Let's watch a movie."
Ngumiti ako. "Sige."
Ngumiti rin siya pabalik. "Okay. Set na sa Sunday. Sunduin kita ng 10am? Is that okay with you? Para maaga rin tayong makauwi at makapagpahinga ka since you still have class the day after."
Tumango ako. "Sige 10."
Nagkatitigan pa kami. Tumawa pa siya dahil ang tagal naming nakatitig sa isa't isa. "Pasok ka na. You have to rest."
"Ito na. Salamat pala dito at sa paghatid." Tinaas ko nang bahagya ang plastic.
"You're welcome. 'Wag na masyadong magpuyat mamaya ha. And goodluck sa exam mo. Kaya mo 'yan!"
"Thanks. Babye. Ingat sa byahe." Kumaway muna ako. Hihintayin ko sana siyang umalis muna kaso pinapauna niya akong pumasok kaya tinalikuran ko na siya.
Kahit nakakapagod ang exam, sa mga sandaling ito, nakapagrecharge ako kahit papaano. Tapos makakagala pa ako sa Sunday! Kaso kasama ko si Cloud. Biglang binalot ng kaba ang puso ko. Hindi dahil sa kinakabahan ako sa kaniya. Iniisip ko lang kung paano umakto sa isang gala na dalawa lang kaming magkasama. Siya at ako. Ano ba 'yan! Namomoblema pa tuloy ako.