Tinignan ko ang sarili sa salamin. Mayroon kasing full length mirror dito sa kwarto namin. Ayos kaya 'tong suot ko? Niregalo sa akin ni Claire 'to dati e. Pastel pink fitted blouse at white denim jacket. Halos lahat naman ng magaganda kong damit ay galing sa kaniya. Kapag kasi nagsashopping siya dati, kasama talaga ako sa budget niya. Mapilit siya kaya hindi ako makatanggi.
Iyon ang sinuot ko tapos nag high waisted jeans lang ako at puting sapatos. Ang sapatos ko, galing din kay Claire. Mahilig ako sa puti since palagi akong nakajeans. Pero itong regalo ni Claire ay minsan ko lang suotin, kapag may importanteng lakad lang. Branded kasi, Adidas. Baka masira kapag lagi kong ginagamit.
Tinali ko ang buhok ko ng ponytail habang hinayaan ko lang ang bangs ko. Nagdadalawang isip ako kung magsusuot ba ako ng salamin o magkocontact lens. Ang panget naman kung wala sa dalawa. Manonood kami ng movie, edi hindi ko tuloy naintindihan kung malabo mata ako.
Bakit ko ba pinoproblema ang hitsura ko? Lalabas lang naman kami. Sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakasalamin ako. Kaysa naman sa buong araw akong maluha luha sa contact lens, ito na lang para safe. Sinuot ko na rin ang sling bag ko sa balikat.
Cloud: On my way
Binilisan ko na ang pag-aayos. Naglagay lamang ako ng light make up. Nakakatawa. Halos karamihan sa gamit ko ay galing kay Claire. Damit na branded, make up, pati perfume ay galing din sa kaniya. Sugar mommy ko ata 'yun e. Namiss ko tuloy. Bihira lamang kami mag-usap. Once a month ganoon. Busy din ata siya sa work niya sa America.
Nang sabihin ni Cloud na nasa labas na siya ng boarding house ay agad akong bumaba ng hagdan. Muntikan pa akong madulas sa baitang, mabuti na lamang ay nakakapit ako. Bakit kasi nagmamadali? Tumikhim muna ako bago humakbang palabas ng pinto. Tanaw ko agad siya na nakasandal sa sasakyan niya habang busy sa phone.
Napanganga ako sa pormahan niya. Ang simple lang pero ang lakas ng dating. Nakaearth tone oversized shirt lang siya na may pocket sa kaliwang dibdib tapos nakatuck in ito sa dark blue trousers niya, paresan ng light gray slip on shoes. 'Yung walang sintas ganoon.
Umangat ang tingin niya. Ang lalim ng titig niya sa akin na para bang natulala. Kita ko pa ang paglunok niya nang lumapit ako. Sinuksok niya ang kaniyang phone sa bulsa ng trousers niya nang hindi binabali ang tingin sa akin sabay tuwid ng tayo.
"Hey," nakangiting bati niya. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "You're beautiful."
Feeling ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi ko. "S-salamat." Nahihiya kong sabi. Gusto ko rin sana siya purihin na ang gwapo niya sa porma niya kaso umurong dila ko. Inunahan ng hiya.
"Let's go?" Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako. Hirap akong huminga habang nasa byahe. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Palihim ko siyang sinilip. Seryoso lamang siyang nagdadrive. Nang tignan ko ang bangs niya, wala itong hati di tulad ng dati. Mas bata siya tignan kapag ganyan ang style ng buhok niya. I mean, hindi ko naman sinasabi na matanda na siya. Mature lang tignan ganun. Sa ayos niya ngayon, cool 'yung pormahan niya pero cute nung face. Contradict pero maganda ang resulta sa kaniya.
Reign, ano bang pinag-iisip mo?
Epekto ata 'to ng exam. Speaking of, natapos ko ng matiwasay ang exam ko. Next week pa malalaman ang score namin kaya medyo kinakabahan ako. Sana makapasa. Mas magandang maipasa ko ang midterm kasi ang laking hatak nun.
"Ayos lang ba kung gumala muna tayo?" Pagbasag ni Cloud sa katahimikan.
"Hmm?"
"'Yung available ticket kasi na nabili ko, mamayang 2pm pa ipapalabas. I really tried na makakuha ng mas maaga kaso wala e." Paliwanag niya.
"Ayos lang. Ano bang movie ang kinuha mo?"
"Shang-chi."
Kumunot ang noo ko. "Shang-chi?"
Tumango siya. "Yup Shang-chi. Mahaba title e basta Shang-chi. Action 'yun. Nanonood ka ba ng ganung genre? Dapat ba romance pinili ko?"
"Okay na 'yan. Ang mahalaga hindi ko pa napanood." Sagot ko. Wala namang kaso sa akin kahit ano pa 'yan. At saka, sagot niya na nga 'yung panonood namin e. Wala akong karapatang magreklamo.
"Sorry. Hindi ko pa kasi napanood 'yun. E 'yung kasama ko sa trabaho panay banggit nung palabas na 'yun kaya nacurious ako. Don't worry, next time ikaw naman pumili."
Ngumiti ako. "Hmm." So may susunod pa pala.
Pinarada niya muna ang sasakyan niya bago kami pumasok sa loob ng Mall. Namiss ko na ang pumunta sa ganito. Kapag kasi pasukan na ay boarding house, school, at trabaho lang ang puntahan ko. Wala akong time na gumala. Wala din naman sa budget ko ang gala.
Naglakad lakad muna kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sumasabay lang ako ng lakad sa kaniya habang siya naman ay sumasabay lang din sa akin. Napadako ang tingin ko sa National Bookstore.
"Pasok tayo," sabi ni Cloud sabay hawak sa kamay ko na ikinabigla ko ngunit hindi ako nagpumiglas at nagpahatak lang sa kaniya.
Kagaya lang din 'to nung nangyari sa Club. Pero imbes na sa palapulsuhan ko ay nakahawak na siya sa kamay ko. Pinigilan ko ang sarili na mapangiti. Pumasok kami sa loob na magkahawak kamay. Bumitaw lamang ako nang may makitang pamilyar na libro kaya nilapitan ko iyon. Sumunod naman siya sa akin.
Pinagmasdan ko 'yung librong hawak ko. Ito 'yung isa sa mga libro na gamit ng Prof namin e. Available pala ito sa NB. Ilan sa mga classmate ko ay mayroon nito. Simula first year ay wala akong biniling libro lalo na't mahal. Nagtitiis lang talaga ako sa discussion ng Prof namin. Maganda sana kung meron para makapag advance reading. Binuklat ko iyon at nakita na nandito 'yung itatopic para sa susunod na discussion.
"Ano 'yan?" Usisa ni Cloud.
"Ah. Ganito 'yung libro na ginagamit ng Prof namin."
Nang tignan ko ang presyo sa likod. Para akong hinugutan ng hininga. Ang mahal. Binalik ko agad sa shelf.
"Hindi mo ba kukunin?" Tanong ni Cloud, nakatingin sa librong binalik ko.
"Hindi. Mahal."
"Yes, mahal?"
"Hmm?" Taas kilay ko siyang tiningala. Tumawa lang siya nang mahina saka umiling.
"Wala." Sabi niya saka kinuha niya iyon. "Hanapin natin mga librong kailangan mo."
"Bakit?"
"Para maiscan mo. Edi may advantage ka."
Natawa ako. "Sira. Wala naman akong photographic memory."
Tinulak niya ako mula sa likuran ko nang marahan. "Tara hanapin natin."
Sinunod ko naman ang gusto niya. Sa kakaikot namin sa NB ay lima ang nahanap ko. Ang isa ay para sa next sem pa pero kinuha ko na rin para macheck ko. Ginawa ko pa 'yung sinabi niya. Nakaupo kami sa sahig, nasa dulo. Binuklat ko 'yung libro. Imposible naman kasing matandaan ko pero tinignan ko lang 'yung loob. Nakaupo lang din siya sa tabi ko, nakikibasa din. Nang masatisfy na ako ay sinara ko na ito.
"Ano? Nabasa mo na?" Tanong niya na ikinatawa ko.
"At talagang umaasa ka na matatandaan ko 'yung nabasa ko?"
Ngumiti lang siya. Kinuha ko na 'yung mga libro para sana ibalik sa lagayan nito pero pinigilan niya ako. Siya ang nagbuhat nito. Sinamahan ko lang siyang ibalik iyon bago kami magpasyang lumabas ng NB. Sunod naming pinuntahan ay ang Miniso. Natuwa pa ako sa bango ng aroma pagkapasok namin. Ang gaan sa pakiramdam tignan 'yung mga item nila dito. Hindi masakit sa mata. Karamihan ay pastel colors.
Nakuha ng atensyon ko 'yung stuffed toy ng we bare bears. Tumakbo agad ako palapit doon. Una kaagad na dinampot ay si Grizzly bear. Inamoy ko ito bago yakapin. Ang bango. Nang harapin ko si Cloud ay nagpabalik balik ang tingin ko kay Grizzly at sa kaniya. Itinapat ko 'yung stuffed toy sa kaniya.
"Kamukha mo." Komento ko.
Natawa siya. "Dahil ba sa suot ko?"
Tumango ako. "Oo. Cute."
Ngumisi siya. "Thanks."
"Anong thanks? 'Yung bear tinutukoy ko."
Napahiya siya kaunti. "Ay sorry." Dinampot niya si Ice Bear saka itinapat sa akin. "Ito kamukha mo."
Ngumiti ako saka inirapan siya. "Ewan ko sa'yo."
Binalik na namin ang stuffed toy saka lumibot pa. Inamoy ko pa 'yung pabango. Sinubukan kong ispray ito sa wrist ko para mas maamoy ng ayos.
"Amuyin mo. Mabango?" Inilapit ko ang kamay ko sa ilong niya. Ramdam ko ang init sa kamay niya nang hawakan niya ang likod ng kamay ko para amuyin 'yung pabango.
Tumango siya. "Hmm mabango."
Binalik ko na 'yung tester saka nagyaya ng umalis. Sunod naming dinaanan ay 'yung Department store. Tumingin lang kami sa mga damit. May mga nakita akong maganda. Hindi ko na nagawang sukatin dahil wala naman akong balak na bilhin. Kasi walang pambili.
Habang palabas kami ng store ay napahawak ako sa tyan ko nang magsimula itong kumalam. Oo nga pala. Hindi ako nakapag-almusal kanina. Masyado kasi akong busy kakaisip kung ano ang susuotin ko. Pansin naman ni Cloud ang paghawak ko sa tyan ko.
"Gutom ka na?" Tanong niya kaya tumango ako. "Saan mo ba gusto kumain? McDo? Gusto ko sana magpizza. Ikaw ba? Gusto mo ba kanin?"
"Kahit ano."
Tumawa siya. "Walang pagkain na kahit ano, Reign. McDo na lang tayo."
Naglakad na kaming papuntang McDo. Pinapili niya ako kung anong gusto kong kainin. Pinili ko 'yung Chicken Ala King. Sinabihan niya akong maghanap na ng bakanteng upuan habang nakapila siya kaya iyon ang ginawa ko. Pumwesto ako sa may kanto dahil saktong umalis na 'yung huling kumain roon. Nilinis na lamang ito ng staff.
Pinuntahan niya na ako nang makaorder na siya. Naghintay pa kami ng ilang sandali bago dumating ang order namin. Nagulat pa ako dahil ang dami ng sa akin. Maliban sa chicken ay may burger pa, large fries at sundae plus Coke.
"Ang dami naman nito." Sabi ko. Iisipin ko sanang nagkapalit lang kami pero ganoon din naman karami ang kaniya. Spaghetti lang ang naiba sa order naming dalawa.
"Sakto lang 'yan ah. Ubusin mo 'yan, okay?"
Ang dami. Nagsimula na kaming kumain. Ang akala ko ay hindi ko pa mauubos pero hindi ko namalayan na naubos ko na pati burger. Ganoon din siya. Mukhang may space pa ang tyan ko para sa fries at sundae.
"Magkano pala lahat ng sa'kin?" Tanong ko.
"Don't worry. Sagot ko 'yan."
Ngumuso ako. "Ikaw, panay ka libre sa'kin. Nakakahiya na."
Ngumisi siya. "Niyaya kitang lumabas imbes na dapat rest day mo. Hayaan mo ng ilibre kita."
Nagpatuloy na lang ulit ako. Panay na siya libre. Nakakalibre na nga ako ng sakay sa kaniya tapos nililibre niya pa ako. Ang abusado ko naman na. Hayaan niya, kapag nakuha ko ang sweldo ko, ako naman ang manlilibre. Kung tutuusin, nadagdagan ang ipon ko dahil sa kaniya. Nakabawas kasi ako ng pamasahe.
"Mahirap ba Educ?" Tanong niya sabay kagat ng fries.
"Medyo. Lalo na ngayong third year. Puro na major subject. Magsisimula na rin kami sa individual demo teaching next semester." Sagot ko saka sinawsaw 'yung fries sa sundae.
"Bakit ka pala nagEduc? Just curious."
"Kasi gusto ko maging teacher?" Obvious na sagot ko.
Ngumisi siya. "I mean yeah of course. Pero ano 'yung nagtulak sa'yo para isipin na gusto mo maging teacher?"
"Ahmm." Napaisip ako. "Siguro sa mama ko?"
"Mama mo?"
"Teacher din kasi siya. Naisip kong kunin din 'yung kursong kinuha niya. Nakakainspire lang."
"I see. I hope na makilala ko rin mama mo pati papa mo."
Mapait akong ngumiti. "Kung pwede lang. Kaso wala na sila e." Bakas ang lungkot sa boses ko.
Natigilan siya sa pagnguya. Kitang kita ang pagbabago sa ekspresyon niya. "Sorry to hear that."
"Sira ayos lang. Matagal na rin naman."
"Sinong kasama mo ngayon? If okay lang malaman."
"Kapatid ng papa ko. Pero nasa Probinsya 'yun. Tuwing bakasyon lang ako nauwi."
"Hmm. May kapatid ka?"
Umiling ako. "Wala."
"I see."
Hindi naman na siya nagtanong pa. Nakikiramdam din siguro siya. Ayos lang naman sa'kin na pag-usapan ang magulang ko. Hindi naman na ganoon kasakit lalo na't matagal na. Oo, may kaunting kirot pero hindi na tulad ng dati.
"Ikaw? Hindi mo ba ko tatanungin?" Tanong niya nang sandaling tumahimik.
"Hinihintay ko lang na magkwento ka."
Ngumiti siya. "Ahmm ako lang nandito sa Pilipinas. My parents live in Canada while my sister is in Korea right now."
"Panganay ka?"
Umiling siya. "Ahmm may bunso ba kapag kambal?"
Namilog ang mata ko. "May kambal ka?"
Tumawa siya. "Gulat na gulat ka naman. Yeah, I have a twin sister. Her name is Solar."
"Sino unang nilabas sa inyo?"
Mas lalo siyang natawa. "Ako."
"Aah. So ikaw bunso."
"Yeah." 'Yung dimple niya panay ang silip!
"Curious lang." Naghintay siya sa sasabihin ko. "May dimple din ba kapatid mo?"
Siningkit niya ang mata niya habang inaalala. "She has. Maliit nga lang pero dalawa. Para ngang binutas ng malaking karayom dimple niya e."
"Swerte naman. Dimple-in." Nakanguso kong sabi.
"Gusto mo magkadimple?" Tumango ako. "Butasin natin. Drill ba ang gusto?"
"Siraulo." Singhal ko na mas ikinatawa niya.
Malapit na ang alas dos kaya naman nagpunta na kami ng sinehan. Ayoko ko sanang umorder ng popcorn at drinks dahil kakagaling lamang namin sa lunch pero nagpumilit siya. Para daw may mangata kami habang nanonood. Dumaan muna ako ng Cr bago kami pumasok sa loob. Sa gitna kami nakapwesto, tama lang para sa lapit ng screen.
Habang nanonood ay hindi ko maiwasan na silipin siya. Ang seryoso niya. Halatang gusto niya talagang panoorin 'yung palabas. Nanlaki ang mata ko at sing bilis ni flash na bumalik ang tingin ko sa screen nang lumingon siya sa akin. Literal na bumilis ang t***k ng puso ko nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa may bandang tenga ko.
"Naboboring ka ba?" Bulong niya. Nakiliti pa ako sa hininga niya.
Umiling ako. "Hindi."
"Sure ka?" Concern niyang tanong niya kaya ngumiti ako saka tumango.
Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa palabas at siya naman ay umayos ng upo. Habang nakatingin sa screen ay kumuha ako ng popcorn na hawak niya ngunit nabigla ako nang maramdaman ang kuryente na dumaloy sa kamay ko nang dumampi ang kamay niya sa akin. Ako na lang ang nagpaubaya para makakuha siya. Dinig ko ang mahina niyang pagtawa saka inilipat ang popcorn sa akin. Sa mga oras na iyon, hindi na ako makapagfocus sa palabas.
"So? Ano tingin mo sa movie?" Tanong niya nang makalabas kami ng sinehan.
Kinabahan ako. Ang tanging tanda ko lang nag-aaway sila pero hindi ko na masyadong nasundan 'yung plot.
"Maganda. Maganda 'yung plot." Play safe kong sagot.
"Yeah. Sa sunod, ikaw naman mamili."
Ngumiti lang ako.
Wala na kaming ibang gagawin sa mall kaya napagpasyahan na namin na umuwi. Maaga kaming umuwi dahil gusto niya rin na makapagpahinga ako. Nakasandal ang ulo ko sa bintana. Hindi pa naman gabi pero panay na ang hikab ko.
"Reign?"
Ramdam kong may umuuga sa balikat ko kaya dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay nasa tapat na pala kami ng boarding house.
"Nandito na tayo." Pahayag ni Cloud kaya umayos ako ng upo. Pinunasan ko pa ang labi ko dahil baka may laway.
"Thank you." Sabi ko saka tinanggal ang seatbelt ko. Nilingon ko siya na nakatingin lang sa akin. "Salamat din sa araw na 'to. Naenjoy ko."
Ngumiti siya pati ang mga mata niya. "Good to know. Bago ka umalis..." Lumingon siya sa backseat para may kunin saka may inabot na dalawang puting paperbag. "Take this." Inabot niya sa akin iyon.
"Ano 'to?" Pagsilip ko ay nagulat ako nang mapagtanto kung ano itong inabot niya sa akin.
"It's a gift for you."
"Cloud ayoko." Pinilit kong ibalik sa kaniya pero tinulak niya lang iyon pabalik sa akin.
"Alam kong tatanggihan mo 'yan pero sana tanggapin mo. Makakatulong 'yan for your study. Ayokong nahihirapan ka e. Mapapadali ang pag-aaral mo with that."
"Cloud naman e. Ang mahal nito. Ayoko."
"Please?" Pagmamakaawa niya.
"Ayoko talaga." Binalik ko ulit sa kaniya. Ang akala ko babawiin niya pero 'yung malaking paperbag lang ang kinuha niya.
"Fine. Ito na lang tanggapin mo. Please, Reign? Kahit 'yan lang."
Huminga ako nang malalim. "Cloud naman e."
Ngumiti siya. "You're welcome." Itinabi niya sa backseat 'yung isang paperbag bago humarap ulit sa akin. "Sabi mo kasi nagloloko na phone mo."
Hindi ako nakasagot.
"Ano ba iniisip mo?" Humina ang boses niya nang tanungin niya ako.
"Wala naman."
"Tell me, Reign. Alam kong meron."
"Nakakahiya kasi." Nakatingin ako sa baba.
"Hmm?"
"Hinahatid mo na ako. Nililibre. Tapos ngayon reregaluhan mo ko. Ano bang nagawa ko sa'yo para gawin mo 'to sa'kin?"
Napasinghap ako nang hawakan niya ang baba ko para iangat ako tingin ko. Nagtagpo ang mga mata namin. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya. "Hindi pa ba halata? I'm doing this because I care for you."