━━━━━━━━━━━━━ @dianajem wants to follow you confirm delete ━━━━━━━━━━━━━ Napatitig ako sa phone ko nang makareceive ng notification sa i********:. Kunot noong chineck ko ang account nito at laking gulat ko na malaman na si Diana pala ito. Sinubukan ko pa ngang istalk para alamin kung totoo itong nakikita ko hanggang sa makumpirma na sa kaniya nga itong account. Napanganga pa ako nang makita na kahit sa mga pictures ay ang photogenic niya. Ang ganda niya nga talaga. Pinindot ko ang confim saka finollow back ko na rin siya. Napangiti ako. May friend akong maganda. Huling pagkikita namin ay noong nasa after party ako at nalaman ko na invited rin siya. Grabe nga 'yung gulat ko na makita siya e lalo na nung nalaman ko na kilala niya pala sina Cloud at Lucas. Childhood friends pala sila.

