"Ito pala 'yung lipstick mo." Inabot ko kay Diana ang lipstick niya. Diana. Kung anong kinaganda ng mukha niya ay siyang kinaganda rin ng kaniyang pangalan. Gulat talaga ako kasi hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Inisip ko nga na malabong magkita pa ulit kami kaso heto siya ngayon sa harapan ko, makalaglag panga ang suot at kagandahan. She just smiled sweetly at me. "Thanks." Kinuha niya iyon saka nilagay sa loob ng pouch na hawak niya. "So you're also invited in here." "Aah, oo." Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakakaintimidate kasi talaga ang hitsura niya ngayon. Ang ganda kasi talaga ng suot niya. "Anyway, I really wanna talk to you kaso I have to go na." Tukoy niya ang comfort room kung saan ako nanggaling. "Aah okay. Sige lang." Gumilid pa ako para makadaan siya. Sanda

