His POV "What the f#ck?" Hindi ko na ata nasundan ng bilang kung pang-ilang beses ng kumurap si Lucas, gulat pa rin na makita ako... o kay Reign. Bahagyang kumunot ang noo ko. Kung makapagreact naman 'to. Wala namang malisya kung maabutan niya ako na may kasamang babae sa office ko. Besides, it's my girlfriend. Sandaling umatras si Reign nang bumaba ako sa desk. "Why?" Tanong ko. It took him seconds to go back to his senses before he stood up straight, then cleared his throat. "W-wala naman. I just... I didn't expect to see—" Pinagmasdan niya pa si Reign bago ituloy ang sasabihin. "Her. In here. Again." He whispered the last three words. "Wait, ikaw 'yung—" Bumalik ang atensyon ko kay Reign na nasa tabi ko. "Sa grocery diba?" Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. They knew each o

