Hindi ko siya sinundan! Wala siya sa schedule ko kaya pinili kong hindi magpahuli sa patibong niya. Nagpatuloy lamang ako sa ginagawa ko. Sobrang laking tulong na narito ako sa bahay niya. Napapadali lang kasi ang paggawa ko ng mga learning materials tapos ang lapit lang ng printer kaya isang pindot ko lang ay may hardcopy na agad ako. Hindi tulad kapag sa boarding house ako gagawa. Dadayo pa ako ng comshop. Ganito lang ang set up ko hanggang linggo. Pero ngayon ay pinalipat na ako ni Cloud sa office niya kasi nahuli niya ako kahapon na tinatapik ang likod ko. Kaya heto tuloy, nakaupo ako sa gaming chair niya rito sa office. Mas kumportable na ang posisyon ko kasi malambot 'yung upuan. "Hindi ka ba muna magpapahinga?" Tanong ni Cloud nang tabihan ako ulit. Sinilip niya ang ginagawa ko.

