Chapter 19

4691 Words
Titig na titig ako sa grades ko nang makuha ko na ito sa Registrar. Sobrang saya ko dahil sa wakas, sa loob ng isang taon na paghihirap ay tapos na ko sa pagiging third year ko. Ang ganda rin ng nakuha kong grades. Masasabi kong worth it ang lahat ng natamo kong pagod at stress noong mga nakaraang buwan. Ngayon na bakasyon na kami, uuwi na ulit ako sa bahay ng Tita ko. Umuuwi din kasi ng probinsya ang may-ari nitong boarding house para magbakasyon. Lahat din ng boarder, mga college students, ay aalis kaya pansamantala itong nagsasara kapag bakasyon. Nagpaalam na rin ako sa trabaho ko. Nakakatuwa kasi sinabihan talaga ako ng manager na kung balak ko ulit humanap ng part time job sa pasukan ay sinabihan akong bumalik ulit. Ang sabi pa niya ay bukas ang pinto para sa akin. Sobrang naappreciate ko iyon. Ang ganda ng treatment nila sa empleyado nila. Ang swerte ko kasi nakahanap ako ng ganito kagandang trabaho. Cloud: Papunta na ako Nakapag-ayos naman na ako ng gamit ko pero sinigurado ko pa rin na wala na akong naiwan. Itinabi ko na rin sa brown envelope ang COG ko para hindi magusot at mawala. Ipapakita ko pa ito kay Cloud pagdating niya. Ayaw ko man na magpahatid sa kaniya pauwi sa bahay ng tita ko, mapilit talaga siya. Gusto niya rin daw makita ang tinitirhan ko. Tumawag pa siya sa akin para sabihin na nasa labas na siya ng gate kaya naman pagkababa ko ng tawag ay pinuntahan ko na rin siya. Marami akong dala kaya tutulungan niya akong ilabas ang gamit ko. Isang backpack na puro damit ko habang ang isang maliit na bag naman ay mga ilang gamit ko sa school tapos 'yung stuffed toy na penguin na binigay niya. Inobserbahan pa ni Cloud ang loob ng kwarto nang makapasok siya. Ngayon lang din kasi siya nakapasok since bawal nga magpapasok ng kung sino rito lalo na kapag lalaki. "Ito na lahat 'yun?" Kinuha niya ang malaking bag saka isinuot sa kaniyang likuran habang bitbit niya ang isang bag. Tumango ako bilang sagot. Nakasunod ako sa kaniya nang bumaba kami. Nagpaalam na muna ako sa may-ari ng bahay bago kami tuluyang lumabas ng gate. Hinintay ko si Cloud sa loob ng kotse habang nilalagay niya ang gamit ko sa compartment. Pagkapasok niya ay inabot ko sa kaniya ang hawak kong brown envelope. "What's this?" Takang tanong niya nang abutin niya iyon. "Buksan mo," excited kong sabi. Tumingin pa siya sa akin, nagtataka pa rin bago niya buksan ang envelope. Nang hugutin niya palabas ang papel nito, maigi ko talagang pinagmasdan ang magiging reaksyon niya. Tinignan niya ito. Nakanganga pa siya, mangha sa nabasa niya. "What the f#ck? Ang taas ng grade mo." Sabi niya, kumurap kurap pa sabay angat ng tingin sa akin. Tinignan niya pa ulit 'yung papel, mangha pa rin. "1.26?" "Hmm." Iyon lang ang nasabi ko. Sumilay ang ngiti sa labi niya saka lumapit sa akin para ikulong niya ako sa bisig niya at yakapin ako nang mahigpit. Awtomatiko akong napayakap sa kaniya. "F#ck, gagi ang saya ko." Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin, halos panggigilan ako. "Mag fourth year ka na tapos ang taas pa ng grade mo. Sobrang nakakaproud." Kiniss niya pa ako sa gilid ng noo ko bago kumalas ng yakap. Pinagmasdan niya pa ulit ang grades ko nang hindi nawawala ang ngiti sa labi bago niya ito ibalik sa envelope at ibigay sa akin. "I'm really proud of you, Reign." Sabi niya. "Thank you. Hindi ko naman magagawa 'to kung hindi dahil sa'yo." Sagot ko. Ang laki ng nagawa niyang tulong sa akin. Doble ang hirap ngayong third year pero dahil sa mga naitulong niya at mga ginawa niya para mabawasan ang stress ko, nalagpasan ko iyon. Sobrang laking pasasalamat ko na dumating siya sa buhay ko. "Hindi ah. Nakamit mo 'yan dahil sa lahat ng effort mo." Nakangiting sabi niya. Pinaandar niya na ang kotse. Matagal tagal pa ang byahe kaya naman dumaan muna kami ng drive thru para bumili ng makakain habang nasa byahe. Bumili lang siya ng burger, fries at coke float. Kapag sandaling humihinto 'yung kotse ay sinusubuan ko siya para makakain siya. Natawa pa ako kasi traffic edi nakahinto ang kotse, tapos isusubo ko sa kaniya 'yung fries pero ilalayo ko rin bago niya pa makain. Iyong mukha niya, malapit ng mapikon kasi nakailan na siyang attempt para makain 'yung fries pero hindi niya magawa. "Ito na ito na," natatawang sabi ko saka nilapit na sa tapat ng bibig niya. "Aah." Nakatitig lang siya sa akin. Mukha siyang wala ng tiwala sa akin dahil wala talaga siyang balak na ngumanga. "Cloud, ito na nga, promise hindi na." Paano kasi siya magtitiwala e natatawa pa rin ako? Binuka niya ang bibig niya saka marahan na lumapit para makagat 'yung fries. Ang cute parang aso. Kumuha ulit ako para isubo sa kaniya. Iyong pagsubo niya parang asong takot makagat 'yung daliri ng amo. Ang cute kainis! Nagpatuloy na ulit siya magdrive nang umabante na ang mga sasakyan sa harapan niya. Nang maubos namin ang pagkain ay dinalaw na ako ng antok. Maaga kasi kaming umalis para iwas sa mabigat na traffic. Panay ako hikab. Pinunasan ko pa ang mata ko nang maluha ako matapos humikab. "Sleep ka kaya? Mahaba haba pa 'to." "Hindi na. Ayaw kitang tulugan." Sagot ko. "I'm fine, Reign. Sinabi mo rin naman sa akin ang way. I also have my GPS with me. Matulog ka na lang muna. Gigisingin na lang kita if ever na malito ako sa direction." Payak pa siyang ngumiti nang silipin ako. "Sure ka?" Tanong ko. "Yup. Sige na." Sinunod ko na siya at hindi na pinigilan pa ang antok ko. Nakatulog din naman ako kaagad. Smooth naman si Cloud magdrive kaya naman mahimbing ang tulog ko. Nagising din naman ako nang maumpog ang ulo ko sa bintana dahil sa pag-alog ng sasakyan. Pagtingin ko sa labas ng bintana, mukhang malapit na kami. "Sorry," sabi ni Cloud. Sinilip ko siya at payak lamang siyang nginitian. "How's your sleep?" "Ayos naman. Malapit na tayo." "Yeah." Pinanood ko na lamang 'yung tanawin sa labas ng bintana. Sinimulan ko ng istretch ang katawan ko nang makapasok na kami sa boundary ng munisipalidad kung saan ako nakatira. Namiss ko ang lugar na 'to. "Kakaliwa ba?" Tanong ni Cloud. "Oo." Sagot ko. Itinuro ko kung saan siya hihinto kaya nang maiparada niya ang kotse ay tinanggal ko na ang seatbelt ko. Walang masyadong tao sa labas dahil siguro mainit. Lumabas na rin si Cloud para buksan ang compartment ng sasakyan niya sa likod at kinuha ang gamit ko. "Thank you," sabi ko kay Cloud nang makalapit siya sa akin, dala ang bag ko. Binuksan ko ang gate saka pinasunod si Cloud sa akin. Pagpasok namin sa pinto ay nakita ko ang pinsan ko na si Sharlene na nakaupo sa sofa, nang dumako ang atensyon niya sa amin ay nagulat siya nang makita si Cloud kaya napatuwid siya ng upo. "Ate Reign, nakauwi ka na po pala." Saad niya. "Hmm. Sharlene, si Cloud pala." Pagpapakilala ko kay Cloud sa kaniya. "Cloud, pinsan ko pala si Sharlene, anak ng kapatid ni papa." Tumango tango si Cloud. "Hello." "Hello po." Nahihiyang bati ni Sharlene. "Nasaan si Tita?" Tanong ko. "Umalis siya e." "Ganun ba. Akyat muna kami sa taas." Sabi ko saka sinenyasan na si Cloud na sumunod sa akin. Nagbow muna siya sa pinsan ko para magbigay galang bago siya sumunod. Umakyat na kami sa taas para magpunta sa kwarto ko. Binuksan ang pinto saka niyaya siya na pumasok. Nilibot ni Cloud ang kaniyang paningin sa kwarto ko nang mailapag niya ang gamit ko. Hindi kalakihan itong kwarto ko hindi tulad sa bahay niya. Kasing laki lang ata nito ang bathroom niya. "Sorry sa dumi. Upo ka muna. Kuha lang ako tubig." Umalis muna ako para pumunta ng kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Pagbalik ko dala ang pitsel at baso ay naabutan ko si Cloud na nakatayo sa may study table ko habang pinagmamasdan ang picture frame na nakalagay roon. Lumingon siya sa akin nang mapansin ang pagdating ko. Nilagyan ko ng tubig 'yung baso mula sa pitsel saka inabot sa kaniya. "Inom ka muna," sabi ko. "Thanks." Inubos niya 'yung tubig bago iabot sa akin at ako naman ang uminom. "Is this you?" Turo niya sa litrato ko kung saan kasama ko si papa. Tumango ako saka inilapag 'yung pitsel at baso sa ibabaw ng mesa. "Hmm. Si papa naman 'yan." "I see." Kinuha niya iyon saka pinagmasdan ng mabuti. "Ang cute mo dito. May photo album ka ba? Patingin ako." "Ito siguro dahilan mo kaya gusto mong pumunta dito ano?" Natatawa kong tanong. Ngumiti lang siya. "One of the reasons." Binuksan ko ang cabinet ko para kunin 'yung box na naglalaman ng mga lumang gamit. Dito rin nakatago 'yung photo album ko. Pinunasan ko pa bago iabot sa kaniya. Isa lang naman 'to. Kaunti lang din naman kasi ang pictures ko noong bata ako. Umupo siya sa gilid ng kama at tumabi naman ako sa kaniya. Binuklat niya ang album tapos napangiti nang bumungad sa kaniya ay ang baby picture ko na nasa balde tapos wala pang suot na damit. Hinarang ko agad ang kamay ko sa picture ko kaya natawa siya. Wala namang malisya sa picture since baby pa ako nito pero nakakahiya lang. "Huwag mo tignan." Sabi ko. "Bakit? Cute naman ah." "'Wag na. Nakahubad ako dyan. Nakakahiya, lipat mo." Habang takip takip 'yung picture ay nilipat ko sa sunod na page. Biniro niya pa ako na ibabalik niya sa unang page kaya hinampas ko ang kamay niya. "Ito na ito na." Sa dami kasi ng ibubungad sa photo album ay 'yung picture ko pang nakahubad 'yung inilagay. Maayos naman na 'yung sumunod kaya hinayaan ko na siyang tignan iyon. Hindi naman ako mukhang dugyutin noong bata. Maayos naman tignan. "Anong grade ka nito?" Turo niya sa picture ko na nakasuot ng pink palda na gawa sa plastic soft twine. Basta 'yung tali na ginagamit sa pizza box ganoon. "Grade 2 ako niyan, may dance contest kasi kaya ganyan suot ko." May event kasi ata sa school niyan na contest na per grade level ang maglalaban sa sayaw. Iyong theme ng costume namin ay gawa sa tali 'yung damit namin. Kating kati pa ko dahil doon sa straw nga kasi mula pantaas hanggang palda. Meron pa sa wrist namin tapos 'yung hulahoop din namin, may palamuti na straw. Si papa awang awa na sa akin kasi halos gusto ko ng hubarin 'yung costume ko sa sobrang kati, tinitiis ko lang. Pilit na nga ngiti ko dyan e. Kaya talaga nang matapos 'yung sayaw namin, nagpalit talaga agad ako ng pantaas. "Cute." Komento niya. "Nanalo kayo?" "Second place. Nanalo kami ng ice cream dyan." Naalala ko, tuwang tuwa pa ako noon nang bumalik ako sa school kasi makukuha namin 'yung prize. Tumawa lang siya. Hindi mawala wala ang ngiti niya habang pinagmamasdan ang mga pictures. "Mama mo ba taga picture sa'yo?" Tanong niya. Mapait akong napangiti nang mapansin niya na nga. "Wala si mama dyan. Kinuha siya sa amin after niya ako maipanganak." Naglaho ang ngiti niya nang silipin niya ako. "Sorry." "Sira, ayos lang. Wala akong memories sa kaniya. 'Yung pictures lang na 'yun ang meron ako." Tinuro ko 'yung isa pang picture frame na nakapatong sa study table ko. Sila ni mama at papa ang magkasama sa litrato. Kinuha niya pa ang kamay ko para iintertwine ang daliri namin. "I'm sure you missed her kahit na hindi mo pa siya nakikita." Payak akong ngumiti para maitago ang lungkot ko. "Noong bata ako, sobrang naiinggit ako kapag sinusundo 'yung mga kaklase ko sa school ng mama nila. Bihira lang kasi 'yung tatay e. Madalas kong tinatanong sa sarili ko kung paano maalagaan ng isang ina." Kinagat ko ang ibabang labi ko saka kumurap kurap para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha. Kahit anong tatag ko, may mga panahon talaga na hindi ko mapigilan 'yung lungkot sa puso ko kapag magulang ko na ang pinag-uusapan. "Nakakainggit lang." Binitawan niya ang kamay ko para yakapin ako nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang maluha dahil sa simpleng pagyakap niya. "It's okay. You have me now. Ipinapangako ko sa magulang mo na ako ang mag-aalaga sa'yo so they won't have to worry about you." "Sira." Bumitaw ako ng yakap para tanggalin ang salamin ko at punasan ang luha ko. "Hindi mo obligasyon na gawin 'yun." "Obligasyon ko 'yun. Ginulo ko ang nananahimik mong buhay, kaya papanindigan kita." Mahina akong natawa sa sinabi niya at napailing na lamang. Nabigla pa ako nang hatakin niya ang batok ko papalapit sa kaniya at mainit na angkinin ang labi ko. Awtomatiko akong napapikit nang maramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa akin. Lumipat ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko. Kahit papaano ay natutunan ko na kung paano humalik. Minsan iniisip ko kung normal pa ba 'to sa nagliligawan. Hindi pa naman kami pero ginagawa na namin 'to. Dinampian niya pa ako ng huling halik bago siya ngumiti. "Penge ako picture mo." Sabi niya habang malapit pa rin ang mukha sa akin. Tumango ako bilang sagot. Binalik ko na ang pagkakasuot ng salamin ko habang hinahayaan siyang mamili ng kukunin niyang picture. Dalawa pa ang kinuha niya. Ang isa ay tinupi niya ang gilid para magkasya sa wallet niya. Pinagmalaki niya pa sa akin 'yung picture ko. "Charan. Cute o." "Penge din ako sa'yo." Sabi ko. Ang daya naman kung siya lang ang mayroon. "Sige, next time kapag pumunta ka ng bahay." Sagot niya sabay hinga nang malalim. "Ayoko pang umalis." Mapait lamang akong ngumiti. May meeting pa kasi siya ng after lunch pero nagpumilit lang siya na ihatid ako. Nalulungkot ako. Sa oras kasi na umalis siya, hindi ko na ulit alam kung kailan ko siya makikita. Tatlong oras kasi ang byahe tapos balikan pa edi anim na. "Kung hindi na lang kaya ako umattend ng meeting. Kaya naman na nila 'yon. Malaki na sila. Di na nila ako need doon." "Sira. Umattend ka ah. Ikaw 'yung boss tapos wala ka tuloy." Ngumuso siya. "Mamimiss kita." Tumitig ako sa mga mata niya. "Meron namang video call. Tawag na lang tayo kapag di tayo busy." "Di sapat 'yon. Gusto kitang makita at mayakap... tapos makiss. Di ko 'yun magagawa sa video call. Balik na lang ako dito next week siguro. Kung pwede baka once a week puntahan kita." "Hindi ka ba mapapagod nun? Ang haba kaya ng byahe mo." "Kahit kailan hindi ako mapapagod kung ikaw naman ang makikita ko sa dulo ng mahabang byahe ko." Napangiti ako saka niyakap siya. "Mag-iingat ka sa byahe mo ha. Text mo ko kapag nakauwi ka na." "Yes, ma'am." Bumitaw siya sa yakap saka hinalikan ang noo ko. "Gusto ko sana makilala Tita mo at pinsan mo pero need ko na umalis." "Sa sunod na lang." Sabi ko. "Gusto mo ba magtanghalian muna bago ka umalis?" Tanong ko. "No, hindi na. Busog pa naman ako. Baka malate din ako e." Tanggi ni Cloud. Hinatid ko na siya palabas ng bahay. Pansin ko pa ang ilang nadaan na tao na napapatingin sa nakaparadang kotse ni Cloud. Ngayon lang kasi may dumayong magarang kotse sa lugar na 'to. Nahagip ko pa na ilan sa kapitbahay namin ay sumilip sa direksyon namin. Sila 'yung mga tsismosang kumare ni Tita. "Alis na ko," paalam ni Cloud. Lumapit pa siya sa akin para yumakap sa huling pagkakataon kaya ginantihan ko ang yakap niya. "F#ck, mamimiss talaga kita." Nang bumitaw siya ay marahan niyang sinuklay ang buhok ko nang daliri niya. Nakakatunaw ang titig niya. "See you again, Reign. If ever na hindi ako matuloy next week, I'll inform you. Pero babalik ako, don't worry." Tumango ako sabay ngiti. "Ingat." Humawak pa siya sa kamay ko saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko. Humakbang na siya paatras, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Nakangiti lang ako sa kaniya habang nakatitig siya sa akin. Hawak hawak ko ang dulo ng daliri niya nang bumitaw na siya. Kumaway siya sa akin bago siya pumasok sa loob ng kotse. Sumilip pa ako sa bintana sa may katabing side nang buksan niya iyon para kawayan siya. "Ingat ah." Ulit kong paalala. Hinintay ko muna siyang makaalis bago pumasok sa loob ng bahay. Umangat pa ang tingin sa akin ni Sharlene pagpasok ko ngunit binalik ulit ang atensyon sa phone. Nakabukas ang TV pero hindi naman siya nanonood. Nagsasayang lang talaga siya ng kuryente. Sinimulan ko na ang pag-aayos ng gamit ko sa kwarto. Naglinis na rin ako dahil maalikabok na rin. Hindi kasi ito nililinisan nila Tita kapag wala ako. Balik na naman ako sa tipikal kong ginagawa kapag narito ako sa bahay ng Tita ko, ang maging tagapag silbi nila. Ito kasing pinsan ko ay paghuhugas lang ang alam tapos kinakatamaran pa lalo na kapag nandito ako. Sa akin kasi iaasa lahat. Panay cellphone lang ang alam. Kung bukas lang talaga 'yung boarding house kapag bakasyon, hindi naman ako mapipilitang umuwi rito. Nauna na kaming kumain ng tanghalian ng pinsan ko lalo na't hindi pa umuuwi si Tita. Malamang nasa sugalan na naman iyon. Tumambay lamang ako sa kwarto pagkatapos dahil na rin sa pagod. Hindi ko nga rin namalayan na nakatulog ako. Nagtext naman si Cloud na nakabalik na raw siya. Nagsend pa siya ng picture niya na nasa kotse, nakapang business attire na. Alas tres na nang makauwi ng bahay si Tita. "O, Reign. Nakauwi ka na pala." Saad niya nang mapansin niya ako sa sala habang nanonood ng TV. Lumapit ako para magmano. "Ma, nagugutom ako. Bili ka tinapay." Sabi ni Sharlene na nakaupo sa dulo ng sofa. "Tinapay? Tamang tama, nanalo ako kanina. Reign, bumili ka doon ng tinapay tapos softdrinks na rin." Inabot niya sa akin ang pera na dinukot niya sa bulsa ng short niya. Sinunod ko na lamang ang utos niya saka bumili ng tinapay sa pinakamalapit na bakery. Iyong anak niya, palaging buhay prinsesa. Madalas, ako ang sumasalo ng utos. Kapag kasi si Sharlene ang inuutusan, lagi niyang sagot, "Ba't ako? Si Ate Reign na lang, may ginagawa ako." Dahilan niya kahit ang gagawin niya lang naman ay ang magcellphone. Sa katagalan, hindi na siya inuutusan sa mga ganitong bagay, ako na agad. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko silang dalawa na mag-ina na nag-uusap sa sala. Nilapag ko 'yung tinapay at softdrinks sa may center table. Kumuha na rin ako ng baso. "Reign, ano 'tong sinasabi ni Sharlene na may kasama ka raw na lalaki pag-uwi rito?" Sambit ni Tita nang paglagyan ko sila ng softdrinks sa mga baso nila. Excited naman si Sharlene na kunin 'yung baso at uminom doon. "Sino 'yun ha? Boyfriend mo?" Tanong niya. "Aah. H-hindi po. Manliligaw pa lang po." Sagot ko. "Ganun ba? Sabi nito mukhang mayaman daw. Saan mo nakilala 'yun ha? Ikaw, di ka man lang nagsabi, nakabingwit ka pala ng mayaman." Natawa pa siya. Natigilan ako. Pinigilan ko ang sarili ko na sagutin siya kaya tumikhim na lamang ako. "Ipapakilala ko po kayo sa kaniya sa sunod." Kahit ayaw ko man. Pilit akong ngumiti. "'Wag mo kaming kalimutan ambunan ng grasya ha." Pabirong komento niya na siyang nagpatigil sa akin nang makatayo. Kinuyom ko ang palad ko nang tignan ko siya nang masama. Parang hindi man lang big deal sa kaniya na sabihin iyon. Ano bang akala niya kay Cloud? Bangko niya? Nang tingalain niya ako, tinaasan niya ako ng kilay. "O ano pa hinihintay mo? Kumain ka na rito. Baka pagalitan ako ng manliligaw mo kapag nalaman niyang hindi kita pinapakain nang ayos." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi niya. She never cared for me. O ano? Nagbago na ba dahil lang sa nalaman niya? Pinagkalma ko ang sarili ko. "Hindi na po." Madiin na sagot ko, nagpipigil na patulan siya. Hindi na ako nag-abalang kumuha ng tinapay at makiinom nang magmartsa ako paalis. "Akyat na po ako." Gustong gusto ko talaga siya patulan. Hindi na ba talaga mawawala sa katawan niya ang pagiging mukhang pera? Nagtitimpi lang ako e pero gusto ko na talagang lumayas at putulin na ang kung ano mang koneksyon ang mayroon kami. Hintayin niya lang talaga sa oras na makatapos ako. Simula nang malaman niya na may mayaman akong manliligaw ay panay na siya tanong kung kailan ko raw balak ipakilala si Cloud sa kanila. Halatang interesado siya sa buhay ko, lalong lalo na kay Cloud. Hindi naman siya ganito dati. Wala siyang pake. Kilala lang naman niya ako kapag kailangan niya ng utusan at pera. Mag dalawang linggo na ang lumipas pero wala pa ring paramdam si Cloud kung kailan siya makakapunta. Sobra ko na siyang namimiss. Nagkakavideo call naman kami minsan sa gabi pero madalas kasi ay nakakatulugan niya ako dahil sa sobrang pagod. Naiintindihan ko naman. Binubuhos ko na lang ang atensyon ko sa nahanap kong bagong trabaho para hindi ko siya ganon maisip. Panay kasi siya takbo sa utak ko! Hapon na nang makabalik ako sa bahay galing trabaho sa isang grocery store. Laking pasalamat ko nga kasi need nila ng staff. Bago huminto 'yung tricycle na sinasakyan ko ay napansin ko 'yung pamilyar na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay ni Tita. Mabilis kong inabot ang bayad ko saka bumaba nang mapagtanto kung kanino iyon. Halos patakbo akong pumasok ng bahay at gulat na makita si Cloud na nasa may mesa habang kausap ang Tita ko. "O, nariyan na pala ang pamangkin ko." Ani ni Tita nang mapansin ang pagdating ko. Ang lambing ng tono ng boses niya, nakakapanibago at nakakairita. "Halika rito, Reign." Sinenyasan niya ako na lumapit. Nakatalikod si Cloud sa direksyon ko at nang lingunin niya ako ay ngumiti siya. "Nakauwi ka na," sabi ni Cloud. Hindi pa rin ako makapaniwala na narito siya ngayon. Wala naman akong natanggap na message sa kaniya na pupunta siya. "Hindi mo sinabi sa akin Reign na ang gwapo naman pala nitong manliligaw mo." Sambit ni Tita na tuwang tuwa sa presensya ni Cloud. Tumayo na si Cloud habang nakatitig sa akin. "Akyat muna po kami," paalam ko kay Tita. Gusto ko siyang ilayo kay Tita hangga't maaari dahil baka kung anong gawin niya sa kaniya. "Maya po ulit," magalang na paalam ni Cloud sa kaniya bago siya sumunod sa akin paakyat ng hagdan. Nang buksan ko ang pinto at pagpasok namin ay pumulupot ang kamay ni Cloud sa bewang ko at niyakap ako mula sa likuran ko. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. "I missed you." Bulong niya. Umikot ako para humarap sa kaniya at ako naman ang yumakap sa kaniyang leeg. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka?" Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. "Hehe, surprise. I'm so happy to see you again, Reign. Iba pa rin kapag nayayakap kita." Tumingala ako sa kaniya. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo ko dahilan para mapangiti ako. Pagod ako kanina pero ngayon na nakita ko na siya, bumalik na ulit ang sigla ko. "Kanina ka pa?" Tanong ko nang maupo kami sa kama. "Medyo. Nakausap ko ang Tita mo, sabi niya nasa work ka daw." Sagot niya. "Ano pinag-usapan niyo?" Kunot noo kong tanong. "Wala naman. Tinanong niya lang kung ano work ko mga ganun. She's a good person actually. Kala ko nga magagalit siya noong sinabi ko na nililigawan kita. I asked for her permission at pumayag naman siya." "Hindi naman mabait 'yun" bulong ko. At para namang may karapatan siya na diktahan kung sino ang dapat na manligaw sa akin. "Hmm?" Takang tanong ni Cloud nang hindi narinig ang binulong ko. "Wala." Tanggi ko. Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko. "For sure napagod ka sa work." "Hindi naman. Nawala pagod ko ngayon na nandito ka." Napangiti siya sa sinabi ko. "Bihis muna ako." Tumayo na ako pero napairit ako nang bigla hatakin ni Cloud ang bewang ko palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa hita niya dito sa kama. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa likuran ko habang nakayakap sa bewang ko. "One minute, Reign." "Amoy pawis ako, Cloud." "Nah. You still smell good." Naramdaman ko pang inamoy niya ang likuran ko. Hinayaan ko na lang siya. Binitawan niya rin naman ako matapos ang isang minuto. Kumuha muna ako ng damit at nagpaalam na magbibihis muna. Nagshort lamang ako at shirt. Pagbalik ko sa kwarto ay nakita ko siyang nakahiga sa kama habang hawak hawak 'yung penguin sa ere. Umayos siya ng upo saka sumandal sa pader nang lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. "Hello," iniba niya ang boses niya na kunwari ay 'yung penguin 'yung nagsalita. Natawa lang ako. "Cloud asked for my name. Tell him my name, Miss Reign. Pwease?" Ang cute! Sinabi niya pang 'pwease' imbes na 'please'. Nakakatawa 'yung boses niya kainis. "Hulaan mo pinangalan ko." Ginalaw niya ang penguin na animo'y nagkatinginan sila. "Hulaan ko daw pangalan mo." Balik sa totoong boses na sabi niya sa penguin. "Pororo?" Umiling ako. "Hindi." Sagot ko. Pinailing din niya 'yung penguin. Sinubukan niya ulit mag-isip para manghula. "Pingu?" Sumingkit ang mata ko nang mas lalong matawa. "Sinong Pingu?" "Palabas 'yun sa channel 5 dati. Wala kayong TV?" Sarkastiko niyang tanong. Lumakas ang tawa ko. "May TV kami. Paano ko malalaman e sinauna pa ata 'yang palabas na 'yan?" Napabuga siya ng hangin. "Inaasar mo ba edad ko ha?" Umiling agad ako. "Hindi ah." Nag-tsk pa siya saka hinarap ang penguin sa kaniya. "Ano ba kasi pangalan mo?" "Cloudy." Sagot ko kaya umangat ang tingin niya sa akin. "Huh?" "Pangalan niya ay Cloudy." Ulit ko. Kita ko ang pagpigil niya ng ngiti nang tignan niya ang penguin. "Cloudy? Ang cute naman ng name mo. Kanino niya kaya nakuha 'yun ano? Gwapo siguro 'yun." Marahas kong hinablot 'yung penguin sa kaniya. "Akin na nga." Itinabi ko ito sa gilid niya. Nagpadulas siya pababa sa kama at humiga. Gumilid pa siya para maglaan ng espasyo bago niya tapikin ang tabi niya. "Halika." "Di tayo kasya." Dahilan ko. "Kasya 'yan." Mas umusog pa siya. Nagdalawang isip pa ako pero gumapang din ako at humiga ng tabi sa kaniya. Gumilid siya paharap sa akin. Ginaya ko din ang posisyon niya. Kulang na lang ay hugutan ako ng hininga dahil sa lapit namin sa isa't isa. "Cloudy pala ah." Sabi niya kaya mahina akong natawa. "I haven't named my penguin. Thanks to you, I finally have an idea. Kung sa'yo Cloudy, sa akin naman Reigny." "Corny, Cloud." Natatawa kong sabi. Inistretch niya ang kaliwang braso niya at awtomatiko kong inangat ang ulo ko para gawin iyong unan. "Hindi naman ah. Cute nga e." Sabi niya habang ang isang kamay niya ay pumatong sa bewang ko bago niya ako hapitin palapit sa kaniya. Napasinghap pa ako sa ginawa niya. "Kumportable ka ba?" Tanong niya. Tumango ako at doon niya ipinulupot sa bewang ko ang isang bisig niya para yakapin ako nang mahigpit. Amoy na amoy ko ang perfume niya sa kaniyang dibdib. "I missed you, Reign." Unti-unti kong inangat ang kamay ko bago ko siya niyakap at sumiksik sa kaniyang dibdib. "Namiss din kita." Pag-amin na bulong ko sa kaniya sa unang pagkakataon. Bumaba ang tingin niya sa akin kaya tiningala ko siya. "Ano ulit?" Uminit ang pisngi ko at bahagyang kinagat ko ang ibabang labi ko nang makaramdam ng hiya. "N-namiss kita sabi ko." Sumilay ang ngiti niya sa labi bago niya ako dampian ng halik sa noo. "First time kong narinig 'yan sa'yo. Sarap pakinggan." Yakap yakap niya ako sa mga bisig niya habang nakasiksik ako sa kaniya. Napangiti pa ako nang marinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Ang sarap pakinggan. "Siya nga pala," panimula niya. "Ayos lang ba kung dito ako matulog ngayong gabi?" Napamulat ako ng mata saka tumingala sa kaniya. "Huh?" Teka teka. Kinabahan ako. Dito siya matutulog? Tabi kaming dalawa ngayong gabi? Napalunok na lamang ako nang maalala 'yung mainit na gabi naming dalawa. Ahmm, Lord.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD