Nagsimula na ang pasukan pero ang katawan ko parang hindi pa nakakamove on sa mga paputok nitong New Year. Naawa pa ata sa akin 'yung landlady kasi nakakulong lamang ako sa kwarto kaya pinahawak niya ako ng lusis. Sa sobrang tuwa ko ay sinend ko iyon kay Cloud.
Ang daming paputok e. May nagpakwitis pa kahit sinabing bawal iyon. Dinalhan din ako nung landlady ng buko salad nun kaya sobrang natuwa ako. Mabait talaga sila. Para niyang mga anak ang turing niya sa amin.
Nag-usap din kami ni Cloud habang sinasalubong ko 'yung New Year. Ang album ko puro pictures niya na. Mas marami pa siyang pictures niya sa phone ko kaysa sa selfie ko. Sinesave ko kasi 'yung mga pinagsesend niya sa akin. Kung saan siya pupunta, palagi siyang may picture para ipakita sa akin. Ang updated ko tuloy sa kaniya.
Pero after ng New Year, hindi na siya ganoon nagsesend. Nagkakausap pero madalang lang. Busy siguro doon. Isang linggo na nga ang lumipas nang magsimula ang new semester namin pero hindi pa rin ata siya nakakabalik ng Pilipinas. Ang sabi niya ay sasabihan naman niya ako kung kailan siya uuwi pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita.
"Umay daming demo tapos research pa." Reklamo ni Daisy habang pababa kami ng hagdan.
Halos karamihan kasi sa course subject ay related sa demo teaching tapos research ulit kaya panigurado ay magiging kuba kami nitong ngayong semester. Namomoblema tuloy ako kung paanong gagawin ko kapag sa mga lesson plan at powerpoint presentation. Kaya naman siguro sa phone kaso medyo technical nga lang.
Tingin ko kailangan kong dumaan ng com shop kapag nagawan ko na sila ng draft. Dapat doble kayod ako nito.
"Sabihan mo lang ako kung need mo ng laptop ha," saad ni Daisy.
"Sige," sabi ko lang pero 'wag na. Nakakahiya. Gagamitin niya rin iyon. Ayokong makisingit kasi nakakahiya.
Palabas na kami ng building nang sandaling mapahinto si Daisy. Sinanggi niya ang siko ko saka may nginusuan. Tinignan ko tuloy kung sino 'yung nginungusuan niya.
Nang makita ko kung sino 'yung tinuturo ni Daisy ay nagulat ako. Kumaway si Cloud sa akin habang nakatingin sa direksyon ko. Bumilis ang t***k ng puso ko nang masilayan ulit siya matapos ang ilang linggong wala siya.
"Una na ko," paalam ni Daisy saka iniwan na ako.
Tanaw ko ang ngiti niya mula sa kinatatayuan ko. Naglakad ako palapit sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya nang ibuka niya ang braso niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa kaniyang dibdib nang ikulong niya ako sa kaniyang bisig.
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na nakauwi ka na?"
Dinig ko sa pwesto ko ang malalim niyang pagtawa. "I wanted to surprise you. Hindi na surprise 'to kung sinabi ko sa'yo. Nagulat ka ba?"
Tumango ako habang nakayakap pa rin. "Nagulat ako. Hindi ka kasi nagsabi."
Malalim ang bawat paghinga niya habang magkayakap kami. "I missed you. I missed my home." I am his home? Kumalas siya sa pagkakayakap kaya tumingala ako sa kaniya. "Sorry natagalan. Para kasing walang balak si mom na pauwiin ako. Pinagbigyan ko lang siya na magstay muna ako for another two weeks." Tumango tango lang ako sa paliwanag niya. Kaya pala siya natagalan. Sinuklay niya ang hibla ng buhok ko. "How's school?"
"Ayos naman. Puro demo na kami this sem." Sagot ko.
"Akin na bag mo." Utos niya kaya naman hinubad ko ang bag ko. Siya na ang kumuha nito at nagsuot. "Mukhang mas busy ka this sem ah." Walang tingin tingin na nahuli niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Nagsimula na kaming maglakad.
"Sobra. Naiimagine ko na sarili ko na naiyak habang tadtad sa paggawa ng lesson plan."
Iniisip ko pa lang na mas triple pa ang gawain ngayong semester, para na akong luluha ng dugo.
"If you ever need help, sabihan mo lang ako. Baka sakaling may maitulong ako sa'yo. Kung tingin mo kaya ko naman, ipagawa mo na lang sa'kin." Aniya.
"Hindi ah. Bakit ko naman ipapagawa sa'yo? Nakakahiya at saka marami ka ring ginagawa. Kaya ko naman 'yun Cloud. Kakayanin." Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko saka inangat ito para dampian ng halik ang likod ng palad ko.
"That's my girl." Nakangiti nitong sambit na agad nagpainit ng pisngi ko. "Pero Reign, if ever na dumating 'yung araw na nahihirapan ka na, tell me right away. Gusto kong makatulong. Can you do that? Hmm?"
Sinilip ko siya. Seryoso talaga siya sa sinabi niya kaya naman tumango ako. "Sige po. Sasabihan kita."
Sumilay ang dimple niya nang ngumiti siya. Namiss ko iyon na makita sa totoo lang. "Thanks, ma'am."
Sumakay na kami sa kotse niya. Nilagay niya sa backseat 'yung bag ko habang nasa driver seat tapos may kinuha roon.
"May pasalubong ako sa'yo." Sabi niya saka binigay sa akin 'yung black na box na may red na malaking ribbon. "Open it."
Kinuha ko naman iyon at saka ipinatong sa hita ko. "Ano 'to?" Kinabahan pa ako nang tanggalin ko 'yung ribbon. Pag-angat ko ng takip ay nasurpresa ako nang makita na puro iba't ibang klase ng chocolates ang laman nito. "Cloud, ano 'to?"
"Chocolates... for you." Sagot niya sabay ngiti. "Pasalubong ko para sa'yo. Naisip kong bumili nung sinamahan ko si mom sa store. Sakto sabi mo mahirap sem mo ngayon. Chocolate is a great stress reliever. Pampatalino pa." Tinaas baba niya pa ang kilay niya.
Iba't ibang klase talaga 'yung laman ng box. Magkakadiabetes ata ako nito. Bata ko pa para masira lahat ng ngipin ko.
"Ang dami nito, Cloud." Sinara ko na 'yung box.
"Onti lang 'yan ah. Kung nararamihan ka, you can share it with your friends."
Nakatitig ako sa mga mata niya. Inabot ko siya at lumapit naman siya para mayakap ko. "Thank you." Bulong ko sa kaniyang tenga.
"Anything for you." Dinampian niya ng halik ang pisngi ko. Bumitaw na ako saka itinali ulit sa box 'yung ribbon. Ang daming chocolates. Hindi naman niya kailangan akong bilhan pero nakakatuwa na naisip niya ako habang naroon siya. "Ahmm meron pa e. I don't know kung matutuwa or ano."
"Ano 'yun?" Tanong ko.
May kinuha ulit siya sa backseat niya at inabot ito sa akin. "Here."
Kumunot ang noo ko nang makita na libro itong binigay niya. Nang tignan ko kung tungkol saan ang libro ay namilog ang mata ko. Isa ito sa mga course subject namin ah. Gulat kong inangat ang tingin ko kay Cloud.
"I asked some of my source kung anong subjects niyo this sem and naghanap ako ng mga reference books. Actually, hindi lang 'yan isa. Iba iba kasi 'yung store na pinagkuhanan ko kaya parating pa lang 'yung iba."
Natulala ako sa librong hawak ko sabay balik ng tingin sa kaniya. Nag-init ang sulok ng mata ko. "Cloud naman." Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Reign, I know I'm spoiling you." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko na nakahawak sa libro. "But I really wanna do this. Gusto ko lang na makapag-aral ka ng ayos."
"Pero Cloud kasi... Sobra sobra na 'to e."
Payak siyang ngumiti. "You deserve it, Reign. Top student kaya 'tong nililigawan ko. Need mo 'yan para sa study mo."
"Ganito ba pag mayaman?" Wala sa sarili kong tanong.
"No. Ganito ako pag mahal ko 'yung babae." Hinawakan niya ang batok ko saka hinapit palapit sa kaniya bago niya ako halikan sa labi. Tumitig siya sa mga mata ko pagkatapos. "I just wanna do everything for you. Hangga't maaari, ayokong nakikita kang nahihirapan."
Ipinatong ko 'yung libro sa box saka niyakap ko ulit siya sa leeg niya nang mahigpit. Tumulo na sa mga mata ko 'yung luha na kanina pa nagbabadya na makawala. "Hindi ata sapat 'yung thank you para pasalamatan ka sa lahat ng ginagawa mo para sa'kin." Hindi ko alam ba't ako naiiyak. "Daig ko pang may nag-aalaga na tatay."
Mahina siyang tumawa saka hinaplos nang marahan ang likuran ko. "Ayoko maging tatay mo, gusto ko maging asawa mo."
Nasinghot ko 'yung sipon ko. "Sira."
"I just want to make you happy, Reign. 'Wag ka na umiyak." Kiniss niya ulit ang gilid ng noo ko.
"Hindi naman ako umiiyak e. Masaya lang ako." Sabi ko habang nahikbi.
Kumalas siya sa pagkakayakap saka hinawakan ang kanang pisngi ko at marahan iyong hinaplos. "Mag-aral ka ng mabuti, okay? Maachieve mo lang 'yung pangarap mo, sapat na sa'king thank you 'yun." Tumango ako bago niya taniman ng halik ang noo ko.
New semester kaya iba na rin ang schedule ko pero hindi naman maaapektuhan ang part time job ko. Wala akong rest day sa weekdays di tulad last sem. Tulad nga nang sinabi ni Cloud ay hindi lang isang libro ang natanggap ko. Sa pitong subject ko ngayong sem, tatlong libro ang binigay niya. Kung lahat siguro available, baka kumpleto pa ibigay niya sa akin. Sobra na akong nahihiya sa kaniya. Minsan nalilito na ako kung manliligaw ko ba siya o tatay. Suportado niya pag-aaral ko e.
Sobrang helpful ng libro na binigay niya talaga sa akin dahil hindi ko kailangan pagtyagaan ang notes ko. Minsan kasi sa sobrang bilis ng discussion, may mga nalalagpasan ako kaya kulang minsan ang sulat ko. Madaling madali kasi 'yung Prof lalo na sa paglipat ng slide, kala mo naman hinahabol e.
"Here," inilapag ni Cloud 'yung cup noodles sa harap ko na binili niya.
Nasa may concrete table kami na may silong kung saan pwede tumambay. Tulad ng dati, bago ako pumasok ay gumagawa na ako ng activities ko. Nagsesearch ako sa phone ko habang si Cloud naman ay nasa tabi ko, pinapanood ako habang hinihintay na lumambot ang noodles.
"Research ba 'yan?" Usisa niya sa ginagawa ko.
Tumango ako habang tutok pa rin sa phone ko. "Hmm. Naghahanap ako ng mga related lit."
"Tungkol saan 'yan?"
"Tungkol sa vocabulary ng students. Basta ganun." Hirap ipaliwanag e.
Sinilip niya 'yung loob ng takip ng cup noodles. "Mag-isa ka lang dyan?"
"Kapartner ko si Daisy pero sa bahay na daw siya gagawa." Sagot ko.
"Hmm oki." Hinalo niya 'yung noodles nang lumambot na 'to. "Luto na. Kainin mo 'to."
Habang nagawa ay sumusubo ako ng noodles. Gusto ko sanang humigop ng sabaw kaso masyado pang mainit. Napaso pa nga dila ko e. Sinermonan niya pa ako na magdahan dahan. May dala rin siyang malamig na bottled water at siya na ang nagbukas nun para makainom ako.
Buong oras na iyon ay sinamahan niya talaga ako. Hindi niya ako inabala. Nakaupo lamang siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Minsan pag sinisilip ko siya at magtatama ang mata namin, natatawa lang ako kasi sa ekspresyon ng mukha niya. Tinataas baba niya kasi 'yung kilay niya kaya napapailing lang ako. Hindi ba siya naboboring? Halos ganito lang ang nangyayari kapag sinasamahan niya ako. Wala siyang ibang gagawin kung hindi tumabi lang sa akin habang nag-aaral ako. Kung minsan ay makakaidlip siya sa kakahintay. Wala namang kaso sa akin. Nakakatuwa rin naman siya pagmasdan habang tulog.
Dahil sa kaniya, nababawasan ang stress ko. Hindi ko na nga namalayan na lumipas na ang isang buwan. Sobrang maalaga niya. Walang araw na hindi gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Masyado na tuloy akong nasasanay sa presensya niya na sa tuwing magsasabi siya na hindi siya makakapunta ay nalulungkot agad ako.
Bumabawi naman siya sa tuwing magkikita ulit kami. Madalas niyang pambawi ay ice cream. Kakaubos lang din ng chocolates na binigay niya. Hindi ko kayang ubusin 'yun kaya binigyan ko din classmates ko at ilan sa katrabaho ko.
Malapit na ang araw ng mga puso at halos lahat ng usapin sa classroom ay kung ano ang plano nila. Araw ng mga puso pero may pasok naman.
"Buti ka pa, may date sa Valentine's day." Sabi ni Daisy habang nasa loob kami ng classroom.
Nagawa kami ng activity na by pair. Ako na ang nagsusulat sa papel, nakapag brainstorm naman na kami. Mas maganda rin kasi sulat ko sa kaniya kaya ako na ang pinasulat niya.
"Wala akong date." Sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "E ano pala si Sir Cloud ha?."
Napatigil ako sa pagsulat at napaisip. Wala naman kasi siyang nabanggit na may date kami sa Valentine's day. At saka may pasok din kami pareho. For sure malabong mangyari iyon.
"Hindi pa kami nag-uusap tungkol dyan. Busy din 'yun." Sagot ko.
"Busy daw? E halos palagi ko siyang nakikita dito na sinusundo ka." Taas kilay niyang sabi. "'Yung totoo, umamin ka nga, kayo na ano? Ikaw hindi ka man lang nagkekwento sa akin."
Minatahan ko siya na hinaan ang boses dahil narito pa ang Prof namin. "Hindi pa kami. Nanliligaw pa siya."
"Hindi pa? Hindi pa pero ang sweet na. Sana all sweet. Hindi ata ako sa educ mamamatay, sa inggit ata."
Natawa ako saka sinanggi ang braso niya para tumahimik na siya. "Tapusin na natin 'to."
***
Dumating na nga ang pinakahihintay ng karamihan. Pagpasok ko pa lang, kahit siguro hindi ako tumingin sa kalendaryo, magegets ko na kung anong araw ngayon. Buong araw, nagkalat 'yung mga pabulaklak. Kahit sa lunch time, nagkalat 'yung mga magjowa. Itong si Daisy, iritang irita. Natatawa lang ako sa kaniya kasi mukha siyang bitter.
Cloud: Happy Valentine's day!
Agad akong napangiti nang mabasa ang message niya sa akin. Hindi nagpakita si Cloud ng hapon dahil may biglaang meeting daw sila kaya naman dumiretso ako sa Library imbes na sa lugar kung saan madalas kaming tumambay. Nagkita lang kami sa gabi nang sunduin niya ako galing work.
"Happy Valentine's Day." Sabi niya nang makalapit ako.
"Happy Valentine's." Bati ko.
"Sorry, wala akong dalang bulaklak." Malungkot niyang sabi. "But I brought you something precious than flowers." Nacurious ako sa sinabi niya kaya pinanood ko siyang kapain ang loob ng jacket niya. Nahirapan pa ata siya kunin. Nang makuha niya ay itinapat niya ito sa akin. "Charan! Puso ko."
Napatitig ako sa kanang kamay niya na nakafinger heart. Hindi ko napigilan na matawa dahil sa kalokohan niya. Tumitig ako sa kaniya, nakatingin din siya sa akin, hinihintay ata na kunin ko iyon kaya naman hinawakan ko ang kamay niya para tanggapin ang finger heart niya bago ako tumingkayad saka niyakap ang kaniyang leeg. Awtomatiko namang pumulupot ang kamay niya sa bewang ko para yakapin ako pabalik.
"Thank you. Mas gusto ko 'to kaysa sa flowers." Nakiliti pa ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Dinampian niya iyon ng halik ng dalawang beses saka kumalas sa pagkakayakap para ibigay ang pangatlong halik sa noo ko. Nagsiliparan na naman ang mga paruparo sa loob ng tyan ko. Ang sarap sa pakiramdam.
"Extended pa naman siguro Valentine's bukas ano? Date tayo." Taas baba ang kilay niya habang nakahawak pa rin sa bewang ko. Pumayag naman ako.
"Tamang tama, sinabihan ako ng manager na umaga ako pumasok bukas. Pwede ako sa hapon."
Tumaas ang kilay niya, tila ba hindi nasurpresa sa sinabi ko. "Really? That's good. Saan kaya tayo? Gusto mo ba picnic date tayo since hapon naman?"
"Picnic date? Sige, gawin natin."
"Alright. Sunduin na lang kita sa work mo, sabihan mo lang ako."
"Okay po." Sagot ko.
"Okay po." Ulit niya sa sinabi ko kaya pareho kaming natawa. Nagkayakapan ulit kami bago ako magpaalam sa kaniya.
Kinabukasan, maaga akong gumising para pumasok sa trabaho. Naka Valentines theme pa rin ang resto at marami ang customers namin lalo na't weekends. Pero kahit anong pagod ko, hindi ko iyon masyadong maramdaman dahil sa excitement para sa date namin ni Cloud mamaya.
Me: Tapos na shift ko
Nang maisend ko ang text ko ay binalik ko na ang phone ko sa bag ko. Nakapagpalit na rin ako ng damit. Nagdala na kasi ako ng extra na damit sa bag para hindi ko na kailangan na umuwi ng boarding house para magpalit. Nakasuot lamang ako ng maong short tapos medyo manipis na longsleeve shirt na may hoodie.
Cloud: Be there
May silong naman sa labas ng resto kaya doon muna ako tumambay habang hinihintay si Cloud na makarating. Hindi naman ako matagal na naghintay dahil dumating din naman kaagad si Cloud. Tumakbo na ako palapit sa sasakyan niya at binuksan iyon.
"Sorry late. Natagalan ako sa pagprepare ng pagkain e." Sinilip ko 'yung picnic basket na nakalagay sa backseat niya. Nakaseatbelt pa ito.
Napangiti ako nang tignan ko siya. "Ikaw nagprepare?"
"Oo naman. Sino pa ba gagawa?" Pinaandar niya na ang kotse.
Narito kami ngayon sa picnic garden. Nakakatuwa kasi hanggang ngayon ay nakaValentine's theme pa rin ang lugar na ito. Nakasunod ako kay Cloud habang dala dala niya ang picnic basket. Hindi naman na ganoon kainit dahil alas tres na rin naman. Nagpunta kami sa ilalim ng puno. Maraming puno rito, ang iba ay okyupado na ng ilang tao. Ang iba ay magpapamilya ata, mayroon din na couple.
Binuksan ni Cloud ang picnic basket saka naglabas ng blanket. Inilatag niya ito sa damo. Tinapik niya ang blanket para paupuin ako kaya naman sinunod ko siya at tumabi ako sa kaniya. Pareho kaming nakaindian sit habang siya ay abala sa paglabas ng pagkain sa picnic basket.
"Tada."
Namangha ako habang nakatitig sa mga pagkain na nakalatag sa blanket. Iba't ibang klase pa. Mayroong club sandwich, may variety ng bite size fruits sa tupperware, tapos empanada pa ata 'to at may juice.
"Wow." Iyon lang ang nasabi ko. "Gawa mo rin 'tong empanada?"
"Yup. Hindi ko sure kung masarap 'yan. Tikman mo."
Kumuha ako ng isa at saka kumagat. Maingat ko itong nginuya sa loob ng bibig ko. Nang malasahan ko na ito ay napangiti ako dahil ang sarap. Ham and cheese empanada ata ito.
"Ang sarap," komento ko.
Napangiti siya. "Really? Buti naman."
Kinuha ko ang phone ko para picture-an ang lahat ng hinanda niya. Nagpicture muna kaming dalawa bago namin simulan na kumain. Napapikit ako nang masarapan sa ginawa niyang sandwich. Sumakto pa ang paghampas ng malamig na simoy ng hangin sa balat ko. Ang sarap tumambay sa ganitong lugar tapos ang sarap pa ng pagkain. Sobrang payapa ng paligid. Pinapaligiran pa ng puno't halaman kaya iwas polusyon.
Magkatabi lang kami ni Cloud habang nakatitig sa mga batang naghahabulan. Napansin kong hinuhubad ni Cloud ang jacket niya kaya napatingin ako sa kaniya. Humarap siya sa akin bago niya ipatong sa hita ko 'yung jacket na hinubad niya habang nakaindian sit ako. Hindi ko inasahan iyon dahil ang akala ko naiinitan lang siya. Pinigilan ko ang sarili na mapangiti. Kinilig ako sa ginawa niya. Maikli kasi ang short ko kaya siguro pinahiram niya ang jacket niya.
"Thank you." Sabi ko.
"Pwede pahiga?" Tanong niya.
Tukoy niya ata ang legs ko kaya naman tumango ako at itinuwid ang legs ko. Ang cute niya kainis. Para siyang bata na nanghihingi ng maliit na pabor. Maingat siyang humiga at ginawang unan ang hita ko. Nakababa ang tingin ko sa mukha niya habang nakatingin naman siya sa akin. Nagwala kaagad ang puso ko sa titig pa lang niya. Maya maya ay bigla siyang gumilid ng higa sa harap ko.
"Haba na ng buhok mo." Sabi ko nang hawakan ko ang kaniyang buhok para suklayin iyon.
"Maybe tomorrow, pagupit ako." Sagot niya.
Ako nga rin e. Humahaba na ang buhok ko, abot na hanggang bra ko. Iyong bangs ko wala na, humaba na rin. Tinatamad naman akong magpabangs ulit. Ako lang din kasi naggugupit sa sarili kong bangs pero kapag magpapagupit talaga ako ng buhok, sa parlor naman. Mas maganda pa rin sa parlor kaysa sariling gupit. Pero depende pa rin sa manggugupit.
Kinuha ko 'yung tinidor saka tumuhog ng watermelon na nakacut na. Kinain ko iyon saka kumuha ulit saka nilapat sa bibig ni Cloud.
"Aah," sabi ko. Tumihaya naman siya ng higa saka sinubo iyon. "Mabulunan ka ah."
"Lapit ka. May ibubulong ako." Utos niya kaya naman mas yumuko ako para ilapit ang tenga ko sa kaniya. Umangat siya nang kaunti. Ang akala ko may ibubulong talaga siya pero kiniss niya lang ako sa pisngi ko. Pagtingin ko sa kaniya, nakangiti lang siya kaya kiniliti ko siya sa tagiliran niya. "F#ck, 'wag Reign. May kiliti ako dyan gagi."
Natatawa ako kasi ilag na ilag talaga siya sa kiliti ko. Hindi ko siya tinigilan. Dalawang kamay na ang ginamit ko para parusahan siya. Tawang tawa din siya. Ang lakas ng kiliti niya ah. Para makaiwas ay gumulong siya palayo sa akin. Wala na siya sa blanket kung hindi nakahiga na siya sa damuhan.
"Bumalik ka dito." Sabi ko pero umiling lang siya. Nakadapa na siya habang nakatingin sa akin. Tumayo ako ngunit nakutuban niya ata ang gagawin ko dahil mabilis siyang tumayo para lumayo sa akin. "Cloud, bumalik ka dito."
"Ayaw. Kikilitiin mo ko e." Nandila pa siya. Parang bata.
Hindi na ako nagtangkang habulin pa siya dahil ako lang din mahihirapan. Sa haba ng biyas niya kumpara sa akin, napakaimposible na mahabol ko siya kaya ako na ang sumuko.
"Hindi na nga." Sabi ko saka bumalik ng upo.
Sinigurado niya pa kung seryoso ako bago siya magsimulang maglakad pabalik sa akin. Ngunit napatigil siya nang biglang may bumangga sa kaniya na batang lalaki na natakbo. May hawak kasi itong saranggola kaya hindi siya nito napansin. Natumba 'yung bata sa damuhan kaya naman nagulat si Cloud at mabilis itong tinulungan.
"Sorry. Are you okay?" Tanong niya habang nakaluhod kalebel ng bata, sinusuri ang katawan nito kung may natamo bang sugat.
Hindi siya sinagot ng bata. Umangat ang tingin nito sa pinapalipad na saranggola na unti-unting bumabagsak. Hindi nagawang paliparin ng bata 'yung saranggola nito.
"Ako na kukuha," sabi ni Cloud saka tumakbo para pulutin 'yung bumagsak na saranggola nito. Bumalik din siya kaagad para ibigay sa bata. "Gusto mo tulungan kita paliparin?"
Nagdadalawang isip pa 'yung bata kung tatanggapin niya ba ang alok ni Cloud. Sa huli ay pumayag ito. Tahimik ko lamang silang pinapanood. Hawak hawak ni Cloud ang saranggola habang 'yung bata naman ay nasa unahan, hinihintay ang senyas ni Cloud. Nakakatuwa. Para ko tuloy nakikita 'yung future ni Cloud kung saan nakikipagbonding siya sa mga anak niya. Ang swerte ng magiging anak niya sa kaniya sa totoo lang.
"One, two... three." Nagsimulang tumakbo 'yung bata nang bitawan ni Cloud 'yung saranggola.
Napatingala din ako, sinusundan ang lipad nito sa kalangitan hanggang sa humaba ang tali at tumaas ito nang tumaas. Tumigil na 'yung bata sa pagtakbo nang magawa na nitong mapalipad ang saranggola. Sumasang-ayon ang direksyon ng hangin kaya naman nanatili ito sa taas. Lumipat ang tingin ko kay Cloud na nakangiting nakatingala sa saranggola. Napangiti rin ako habang pinagmamasdan siya. Ang sarap niya lang titigan. Kahit saang anggulo, gwapo pa rin. Ang photogenic masyado.
Kinawayan siya ng bata kaya naman kumaway din siya dito. Sumigaw pa ang bata para magpasalamat sa kaniya. Bumalik ang atensyon ni Cloud sa akin at lumapit para umupo sa tabi ko. Niyakap ko ang tuhod ko. Ginamit ko 'yung jacket niya para hindi ako masilipan. Ipinatong ko ang baba ko sa tuhod ko saka pinagmasdan ko ang kalangitan.
"Ang ganda ang sunset." Komento ko.
"Yeah, ang ganda nga."
Nang silipin ko si Cloud, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Ngunit imbes na umiwas ng tingin, mas nakipagtitigan pa siya sa akin. Nag-init ang pisngi ko sa komento niya. I was referring to the beauty of sunset, pero ako naman ang tinutukoy niya sa komento niya. Tumambling ang puso ko. "I wanna hug you." Diretso niyang sabi.
Ako na ang kumilos at gumapang palapit sa kaniya. Pumwesto ako sa pagitan ng kaniyang binti at doon umupo patalikod sa kaniya. Inilatag ko ang jacket sa ibabaw ng legs ko. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at mabilis na pinulupot ang kamay sa bewang ko habang ako ay isinandal ang likuran ko sa kaniyang dibdib. Hinalikan niya ako sa gilid ng noo ko. Sobrang nagwawala na ang puso ko sa posisyon namin. Ang sarap sa pakiramdam na nakayakap siya sa akin habang tahimik lang kaming pinagmamasdan ang paligid.
Kapag nagsasalita siya, nakikiliti ako dahil sa hininga niya. Ang yakap niya ang siyang bumabalot ng init sa katawan ko. Nang wala ng mapag-usapan ay tahimik na lamang kami habang pinapanood ang paglubog ng araw. Sapat na sa akin ang ganito kahit na walang pag-usapan, basta kasama ko siya. Mas lalo niyang isiniksik ang sarili ko sa kaniya kasabay ng paghigpit ng yakap niya.
"Ang bango mo," komento niya nang isiksik niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. Nakikiliti talaga ako kaya nilayo ko ang leeg ko sa kaniya.
Nang silipin ko siya, tumingin din siya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Kita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya nang lumunok siya. Gamit ang kamay ko ay hinawak ko ito sa pisngi niya nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Napapikit ako nang humalik siya sa labi ko. Saglit lang iyon pero sapat na para pabilisin ang t***k ng puso ko.
Habang nakatitig sa mga mata niya, alam ko sa sarili ko na palalim na nang palalim ang pagtingin ko sa kaniya. Hindi na ako magugulat kung magising na lang ako isang araw na mahal ko na siya.